You are on page 1of 113

[Machikas List]

Forever is just a word but Eternity happens after forever. So I want to love him for ETERNITY.

Everything seems so right in the right place, with the right man... but not in the right time. +++ Machikas POV ~~~ Machika, di ba, sabi mo mahal mo ako? Sabi mo, ako lang... hindi magbabago... pero bakit ganito?

Nakita ko ang luhang nabuo sa gilid ng mga mata ni Louen... those eyes that make me weak everytime it sparkles... nagpakatatag ako, like, duh? Bata pa ako. And, Louen, 20 ka na habang 18 pa lang ako kaya pwede ba? Get lost! tinalikuran ko na agad siya.

Pagliko ko sa hallway ay napasandal ako sa pader at unti-unting napadausdos pababa kasabay ng pagpapakawala ko ng kanina pa naipong sakit sa dibdib ko... impit akong napaiyak, kung alam mo lang, Louen... kung alam mo lang... ~~~ Maam, is everything alright? Maam?

Napamulat ako ng mga mata. Nagbalik tanaw na naman ako, napapadalas yata ang gawain kong iyon. Uh, yes. Yes.

Okay, maam, please fasten your seatbelt and well be at the airport in no time, nginitian pa ako ng flight attendant bago umalis.

Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa labs ng bintana ng eroplano, hi, Philippines, Im back... for good. Is Louen alright? kausap ko sa kawalan, I hope he is... cause I guess, Im not. *** Author: A new story. ^_^ Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ang takbo ng kuwento. Basta ang akin, mailabas lang, oks na. Hehe. +++ [ML1] ~~~ Machikas POV

Oy.

Napatingin ako sa likuran ko habang naka-indian sit. Late ka ha.

Hindi ah.

Oo kaya, 25 seconds.

Ngumiti si Louen sa akin, sus pati yun binilang eh. Kumusta ang klase?

Okay lang. Sana fourth year na akong gaya mo. Ang daya kasi, napasimangot ako.

Darating ka rin naman dun. Tiwala lang. Masaya ang buhay, di ba?

Ngumiti na lang ako kesa sagutin pa siya. Oo, masaya ang buhay kapag nakikita ko siya...

Naiiyak ka na naman. May nasabi ba akong mali? nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Wala... ano... naalala ko lang yung pinanood namin nina mama kagabi, pagdadahilan ko. Pinanood... sinungaling. Mahal mo ba talaga ako, Louen?

Ano bang klaseng tanong yan? Siyempre mahal na mahal. Magtitiis ba ako sa panliligaw sa iyo ng halos dalawang taon kung hindi?

Yun ang gusto ko kay Louen,very vocal. Tumayo ako at lumuhod sa likuran niya, yinakap ko siya mula doon, mahal na mahal na mahal din kita. Wag mong kalilimutan yan ah? at di ko na napigil ang luhang umalpas sa mga mata ko. ~~~ Napasinghap ako. Para akong nalulunod na biglang nakasagap ng hangin ng bumangon sa kama. Tumayo ako at nagpunta sa terrace ng hotel na tinutuluyan ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa gilid ng mesa. I

need to see you soon, you know? kausap ko sa larawan ni Louen 6 years ago pa. May nagbago na ba sa iyo? Eh ang nararamdaman mo, nagbago na rin ba? Kasi ako, hindi pa. *** Hello, Machika? Are you safe? Nasa Pilipinas ka na ba? Pupunta na ba ako diyan, ha, anak?

Ma, youre exaggerating. Im fine, okay? napangiti ako ng marinig ang nag-aalalang boses ni Mama. Naka-long distance call ako. Nasa Japan kasi si mama kasama ang pangalawang asawa niyang si Ichiro.

Ma, give me that phone I want to talk to Machika---

Later, Dylan---oh, Machika, ano ba talaga kasi ang Pinunta mo sa Pinas?

Kahit kailan talaga ang kulit ng stepbrother kong si Dylan. Half-Japanese, half Filipino. Pero hindi kami magkadugo at mas matanda lang siya sa akin ng apat na taon.

You need not to know, mama.

Bumalik ka na ng Japan, anak, pakiusap na naman ni mama, nag-aalala ako sa iyo diyan eh. Kaya nga mas ginusto kong dito na lang sa Japan manirahan para mabantayan ang---

Ma, cut it, my mom married a Japanese, si Ichiro nga kaya kami nanirahan sa Japan pero may iba pang rason maliban doon. Ill be fine. Bye, ma, bago pa siya makasagot ay in-off ko na ang tawag. I know I wont be fine.

Binuksan ko ang notebook ko na sinimulan kong sulatan five years ago noong malaman ko kung bakit kami nagpunta sa Japan.

(Must-do):

1) Fly. 2) Touch the fire. 3) Breathe in the water. 4) Plant many trees. 5) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

Napangiti ulit ako habang binabasa iyon. Sinara ko ang notebook at nilagay sa pinaka-safe na lugar ng bag ko na walang nakakaalam kundi ako lang.

Hila-hila ang trolley ko, lumabas na ako ng hotel room at nag-check out. Here begins my life.

Nilabas ko ang kapiranggot na papel na nagsisilbing guide ko ngayon. Tumitingala ako sa bawat posting madaanan ko, sa bawat gusaling nakikita ko. Ah, here you are, sabi ko na may ngiti sa labi habang binabasa ang nakasulat sa taas ng building: Vellez Corporation.

Pumasok ako, good morning, miss, bati ko sa front liner.

How may I help you, maam?

May I talk to Louen Vellez, please?

Do you have a scheduled appointment with him, maam?

Uh, no. Just tell him my name, Machika Eresa.

Kinuha agad niya ang telepono at may kinausap doon. Maam, umakyat na lang daw po kayo at maghintay, if thats okay with you.

Yes, Im okay with that. Thank you so much.

Pumasok ako sa elevator. Nagtataka ang mga taong kasabay ko doon kasi may dala-dala akong trolley habang Business corporation iyon at hindi hotel. Pero wala akong pakialam sa kanila. I just want to see Louen.

Miss Eresa? salubong sa akin ng babaeng marahil ay secretary ni Louen.

Succesful na nga talaga siya gaya ng sabi sa akin ni Louella, kapatid ni Louen, nung minsang nag-chat kami. Yes?

This way, maam, at giniya niya ako sa waiting area. Dito na lang po muna kayo, maam.

Thank you.

Naupo na ako. May ibang tao doon. Miss, mag-a-apply ka ba sa trabaho? tanong sa akin nung isang babae doon.

Umiling ako, no, Im here to see Mr. Vellez. Bibisitahin ko lang siya.

Ha? Pero magkaiba ang waiting area ng mga bibisita sa mga mag-a-apply.

Kumunot ang noo ko at medyo kumirot ang dibdib ko sa narinig. Is this the beginning of Louens revenge? Pinilit kong ngumiti. Okay lang yun, basta makita ko siya.

Next! sabi nung secretary ni Louen at umusad ang linya sa waiting area.

Ganun pala yun, hes treating me as an applicant. Ngumiti ako sa sarili ko kaysa magreklamo pa. I wanted this so I dont have the right to complain. *** Authors note: Bigla akong nagbago ng preference sa pagsusulat, instead na super happy, why not like this, di ba? Subok lang naman. Hihihi. +++ [ML2]

Machikas POV

Miss Eresa, youre next.

Napatingin ako sa secretary na medyo may alangang ngiti sa mga labi.

Tatlong oras din akong naghintay kasi ilang beses akong pi-nostpone ng secretary. Pero imbes na sumimangot ay nginingitian ko pa siya at ng mga aplikante kasabay ng pagsasabing: Okay. Its fine with me, go on. Tumayo ako, arigato, nag-bow pa ako gaya ng nakagawian ko sa Japan. (Thank you)

Nakahanda na ang ngiti ko pagpasok sa pinto. May nakita akong isang lalakeng nakatalikod ang swivel chair sa mesa. I know its Louen. Buhok pa lang niya, maging ang pagkakahawak niya ng ball pen, alam kong siya na iyon.

Kon nichi wa, bati ko sa kanya. (Hello)

Unti-unting pumaikot ang swivel chair niya paharap sa akin.

Nahigit ko ang paghinga ko. Malaki na ang pagbabago niya. Those lips... his jaw line... everything... he became more manly after six years. Mukhang di naman siya nasorpresa pagkakita sa akin, what do you need? malamig na tanong niya sa akin.

You.

Yeah right, thats funny. I dont have time playing around here so if you dont mind, get lost, binigyang diin pa niya ang mga katagang get lost na parang sumipa sa akin.

Ngumiti pa rin ako mas lumapit sa mesa niya, Im not here to play. Di ako makahagilap ng salita para sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.

What? tumaas ang isang kilay niya at medyo dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.

What what?

Leave me alone, Machika. Ive been living my life so good these past six years. Six years.

Hmm?

Tumayo siya mula sa swivel chair at naglakad palapit sa akin. Di ako natinag sa pansisindak niya. Look, Machika, arent you afraid of me?

I shook my head, Why should I? Im not afraid, and I gave him my sweetest smile ever, I guess Im still in love with you.

Hinarap niya ako. Liar.

Im not.

You are.

Nakipaglabanan ako ng tingin sa kanya.

Go out, Machika.

Ayoko.

Go--- out, matigas na sabi niya.

Ang sakit. Huminga ako ng malalim tapos nginitian siya, okay. But dont expect na mawawala na ako ng ganun ganun na lang... naglakad ako papunta sa pinto, hinawakan ko ang seradura niyon pero bago ako tuluyang lumabas ay nagsalita pa ako, kamatayan na lang ang makakapaghiwalay sa akin sa iyo, Louen. Only death.

Lumabas ako ng gusali at naupo sa gutter sa kabilang kalye. Alas-onse pa lang ng umaga at masakit na sa balat ang sikat ng araw pero wala akong balak umalis doon. Hihintayin ko si Louen. *** Louens POV

Sir, theres a lady here looking for you, sabi ng front liner sa kabilang linya.

Ugh. Is that Lizzy? Tell him Im on a meeting, sabi ko kahit nag-iinterview lang naman ako ng mga aplikante.

No, sir... her names Machika Eresa, she said she wants to see you.

Napatigil ako sa ginagawa. How can I forget that name? Uh... pa-paakyatin mo na lang siya at bahala na ang secretary ko sa pag-aasikaso sa k-kanya.

Pagbaba ng telepono ay binuksan ko ang drawer ko at nilabas ang maliit na frame doon. What do you need now? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin noon anim na taon na ang nakakalipas? kausap ko sa larawan ni Machika... it was an stolen shot of her while laughing. Naramdaman mo bang di pa ako nakakapag-move on kaya nandito ka ulit para saktan na naman ako?

Pinikit ko ang mga mata ko. Am I ready for this?

Louen, Miss Eresas on her way, anunsyo ni Aliyah, ang secretary ko.

Come inside, Ali, sabi ko, wag sa waiting area ng mga visitors mo siya dalhin.

Ha? Eh saan ko siya dadalhin? Alangan namang bugawin ko siya paalis? ganun lang talaga magsalita si Aliyah, she was once my ex but our relationship didnt work out and then we turned into good friends. Aha. Alam ko na. Siya ba?

Shut up, Ali. Alam niya. Kasi si Machika din ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Kaya walang nagtatagal na girlfriend ko. Sa waiting area ng mga applicants mo siya dalhin.

Sh*t, ang sama mo, Louen.

Mas masama siya. Now go.

Dumabog pa si Aliyah paglabas niya.

Maya-maya ay may mga pumasok ng aplikante, pagkatapos nun ay tinawag ko ulit si Aliyah.

Wag na muna siya, sabihin mong mamaya na.

What? Pangalawang beses na itong pampo-pospone mo sa kanya ah!

Alam ko.

Sumimangot si Aliyah, Louen, hindi siya tanga. At magda-dalawang oras na siyang naghihintay sa labas.

I dont give a damn. If I have to make her wait for the rest of her life, I would.

Argh.

Yun lang at lumabas na si Aliyah. Pagkatapos ng lima pang aplikante ay sinenyasan ko na si Aliyan na papasukin na si Machika. This is it.

Inikot ko ang swivel chair patalikod sa pinto. Pakiramdam ko ay kailangan kong magdasal bago ko siya tignan. Baka bigla akong mag-break down sa harapan niya.

Kon nichi wa.

Oh, that voice...

I tried my best para pigilin ang nararamdaman kong excitement na lapitan siya at yakapin ulit gaya ng dati. Unti-unti akong umikot paharap. Nakita kong pinagmasdan niya akong mabuti. Good, ganyan nga, tignan mo ang taong sinaktan mo anim na taon na ang nakakalipas.

But her eyes... she possessed the blackest eyes a girl could ever wish for. Those eyes that fooled me.

What do you need? malamig na tanong ko sa kanya. Pinilit kong wag ipakita ang pagkasorpresa ko. Maganda na siya noon pero mas maganda pa siya ngayon.

You.

Yeah right, thats funny. I dont have time playing around here so if you dont mind, get lost, talagang diniinan ko ang get lost dahil yun ang huling sinabi niya sa akin noon. Wala siyang paalam basta ang huling balita ko ay lumipad na sila ng mama niya patungong Japan.

Im not here to play. Lumapit pa siya sa mesa ko at binigyan ako ng ngiti. Gusto ko siyang sabihang tumigil sa pagngiti, ayoko ng mga ngiti niya... parang bumabalik ang nararamdaman ko... oo ngat di pa naman nawawala pero ams lalong nabubuhay iyon kapag nakikita ko siya.

What? itinaas ko ang isang kilay ko at pinilit na padilim ang mukha ko.

What what?

Leave me alone, Machika. Ive been living my life so good these past six years. Six years.

Hmm?

Tumayo ako para sindakin siya at lumapit sa kanya. Look, Machika, arent you afraid of me?

She shook her head, Why should I? Im not afraid, and she gave me her sweetest smile ever, I guess Im still in love with you.

Hinarap ko siya. Liar. Still love me? She never loved me before!

Im not.

You are.

Naglabanan kami ng tingin.

Go out, Machika. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal. I see innocence in her eyes.

Ayoko.

Go--- out, matigas na sabi ko sa kanya.

Okay. But dont expect na mawawala na ako ng ganun ganun na lang... naglakad siya papunta sa pinto, binuksan na niya ang pinto, kamatayan na lang ang makakapaghiwalay sa akin sa iyo, Louen. Only death.

What is she talking about?

