You are on page 1of 10

Wind Chime Angelique Minorka Z.

Valones

Kliiing, klang, kliiiiingk, tunog ng wind chime tuwing bumubukas ang pintuan.

Panay ang tingin ko sa aking relo at nagkandabali na ang aking leeg sa kakalingon sa bawat costumer na pumapasok sa restaurant na ito. Hindi pa rin dumarating ang aking pinsan. Mag-iisang oras na akong nag-aantay sa kanya kaya naman minabuti ng isang mama na lapitan akot kausapin. Kuya Abe, ikaw pala, ani ko. Oo, iha. Kanina ko pa napapansin na mag-isa ka. May inaantay ka ba?, si Kuya Abe ang may-ari nitong restaurant. Opo. Yung pinsan ko po kasi. Dapat magkikita kami rito isang oras na ang nakararaan Muli na namang tumunog ang wind chime na nakasabit sa pintuan nang napakalakas kayat lahat ng tao sa loob ay napalingon. Ayan na pala ang inaantay ko. Denise, bat ang tagal mo naman?, pagalit kong sabi sa aking pinsan. Hey, pasensya na, naligaw kasi ako. Sorry talaga. Oo nga pala, si Kuya Abe, kaibigan ni Papa, pagpapakilala ko. Nice meeting you po, at inabot niya ang kanyang kamay, Ganun din sa iyo, iha, sagot naman ni Kuya Abe. Hey, anong meron sa sign doon sa may pintuan? biglang usal ni Denise. Yung No Motorcycles Allowed Inside the Restaurant ba? paninigurado ni Kuya Abe. Matagal nang nandoon ang sign na iyon ngunit hindi ko pinapansin. Noong una, sa tingin ko ay weirdo iyon. Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magpapasok ng motor sa isang restaurant? Ngunit dahil madalas naman akong naparirito ay parang naging normal na lang iyon sa akin. Napatawa si Kuya Abe, Buti naman ay naitanong mo iyan. Well, may magandang istorya sa likod niyan, ngunit bago ang lahat, umorder muna kaya kayo. Oo nga. Gutom na gutom na ako. Calamares po ang sa akin at dalawang kanin. Mango shake, extra milk, kanina pa kasi ako hindi kumakain.

Ganun na lang din ang sa akin. Kuya Abe, bakit hindi mo na simulan ang pagkukuwento habang inaantay ang order namin, sambit naman ni Denise. Sige, pero gagamit ako ng ibang pangalan. Para na rin mapangalagaan ang katauhan ng ating mga bida. Pagbibiro ni Kuya Abe. Nagsimula ito noong akoy isang hamak na waiter pa lamang

Nakatira ako noon sa boarding house kasama ang isang kaibigan. Mayaman ang aking Muslim na pamilya ngunit nais nila akong ipakasal sa isang kasosyo sa negosyo noong ako ay labing anim na taong gulang pa lamang kaya lumayas ako. Palipat- lipat ako ng trabaho hanggang sa may nag-alok sa akin na kaibigan na magwaiter sa isang restaurant na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Malapit ito sa isang pamantasan at ilang opisina. Maganda ang suweldo kayat hindi ko na hinindian. Isa pa, maraming magagandang kolehiyala ang nadadako roon kayat mainam na lugar iyon para maghanap ng magiging nobya. Bagong tapos na inhinyero ang aking roommate. Malapit sa aking pinagtatrabahuhan ang kanyang opisina kayat sabay kaming umuuwing nakasakay sa aking motorsiklo. Kaarawan ng kanyang ama noon kayat nag-inuman kaming dalawa. Grabe, pare, nakita ko yung crush ko noong highschool kanina, si Mari. Kung anong itsura niya noon, ganun pa rin ngayon. Kaya lang mukhang may anak na. Balak ko pa namang ligawan ngayon dahil nga may trabaho na ako, sabi ng aking kasama. Ako rin, pare, may chick kanina doon sa resto. Maganda, kolehiyala. Kaya lang may kasamang bata. Sana ay kapatid niya lang talaga iyon, sagot ko naman. Mukhang sawi na naman ako sa pag-ibig. Ilang taon din akong nag-antay para sa babaeng iyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ngunit sinayang ko lamang ito. Kung puwede lang sanang ibalik ang nakaraan. Ayos lang iyan, RV. Darating din ang tamang panahon para sa inyo ng nakatadhana sa iyo. Oo nga pala, RV ang pangalan ng roommate ko. Isang simpleng lalaki, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kutis at walang kaartehan sa buhay. Kinabukasan, habang nagpupunas ng mesa, may babaeng lumapit sa akin. Literal na nalaglag ang panga ko nang makitang muli ang nilalang na ito. Tila bunga siya ng pag-iibigan ng anghel at diwata. Maputi at makinis na kutis, hazel brown na mga mata, wavy ngunit hindi naman magulong tingnan na buhok, may katangkaran, simpleng kasuotan ngunit bagay at kumportableng tingnan. Siya ang kinukuwento ko kay RV kagabi, yung kolehiyala, at mas maganda siya sa malapitan. Natulala akot napatitig lamang sa kanya. Tila may sinasabi siya ngunit wala ako sa aking sarili. Ang alam ko

