You are on page 1of 2

Editoryal: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-tudling Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang

magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa. Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan. Mga Layunin ng Editoryal 1. 2. 3. 4. 5. 6. Magpabatid Magpakahulugan Magbigay-puna Magbigay-puri Magpahalaga sa tanging araw Manlibang

Mga Uri ng Editoryal 1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari. 2. Nagpapabatid. Itoy nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan. 3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayariy makapagbunsod ng pagbabago. 4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangitanging Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan. 5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon. 6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit dito ay dipormal, Masaya, kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang. Mga Uri ng Editoryal Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya. Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.

Pagtutol. Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan. Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon.

Mga Bahagi ng Editoryal 1. Panimula o news peg. Ito ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang. 2. Katawan. Ito ang kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon siya sa paksa. Narito rin ang layunin ng sumulat ng editorial. 3. Panapos o pangwakas. Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu. Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal 1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula, maikli lamang upang akitin ang mambabasa. 2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw. 3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulain. b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba. c. Gumamit ng magkakatulad na kalagayan. d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan. 4. Tapusin ang naaangkop. 5. Tandaang ang pinakapansing bahagi ay ang panimula at ang panapos. 6. Gawing maikli lamang. 7. Huwag mangaral, ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mambabasa ang gumawa ng sariling pagpapasiya. 8. Iwasan ang unang panauhanm isahang panghalip. 9. Sulatin nang payak lamang.

You might also like