Naupo na ako sa swivel chair. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ganun pa rin ang epekto sa akin ni Machika. ***

Author: Masyadong seryoso, ano, hane? Ganyan po talaga eh! Pasensya naman! +++ [ML3]

Louens POV

Pumasok si Aliyah, at binuksan ang kurtina ng opisina ko. Di ko binubuksan iyon kasi masyadong nakakadistract ang mga sasakyang nagdaraan sa highway. Poor, Machika, umiling-iling pa si Aliyah habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nakitingin na rin ako, what the hell---?

Yes, you are hell.

Tsk!

Nasisiraan na ba ng bait si Machika?

Nakaupo siya sa gutter ng kabilang lane habang nakasandal sa trolley niya. Wala siyang pakealam sa mainit na sikat ng araw. Maging ang mga taong nagdaraan ay pinagtatanginan na siya.

What now?

Tumingin ako kay Aliyah. Ano?

Look at her, parang mawawalan na siya ng malay.

Di ko siya sinagot. Tinignan ko ulit si Machika sa ibaba, sinasalat niya ang noo niya at base sa pagkakatingin ko mula sa itaas, nakayuko siya.

Napalunok ako sa hindi malamang dahilan.

Now, where are you going?

Sabi mo, para siyang mawawalan ng malay so Im going down before that girl lost her conscious. Ugh. Pinaikot ko pa ang mga mata ko.

Sumakay ako sa elevator.

Im coming, anunsiyo ni Aliyah na sumakay na rin sa elevator. Siya na rin ang pumindot sa button.

Pagkalabas namin ay nakita kong may komosyon sa labas.

Sh*T! tumakbo agad ako patawid ng kalsada.

Oh tabi po kasi kayo, tabi po, sabi nung isang ale na nakaalalay kay Machika.

Ako na, agaw ko. Agad kong hiniga ang ulo ni Machika sa braso ko at ang isang kamay ko ay tinampal ko sa pisngi niya, Machika... Machika... can you hear me?

Lo-Louen...

Sa kalagayan mong yan, nakukuha mo pang ngumiti, I hissed. Ngumiti pa kasi siya sa akin gayong ang sakit na nga ng sikat ng araw sa balat ko--- ano pa kaya sa kanya. Dadalhin kita sa ospital.

N-no! pumikit siya kasabay ng paghawak sa sentido niya, Im fine... because youre here... at hinaplos niya ang nakakunot na noo ko.

Geez, woman! Saang hotel ka ba naglalagi at ihahatid na kita! ilang ulit akong lumunok. Parang natuyo ang lalamunan ko.

Louen, wag tanga, pwede? Dadalhin ba niya nag trolley niya kung nagho-hotel pa siya? singit ni Aliyah na nakasunod pa rin pala sa akin.

Ayaw magpadala sa ospital tapos umalis na rin sa hotel! Ano pa bang sakit ng ulo ang dala sa kin ni Machika? Psh!

Ali, cancel all my appointments. Im going home... with this--- ugh--- woman, bago pa makasagot si Aliyah ay binuhat ko na si Machika na agad namang kumunyapit sa batok ko. Kindly carry her trolley please.

Ginawa pa akong tagabuhat, angal ni Ali pero alam kong biro lang niya yun.

Nagpunta kami sa parking area ng building, sinakay ko sa tabi ng drivers seat si machika at ako na rin ang nagsuot ng seatbelt niya, mataman naman niya akong tinitignan. Nag-thank you pa ako kay Ali bago sumakay.

Thanks, Louen.

Magpapahinga ka lang sa bahay tapos lumayas ka na. *** Machikas POV

Magpapahinga ka lang sa bahay tapos lumayas ka na.

Aray.

Ang sakit.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko agad-agad matatanggal ang galit at poot na bumabalot sa puso ni Louen ngayon.

Pinigil ko ang sariling maiyak.

Maybe out of your house but not out of your life... sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Di ko na siya tinignan pa. Tumalikod ako ng tuluyan, may kumawala kasing maliit na butil ng tubig sa mga mata ko, mahirap na at baka makita pa ni Louen.

Ayokong magpadala sa ospital, maaga pa... maaga pa para dun. Kaya ko pa naman. Kakayanin ko pa para kay Louen.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking gate, may nilabas si Louen sa bintana at pinindot yun, bigla na lang bumukas ang gate ng kusa... remote pala yun, palibhasa wala kaming gate sa Japan kaya di ko alam yun.

Bumaba ka na, kaya mo na ang sarili mo, yung bag mo nasa compartment, buhatin mo na lang, matigas na sabi ni Louen.

Di niya ako pinagbuksan ng pinto kaya bumaba na ako bago pa magbago ng isip si Louen at palayasin na ako agad. Louen... tawag ko sa kanya, malapit na siya sa pintuan ng bahay niya, do I deserve such treatment?

Did I deserve such treatment, Machika? balik niya sa akin na diniinan pa ang did.

I know what hes talking about... kesa sumagot ay binuksan ko na ang compartment ng sasakyan at binuhat ang trolley ko. Hinila ko yun papasok ng bahay niya.

Pagpasok ay nilibot ko ang paningin ko dun. Tahimik ang paligid... baby blue ang kulay ng mga pader tapos may maliit na chandelier na disenyong kandila ang mga ilaw... ~~~ If Ill have a house, my own house, ayoko ng normal na ilaw... gusto ko parang kandila ang mga ilaw niya para mawiwindang ang mga makakakita... tapos gusto ko asul ang mga pader kasi parang nasa heaven ka na nun, nakangiting saad ko kay Louen habang nakaupo siya sa sofa ng bahay nila at nakahiga naman ako sa hita niya.

Hinaplos niya ang buhok ko, masyado kang nangangarap pero kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko.

Ang sweet naman ng boyfriend ko, ginawaran ko siya ng ngiti kasabay ng pagpikit kasi di ko na napigil ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata ko. Inatanong ko ang sarili ko, kailan pa ba yun? Kailan? ~~~ Dont just stand there.

Napakislot ako. Nagbalik-tanaw na naman pala ako. Mas gusto mo pa rin pala ang mag-isa sa bahay, natatandaan kong walang katulong noon sina Louen kahit na mayaman sila kasi mas gusto ng mama niya na gawin ang lahat ng gawaing bahay. Kaya yun, nakuha ni Louen ang ugaling iyon. Asan na nga pala sina mama--- tita Jane at tito Rick? napatigil ako.

Kumibot ang labi ni Louen na parang may gustong sabihin pero bigla siyang tumalikod, sa family house.

Pakiramdam ko, isa akong IBANG TAO kay Louen. Magmula ba nung nakipaghiwalay ako sa kanya, tinuring na niya akong IBANG TAO? Ganun na ba ako kasama sa paningin ni Louen? *** Author: Aisht. Okay, payn. XD +++ [ML4]

Machikas POV

Machika, tawag sa akin ni Louen.

Nakaupo ako sa sofa sa sala.

Its time for you to go now.

Napayuko ako.

Stand up at ihahatid na kita sa labas ng bahay.

Di ako kumilos. Bumalik ako sa Pilipinas para sa yo. Please dont send me away...

Stand up at ihahatid na kita, ulit niya.

Louen... please? Kahit dito lang ako sa sofa, tatanggapin ko. Kahit sa sahig pa kung ayaw mong hawakan ko ang sofa mo... I can be outside the house at night if youd tell me... gagawin ko, Louen, just please dont send me away... please? this time, tiningala ko na siya with tears running down my cheeks. Kahit gaano ko man pigilan ang pag-iyak ko, di ko magawa.

Nakita kong gumalaw ang panga niya. Di ko alam kung awa ba ang mga nasa mata niya.

Di siya kumibo...

Maybe he doesnt want me back...

Maybe I hurt him so bad...

Tumayo na ako at hinawakan ng mahigpit ang trolley ko.

Stay at the maids quarter.

Narinig kong saad niya.

Maids quarter... wala akong karapatang pumili... Thank you... pinunasan ko ang luhang nasa mga mata ko at nginitian siya. At least di ko kailangang lumayo kay Louen... makikita ko pa rin siya everyday. And Im fine with that... very fine...

Tinalikuran na niya ako... alam ko kung nasaan ang maids quarter... yun ang kuwartong nasa ilalim ng hagdan. Masikip lang yun pero okay na kumpara sa malayo ako kay Louen... not again.

Inayos ko ang mga damit ko sa maliit na cabinet dun.

Nag-ring ang cellphone ko.

Hello? sagot ko habang nakaupo sa kama na manipis lang ang kutson.

Machika, O-genki desu ka? (How are you?)

Ma, katatawag lang ninyo kanina ah. Genki desu. (Fine. Thank you) Ma, Im with Louen...

Nani? Sinabi mo na ba--- (What?)

Ma, wala akong dapat sabihin... all I want to do now is enjoy the moment with him... my last moments...

Machika...

Ill be fine, ma. Big girl na nga ako sabi ni Kuya eh.

Bahala nga kayo. Mag-usap daw kayo oh, sabi ni mama bago ako makarinig ng rumbling sound.

Machika?

Dylan! pinasigla ko ang boses ko. Sa dami ng taong malapit sa akin, si Kuya Dylan ang madalas magpalakas ng loob ko.

Samishi katta desu. (I miss you so much.)

Awww, me, too, brother, ilang araw pa lang kaming nagkakahiwalay pero parang taon na ang nakakalipas.

Are you alright there? Arent you feeling dizzy? Do you drink your---

Yes, no and yes... putol ko sa sasabihin niya. Im fine... Kailangan kong magsinungaling para hindi na sila mag-alala pa sa akin. I guess I need to say Im sorry the moment well see each other again...

Machika, may kumatok sa pinto, si Louen.

Dylan, Ill call you back later, okay? I love you, brother. Take care, bago pa siya makasagot ay binaba ko na ang cellphone at hinarap si Louen. Yes?

Im so sorry for the way I treat you.

Huh?

Ah---ahmmm, di ko alam kung paano magre-react.

Ive been harsh... I know but Im so sorry.

Tama ba ang naririnig ko? Ngumiti ako, its okay.

If you want me to do something... sabihin mo lang... I guess, masyado akong naging masungit sa iyo, malambot ang ekspresyon ng mga mata niya.

Yes, I want something.

What is that?

I want us to go bunjee jumping and do the zipline.

Napalitan ng nagtatakang anyo ang mukha niya. *** Author: Im so nashushunga. Mwehehe. Ano pa bang bago? LOL +++ [ML5]

Yes, yes, Ali, she cried in front of me at parang ang inosente ng mga mata niya, ulit ko na naman sa kabilang linya.

Tinawagan ko si Aliyah, shes my adviser.

I told you, seryoso siya, Louen, masyadong magaspang ang ugali mo sa kanya.

Napatigil ako, napasobra ba ako? Pero mas sobra siya noon sa akin.

Sige, pairalin mo ang pride mo. Answer me, do you love her? Kahit lumipas na ang anim na taon? Kahit na sinaktan ka niya noon?

Napatigil na naman ako, I could still remember Machikas laugh echoing around everytime I tell jokes kahit na corny naman sa pandinig ng ibang tao... yes, walang gatol na sabi ko.

Then apologize... base sa nakita ko kay Machika kanina, shes serious. At narinig mo naman ang sinabi niya kanina di ba? Hindi na siya nagpadala sa ospital kasi okay na daw siya basta makita ka lang... youre so lucky, Louen.

Thank you, Ali. I just dont know how to decide if youre not there.

Wag kang magpasalamat oy, may increase ako dito, oh siya, umalis ka na at natengga pa ang gagawin dito sa office kasi umalis ka na lang ng di tinatapos to.

Thanks, Ali, so much.

Binaba ko na ang telepono. Nakapag-isip-isip na ako. Susugal uli ako kay Machika... kakalimutan ko ang nangyare noon...

Sheez, ang laki mong tanga, Louen... ang laki-laking tanga... humarap muna ako sa pader at dinantay doon ang noo ko.

The walls are blue... just like how Machika wants it... the chandeliers have unique designs, just like how she wants it... all the curtains are floral... the table are not circle and not square or rectangle, di nga madesisyunan kung ano ang shape nun kasi gusto ni Machika ng free form na mesa at ang gusto niya ay kahoy pa... lahat ng yun tinandaan ko para kapag dumating ang panahon na ito na babalik siya sa akin, masisiyahan siya.

Pero anong ginagawa ko ngayon? Ugh! Pinatuloy ko pa siya sa maids quarter...

Bumaba ako at kinatok ang kuwarto niya. Machika.

May kausap siya sa cellphone niya.

Dylan, Ill call you back later, okay? I love you, brother. Take care, pinatay na niya iyon at hinarap ako. Yes?

Dylan... her step-brother... alam ko yun kasi kinwento na sa akin ni Louella noon pa, kunwari di ako nakikinig kapag nagkukwento ang kapatid kong kasing-edad ni Machika pero ang totoo ay pinapasok ko sa utak ko ang lahat ng tungkol sa kanya.

Im so sorry for the way I treat you, diretsahang sabi ko.

Ah---ahmmm, nagtataka siya.

Ive been harsh... I know but Im so sorry, di na ako nagpaliguy-ligoy pa. Napalunok pa ako pagkatapos kong sabihin yun.

Ngumiti na naman siya. Thats one thing I like about her, she never fails to find a reason to smile, its okay.

If you want me to do something... sabihin mo alng... I guess, masyado akong naging masungit sa iyo, offer ko. Ayoko pang matapos ang pag-uusap naming iyon.

Yes, I want something.

What is that? buti naman.

I want us to go bunjee jumping and do the zipline.

What on earth? W-why? sa dinami-rami ng pwedeng hingin, bakit yun pa?

Nagkibit-balikat siya, please?

Okay... ginantihan ko ang ngiti niya, this is a good start. Carry your things and transfer to the room in the left, second floor, sabi ko pero ako naman ang bumuhat sa mga gamit niya.

Pagkalapg ko sa loob ng kwarto ng mga gamit ni Machika ay biglang nag-brown out.

Ow, geez! sabi ko.

Naramdaman kong may mainit na kamay ang humawak sa braso ko... Machika... ~~~ Hey, wag mo kong tsansingan, di por que takot ako sa dilim, pagsasamantalahan mo na ako... sabi ni Machika sa akin na mas lalo pang siniksik ang katawan sa mga braso ko.

Ako naman si tanga na nasisiyahan pa at nagdarasal na sana ay humaba pa ang brown out. Hindi na natin magagawa ang project mo, kunware ay sabi ko kahit ayoko pa namang gumawa.

Hayaan na muna yan basta wag kang hihiwalay sa akin, sabi pa niya sa akin.

Sa ganoong posisyon kami nagtagal... hanggang sa makatulog na siya sa paghihintay ng kuryente. ~~~ Kukuha lang ako ng kandila, ani ko.