lang, hindi pa ako patay ngunit pakiramdam ko ay nasa langit na ako dahil sa anghel na nasa harapan ko. Bumalik lamang ako sa aking ulirat nang may nahulog na kutsara sa kabilang mesa. Excuse me, tapos mo na bang punasan yan? Uupo na kami ng kapatid ko at ito lang ang bakante, maging ang kanyang boses ay mala-anghel din. Ah, oo, tapos na. Heto, puwede na kayong umupo, sagot ko naman. Salamat, sabay ngiti sa akin. Ngiting bumihag sa aking puso at alam kong magiging sanhi ng maraming gabing kahirapan sa pagtulog. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya, pinagmamasdan siya habang marahang inililipat ang mga pahina ng kanyang aklat na binabasa. Nagpatuloy iyon nang halos isang oras hanggang dumating si RV. Nakangiti siyang pumasok ngunit bigla siyang namutla habang papalapit sa akin. Pare, may sasabihin ako sa yo. Gusto kong ikuwento kay RV ang babae na kasalukuyang bumihag ng aking puso ngunit bigla niya akong hinila sa gilid. Tang ina, pare, nandito yung sinabi ko sa iyo kagabi, si Mari, yung crush ko noong highschool, sabay turo niya sa bandang likuran ko. Paglingon ko, anak nga naman ng tokwat baboy, yung crush ni RV at ang aking anghel ay iisa. Ano nga pala sasabihin mo, pare? tanong ni RV na namumutla pa rin. Wala. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na may napulot akong singkwenta pesos kanina, pagsisinungaling ko. Ayos yan, pare. May pang gasolina na tayo. Napakahirap ng sitwasyon ko. Si RV ang pinakamatalik kong kaibigan at para ko na rin siyang kapatid. Ngunit hindi ko kayang basagin ang kanyang kaligayahan. Ito ang babae na madalas niyang ikinukuwento, ang babaeng hindi niya nakalimutan kahit limang taon na ang dumaan. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang pagtingin kay Mari. Hanga rin naman ako sa lalaking ito. Kahit maraming babae ang nagpapakita ng motibo at pagkagusto sa kanya, hindi niya sila pinansin. Kaya pala, nakareserba ang kanyang puso para sa isa at isa lamang na dilag. Hindi rin naman ako nagtataka dahil kahit sinong lalaki ay handang maghintay para kay Mari. Ngunit paano naman ako? Oo ngat bago ko lamang siya nakilala ngunit iba ang pakiramdam ko tuwing nakikita siya. Gusto ko siyang makilala nang lubusan, pare. Gusto kong malaman kung kamusta na siya, ang pamilya niya, anong ginagawa niya rito at kung ano pa. Pero higit sa lahat, gusto kong malaman kung anak niya ba yung kasama niya. At tutulungan mo ako, pare, ha? Mangako ka sa akin. Alam kong hindi anak ni Mari ang kasama niya bagkus ay kanyang kapatid ngunit naisip ko, dahil mahiyain si RV, ako ang pipilitin niyang alamin ang katotohanan. Ibig sabihin, makakausap ko siya. Ayos.

