You are on page 1of 1

Taong 2064 nang lumaganap ng husto ang karunungan ng tao, nadiskubre na ng tao na ang brain waves ng utak ng tao

ay maaari nang masagap at maiugnay sa frequency waves ng alinmang kasangkapan na gumagamit nito tulad ng radyo, telebisyon, computer, at iba pa. At ito rin ang naging susi kung kaya natutunan ng tao na iprograma ang utak ng tao gaya ng isang kompyuter. Ang Metro Manila ng Pilipinas ang tinaguriang sentro ng pagpo-programa ng utak ng tao. Hindi na kinakailangan pa na mag-aral ng tao gaya ng ginagawa ng mga sinaunang tao basta ang gagawin lamang ay papupuntahin ang tao sa sangay ng programa ng kaalaman upang i-program ang utak niya ayon sa kaalaman na pinili para sa kaniya. Halimbawa, kung napili ang isang tao upang maging inhenyero, ang gagawin lang ay pupunta sa taga-programa ng utak para sa Matematika at isasalang ang utak niya sa programa ng Math at kagyat na siya ay magiging eksperto sa larangan ng numero. Ang tagapamahala ng pag-programa ng utak para maging mahusay sa Math ay si Matthew at isa lamang ang departamento niya sa pitong departamento ng pagpo-programa ng utak. Nariyan din ang departamento ng Musica na pinangungunahan ni Musheka; sangay ng palakasan na pinamumunuan ni Spiro; departamento ng siyensiya o agham na pinangungunahan ni Sienna na siya ring nobya ni Matthew; si Ling na lider ng sangay ng linguistika; at ang pinakahuli na maituturing na tuso ay si Philoetius na tagasubaybay ng sangay ng Pilosopiya at may matinding paghahangad na mapasa-kaniya si Sienna na hindi mangyayari dahil mayroon ng katipan si Sienna. Kaya naman maghihimagsik si Philoetius at ipo-program niya ang mga tao bilang kaniyang bulag na tagasunod sa hangaring sakupin at mapasailalim niya ang buong daigdig. Sa kabilang dako, napapansin na rin ng magkasintahang Matthew at Sienna ang tinatawag ng program glitch sa kanilang isinasagawa at ang matinding paglala ng resulta ng kanilang ginawa, di lamang sa mga naiprogram na mga tao kundi maging sa kanilang mga sarili hanggang sa mahuli nila na ang may kagagawan ng mga kapalpakang ito ay walang iba kundi si Philoetius. At upang pigilan ang kasamaan ni Philoetius at iligtas ang buong mundo sa pagkapahamak, ay napagpasiyahan ng lahat ng mga programmer (maliban kay Philoetius) na wasakin na lamang ang lahat ng pasilidad sa pagpo-programa ng utak.

You might also like