W-wag mo akong iwan dito...

Naaninag ko ang mga mata niya sa dilim, sumama ka na lang, matatakutin ka pa rin hanggang ngayon, iniakbay ko ang braso ko sa balikat niya.

Bumaba kami ng hagdan na halos magkayakap na. Pasasalamatan ko ang MERALCO dahil dito.

*** Author: Lame ba? Kasi POV ni Louen eh, waley naman akong alam na idagdag! +++ [ML6]

Machikas POV

Enjoy the moment while it lasts...

This is my start... our start...

Pagbaba namin sa kusina ay agad kumuha ng kandila si Louen at sinidihan iyon.

Sa sala tayo, sabi niya sa akin.

Humawak uli ako sa braso niya at naglakad kami patungong sala.

Huh? How?! para akong batang nakakita ng magic trick nang makita ang ginagawa ni Louen sa kandila. Pinapadaan niya ang hintuturo niya sa maliit na apoy ng kandila.

Im touching the fire, natatawang sabi niya sa akin.

Must-do number 2: Touch the fire

Its on my list!

Pasubok!

Haha, wag mo lang tatagalan ang pagdaan ng daliri mo sa apoy, paalala niya sa kin.

Ginawa ko yung sinabi niya at ginaya siya kanina. Wow! I never thought that touching the fire is this easy! amaze na sabi ko.

(Must-do): 1) Fly. X Touch the fire. 3) Breathe in the water. 4) Plant many trees. 5) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

One down, six more to go.

Para kang bata, natatawang komento sa akin ni Louen. ~~~ Aw, stop that, sabi ni Louen habang kinakalikot ko ang wallet niya.

Ahaha! Ang cute mo dito oh! sabi ko habang pinagtatawanan ang picture ni Louen nung 11 years old pa lang siya, naka-brace pa siya dun noon, Im sure that our sons and daughters will-be will laugh at this, dugtong ko pa.

Ngumisi siya sa akin, so, youre dreaming of having sons and daughters now, huh? binigkas pa niya ng todo yung s sa dulo ng mga salitang iyon.

What if I say yes?

Ah, you tease!

Nagtawanan pa kami ni Louen bago ko pinagpatuloy ang paghalungkat sa mga makalumang pictures niya. Yes, I want a child... but I dont want that child to lose his mother at the day of his birth... ~~~ Tunaw na yang kandila, di mo pa rin tinantanan, sabi sa kin ni Louen, may 30 minutes na siguro mula ng mawala ang kuryente pero tuloy pa rin ako sa pagdaan ng daliri ko sa kandila.

I will surely miss this! wala sa sariling pahayag ko.

What miss that? kunot-noong tanong sa kin ni Louen.

Ops, nothing, ngumiti ako, si Louella nga pala? Louellas Louens sister and my bestfriend back then at naging daan din kung bakit kami nagkakilala ni Louen noon. Siya rin ang pinakibabalitaan ko noong wala ako sa Pilipinas.

Well, shes fine... bisitahin natin siya bukas?

I would love to, I want to see my bestfriend. Lagi na lang kaming sa facebook nagcha-chat... and, oh, hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit ako nawala.

Shed be surprise to see you... with me, makahulugang sabi ni Louen.

Surely, she will, sagot ko na pinagpatuloy ang paglalaro sa kandila.

Im wishing that the candle be off. I dont want Louen to see my facial expression right now... its like my heads being bumped...

So Id pray... I could breakaway... I spread my wings and I learn how to fly...

Kumanta ko habang nakatingin sa nauupos ng kandila, I used to sing it kapag nakasilong kami ni Louen sa paborito naming puno sa eskwelahan namin noon.

You still sing that song, puna niya sa akin.

Everytime I remember you, sabi ko.

Bakit, naaalala mo ba ako ngayon eh nandito lang naman ako sa tabi mo? kinulong niya ako sa mga braso niya gaya ng ginagawa niya sa akin kapag tumatambay lang kami.

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya, kahit katabi kita, nasa isip pa rin naman kita ah.

Di siya sumagot, binigyan lang niya ako ng halik sa buhok ko.

I captured that moment and kept it inside my heart. I wont forget it... *** Author: Breakaway ^_^V +++

[ML7]

Machikas POV

Sasama ako, anunsiyo ko kay Louen kinaumagahan. Nakapag-ayos na rin ako kasi balak ko talagang sumama kay Louen papuntang office.

Babalikan na lang kita, bibilinan ko lang naman si Aliyah and then pupunta na tayo sa resort for that activity you asked me, okay?

Kinuwento niya sa akin kagabi ang past nila ni Aliyah, Im so thankful sa babaeng yun, I need to thank her din. Basta sasama ako, sumakay na ako sa kotse bago pa maka-angal si Louen.

Ahy ang tigas talaga ng ulo mo, aniya at sumakay na rin.

Nakangiti lang ako habang-daan. Pasulyap-sulyap ako kay Louen habang nag-da-drive. Nun pa mang college kami, may sasakyan na si Louen na madalas naming gamitin kapag nag-a-out of town every weekend. Those were the days... Hay pero pipilitin kong palitan ang mga araw, buwan at taon na lumipas at nasayang.

Bumaba na rin ako nang bumaba si Louen ng sasakyan. Nakasunod lang ako sa kanya kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao dun. Nakuha ko pa silang ngitian.

Yaa. Ohayou gozaimasu, bati ko kay Aliyah. Maganda siya, mahaba ang buhok at bagay sa kanya ang make-up niya. Na-consious tuloy ako kasi hindi man lang ako nag-make up. Naka-shorts lang ako, simpleng blouse at rubber shoes lang pagkatapos ay pinusod ko ang buhok ko pataas. (Hi. Good morning)

Hindi kita maintindihan pero mag-a-assume akong maganda ang ibig sabihin niyan, nakangiting sambit niya sa akin.

Sumunod siya sa amin sa pagpasok sa loob ng office ni Louen.

Ill be leaving for a while, sabi ni Louen.

And for a while means months, right? tanong ni Aliyah.

You know me that much, thanks, Ali.

If thats for your happiness and Machika, why not? Off you go, natatawang pagtataboy sa amin ni Aliyah.

I mouthed thank you to her.

May kinuha lang si Louen sa ilalim ng desk niya na ayaw man lang ipakita sa akin. Binulsa kasi agad niya.

Nakatira pa rin si Louella sa parents niyo? tanong ko kay Louen habang nasa daan kami patungo sa family house nila.

Tumango siya, you know that shes my daddys girl kaya ayaw mahiwalay sa kanya kahit na ang tanda tanda na. Buti ikaw, pinayagan ka ng mama mong pumunta dito sa Pilipinas ng mag-isa?

Hindi ako pinayagan, nagpumilit lang ako para sa iyo, para makita ka. Yah, hindi ko na pinahaba pa ang sagot ko.

Bumusina si Louen sa harap ng magarang gate. Natatandaan ko pa yun. ~~~

Nakakahiya, papakilala mo na talaga ako? nakayukyok lang ako sa sulok ng kotse ni Louen habang bumubusina siya sa harap ng gate nila.

Ngumiti siya, dont be. Magugustuhan ka nila. Theyll meet the woman wholl give them grandchildren, ngumisi pa siya sa akin.

Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na sumagot pa. I really hope so... ~~~ Oh--- my--- Gosh! Machika!

Nagbalik ang diwa ko nang marinig ang tili ni Louella.

Sinalubong niya kami habang nasa likuran naman niya ang mag-asawang Vellez. Yinakap ako ni Louella, oh my, Lou! nakipag-beso-beso naman ako sa mama ni Louen kahit nahihiya ako.

After what happened six years ago, hindi ko alam kung paano sila pakiharapan.

Youre still beautiful, Machika, sabi sa akin ni Tita Jane. I used to call her Mama.

T-tita---

Why tita? Call us mama and papa! Sabi ko na nga bat magkakabalikan din kayo ni Louen, youll be together for the rest of your lives... parang nangangarap na saad niya.

I dont know what to say...

For the rest of your lives...

That is equivalent to forever...

Ma, pa, pumasok na tayo sa loob, thanks to Louen, pumasok na nga kami. Nawalan ka na ng imik? tanong sa akin ni Louen pagkapasok namin.

Gutom lang siguro to, pagdadahilan ko.

Dating gawi tayo, hinanda ko na ang videoke sa music room, masayang sabi ni Louella. Ganun kami noon, nag-ba-bonding sa music room at lahat kumakanta kahit na hindi naman kagandahan ang mga boses.

Napangiti ako, sinulyapan ko si Louen, sing for me.

No way, tanggi niya.

Sing for me, please? nagpa-cute ako. I want to hear his voice... I want him to sing.

Ahy ang dami pang drama, tayo na! nauna na si Louella sa music room na nasa second floor ng bahay.

Sumunod naman kami.

Dim lang ang ilaw sa music room na sinabayan pa ng malilikot na ilaw para magmukhang videoke bar talaga.

Nauna kumanta si Louella.

Shes been practicing her voice since gradeshool but never have improvements, bulong sa kin ni Louen. Kahit kailan talaga ay sinisiraan na niya si Louella sa akin. But I agree, hindi naman kasi talaga kagandahan ang boses ni Loulla pero kailangan naming pagtiisan kundi magtatampo siya sa amin.

Youre next... go on, tinulak ko pa si Louen patayo.

Go, son, prove to these girls that us, men, have the talent, pagpapalakas ng loob ni papa Rick kay Louen.

Palibhasa, isa pang walang talent sa pagkanta si papa Rick kaya si Louen lagi ang pinapaharap sa mikropono.

Ganbatte ne! (Good luck)

Pumailanlang ang kantang Everyday I Love You ng Boyzone.

I dont know but I believe... That some things are meant to be...

Yes, ako rin, naniniwalang meant to be ang ilang bagay...

And that youll make a better me... Everyday I love you...

I love you every second of my life... that will never ever change...

Pinapanood ko lang siya habang kumakanta sa harap... di ko namalayang umiiyak na pala ako. Nakatutok sa akin ang mga mata niya, pero dahil madilim sa kinaluluguran ko, alam kong di niya ikita ang pag-iyak ko... Louen, I love you... everyday... every single second... *** Author: Di ko na patatagalin ang pag-a-update sa kwentong to. Gusto kong matapos na agad-agad ee. +++ [ML8]

Machikas POV

Kanina ko pa pinagki-kiskis ang dalawang palad ko.

Sure ka bang gagawin mo to? tanong na naman sa akin ni Louen. Pangatlong beses na ng pagtatanong niya sa kin yun.

Nakasuot na ako ng helmet at harness at kung anu-ano pang kaek-ekan dun. Hai, huminga ulit ako ng malalim. (Yes.)

Yung double ang kinuha naming zipline ni Louen para sabay kami.

I want this recorded, dagdag ko pa.

Huh? How?

May pinapaupahang cam, mag-upa tayo, gusto kong mapanood mo to ng paulit-ulit--- basta! muntik ko ng masabi yun.

Nagtataka man ay sumunod si Louen sa akin. Umupa kami ng camera at kinabit sa harness namin.

Ready, maam, sir? tanong nung lalakeng nag-a-assist sa zipline.

Hinawakan ni Louen ang kamay ko bago kami tinulak ng lalake.

Ahhhh! sabay pa kami sa pagsigaw ni Louen tapos nagtatawanan kami.

Feeling ko matatanggal ang baga ko at mahuhulog ako sa ibaba. Ang taas pala. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Louen.

If only I could pause the time, I will.

Natapos ang zipline na nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang di naman makapagsalita si Louen.

Lets do it again!

Argh, wag na!

Natawa ako sa reaksyon ni Louen. Yinakap ko siya, Sumimasen! (Thank you)

Kumunot ang noo niya pero nakangiti pa rin.

(Must-do): X Fly. X Touch the fire.

3) Breathe in the water. 4) Plant many trees. 5) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

Numbers one and two done. I have five more to go.

I want one more!

Machika, aatakehin ako sa puso, sabi ni Louen, kunin na natin yung video.

Di na ako nagpumilit pa.

Kinuha namin yung tape sa management pagkatapos naming magbayad. Ayokong panoorin yun. Gusto ko, si Louen lang ang manonood para magkaroon siya ng dahilan para sumaya.

L-Louen... magsi-CR lang ako ha? paalam ko at tumakbo na agad sa CR.

Sinarado ko ang pinto, wala namang tao.

Sumandal ako sa nakasaradong pinto. Kumikirot ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Tumingala ako habang nakapikit... Ill be fine... I still have four more things to do before facing that one... pagpapalakas ko ng loob ko.

Sunud-sunod ang malalalim na paghinga ko.

Ilang sandali pa ay medyo gumaan-gaan na ang pakiramdam ko. Nagtungo ako sa salamin ng CR.

Lines are on my eyes... puyat yun... lagi akong nagpupuyat dahil sa madalas na--- ugh... Now I know I should spend my time wise. *** Author: 8th chapter done. +++ [ML9]

Grow up in a small town... And one more rain would fall down I would stare on my window...

Kanta ko habang nagbubungkal ng lupa sa garden ng bahay ni Louen.

Hapon na nun at hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw.

Heya.

Lumingon ako.

Si Louen.

Hi, ganti ko.

What was that for?

Im planting small trees, may dala akong kahoy ng kung anu-anong puno na kapag tinusok mo sa lupa ay mabubuhay na basta tamang alaga lang.

May I know why itll be on my garden? tumabi siya sa akin at nakibungkal na rin ng lupa.

Para kapag makita mo ang mga punong itinanim ko, maaalala mo ako. Gusto ko lang madagdagan ang mga punong makapagbibigay ng oxygen sa mundo, ngumiti pa ako.

At kailan ka pa naging environmentalist? Hahaha.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

This is for the better.

Nakatusok na ako ng ilang kahoy nung makaramdam ako ng hilo. Sh*t, bakit ngayon pa?

Napatigil ako kasi sa bawat pagkilos ko ay nakakaramdam ako ng pagkahilo.

Are you alright? puna ni Louen sa akin.

