You are on page 1of 19

MGA URI NG PANGUNGUSAP

FILIPINO 5

PASALAYSAY Pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok.

MGA HALIMBAWA

1. Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng aklat. 2. Nagising siyang parang iba ang paligid.

PAUTOS

Pangungusap na nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok.

MGA HALIMBAWA

1. Hanapin ang mga nars. 2. Huwag pabayaan ang reyna.

PATANONG

Ito ay pangungusap na patanong kung nagtatanong.Nagta tapos ito sa tandang pananong.

MGA HALIMBAWA

1. Saan kaya ako naroroon? 2. Kumusta ang mga inaalagaan ninyo?Punong Nars?

PADAMDAM

nagsasaad ng matinding damdamin.Nagtata pos ito sa tandang padamdam.

MGA HALIMBAWA

1. Aba, parang may prusisyon! 2. Hala, tawagin ang mga sundalo!

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.

1.Maraming tao ang nagsisimba sa araw ng pista.


Pasalaysay

Pautos

Patanong

Padamdam

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.

2.May palaro ba sa plasa?


Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.

3.Papasukin mo ang mga bisita natin.


Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.

4.Naku!Dumulas ang bata sa palosebo.


Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

SABIHIN KUNG ANONG URI NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.

5.Masakit ang tiyan ko!


Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

Magaling!

Pasensiya na.. subukang muli!

ANU-ANO ANG MGA URI NG PANGUNGUSAP?

Pasalaysay Patanong Pautos padamdam

TAKDANG ARALIN

Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga uri ng pangungusap.

MARAMING SALAMAT!!

You might also like