You are on page 1of 1

ARALIN 56 SECOND GRADING

Basahin at tignan kung paano ginamit ang mga panghalip na nakasulat nang pahilig. Masayang- masaya si Ricky. Pumayag kasi ang tatay niya na siya ay makadalo sa parti na gaganapin sa bahay nina Rolly. Nais niyang isama ang kanyang pinsang si Aileen kaya tinawagan niya ito sa telepono. Ricky: Jenny: Helo. Ito po si Ricky. Maaari ko po bang makausap si Aileen? Helo! Ikaw pala si kuya Ricky. Teka sandali at tatawagin ko si Ate.

(Patakbong tinawag ni Jenny ang kapatid na kasalukuyang nasa kanyang silid at nagbabasa.) Makalipas ang ilang sandali. Aileen: Helo, ikaw nga ba si Ricky? Ricky: Oo. Ako nga Alam mo bang pumayag na si Itay na dumalo ako sa parti ni Rolly? Aileen: Talaga ba? Ricky: Kaya nga ako tumawag sa iyo. Isasama kita para makilala ka naman ng aking matalik na kaibigan. Tiyak na makikita rin natin doon sina Lenlen at Ding. Magiging masaya tayo roon. Aileen: Ngunit Wala si Inay. Paano ako makapagpapaalam? Ricky: Hindi problema iyon. Narito kanina sa amin ang iyong Inay. Naipagpaalam na kita sa kanya. Aileen: Ganoon ba? Ricky: Oo. Kaya daraanan kita riyan sa inyo sa ganap na ikaanim ng gabi. Aileen: Sige. Bay Ricky: Bay!

You might also like