O-oo, ok lang ako... pinilit kong kumilos pero bumuway ang pagkakatayo ko. *** Louens POV

Paglabas ko ng back door ay nakita kong nagbubungkal ng lupa si Machika. She loves planting trees, I know that kaya di na ako nagtaka kung bakit nakikita ko siya ngayon na parang isang hardinera.

~~~ In our house, Ill be planting many trees... yung tipong hindi masyadong mainit ang paligid ng bahay, ani Machika na minuwestra pa ang kamay na parang tinatakpan ang araw.

If thats what you want, then why not?

Youll help me, okay?

Bakit? Alam mo namang kahit damo pa ang itanim ko ay mamamatay rin, puno pa kaya? natatawang pakli ko sa kanya.

Ah basta, kahit taga-dilig ka lang ng halaman kapag wala ako.

Hindi ka naman mawawala, so bakit pa ako magdidilig?

Nanahimik siya. Ganun siya palagi, nananahimik. Hindi ko naman mausisa kung bakit. Basta ang sa akin lang, gusto kong mapakinggan ang lahat ng pangarap niya... gusto kong isakatuparan yun lahat para sa kanya. ~~~ Heya, bati ko sa kanya.

Hi.

What was that for? alam ko na kung para saan yun pero gusto ko pa ring tanungin.

Im planting small trees, sa tabi niya ay maliliit na punongkahoy.

May I know why itll be on my garden? nakibungkal na rin ako sa lupa. Kahit na hindi ako nagtatanim, gusto ko pa ring tulungan siya.

Tumahimik siya saglit.

Gusto ko lang madagdagan ang mga punong makapagbibigay ng oxygen sa mundo, nginitian niya ako.

At kailan ka pa naging environmentalist? Hahaha.

Ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Ilang kahoy na rin siguro ang naitatanim namin ng bigla kong mapansin na nawalan siya ng imik.

Are you alright? Pumikit kasi siya ng mariin.

O-oo, ok lang ako...

Hindi ako naniniwala.

Agad kong pinagpag ang kamay ko sa pantalong suot ko.

Sa pagkilos ni Machika ay bigla siyang natumba, buti na lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko siya.

Machika...

Wala siyang sagot. Dinala ko siya sa kwarto niya. Hiniga ko siya sa kama at kumuha ng palanggan na may maligamgam na tubig, may bimpo din ako.

Nilinisan ko siya.

Should I call a doctor? Ugh! Yun na muna dapat ang ginawa ko. Sh*t.

Hmm...

Machika? I will call a doctor, okay? Okay?

N-no... d-dont...

Huh?

Iie, umiling siya. (No)

Di ko man maintindihan pero alam kong ayaw niyang tumawag ako ng doktor.

Sheez.

Pangalawang pagtanggi na niya ito na tumawag ako ng doktor. But if thats what she wants, then Ill do it. *** Author: Parang di pa to aabot sa 20 chapters ano ba yan. XD +++

[ML10]

Machikas POV

(Must-do): X Fly. X Touch the fire. 3) Breathe in the water. X Plant many trees. 5) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

Ma? Hello? its 3:30 am at hindi ako makatulog. Kaya heto, tinawagan ko si mama.

Hmm? Hows my daughter?

Ok lang naman...

Whys your voice like that?

Wala, di pa kasi ako makatulog, ma.

Tumahimik sa kabilang linya, ganun din ako.

Have you already told him?

Ma...

Machika, huminga ng malalim si mama.

Ma, I cant.

Kailan mo sasabihin?

Nag-isip ako... tumahimik na naman... I have no plans of telling him, ma...

But why?

I want to be selfish, ma... and... I dont wanna hurt Louen again. *** Hindi ako makatulog... I dont wanna sleep on my bed.

Bumaba ako at pumunta sa sala. Sinalat ng mga kamay ko ang pader. Sumandal ako dun at pumikit.

Doon ako matutulog. ~~~ Hey, dont sleep while leaning on the wall, puna sa akin ni Louen.

Minulat ko ang isang mata ko, why? Im used to it.

Why do you always sleep like that? natatawang sabi niya.

Nginitian ko siya at pumikit ulit. Hindi ko na siya sinagot.

Natutulog ako habang nakasandal sa pader kasi ang pagtulog ng nakahiga ay mararanasan ko rin... pagsasawaan ko... dahil kapag namatay na ako, hindi na ako maaaring matulog ng nakatayo. Oo, weird nga siguro ang gusto kong pagtulog pero ito na lang ang paraan para masiguro kong paggising ko ay buhay pa ako... ~~~ *** Louens POV

I wanna see if Machikas already sleeping pero pagbukas ko ng kwarto niya ay wala siya dun.

I know where she is.

Bumaba ako at tinantya kung saang pader ang may pinakamalawak na space, nandun siya, alam ko. Sa may left wing ng bahay ko siya nakita, nakasandal at alam kong tulog na siya.

Sanay na siya. Six years ago pa siya ganun, di ko lang alam na magpahanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya yun. I just wonder why.

Sleep well, dream of me... and I love you, bulong ko sa kinalulugaran ko. I dont have the heart to draw nearer to her, I might wake her up. *** Author: So, hi! Thanks! +++

[ML11]

Machikas POV

Weeks have passed... nasanay na rin sa akin si Louen na makita akong nakasandal sa pader sa sala habang natutulog.

Im glad youre awake, nakangiting pagbati sa akin ni Louen isang araw.

This is what I want... seeing the most angelic face ever in my life... paggising pa lang sa umaga, si Louen na agad ang masisilayan ko...

Yeah, its a long night.

It is. Breakfast is ready, by the way.

Yes. Maghihilamos lang ako, mahinahon na sabi ko.

Pagkatapos naming magngitiang dalawa ay umakyat na muna ako sa kwarto. Nagtungo ako sa banyo at sinandal ang likod sa pinto taliwas sa pinaalam ko kay Louen na maghihilamos. Sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko at huminga ng malalim.

My hearts aching again... ~~~ Why?

Machika...

Hindi makatingin ng diretso sa akin si mama. Kagagaling lang namin ng ospital.

Mag---mag-empake k-ka na ng mga gamit mo...

Why? Bakit ako mag-e-empake?

Pupunta tayo ng J-Japan.

Kumunot ang noo ko. Alam kong may penpal si mama sa Japan pero hindi naman yatang pati ako ay isama niya doon para lang makipag-meet sa Hapon na iyon.

Ma, nandito ang buhay ko... ang bahay na to... pamana pa to ni papa sa atin kaya bakit tayo pupuntang Japan? umiling ako, and, ma, nandito si Louen...

You dont understand!

Then make me understand!

Tumingin siya sa akin ng diretso at nagsalita...

Hanggang sa umiiling-iling na lang ako.

Machika, you still have time to tell him... ~~~ Machika? Machika? Are you there?

U-uh, wait! pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Naninikip ang dibdib ko. Pinilit kong tumayo at nagtungo sa lababo at pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin.

Sinalat ng daliri ko ang linyang nasa ibaba ng mga mata ko. Wala ring kabuhay-buhay ang kulay ng mukha ko kaya tinampal-tampal ko ang pisngi ko... nag-apply din ako ng petroleum jelly sa labi ko para kahit kunti ay maging natural ang kulay niyon. There you go, Machika, smile.

Binuksan ko ang pinto ng banyo at lumabas na ng kwarto, nakita kong naghihintay sa labas si Louen.

Come on? ako pa ang nagyaya. *** Gusto mo bang pumunta sa dati nating school? tanong sa akin ni Louen nung matapos kaming kumain. Naghuhugas siya at pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya.

Pwede ba?

Oo naman. Alumnus naman ako dun, and nag-aral ka din naman doon ah.

Nagkibit-balikat ako. Ok. Maliligo lang ako.

Yeah, mag-ayos ka na, kakatukin na lang kita sa kwarto mo mamaya.

Umakyat na ako sa kwarto. Hindi ko pa pala naiaayos ang mga gamit ko sa drawers. Binuksan ko ang trolley bag ko, kunti lang ang damit ko, hindi ko kailangan ng marami.

Sa pinakaibabang parte ng bag ay nandun ang mga boteng may laman na maliliit na tabletas na pinabaon sa akin ni mama... I dont need you. Nilagay ko ang mga yun sa likurang parte ng drawer kung saan mahirap makita. I dont need those. ~~~ Drink them, okay?

Yes, ma, ano ba, para naman akong bata nito eh, angal ko pa kay mama.

Just drink them, those would prolong---

Ok, ma... sang-ayon ko na lang. Yes, I would take those bottles but would never open them. Just like what I did back in Japan. ~~~ Iniwan ko ang isang pink dress na teternuhan ko ng flats. Alam kong mas gusto ni Louen ang simple lang.

Nagpunta na ako sa banyo at naligo.

Machika, tapos ka na?

Saglit na lang, naliligo pa ako, sigaw ko. Nakapikit habang nakatingala sa shower.

Okay, hintayin kita sa ibaba.

Nakarinig ako ng mga yabag papalayo.

Pagkatapos masigurong wala na ngang sabon sa buhok ko, lumabas na ako ng banyo na naka-robe lang at nagpalit na ng damit.

Tinignan ko ang repleksiyon ko sa full-body mirror. Im satisfied.

Bumaba na ako, lets go? *** Author: pa-putol-putol lang iih. +++ [ML12]

We used to sit under that tree, tinuro pa ni Louen ang isang malaking puno.

Yeah, doon nga kami tumatambay noon. Napangiti ako. Marami ding alaalang nabuo doon. Doon din kita sinagot noon.

Doon mo rin ako iniwan noon...

Ouch.

Y-Yes... Im sorry...

Hey, dont cry, I didnt mean it, sabi ni Louen nang mapansing naiiyak na ako.

Im fine! nginitian ko siya, gusto kong maupo uli sa lilim punong yun, kahit sa huling pagkakataon man lang.

Naramdaman ko na lang na hawak-hawak ni Louen ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa ilalim ng punong iyon.

(Must-do): X Fly. X Touch the fire. 3) Breathe in the water. X Plant many trees. X) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

Im doing my list so easy... those things were easy... how about the---

Mukhang uulan pa yata, puna ni Louen habang nakatingala.

Tumingala din ako.

Pumunta na tayo sa sasakyan, alam ko namang ayaw mo ng nauulanan, dugtong pa niya.

Umiling ako, no, mag-stay tayo dito. Umupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno.

Sigurado ka? hawak pa rin niya ang kamay ko.

Yes, upo ka na, hinila ko pa siya para umupo.

Our hands are still intact. I want to hold him, I want to see him smile, I wat to hear him laugh... forever.

Oh yan, naulan na! then I stood up na parang batang noon lang makakaranas ng ulan.

Sheez! Pumunta na tayo sa sasakyan, baka magkasakit ka lang!

No! Lets stay here! lumabas pa ako mula sa lilim ng puno at nagpaikut-ikot sa ulan.

Baka magkasakit ka pa...

Baka magkasakit ka pa...

Baka magkasakit ka pa...

Ano pa ba ang kailangan kong ipag-alala?

(Must-do): X Fly. X Touch the fire. X) Breathe in the water. X Plant many trees. X) Walk hand-in-hand. 6) Have sex. 7) Die.

I have 2 more things to do and Ill be ready.

*** Author: Oh di ba? Ang bilis ng takbo ng istorya. Mwahaha! +++ [ML13]

Machikas POV ~~~ Ma, why me? nakasandal ako kay mama habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Because God knows youre nice... and good people deserve to be by his side...

Alam kong para akong batang nakikipag-usap kay mama pero di ko lang talaga matanggap kung bakit ako pa.

I cant tell Louen, mama...

If he really loves you, hell surely understand.

Narinig kong parang suminghot si mama.Ma, dont cry please?

Let it be me... ako na lang, wag na ikaw... marami ka pang magagawa sa buhay mo...

Then how? ~~~ Oh, humigop ka muna, di pa kumukulo yung soup na niluluto ko, sabi ni Louen sa akin at iniabot ang umuusok na hot chocolate.

Nakabalot ako ng tuwalya, basang-basa kami pareho, nakauwi na kami.

I dont have any regrets staying that long in the rain, pahayag ko sa kanya habang hinihipan ang hot chocolate.

Me, too...

Arent you gonna ask me why? Hindi ka ba magtataka kung bakit noon ay ayaw na ayaw kong matuluan ng kahit na kunting tubig ulan lang pero kung bakit ngayon ay mas gusto ko pang magbabad doon? Wala ka bang itatanong?

Thanks for everything, Louen.

Tumingin siya sa akin.

Matagal.

Dont stare at me like that, naasiwa ako sa pamamraan niya ng pagtingin sa akin.

Youre talking as if youre going to die, pinantayan pa niya iyon ng tawa.

Lahat naman ng tao mamamatay.

But not for you, not as early as now.

Bakit ka naniniguro? Nagkibit-balikat ako, sa hot chocolate ko na lang binuhos lahat ng pansin ko. Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin? Ive been here for a month, I think? Or so?

Or so. At bakit naman ako magsasawa sa iyo?

Ah, tumango ako. Aakyat na ako sa kwarto... magpapalit lang ako, ikaw din, basang-basa ka na oh.

Yes, I will.

Mabagal ang bawat pagyapak ko ng mga paa ko.

Everything will be ok.

Ill be ok.

But will Louen be? ~~~ Nahihigit ko ang paghinga ko sa bawat paglipat ng doctor ng mga papeles ko.

Im sorry... sabi niya na umiling pa.

Wa-Why? halos magkandautal pa ako sa pagtatanong. Nasa harapan ko si mama at hawak ang dalawang kamay ko habang nasa likuran ko sina Ichiro at kuya Dylan.

We all know that---

Is there any... any medicine she could take? Any treatment she can undergo so that... so that... oh hell, tell me!

Hinawakan ko ang kamay ni Dylan na nasa balikat ko. Pinapakalma ko siya... inunahan na ako ni mama na umiyak...

Theres no treatment but there are medicines she could take so her life would be prolonged.

Give us medicines worth millions just to have her longer!

Dylan, Im fine... pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

Naghintay kami ng halos isang buwan... umasa kami... para lang dito... ~~~ Bago pa man ako makarating sa kuwarto ay umalpas na ang luha ko. *** Author: I know you have clues in mind or even you have already solved the puzzle. +++ [ML14]

Louens POV

Shes singing Breakaway again.

Ginawa lang naman niyang unan ang paa ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Nakapikit siya.

How many days na rin kaming ganun palagi ang routine.

I was just wondering why. Machika is the kind of person na ayaw na ayaw ang matambay lang sa bahay.

Maya-maya lang ay napansin kong napatigil siya sa pagkanta at kasabay niyon ay ang pagkunot n goo niya na parang may dinaramang sakit.

Are you ok? tanong ko kaagad.

Tumango siya habang nakapikit pa rin.

You sure?

Yes.

Nagmulat siya ng mata at tinignan ako.

We stayed for that position for almost a couple of minutes.

If one day youll wake up and find out Im gone, just hold to these words Im telling you now, I love you... Ill be on your side always... forever. Ginagap niya ang mga kamay ko... Louen, can you make a promise for me, please?

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi. What promise? And what are you talking about? I felt a lump on my throat.

Isang araw, hihingi ako ng pabor... hihiling akong mangako ka... pwede bang pumayag ka sa pabor na hihingin ko? Pwede bang tuparin mo ang pangakong i-re-request ko?

Y-yes, I cant say no while looking in her eyes. *** Machikas POV

Ta ra ran ta na Na na na nan na na Ta ra ran ta ra ran a (2x) Grew up in a small town And one more rain would fall down I just stare at my window Dreaming of what could be And if I end up happy I would pray Trying hard to reach out But when I tried to speak out Feels like no one could hear me Wanted to belong here But something felt so wrong here So Id pray I could breakaway...

Hinding-hindi ako magsasawang kantahin ang kantang yan para kay Louen as long as I still can.

Nasa chorus part na ako nang mapatigil ako...

Not now...

Hindi ko napigilan ang paglukot ng mukha ko.

Are you ok? tanong sa akin ni Louen. Sheez, napansin niya.

Tumango lang ako habang nakapikit. Ayokong tignan siya, ayokong makita niya ang sakit sa mga mata ko.

You sure?

Yes.

If one day youll wake up and find out Im gone, just hold to these words Im telling you now, I love you... Ill be on your side always... forever. Kinuha ko ang mga kamay niya, nagmulat ako ng mata. Louen, can you make a promise for me, please?

What promise? And what are you talking about?

Isang araw, hihingi ako ng pabor... hihiling akong mangako ka... pwede bang pumayag ka sa pabor na hihingin ko? Pwede bang tuparin mo ang pangakong i-re-request ko?

Y-yes.

Pumikit ulit ako.

Um-oo siya... panghahawakan ko ang salita niya. *** Author: Promise? LOL. Ano yun? XD +++ [ML15]

Machikas POV

I cant breathe again... dumadalas na ito...

At habang tumatagal, lalo akong nahihirapang makita si Louen.

Hey, agaw pansin niya mula sa likuran ko.

Nagkunwari akong inaayos ang mga bulaklak na kakapitas ko lang sa garden sa flower vase na nasa altar. Give me strength, God... not now... Huminga ako ng malalim kahit na kunti lang ang nasasagap kong hangin at ngumiti, humarap ako sa kanya, oy.

Anong gusto mong gawin ngayon?

Ha? Hmm... wala, I just want you to stay beside me... yes, beside me and never leave my side.

*ring ring*

Nagri-ring ang telepono, ikaw na ang sumagot, baka si Aliyah yan, sabi ko at bumaling ulit sa flower vase.

Sheez.

Nilalamig din ako na hindi ko maintindihan. Hindi ako makahinga ng maluwag.

Hello? sagot ni louen sa telepono na hindi naman kalayuan sa lugar ko kaya dinig ko pa rin. Uh, Louella... Ill ask her, okay? Hindi ako sigurado. Okay. Binaba na niya.

Oh, anong sabi ni Lou?

Gusto daw tayong makita nina papa, nagkibit balikat siya, kasi daw, magda-dalawang buwan na mula ng huling nagkita-kita tayo, ikaw, gusto mo ba?

Two months.

Dalawang buwan na pala mula ng umalis ako sa Japan.

Pumikit ako... yes, two months have gone so fast... kaya pa yan, Machika, kakayanin mo pa yan.

Yes, I would love to and I wont miss it for the world, makahulugang sabi ko kay Louen na sinabayan ko pa ng tipid na pagngiti.

Thank you.

And in just a glimpse of an eye, he gave me a kiss on my lips. ***

Hayan, akala namin hindi kayo darating ni Kuya eh, salubong sa amin ni Louella pagkapasok ng sasakyan sa driveway.

Man-chi-tsismis ka na naman bago kami papasukin, saway ni Louen kay Louella.

Hmp. Suplado.

Nauna nang pumasok si Louella.

Hi, ma, pa, sabay pa kami sa pagbati ni Louen sa mga magulang niya.

Sinasanay mo na talaga ang sarili mong tawagin silang mama at papa ha? bulong sa akin ni Louen.

Siniko ko siya sa tagiliran ng palihim. Parang sinasabi niyang magiging magulang ko rin ang mga magulang niya...

Tara na, handa na ang tanghalian sa dining room, anunsiyo ng mama ni Louen.

Nagsi-sunod kaming lahat sa kanya.

Pagakaupung-pagkaupo ay bigla kong naramdaman na parang umikot ang nasa paligid ko. Di ko yun pinahalata sa kanila, basta ngumiti na lang ako kahit na mabigat ang pakiramdam ko.

Kuya, bigyan mo kaya ng kanin si Machika, di ba? tinik-tik pa ni Louella yung babasaging lalagyan ng kanin.

Oo nga, hijo, dapat mong patabain ang magiging ina ng una kong apo! natatawang pakli ni papa Rick.

Napangiti ako sa kanila.

Theyre really hoping that I would be Louens future wife---forever.

Masigla kaming kumain habang nagku-kwentuhan, pero sa totoo lang, ni hindi ko magalaw-galaw yung pagkain ko kasi parang bumubulusok ang tiyan ko.

Oy! Picture naman tayo, ngayon lang ulit nagsama-sama eh! request ni Louella.

Come, picture daw, sabi sa kin ni Louen, ok ka lang?

H-ha? Oo...

Sigurado ka ha?

Ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong dagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa kanya.

Inalalayan ako sa siko ni Louen.

Iniusod ko ang upuan ko at tumayo.

Sa pagtayo kong yun, biglang umikot ang paningin ko and everything went pitch black. *** Author: Please hold on po, ilang chapters na lang po ang kasunod nito. Maraming salamat. +++

[ML16]

Machikas POV

Shes fine. Just give her her medicine and shell be alright.

Thanks, Doc.

Yun na lang ang naabutan kong pag-uusap nina Louen at ng doctor.

Hey, youre awake, bati sa akin ni Louen, ngumiti pa siya pero di iyon umabot sa mga mata niya.

Hi.

How you feelin?

F-fine, tinago ko ang biglang pagkirot ng sentido ko. Gusto ko ng lumabas, okay na ako.

But---

Please?

Sa pag-pi-please ko ay tumayo si Louen. Nawala siya ng ilang minuto at pagbalik niya ay ngumiti siya sa akin. Okay, were free to go now.

Thank you, inalalayan niya ako sa pagtayo.

Paglabas namin ng ospital ay walang usapan na namagitan sa amin.

Ako ang nauunang naglalakad, di ko kayang tignan ng diretso si Louen.

Sumakay kami sa sasakyan niya ng walang imikan hanggat sa makarating kami sa bahay niya.

Machika...

Please dont say it... Yes? tumigil ako sa paglalakad. Gusto kong isara na agad ang pinto ng kwarto. Pero hindi ko magawa kasi nasa may pintuan si Louen... hindi ko siya kayang tignan.

Whats the matter?

Hindi ko namalayang may naglalaglagan ng butil ng luha mula sa mga mata ko. Humarap ako unti-unti kay Louen.

Louen, pwede ko na bang hingin ang pabor na sinabi ko sa yu nun? Pwede ko na bang sabihin yung hiling ko? Yung pangako na gusto kong tuparin mo?

What are you talking about, Machika? Louen laughs as if Im telling him a funny joke.

Yumuko ako at huminga ng malalim, nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko, Gomenasai. Gomenasai. Gomenasai. Gomenasai. (Im sorry.)

Hey, ano bang sinasabi mo? Whats the matter? Kagagaling lang natin sa ospital, ganyan ka na.

Im so sorry. Di ko ginustong magsinungaling... gomenasai...

What lie?

Louen, Im going to die. I cant look directly onto his eyes. Hindi ko kayang sabihin ng diretsahan sa kanya.

Yeah right, thats one good prank, Machika.

Pagtaas ko ng paningin ko ay mas masagana na ang tumulong luha mula sa mga mata ko. Looking at Louen now sure is hard. Nakangiti pa siya na unti-unting nawala nang umiling ako.

Dammit, Machika. Remove those tears on your eyes! siya pa nagpunas ng luha ko na walang patid lang sa pagbagsak, youre not going to die! Of course not! Not now!

I am. And I will... Im so sorry...

Please dont say that...

Im so sorry if I have to leave you someday. Im so sorry if I have to lie. Im so sorry if I didnt make you feel my love even if I almost have every day. Im so sorry if I let you believe that Ill be here forever. Im so sorry for all those Im sorries... napahagulgol ako pagkatapos kong sabihin iyon. Im so sorry for not telling you about this 6 years ago... Im so sorry I let you believe that I dont love you before... its the easiest way to leave you without you running after me... Louen... Ill understand if youll push me away now.

Bigla akong niyakap ni Louen ng mahigpit, when? When? Please tell me when?

Just a matter of time...

Oh, please! Maghahanap tayo ng gamot--- of course merong gamot! I felt him kissing my hair.

Unti-unti akong umiling, hindi ko magawang gumanti ng yakap sa kanya. Ako ang nasasaktan. Theres none. Ive gone to many hospitals in US, Canada, Europe, wherever but there was none... Ive been sick all my life... gomenasai. (Im sorry)

Please dont say that... please... paulit-ulit niyang hinalikan ang ulo ko.

Six years ago pa nung matuklasan nila ito... thats why we needed to go to Japan... but then I realized, hindi na ako gagaling, Louen... I stopped drinking my medicines... hindi na ako kayang pagalingin ng mga yun...

Sh*t! Why!? napamura pa ulit siya.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin...

Louen, sabi ko habang pilit na pinipigilan ang mga luhang umaalpas sa mga mata ko, have sex with me. *** Author: I know wala pong feelings... pero ano lang, yun talaga ang gusto kong iparating eh pero yun sanag nag-uumapaw sa pakiramdam... kaso the author alone is FEELINGLESS LOL XD +++ [ML17]

Machikas POV

Have sex with me, ulit ko sa kanya nang di siya matinag sa kinatatayuan niya.

Linapit ko ang sarili ko sa kanya, tumingkayad ako at ako na mismo ang umabot ng mga labi niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos inilayo sa kanya. Wa-why...

Nangako ka sa aking ibibigay mo ang pabor na hihilingin ko... ito na yung pabor, Louen... bago pa siya makapagsalita ay muli ko siyang ginawaran ng halik. This time, hindi an siya nakatanggi pa sa akin.

Unti-unti kaming naglakad patalikod at sinara niya ang pinto.

Dama ko ang pag-dadalawang isip sa bawat gamay ng mga kamay niya sa katawan ko. Wala akong balak umurong. I want this to happen. I want Louen to be my first.

Nadama ko ang paglapat ng aking likuran sa kama. Nakapikit lang ako. Gusto kong damhin ang bawat segundong lumampas na kasama si Louen.

Hindi ko na namalayan kung paano natanggal ang mga suot naming damit. Ang alam ko na lang ay untiunti siyang pumapasok sa aking sistema.

Nakadama ako ng sakit pero hindi ko yun inalintana.

I kissed him as he goes deeper and deeper.

I love you... bulong namin sa isat isa bago pa namin parehong maranasan ang sinasabi nilang tunay na kaligayahan. *** I love you, Louen, sabi ko habang kinakalikot ang buhok sa kamay niya. Nakahiga ako sa kanyang dibdib ngayon.

Nagawa namin yun at wala akong nadaramang pagsisisi kahit na kaunti lang.

And so do I... I love you more... and more...

Sssh, dont cry... tiningala ko siya. Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

Ginawaran ko siya ng halik sa labi.

Everything will be ok, nakangiti pang saad ko sa kanya.

Everything will not be ok if youll be gone... ~~~ Ma, Im going to the Philippines... Im going back... for good...

Machika, hindi pwede.

Tumingin ako kay mama na may matigas na pagtutol sa kanyang mga mata ngayon habang pinapanood akong mag-empake. Ma, kung hindi ko haharapin si Louen, kailan pa ako magiging masaya? Six years ago, pumayag akong magtungo dito sa Japan kasi umasa ako--- tayo--- na gagaling ako... pero ngayong nalaman nating wala ng pag-asa ang sakit kong ito, bakit hindi pwede? Ma, kahit sa huling dalawang taon man lamang na ng buhay ko, makasama ko siya... pagkatapos kong isalaysay iyon ay naiyak ako.

I only have two years to live now...

At hinding-hindi ko yun sasayangin sa pagbuburo lang sa sarili ko sa loob ng hospital habang binibilangan ako ng mga natitira ko pang araw para huminga.

