You are on page 1of 1

Dumaan ang isang babaeng marumi at punit-punit ang damit, at nagsasalita sa kanyang sarili sa linggwaheng hindi ko maintindihan.

Para sa iba, siya ay baliw. Tapos. Ngunit para sa akin, maaaring siya ay baliw ngayon, ngunit kaninang umaga ay hindi pa, at kinabukasan ay hindi na. Maaaring isa siyang tanyag na modelo mula sa Africa na magbabakasyon sana sa Maynila ngunit na-crash sa Davao ang eroplanong sinasakyan kung kaya't marumi at punit-punit ang kanyang damit at nagsasalita siya sa kanyang sarili sa linggwaheng hindi natin maintindihan. Maaaring hindi talaga siya baliw. Hindi lang natin siya naiintindihan. Isa lang ang eksenang iyan sa patunay na iba ang aking pananaw sa mga bagay, at dahil ito sa pagbasa. Ang takbo ng aking isipan noong nakita ko ang babaeng 'baliw' ay produkto ng pagbasa ko ng The Bell Jar, ang natatanging akda ni Sylvia Plath tungkol sa kanyang dinanas na depresyon. Dahil sa pagbasa, natutunan kong hindi sapat ang simpleng pagtingin sa mga bagay; mahalaga ring unawain natin ang mga ito - katulad lamang ng hindi natin matatawag na ang isang tao ay nagbabasa kung ito ay nakatitig lamang sa akda at walang nahihinua. Dahil sa pagbasa, napalawak hindi lamang ang aking bokabularyo ngunit pati na rin ang aking imahinasyon at pag-unawa. Ngayon, makakita lang ako ng isang ibon ay napapatanong na ako sa aking sarili kung ito ba ay babae o lalake, matanda ba o bata, at kung nakasama ba niya sa paglaki ang kanyang inang ibon. Mas nabibigyang-pansin ko na ang maliliit na detalye ng mga bagay at pangyayari dahil sa pagbasa. Masasabi ko ring nabago ng pagbasa ang aking pag-unawa sa mga bagay dahil ngayon ay nakakapagbigay na ako ng opinyon ukol sa mga bagay-bagay at naihahambing ko na sila sa isa't isa. Kaya nga hindi pa rin ako nadadala sa karisma ni Christian Grey sapagkat para sa akin, walang hindi pwedeng maikumpara sa orihinal na boypren ng bayan, si Mr. Darcy ng Pride and Prejudice.

You might also like