Bahagi Ni Mae

You might also like

You are on page 1of 1

Setting #29 : Isang nakakatanda na nagpapayo sa isang kabataan (habang nagbabasa ng libro si pia ay lalapit si mae) Mae: pia

nahulog mo kanina habang naglalakad ka. (*kodigo ni pia sa final exam). Pwede ba tayo mag-usap? Pia: ah...o cge po ate mae Mae: (ipabasa ang efeso 4:25) sa tingin mo pia anu iyong pinupunto ng tekstong iyan? Pia: ahm...katapatan po ate mae Mae: tama! Para sa iyo gaano kahalaga ang katapatan lalo na sa ating mga kristiyano pia? Pia: Mahalaga po. Naalala ko nga po iyong binabanggit ng Efeso 5;1 na maging tagatulad tayo ng diyos. Ibig sabihin dahil tapat ang diyos sa atin. Dapat na maging tapat rin tayo sa kanya. Mae: totoo yan pia.Napakahalaga para sa ating mga kristiyano na maging tapat sa lahat ng bagay dahil isa ito sa mga katangian kung saan tayo nakikilala ng mga tao bilang lingkod ng tunay na diyos. At dahil pareho naman tayong estudyante nais kong ipabasa sayo ang isang halimbawa eto o: Pia: Naghahanda na si Marta, isang estudyante sa haiskul, para sa kaniyang final exam. Dahil nakasalalay ang isang magandang trabaho kung makakakuha siya ng matataas na marka, gumugol siya ng mahabang oras sa pag-aaral. Naghanda rin ang ilan niyang kaklase pero sa ibang paraan. Gagamit sila ng mga pager, preprogrammed calculator, at cellphone para mandaya. Gagayahin kaya ni Marta ang ginagawa ng lahat para tiyak na makakuha ng mataas na marka? Mae: kung ikaw iyong nasa kalagayan ni marta anu sa tingin mo ang gagawin mo? Pia: Siyempre hindi ko sila gagayahin ate mae. Bilang isang kristiyano maipapakita kong tapat ako kung hindi ako gagawa ng gawang pandaraya katulad ng pagagawa ng kodigo para sa mga exams. Mae: tama ka ulit diyan pia. at Dahil karaniwan na lamang ang pandaraya sa kanila, iniisip nila na walang masama rito. Ikinakatuwiran nila, Ang mahalaga, hindi ka mahuli. Pero hindi ito katanggap-tanggap sa ating tunay na mga Kristiyano. Kahit na hindi mahuli ng guro ang mga nandaraya, may nakakakita sa kanila. Alam ng Diyos na Jehova ang ginagawa natin at pananagutin niya tayo sa ating mga ginagawa. Pia: ngayon mas naiintindihan ko na! Mae: mabuti naman pia. pero tandaan mo na hindi lang dapat dito sa school natin ipakita na tayo ay tapat. Kundi maging sa lahat ng pagkakataon. Tulad halimbawa kung tayo ay isang negosyante tapat ba tayo sa lahat ng ating transaksiyon, o kung minsan ay hindi tayo nagsasabi ng totoo sa ating kapuwa? Bilang mga kristiyano Hindi tayo dapat na magsinungaling hinggil sa ating produkto o serbisyo para lamang kumita agad. Dapat nating pakitunguhan ang iba sa paraang gusto nating pakitunguhan tayo. Pia: Maraming salamat po ate mae. Ngayon mas naiintindihan ko na kung gaano kahalaga sa ating mga kristiyano na maging tapat sa lahat ng pagkakataon. isa pa tiyak na malulungkot ang diyos na jehova kapag nakita niyang hindi naging tapat ang kanyang lingkod at ayaw ko naman pong mangyari yun. Dahil mahal na mahal ko si jehova. At marapat lang na gawin ko ang lahat ng bagay na magiging kapuri puri ang kanyang pangalan. Mae: Masaya ako para sayo pia. kaya lagi nating isaalang alang ang binabanggit ng Job 34:21 na ang mga mata ni jehova ay nasa lakad ng mga tao at ang lahat ng hakbang nito ay nakikita niya. Pia: thank you po ulit ate. Mae: o bell na pala cge pia pumasok ka na sa klase mo baka malate ka pa sa final exam mo. Pia: (lulukutin ni pia ang kodigo niya at itatapon).. End.

You might also like