~~~ I want you to sing for me... request ni Louen habang hinahaplos ang buhok ko.

What song?

Your favorite...

Sawa ka na dun eh. My favorite song is Breakaway.

Hinding-hindi ako magsasawang pakinggang kantahin mo iyon... I could listen to it forever...

You cant... you cant listen to it forever...

Ta ra ran ta na Na na na nan na na Ta ra ran ta ra ran a (2x) Grew up in a small town And one more rain would fall down I just stare at my window Dreaming of what could be And if I end up happy I would pray Trying hard to reach out But when I tried to speak out Feels like no one could hear me

Wanted to belong here But something felt so wrong here So Id pray I could breakaway...

Winaglit ko sa isipan ko ang problemang kaaamin ko pa lang kay Louen. I should enjoy my life. *** Author: Hindi ko kayang tapusin yung kanta hindi dahil hindi ko alam ang lyrics kundi... *busy tone* +++ [ML18]

Louens POV

Whats that? medyo inaantok pang tanong ko. I woke up without Machika beside me and it give me the feeling of hell not having her beside me.

May kinukuha lang siya sa drawer niya.

Iniabot niya sa akin yun.

Bumangon ako, Im still naked under the sheets habang siya ay nakasuot na ng manipis na pantulog.

Basahin mo yung mga unang pages... pero wag ka munang pupunta sa ending.

Bakit naman? sabi ko at umupo sa kama. Sumandal ako sa headboard at binuksan yung notebook. Ang daya, may lock, sabi ko nang mapagtantong may lock ang last part ng notebook.

She smiled sheepishly.

Oh, heavens.

Yes, alam kong di ka makakatiis na basahin yan kahit sabihin kong wag eh, I have the keys and I will give it to you when I die.

Please dont say that... mahinang usal ko.

Hindi ko lubos-maisip na isang araw, mawawala siya sa akong... mawawala siyang muli sa akin...

Sa anim na taon, kaya ko pa...

Pero paano na lang...

Kung habangbuhay na?

You should learn to accept it as early as now...

Tumingin ako sa kanya pero imbes na makipagsagutan pa ay binuksan ko yung notebook.

Machikas Must do list? basa ko pero patanong tono ko.

Yes.

Fly... napaisip ako---

Oo... noong nag-zipline tayo... I considered that as flying with you, nginitian pa niya ako.

Sabi ko na nga ba at hindi hihiling si Machika ng isang simpleng bagay lang.

The candle...

Yap, touch the fire, umupo siya sa tabi ko, I did all these with you...

Hinaplos ng hinlalaki ko ang huling number na nasa listahan...

7) Die

Biglang naghari ang katahimikan sa pagitan namin.

Tinignan ko si Machika.

6) Have sex 7) Die

What does this means? hindi ko napigilang itanong.

Mukhang nag-alinlangan pa siya sa pagsagot, kung magagawa ko lahat ng nasa listahan... pwede na akong mamatay.

Muling namuo ang luha sa mga mata niya.

Ssshhh, ako naman ang nagpapatahan sa kanya ngayon.

I kissed the top of her nose...

And then her cheek...

Her forehead...

And lastly her lips...

I laid her down on the bed again and did her must do number six. *** Author: Thats LOUENs POV. May sense? Dunno. Kapag sasagutin ko sarili kong tanong, magiging bias ako. Hakhak. +++ [ML19]

Machikas POV

Hmmm...

Narinig kong daing ni Louen habang tinatanggal ang kamay niyang nakapalibot sa baywang ko.

We are sleeping together for almost a couple of months now... at wala akong angal doon. Im satisfied on what I have now.

Tumakbo ako papasok sa CR. Hindi ko na natantya ang pagbalibag ko ng pinto nang buksan koi yon.

Diretso akong napaupo sa tiles at sumuka ng sumuka.

Parang nagangasim ang tiyan ko na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay bumabaliktad lahat ng laman niyon at gustong lumabas.

Muli pa akong sumuka pero halos tubig lang anman ang lumalabas.

Nanghihina akong sumandal sa pader.

Whats happening? nakita ko si Louen na papalapit sa CR. Pupungas-pungas pa siya.

Umiling ako, pumikit at sumandal muli, nothing... Im just a little bit dizzy this past few days...

Machika, maybe you should still continue your medicines...

No, matigas na umiling ako.

Maya-maya ay napasuka na naman ako pero wala namang lumalabas sa bibig ko.

Tumingin ako saglit kay Louen. What? hindi ko na naiwasang itanong.

W-wait, may bibilhin lang ako sa labas.

Hindi na ako nag-usisa pa.

8:30 am pa lang naman. Ang aga-aga, nahihilo na agad ako.

Pero kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako iinom ng gamot ko.

*ring ring*

Pinilit kong tumayo para sagutin ang cellphone ko.

Hello? alam kong halata sa boses ko na nanghihina ako.

Machika?

Dylan? Oh? What made you call? naupo ako sa kama.

Parang may angbulungan sa likuran niya, mama wanted to come to the Philippines...

Dont! nasabi ko na kay mama na alam na ni Louen ang tungkol sa kalagayan ko. Ngayon ay gusto na niya akong pabalikin sa Japan pero ayoko. Mas gusto kong mamatay sa Pilipinas kasama si Louen. Pero magmula noon, hindi na ako kinausap ni mama sa cellphone, pinapasabi na lang lahat kay Dylan ang gusto niyang sabihin sa akin.

Why? I also want to meet that guy.

You will... soon...

Isa pang dahilan kung bakit ayaw kong silang papuntahin dito sa Pilipinas ay dahil ayokong malaman nilang tinigil ko na ang pag-inom sa mga gamot ko... alam kong magagalit sila sa akin...

Nag-usap pa kami ng ilang minuto, nagkamustahan, tapos ay nagpaalam na ako.

Eksaktong pagbaba ko ng cellphone ay pumasok si Louen na may hawak na plastic. Iniabot niya sa akin yun.

Nilabas ko ang laman ng plastic.

Ano to? Aanhin ko? tanong ko sa kanya habang binabasa ang mga nakatatak dun sa kahon na laman ng binigay sa akin ni Louen.

Biglang kumabog ang puso ko.

Go. Sa CR na lang... bakas din sa mukha niya na parang kinakabahan siya.

Halo-halo ang nararamdaman ko.

Kinakabahan...

Excited...

Masaya...

At sumasabay pa ang lungkot... *** Author: Malapit na itong matapos, pangako! +++ [ML20]

Machikas POV

Pagpasok ko sa CR ay tinaggal ko agad ang pagkakabalot ng kahon.

Sinubukan ko agad at hindi ko alam kung ano ang idarasal ko...

Pagkatapos ay unti-unti akong dumausdos pababa...

Naiyak ako.

Positive.

Buntis ako.

Its been almost a couple of months since Louen and I did that... at mula noon ay hindi na ako dinalaw. Bakit hindi ko naisip ang posibilidad na maaaring mangyari ito sa akin?

Paano na lang ang kinabukasan ng magiging anak namin?

Machika... kinatok ako ni Louen.

Suminghot ako at inipon ang lahat ng lakas para tumayo.

Naghilamos muna ako at inihanda ang masayang ekspresyon na ibibigay ko kay Louen.

Binuksan ko yung pinto... umaasam ang mga mata ni Louen...

Hindi ko pa rin napigilan ang pag-iyak kasabay ng pagtango ko kay Louen.

T-talaga?

Oo, sabay pinakita ko sa kanya ang resulta ng pregnancy test.

Sumigaw pa siya at binuhat ako sa baywang...

Alam kong masaya siya...

Pero paano ko maipapaalala sa kanya na kunting oras na lang ang natitira para sa akin?

Binaba niya ako na hindi pa rin mapuknat ang ngiti s amga labi niya. Tatawagan ko lang sina mama, siguradong matutuwa sila ni papa nito... tapos sasabihin ko rin it okay Aliyah, siguradong matutuwa din iyon at sasabihan ako na dapat lang naman na akong magkalat ng lahi ko... I know na susunod na ri si Louella sa akin... sunud-sunod na sabi niya.

Natawa ako sa kanya. Parang siya pa itong buntis eh.

Louen, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa paglapit sa telepono na nasa mesa, kung sasabihin mong buntis ako... bakit hindi mo na rin sabihing mamatay na ako?

Para siyang binagsakan ng kung ano mang mabigat...

Gusto kong bawiin ang sinabi ko...

Napagkasunduan kasi naming wag munang sasabihin sa iba ang kalagayan ko.

Pero paano na ngayon na dalawa na ang kalagayan ko?

Im going to die...

And now Im carrying Louens child...

Gusto mo bang sabihin na natin?

Nag-isip ako. Sabagay, mas mabuti na ring hindi nila malaman para hindi na sila mag-alala pa. Hindi ko rin sasabihin kina mama sa Japan. Baka bigla silang lumipad papuntang Pilipinas at pilitin akong iuwi sa Japan.

Umiling ako, wag na lang... go on, call them, binitiwan ko na siya.

Hinayaan ko siyang i-dial ang numero ng mga magulang niya. Unti-unti ay napansin kong bumabalik ang sigla sa mukha at boses niya.

Hello, pa? sabi niya sa kabilang linya, guess what? tumingin siya sa akin, ah, no! Not that, Im not gay!

Natawa ako, minsan kasi ay sinasabihan ni Daddy Rick si Louen na bakla kasi hindi daw magkaroon ng anak.

Pa, youre going to have a grandchild, diretsang sabi ni Louen, ah, believe me, talk to Machika and confirm it... papa wants to talk to you, binigay sa akin ni Louen ang telepono.

Hello, pa?

Hey, Daughter, totoo ba? hindi maitago ni papa sa boses niya ang excitement.

Yes---

Whooooh! Jane, honey! Louens really a man! Magkaka-apo na tayo!

Para akong naiwan sa ere doon kasi narinig ko na lang na nagsisisigaw si papa Rick.

Theyre happy, I mouthed to Louen.

Hello, Machika? Totoo ba yun? Naku, si papa, nagha-hallucinate yata, hayun at tumakbo pababa ng bahay para hilahin si mama sa mga amiga niya, bosesna iyon ni Louella.

Yeah, its true, Im pregnant, kailangan pa bang isalaysay ko ang lahat ng nangyari para lang maniwala sila sa amin?

Oh--- my--- gosh! So kelan ang kasal?

Kasal?

Ni minsan ay hidni yun sumagi sa isip ko.

Oh, let me talk to my brother, mukhang hindi pa ninyo yun napag-uusapan eh, napansin siguro niyang nanahimik na lang ako bigla.

Ikaw daw, iniabot ko na kay Louen yung telepono.

Hey!--- Spoiler! Im just--- ugh, nevermind. So , bye.

Oh, bakit ganyan ang mukha mo? puna ko kay Louen. Nakakunot kasi ang noo niya.

May kinuha siya mula sa drawer ng bedside table. Ive been waiting for a right time to arrive para ayain kang magpakasal... pero dahil nga sa spoiler si Louella, nawala na ang essence ng pagpopropose ko sa yo... but still, walang sabi-sabiy lumuhod siya sa harapan ko, will you marry me?

Naitakip ko sa bibig ko ang dalawang palad ko... Are you sure about this?

Very.

Louen... think of this first... in less than a year, I might die...

I dont care... just marry me...

Parang naghahabulan pababa ang luha ko. Napatango na langa ko bilang pagpayag kay Louen.

I guess I still have the right to be happy for my rest days. *** Author: K dot la la la. +++ [ML21]

Machikas POV

Ma... gomenasai... kausapin mo na ako... kanina lang ay si Dylan ang kausap ko pero ngayon ay si mama na mismo, gusto ko na talaga siyang makausap.

Hindi kita matiis, Machika, bigla ay narinig kong humagulgol si mama.

Hindi ko tuloy maiwasang mapasabay sa kanya. Ma, naman eh.

Umuwi ka na, nak... ang tagal na nating hindi nagkita...

Ma... huminga ako ng malalim at kumuha ng buwelo para sabihin kay mama ang pakay ko, ma... ikakasal na ako.

Namagitan ang katahimikan sa amin.

Ma...

Kailan?

Isang buwan na lang... yes, rush ang magiging kasal namin ni Louen, simple lang pero siniguro niyang sa simbahan pa rin.

P-pwede ba kaming um-attend? narinig ko ang pagsinghot ni mama sa kabilang linya.

Kahit alam kong hindi niya ako amkikita, tumangu-tango pa rin ako, kaya nga ako tumawag, ma... makakapunta ba kayo?

Kung sa ikakasaya mo, pupunta kami...

Tumahimik na naman.

Mama... may isa pa.

Matagal bago siya nakasagot. Ano yun?

Im pregnant... naghintay ako ng reaksyon mula sa kanya. ~~~ Pumasok na kami sa loob ng opisina ng doctor. Ika-apat na pagbalik na namin ito sa loob ng dalawang buwan.

May pagbabago po ba? ako na ang nagtanong kasi alam kong magbe-breakdown lang din naman si mama kung siya pa ang pagsasalitain ko.

Nagkibit balikat ang doctor... you know that you cant be pregnant.

Y-yes, labag yun sa kalooban ko.

I mean... you can but...

Hindi na naituloy ng doctor ang sinasabi niya, may iniabot siya sa aking papers, results ang mga yun.

Nilabas ko ang laman at binasa ko.

Tumingin ako kay mama at ngumiti ng malungkot.

Pwede akong magbuntis... pero hindi ako makakapanganak ng normal... hindi rin sigurado kung mabubuhay ang anak ko.

Its either ako ang mamatay at may pag-asa png mabuhay ang bata...

O ang bata ang mamatay... pero wala pa ring pag-asa na mabuhay ako. ~~~ Alam ba ni Louen? tanong ni mama sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad.

Alam na niya ang sakit ko, ma...

Not that one.

H-hindi, ma... pero... masaya siyang magkakaanak na kami, ma... pampalakas ko din yun ng loob ko. Masaya din ang mga magulang niya, ma... so magiging masaya na rin ako.

*** Author: Short yeah. XD +++ [ML22]

Machikas POV

Kinuha ko ang maliit na color pen sa ibabaw ng mesa at linagyan ng ekis ang isa na namang araw na nagdaan. Twenty nine days na ang nakakalipas, dalawang araw na lang at ikakasal na kami ni Louen... and Im three months pregnant. Handan a ang lahat... hi-nandle kasi ni Louella ang mga gagawin kasi gusto daw niyang mabawasan ang mga pinoproblema ni Louen at ako.

Para saan ba yang nilalagyan mo ng ekis ekis? tanong sa akin ni Louen na may buhat na namang isang basket ng prutas.

Padala na naman iyon ng mga magulang niya.

Wala, sabi ko at ngumiti. Oy, may bago ah? lumapit ako sa basket. May mga lampin doon. Dati-rati ay mga prutas lang at mga laruan ang pinapadala sa amin. Ngayon naman ay mga lampin na at mga damit. Baka sa susunod, pati crib at stroller ipadala na nila? natatawang komento ko.

Si Louella daw ang bumili ng mga iyan, mas excited pa sila kesa sa atin eh. Lumapit si Louen sa akin at hinawakan ang mukha ko.

Oh? Bakit? natatawang tanong ko.

I would love to look at you like this... hinding-hindi ako magsisisi kahit ito na lang ang gawin ko habang-buhay.

Hindi ko gusto ang tinatakbo ng usapan.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko at kumuha ng isang apple sa basket, pinunasan ko yun gamit ang damit ko, masarap oh, tikman mo, lagi na lang ako ang kumakain ng mga pinapadala nila araw-araw eh.

Naupo ako sa sofa. Pinagpatuloy ko ang pagngatngat sa mansanas at nagpatay-malisya sa mga tingin na pinupukol sa akin ni Louen.

Sinusundan lang naman niya ako ng tingin sa bawat galaw na gawin ko na para bang kinakabisa niya. *** Louens POV

Alam kong iniiba niya lang ang takbo ng usapan... alam kong ayaw niyang makitang nalulungkot ako... pero hindi ko pa rin maiwasang isiping mawawala din siya sa akin gaya ng nangyari anim na taon na ang nakalilipas.

Pero iba nga sa pagkakataong ito...

Mawawala siya sa akin... hindi lang anim na taon... but forever.

Well be having our child...

Paano ang bata kapag wala na si Machika?

Paano kami?

Hindi ko kayang mabuhay ng isang araw ng wala si Machika sa tabi ko.

Pinipilit niyang maging masaya, alam ko yun pero hindi niya maitatago sa akin ang mga lihim niyang pagpikit para lamang maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Yah, ilalagay ko lang ito sa kusina, sabi ko at binuhat na yung basket patungong kusina.

Gusto kong buksan yung notebook niya at basahin yung nasa hulihan pero hindi ko magawa.

I could break the lock if Id want to...

But that would also mean breaking Machikas heart...

And I cant do that...

Habang nilalagay sa ref yung mga prutas ay napangiti ako...

Oy, nangingiti, dinig kong meh nagsalita mula sa pintuan.

Wala, sagot ko.

Lumapit siya sa akin, wala daw, yang ngiting yan, may ibig sabihin yan eh.

Pumunta ka na lang sa sala at manood, may mga binili akong CDs para sa kanya dahil sabi ni mama ay makakabuti daw sa buntis na manood ng mga fairytales o mga cartoons.

Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi kung bakit nagpapakita ang mga dimples na iyan, dinutdot pa niya ang pisngi ko.

Sinara ko ang ref at hinarap na siya.

Ang kulit niya talaga.

Anong ipapangalan natin sa baby?

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Yun lang pala... hmm...

Anong hmm?

Ikaw na lang bahala magpangalan sa kanya...

Sigurado ka?

Tumangu-tango siya sa akin, oo... ikaw na lang, alam ko namang maganda ang maibibigay mong pangalan sa kanya eh.

Oo... ikaw na lang, alam ko namang maganda ang maibibigay mong pangalan sa kanya eh.

Oo... ikaw na lang, alam ko namang maganda ang maibibigay mong pangalan sa kanya eh.

Parang nag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya...

Maibibigay MONG pangalan... *** Author: Nakakaantok *o* +++ [ML23]

Machikas POV

Yan, hindi halatang buntis ka oh, ang ganda mo talaga! kulang na lang ay pisilin ni Louella ang pisngi ko.

Kanina pa niya ako pinanggigigilan, ako din naman ay gusto ko siyang pangggigilan kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Sila nina mama Jane at isang baklang make-up artist ang nag-aayos sa akin. Nagtatalo pa nga silang tatlo kung ano kulay ang babagay sa akin.

Ive been waiting for this day... my wedding...

Anong oras makakarating ang mama mo, Machika?

Po? nagmulat ako ng isang mata para makita si mama Jane, mga 10 na daw po, hahabol na lang daw sila sa reception. Na-delay kasi ang flight nina mama kaya huli na sila makakarating.

Ahy, sayang naman, pero di bale, gagawin pa rin nating masaya ang kasal niyo ni Louen... you deserve each other... lalo nat magkaka-apo na kami ni Rick.

Ma, wag ka ngang umiyak sa harapan namin ni Machika, nadadamay kami eh! awat ni Louella kay mama Jane pero nagpupunas na siya sa gilid ng mga mata niya.

Nakakatuwa silang pakinggan, parang magka-edad lang eh.

Pagkatapos akong malagyan ng make-up ay sinuot na sa akin ang wedding gown...

Hindi yun puti kasi ayoko ng puti, aquamarine ang motif ng kasal kaya light blue with a touch of white ang kulay ng gown ko na sa harapan ay hanggang itaas lang ng tuhod pero sobrang haba naman sa bandang likuran. Yun kasi ang nagustuhan namin pare-pareho nina Louella at mama Jane nung tumingin kami ng gown. Para naman daw hind imaging clich na kasal lang ang mangyayari.

Sa tingin ko nga, hindi lang to pangkaraniwang kasal.

2 minutes, silip ng wedding coordinator at tinaktak niya ang ballpen niya sa clipboard niya.

Hinga ng malalim, 2 minutes na lang, sabi ni Louella sa akin. Siya ang bridesmaid ko. Si mama Jane naman ang sasama sa akin sa paglalakad papuntang altar.

Sinunod ko naman siya.

Pagkatapos ng two minutes, lumabas na kami...

Kunti lang ang tao pero nakangiti silang lahat sa akin.

Ang gaan ng pakiramdam ko at kung sabihin man ng Diyos na ititigil niya ang pag-inog ng mundo sa mismong oras na iyon ay hinding-hindi ako tatanggi.

There goes the man whom I loved and still loving for the rest of my life...

Malakas ang wedding march pero wala akong ibang naririnig kundi ang pagtibok ng puso ko...

Nagsimula ang seremonyas nung makarating na kami sa harapan at kunin ni Louen ang kamay ko...

Parang pareho kaming walang naririnig kasi nakatingin lang kami sa isat-isa.

Nasa part na kami ng do you take him as your fully-wedded husband at kung anu-ano pa at ni hindi ko namalayang sumasagot na pala ako ng I do.

You may now kiss the bride, mga katagang nagpagising sa akin.

Itinaas na ni Louen ang belo ko.

I love you, sabay pa naming binigkas, pabulong lang.

At unti-unti siyang lumapit sa akin.

Napapikit na lang ako habang hinihintay ang pagdampi ng mga labi niya sa akin.

Another moment captured and kept in my heart.

I am now Mrs. Machika Vellez.

At yun ang pangalang mababasa ng mga tao sa lapida kosa oras na mamatay ako. Im good with that.

Sa reception, nagkita na sina mama Jane at ang tunay kong nanay.

Ma, hindi po nila alam, senyas ko kay mama nang magkasarilinan kami.

Bakit hindi mo sabihin? Machika...

Ma, buntis ako, kapag nalaman nilang meh sakit ang magiging nanay ng apo nila, ano sa tingin mo ang sasabihin nila? Ano sa tingin mo ang iisipin nila? *** Author: T^T Aww. Ang tanga ko sheez. +++ [ML24]

Machikas POV

Hmm, good morning... bati sa akin ni Louen, nakatagilid siya paharap sa akin, ganun din ako.

Matagal na akong gising, hinihintay ko lang siya, Louen...

Hmm?

Open your eyes, sabi ko at niyugyog pa ang balikat niya.

What? kinuskos pa niya ang mga mata niya.

6 months... 28 days... Pumunta tayo ng ospital...

Ha? parang bigla naman siyang naalimpungatan.

Gusto kong i-schedule ang panganganak ko... 3 days from now, 7 months na ang tiyan ko.

Bakit? Hindi mo ba hihintaying mag-9 months? Di ba yun ang normal na bilang ng buwan?

Tumigil ako saglit at tumingin sa kanya, no, gusto ko seven months pa lang, malabas na ang bata.

Tumayo ako at pumunta sa kalendaryong sinabit ko sa pader noon. Nilagyan ko ng ekis ang ika-labing walong araw doon. Im now six months and twenty eight days pregnant.

Yan ba ang silbi niyan?

Tinignan ko siya at tumango, yes. Ginawa ko ang ekis-ekis routine na iyon for almost seven months. Four months na kaming kasal ni Louen and he always see to it na masaya ako sa bawat araw na lumipas.

Lumuhod ako sa harapan ng drawer ko at nagsimulang maglabas ng mga damit, hindi karamihan ang kinuha ko kasi hindi ko rin lang naman na yun kakailanganin pa.

Ang mga damit ng bata ang dinamihan ko.

May hindi ka pa ba sinasabi sa akin, Machika?

Hindi ko inaasahang itanong niya iyon.

Humarap ako at nginitian siya, oy, wala ah... talagang gusto ko lang na ako ang pumili ng araw na mailuwal ang bata...

Sigurado kang yan lang ah?

Oo nga, kulit naman eh, tumawa pa ako para mas gawing makatotohanan yung sinasabi ko. Ang mabuti pa, pumunta ka na sa kwarto mo at kunin ang mga gamit na dadalhin mo sa ospital.

Tumayo ako nang makitang hindi man lang siya tumayo. P-pero...

Makulit talaga, natatawa pang sabi ko bago siya tinulak palabas ng kwarto ko. Go.

Pagkalabas niya ay ni-lock ko agad ang kuwarto. Kinuha ko yung mga gamot ko at sinilid sa maliit na paper bag. Sa pinakailalim ng bag na iyon ay ang susi ng last part ng notebook... ilang araw na lang, Louen, mababasa mo na rin yun...

Nakangiting nilagay ko yun sa likuran ng malaking bag na dadalhin namin sa ospital.

Naupo ako sa kama at hinaplos ang maumbok kong tiyan, kung babae ka, ipaalala mo sa daddy mo kung paano kasarap magmahal si mama, ha? Pero kung lalake ka naman, ipakita mo sa daddy mo kung paano maging matatag... pero kahit na maging ano ka man, anak, tandaan mong mahal na mahal ka ni mommy... kayo ng daddy mo... naiiyak ako pero kailangang pigilan... dapat maging masaya. Manganganak na ako sa loob ng isang linggo.

Whyd you locked the door? kumatok sa pinto si Louen.

Na-lock ko ba? Sorry, ang naaalala ko lang, sinara ko yung pinto eh, palusot ko, tumayo na ako at binuksan yung pinto.

Bakit ang liit ng dadalhin mo? Paano kung mas tatagal ka pa sa ospital niyan?

Hindi na ako magtatagal sa ospital. Kasya yan, trust me, tara na?

Siya na mismo ang nagbuhat ng mga gamit ko.

Anong gusto mo, babae o lalake? tanong ko habang nakaharap sa kanya, nasa daan na kami papuntang ospital. Hindi kasi akmi nagpa-utra sound noon kasi pinilit ko siyang wag na, kesyo mas maganda kapag surprise pero ang totoo lang, ayokong malaman niya ang maaaring mangyari kapag nanganak na ako.

Tinpunan niya ako saglit ng tingin, kung pwede lang, lalake sana para may tagapagtanggol ang magiging kapatid niya kung babae.

Louen... paano ko ba to sasabihin sa kanya. *** Author: Last 2(?) chapters na lang. Tiis po muna. +++ [ML25]

Machikas POV

Dylan, bati ko sa kabilang line ng telepono, is mama there?

Iie, shes with papa at the office. (No)

Where?

Wakarimasen. (I have no idea)

Ahh, Dylan... I have something to tell you, please tell this to mama...

What again, Machika? Problem?

Im going to give birth three days from now...

Why? Youre only seven months pregnant!

Dylan, its possible... please tell that to mama but not now... I trust you... please? Tell her two days from now just prepare your plane tickets.

Nanahimik ang kabilang linya.

Dylan... I love you... all of you, napasinghot ako.

Oh, Machika, dont say that...

Make a promise.

I--- I promise.

*** Kisu shite mo ii? (May I kiss you?)

Huh? natatawang tumingin si Louen sa akin. Tinigil niya ang pagbabasa sa magazine na hawak niya. First day namin sa ospital.

Kahapon ay dumalaw sina Louella at ang mga magulang ni Louen at nag-usisa kung bakit biglaan ang pagpa-plano ko ng panganganak gayong pitong buwan pa lang ang tiyan ko. Hindi ko pinahaba ang page-explain at iniba ko kaagad ang usapan. Hindi naman sila tumutol, bagkus ay sinuportahan pa nila ang desisyon ko.

Bumangon ako mula sa hospital bed at hinalikan ko siya sa mga labi.

What was that for? nakunot-noo na natatawang tanong niya sa akin.

Anata wa itsumo nani wo sinpaishite iruno desu ka? (What's always on your mind?)

Machika, di kita maintindihan.

Ai shiteru, Louen, hinaplos ko ang pisngi niya. (I love you) Matutulog lang ako... sabi ng doctor, I need rest para sa mangyayari for the next two days. ~~~ Mrs. Vellez, alam mo ba ang kondisyon mo---

Doc, you need not to tell... ahm... doc, please dont tell this to my husband, kulang na lang ay hawakan ko ang kamay ng doktor ko.

Pero mabibigla siya kapag nalaman niya---

At mag-aalala siya, magsisisi kung bakit ako nagbuntis...dok, mamamatay din ako, alam mo yan... bakit hindi pa ako mamatay sa isang kondisyon na magpapasaya sa maraming tao? ~~~ Sige, pahinga ka na muna, binigyan niya ng munting halika ng noo ko.

I will sleepwell, and when Ill wake up, everything would be fine. *** Author: Maiikling updates na lang to. Promise! +++ [ML26]

Machikas POV

Hinga ka lang ng malalim... bilin sa akin ng doktor. Misis, uulitin ko po yung tanong ko... ikaw ba o yung bata?

Child... please let the child live...

Pwedeng pumasok si Louen sa loob ng kwarto pero sinabi kong wag na. Ayokong malaman niya ng ganito kaaga.

Wala akong maramdaman dulot ng anaesthesia na tinusok sa akin kanina.

Lumipas ang isang oras at pakiramdam ko ay hinang-hina na ako.

U-u-uwaaah!

I-is that my child? nanghihinang tanong ko.

Mrs. Vellez, its a girl... congratulations...

Thank-thank you... pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat, I w-wanna carry my daughter...

Kahit namamasa ang mata ko ay tinignan ko ang sanggol na ansa kamay ko ngayon... seven months old nga ang anak ko... pero malusog pa rin siya... manang-mana sa ama... Tinignan ko ang mga nurse at doktor na nag-assist sa akin... parang naiiyak din sila.

G-gusto kong makausap ang a-asawa ko... nakapikit na sabi ko. Nararamdaman kong gumagalaw ang maliit na may buhay sa kamay ko, siya na lang ang nagbibigay lakas sa akin ngayon.

Go, go, call him, out... outside, dinig ko ang boses ng doktor. Lumabas na silang lahat. *** Louens POV

Tatlong oras ng nasa loob si Machika at halos mapudpod na ang sapatos ko kakaparoot parito.

Kinikiskis ko din ang palad ko kasi nanlalamig iyon at pinagpapawisan ako kahit na airconditioned naman ang buong floor ng ospital.

Louen, Machika will be fine, sabi ni mama na nakaupo lang katabi sina Louella at papa.

Ma, hindi ko maiwasan---

Son, ganyan din ako noong ikaw ang iniluluwal ng mama mo kaya magiging okay din yan, putol ni papa sa sasabihin ko.

Hindi magiging okay ang lahat. May sakit si Machika... hindi nila alam iyon...

Lumalabas na sila, sabi ni Louella.

Awtomatikong nilaan ko ang paningin ko sa pintuan ng operating room.

Dok---

Your wife wanted to talk to you, simpleang sabi niya at nakayukong lumayo na sa akin.

Bumuka ang labi ko para magsalita pero wala naman akong mahagilap na salita para sabihin.

Tumingin ako kina mama at tumango lang sila sa akin.

Binuksan ko yung pinto na pinanggalingan ng doktor.

Nakita ko si Machika, katabi ang anak namin...

Louen?

Im here... Im here...

I-its a girl... our baby is a girl... what... w-what name should you give her? pinilit niyang imulat ang mga mata niya. May masaganang luha na tumutulo mula roon.

Well name her... tayo ang magpapangalan sa kanya, Machika...

Umiling siya sa akin, I cant now...

Machika...

The-the key of the last p-part... nasa loob ng-ng paper bag sa likod ng bag...

Please dont talk like that... maaalagaan mo pa ng matagal ang anak natin... pakiramdam ko ay biglang bumigat ang kalooban ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang ulo nga nak namin na ngayona y mapayapa ng natutulog, ramdam siguro niyang nasa malapit lang ang ina niya.

Umiling si Machika, nakuha ko na ang p-pabor na hiningi ko, L-Louen... ngayon naman, kukunin k-ko na ang pangako mo... Louen... can you promise me that you will love again without comparing the

lucky girl to me? F-Find a woman that would love our daughter as much as we love her... L-Louen... can you make that as a promise?

M-Machika... bakit... hindi ko madugtungan ang sasabihin ko.

Carry our child, p-please... pagkatapos niyang halikan sa noo ang bata ay sabi niya.

Marahan kong binuhat ang bata na simpleng puting tela lang ang kinakabalutan, medyo umingit pa siya pero tumigil din agad.

T-take good care of her... bulong ni Machika.

Umiling ako, ssshhh...

Louen, I love you... ai shiteru... ai shiteru... promise me...

I-I promise...

Then sing for me... p-please?

Napapikit ako sa pagpipigil ko ng iyak... at sinimulan kong kantahin ang paborito niyang kanta habang hawak ang kamay niya. *** Author: lipat na, last chapter na iih. +++

[ML27]

Louens POV

I said, dont touch that, Machika, natatawa ako sa bawat pagkunot ng noo ni Machika.

Eh? sabi niya sa akin at itinaas ang picture frame.

Umiling ako, hindi yan pwedeng laruin, Machika. Thats your moms picture.

Kuya, sabi ko na ngang itago mo yan eh, kita mo ng kating-kati si Machika na laruin yan, mula sa likuran ko ay sumulpot si Louella at pinanggigilan si Machika.

Karui Machika Vellez is my 2-year old daughters name... or just simply Machika. Sinunod ko sa pangalan ng mama niya.

Hinding-hindi ko itatago ang larawan ng mama ni Karui.

Ahy ewan ko sa yo... basta ang kyuuuut kyuuuut ng pamangkin ko... di ba di ba? Sinong kyuuut?

Nakangiti lang ako habang pinapanood sila.

Karui has her mothers eyes... deep and dark... pati buhok ay nakuha niya pero ang facial expressions ay sa akin na niya namana.

Maya-maya ay sumandal sa pader si Karui.

Kuya, tanggalin mo nga yang ginagawa ni Karui, matutulog na naman siya diyan, nakasimangot na angal ni Louella.

I wont, kasi yun pa ang isang ugali ni Machika na nakuha ng anak namin... hinding-hindi ko yun ipagbabawal sa anak ko. Bantayan mo muna siya.

Para namang mababantayan ko pa eh tulog na tulog na.

Umakyat ako sa kwarto na dati ay ino-okupa ni Machika... ginawa ko iyong nursery ni Kirui. Kirui means light.

Mula sa drawer na nandun ay inilabas ko ang notebook ni Machika. Nabasa ko na iyon, ilang ulit na. Pero gustung-guto ko pa ring basahin hanggang ngayon. ~~~ Louen,

Six years ago, umalis ako... hindi dahil hindi talaga kita mahal... Im so sorry if I never told you about my sickness before... pero nung matanggap ko ng hindi na ako gagaling, Ive decided to return here in the Philippines para makita ka ulit... even just for the last two years of my life.

Louen, it was worth it... dinagdagan ko to... I wasnt especting for us to have a child. Im so sorry if I never told you that I will die if ever I give birth. Kaya mas pinili kong ilihim ang lahat sa iyo kasi alam kong sisisihin mo lang ang sarili mo.

You have to face the world without me now... both of you, our child. Magmahal ka ulit pero wag mong ikokompara sa akin... pero siguruhin mong mamahalin niya ang anak natin kasi mahal na mahal ko kayo

at lagi ko kayong babantayan kahit na anong mangyari. Nandito lang naman ako... nandyan naman ako sa puso mo, di ba? Kaya wala na akong dapat ipag-alala pa.

I wont forget you, Louen... youre the only man whom I gave myself and I dont have any complain of that. I love you so so so much and no one could ever erase that love from my heart.

Can you please tell mama how sorry am I for lying? Hindi ko kasi sinabi sa kanya na magpapa-ceasarian ako. Kapag sinabi ko, malamang na magalit siya sa akin. Louen, tell her to smile always and tell Dylan to look after mom. Tell them how much I love them.

Itago mo na ang picture ko... nakita ko na yun noong nagpunta tayo sa office mo, pinilit kong halughugin lahat ng drawers mo para makita kung ano yung tinatago mo noon sa akin sa office mo. Akala mo ha, kaw din pala, hinintay ako for six years. Wag mong pahirapan ang sarili mo, Louen, itago mo na ang picture ko. Okay lang sa akin. Kasi ayokong nakikitang nasasaktan ka habang nasa sa iyo pa ang picture kong yun na mahabang panahon mong tinago.

Pakisabi din kay mama Jane, kay papa Rick at kay Louella na sorry kung bakit hindi ko sinabi sa kanila ang kalagayan ko... at kung bakit hindi ko matutupad ang pangako natin sa simbahan na habangbuhay. Tutuparin ko na lang yun... dito sa puso ko.

Wag mong kalilimutang ituro sa anak natin ang paborito kong kanta, ha? Wag mo ring kalilimutang sabihin araw-araw sa kanya na mahal na mahal ko siya... pero wag mo akong masyadong ibida kasi baka hanapin niya ako... hindi maaari yun, dapat matutok ang atensyon niya sa babaeng mamahalin mo pagka-move on mo sa akin.

Louen, naging selfish ba ako? Dapat ba, hindi na ako bumalik para hindi ka na nasaktan pa nung mawala ako? Louen, sinisisi mo ba ako kasi miserable ka ngayon? Kasi, Louen, ako, hinding-hindi nagsisisi... I spent my last times beside you... the moment I laid my eyes on you, maaari na akong mamatay.

Louen, mahal... na mahal... na mahal kita... okay? Hayaan mo nang ako na lang ang magmahal sa ating dalawa kasi ikaw, kailangan mong harapin ang mundo at magmahal muli.

Hindi kita kayang mahalin hanggang habangbuhay, Louen... kasi ang forever, may katapusan yan... I will just love you til eternity.

Love, Machika ~~~ Kasama pa sa sulat na iyon ang mga larawan niya sa Japan six years ago. Bawat larawan ay may note doon kung kelan at saan nakuhanan yun.

May nakatakas na isang patak ng luha mula sa mata ko habang sinasara ang sulat. Kinuha ko yung larawan niya na kanina lang ay nilalaro ni Kirui.

Ngumiti ako ng mapait. Two years na oh, dalawang taon na si Kirui. Ang kulit niya, gaya mo. Gabi-gabi ko siyang kinakantahan, baka akala mo. Ang hirap niyang alagaan kasi nagmana siya sayo. Alam mo ban a pareho kayong nakatayo kung matulog? Ang advance nga niya eh. Ilang buwan pa lang siya nang unang magsalita... at alam mo ba kung ano ang una niyang nabigkas? Mama...

Machika, kung nakikita mo lang siya ngayon, para kang tumitingin sa isang salamin habang nagbabalik tanaw... kamukhang kamukha mo kasi siya gaya na rin ng sinabi nina mama. Nga pala, nasabi ko na naman ito noon pero sasabihin ko ulit, hindi galit sa iyo ang mama mo... pati na sina Louella... naiintindihan ka daw nila...

Oo, umiyak kaming lahat nung mawala ka, pero natuto rin kaming bumangon sa tulong ng isat isa dahil hindi mo naman ginawang mahirap para sa amin ang lahat. Sorry pero hindi ko pa rin natutupad yung hiling mo na magmahal uli ako... mukhang hindi ko na magagawa yun kasi sapat na sa kin si Kirui at ang alaalan iniwan mo.

Mahirap ang hiniling mo eh. Maaari bang humiling ka na lang ng iba?

Ilang ulit ko ring naisip an sumunod na sa iyo diyan... kaso sa bawat pagkakataong naiisip ko yun, saka naman tatawa si Kirui... na para bang sinasabi niyang nasisiraan na ako ng ulo... maaring oo nga, nasisiraan na ako, pero kung yun ay dahil sa iyo, tatanggapin ko.

Hindi ko pa rin itatapon tong larawan mo, hinding hindi ako magtatapon ng alaala mo... Yung mga punong tinanim mo, malalaki na sila, ako ang nagdidilig pero si Louella ang madalas na humawak tapos minsan nakikisali din si Kirui.

Makaka-move on din ako... hindi pa nga lang ngayon kaya maghintay ka na lang. Darating din ako dun. Machika, mahal na mahal din kita. Hindi ako galit sayo sa paglilihim mo... naiintindihan kita... kasi kung hindi naman natin ginawa yun, malamang wala si Kirui na pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob ngayon.

Paano kita makakalimutan? Kung ang mismong araw ng pagkamatay mo ay ang araw na pagkapanganak ni Kirui? Mahirap yun.

Kung maibabalik ko man ang oras, malamang ginawa ko na... kasi sasama na ako sa yo sa pagkakataong iyon... hindi na kita hahayaan pang mawala. Hinding-hindi na...

Sumandal ako sa pader at tumingala... hanggang ngayon ay hindi ko pa ring maiwasang hindi umiyak.

Pa-po-papa!

Narinig kong may kumakalabog sa labas ng pinto.

Pinunasan ko ang luhang nananalaytay sa pisngi ko at binuksan ang pinto. Oh, Kirui, umakyat ka na naman ng hagdan!

Machika, kita mo na? Ang kulit niya, hindi ba? Umaakyat siya mag-isa sa hagdan.

Tita Lou? tanong ko sa kanya at binuhat siya.

Sinenyas niya ang kamay niya sa kin na parang nagpipindot at tinampal tampal sa tenga niya.

Ah, call?

Lo-Lo-Lo... sagot niya lang sa kin. Yun ang tawag niya kay Louella, Lo.

Aayusan na kita, bibisitahin pa natin si Mommy, sabi ko at pinasok na siya sa kuwarto.

Binihisan ko siya at sumunod ay ako naman.

Second death anniversary ni Machika, second birthday naman ni Kirui.

Hawak sa kamay si Kirui ay bumaba na kami ng bahay. Tinanguan ko lang si Louella bago lumabas. Susunod na lang siya sa sementeryo.

Pagdating doon ay kami pa lang ni Kirui ang nandun. Mamayang hapon pa darating sina papa tapos baka mamaya lang din ay anndun na ang mama, ang kuya at ang stepdad ni machika na galing lang Japan.

Moma? Mama? Mom-momma! paulit-ulit na sabi ni Kirui habang hinahaplos ang kinalalagakan ni Machika.

Yes, baby, mama... say hi to her and say I love you, utos ko sa kanya. Lumuhod pa ako sa likuran ni Kirui para magkapantay kami. Hinawakan ko ang kamay niya at winagayway sa harapan ng nitso ni Machika, Hi, ma, Im a good girl while daddy is bad because he camt keep his promises to you... he still loves and misses you, mama, pinaliit ko pa ang boses ko na parang galing talaga iyon kay Kirui.

Momma... wab you papa... utal-utal na sabi ni Kirui.

Napangiti na lang ako kahit na may namumuo ulit na luha sa mga mata ko.

Rest in Peace, Machika Eresa-Vellez.

X) Fly. X) Touch the fire. X) Breathe in the water. X) Plant many trees. X) Walk hand-in-hand. X) Have sex. X) Die. *** Author: Oh di vey? Tapos na siya! Ang boring nuh? Ni walang sense! XD +++ [ML28]

Authors POV

My end note:

Lets say, na-inspire akong gumawa nito and then may inspiration ako...

Nung second year high school ako, I was bumped by a car... yeah, papasok ako noon sa eskwelahan at tumatawid sa ped lane pero hindi yung tipong tumalsik ako, tinakbo sa ospital o ano pa... I was just hit, yung mahina lang naman... pero imbes na ngumawa dun kasi masakit yung hita ko na natamaan ng sasakyan, I stood up then walk.

Walang iyak na narinig. Walang reklamo. Kasi that time, gulung-gulo ang isip ko. Family problem. Ni hindi nga na-digest ng isipan ko na nabangga ako.

Sinalubong ako nung guard namin sa school, okay ka lang ba, neng? tanong niya sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bakit niya tinatanong kung okay lang ako? Po? yan lang nasabi ko at naglakad na palayo. Natatandaan ko pa kung anong klase ng tingin ang binigay sa kin ng mga taong nakakita ng pangyayaring yun.

Nakayuko lang ako. Pag-upo ko sa kwarto, kumirot yung paa ko. Hindi talaga ako makapaniwalang nabangga ako, ni hindi ko hinarap yung driver kasi dire-diretso lang akong naglakad noon... yung tipong nagkaroon ng screeching of tires, boogsh and then wala na.

Naisip ko nga noon kung baka sa iba nangyari yun, sa police station na nakarating. Naisip ko rin na baka kasalanan ko rin kasi basta na lang ako tumawid noon.

And then bakit ko to nakwento sa inyo... kasi, kunwari ako si Machika... maraming problema tapos dumagdag pa ang sakit niya. Let I be Machika and let the car that bumped me be her sickness... pero anong ginawa namin pareho ni Machika? Hindi nagreklamo, di ba? Kundi tumayo kami, then... LIFE GOES ON. Every problem has an end... kasi kung yan walang katapusan, sumpa na yan.

Yes, I alone is my inspiration in writing MACHIKAS LIST though the end was planned. And I was really wishing na buti na lang, hindi kami nagkapareho ng end ni Machika.

Pagkatapos ng incident na yun ng buhay ko, I make sure na everytime na tatawid ako, sa ped lane talaga at tumitingin-tingin na ako sa left and right side. Up to now, may marka pa rin sa hita ko na di ko maexplain sa parents ko kung saan ko nakuha yun. Kasi nga ni sarili ko ay hindi makapaniwalang may nangyari sa aking ganun. Para nga akong lasing nun.

So, here, I made Machikas List. I know na hindi siya maganda kasi di ko ma-express ng mahusay yung totoong feelings ng mga characters... pero isang message lang naman talaga ang gusto kong tumatak sa isipan ng bawat nakabasa ng kwentong to: It doesnt end there... find another path and off you go. Magulo noh? Pero kapag naranasan niyo na yang kalokohang iyan, magkakaintindihan na tayo.

Again, maraming salamat.

-EijeiMeyou

You might also like