Sige, pare, ano ba mga gusto mong malaman? Tatanungin ko siya, mamaya. Ay, bukas na lang pala, mukhang papaalis na siya. Hindi nga ako nagkamali. Kinuha na ni Mari ang kanyang mga gamit at hinablot ang kamay ng bata sabay lumisan. Dapat na rin tayong umuwi, pare. Alas-siyete na, tapos na ang shift mo. Magpaalam ka na at aantayin na lang kita doon sa motor mo. Tama si RV, tapos na ang trabaho ko. Kinuha ko na lamang ang bag, nagpaalam, at sumunod na sa kanya. Noong gabing iyon, hindi ako makatulog. Ginagambala ni Mari ang aking isipan. Ngunit mukhang hindi ko siya solo. Sa kabilang kama ay naaaninag ko ang mulat na mulat pang si RV. Halata mong hindi siya mapakali. Anong problema, pare? Hindi ka ba makatulog? tanong ko sa aking kaibigan. Oo, pare. Hindi ko matanggal sa isip ko si Mari. Naisip ko, ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kayat nakapagdesisyon na ako. Liligawan ko siyakung wala pa siyang asawa. Napalunok na lamang ako ng laway habang unti-unting nadudurog ang aking puso. Alam kong gustong-gusto ni RV si Mari, pero hindi ko makalimutan ang kanyang maamo at malaanghel na mukha.Pero naisip ko rin na ang tagal hinintay ni RV ang pagkakataong ito. Nasabi niya rin kasi dati na maraming nanliligaw noon kay Mari kayat hindi na siya sumubok pa dahil wala di umano siyang panama sa kanyang mga kakompetensiya. Pero alam mo namang mahiyain ako, pare. Kaya naisipan kong magpatulong sa iyo, kung ayos lang. Oo naman, pare, kahit masakit. Ang lakas mo sa akin eh. Hayaan mo, bukas, sisimulan natin. At natulog na kaming pareho na si Mari ang huling gunita. Dalawang calamares, na may tigdalawang kanin po, maam, sa wakas, dumating na ang order namin ni Denise. Nakalimutan ko ang gutom ko dahil sa kuwento ni Kuya Abe, wika ng aking pinsan. Tumawa lamang ang mama. Ibig sabihin, magaling akong magkuwento. Jude, dalhan mo nga ako ng inumin ditto. Mukhang matutuyuan ako ng laway dahil sa dalawang ito. Agad namang tinungo ni Jude the Waiter ang kusina at bumalik kasama ang isang pitsel ng tubig. Ituloy niyo na po ang kuwento, ani ko. Saan na nga ba ako banda? tanong niya.

Natulog na kayo na si Mari ang huling gunita, sabay naming sabi ng aking pinsan. Oo nga pala. Si Mari ang aking huling gunita

Alas-onse nagbubukas ang aking pinagtatrabahuhan kayat pagdating na pagdating ko ay agad kong nilinis ang mesa kung saan nakapuwesto si Mari kahapon. Sinigurado kong malinis ito at inispray-an ko pa ng kaunting pampabango. Kalahating araw kong binantayan ang pwestong iyon. Nagtaka pa nga ang aking boss dahil hindi ko hinahayaang may umupong iba sa mesang iyon. At pagpatak ng alas-singko, dumating ang inaantay ko. Natanaw ko mula sa kalayuan si Mari, kasamang muli ang bata. Inayos ko ang aking sarili at nag-abang sa may pintuan. Bago pa man maitulak ni Mari ang pinto ay binuksan ko na ito para sa kanya. Binigyan niya ako ng ngiti bilang pasasalamat at naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Sinamahan ko siya hanggang sa kanilang puwesto. Ano pong order niyo maam? tanong ko. Sa totoo lang, hindi kami kakain. Tubig na lang para sa aming dalawa. Kaibigan ko ang anak ng may-ari kaya inalok niya ako na maaari akong tumambay rito habang inaantay ang klase ko ng alas-siyete. Hindi kasi ako puwedeng tumambay sa library dahil bawal ang bata roon. Kawawa naman ang kapatid ko kung iiwan ko siya sa labas. Hindi man siya nagsasalita, walang kasing kulit naman itong bubwit na ito. Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Wala kasing ibang magbabantay sa kanya dahil bagong panganak si Nanay kayat nagprisinta ako na siyang magbabantay sa kanya, nginitian ko siya. Tubig, coming up, sabay alis ko. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig, dalawang baso at dalawang hiwa ng chocolate cake. Hindi ako umorder nito, sabay turo niya sa cake pagbalik ko. Galing yan sa aking kaibigan, huwag kang mag-alala, at umupo ako sa tapat niya. Salamat, saka pasensya nga pala kanina at madaldal ako. Salamat rin sa cake. Sino nga pala itong kaibigan na sinasabi mo? pag-uusisa ni Mari. Naku, wala iyon, nakakatuwa ka nga e. May kilala ka bang RV? sisimulan ko na ang usapan naming ng aking kaibigan. Napansin kong umakyat ang dugo papunta sa kanyang makinis at mapuputing pisngi. Oo, pareho kami ng highschool na pinasukan, sagot niya.

Gusto ka kasi niyang makilala nang pormal. Mukhang hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na ipakilala ang kanyang sarili. Kaya lang, may trabaho pa siya. Alassingko pa siya darating. Kaya naman bilang kanyang kaibigan, trabaho kong alamin pa ang tungkol sa iyo habang wala pa siya, at ilayo ka sa iba pang lalaki, tulad niya, sabay titig ng masama sa maliit na lalaki sa katabing mesa na kanina pa nakatingin kay Mari. Mukhang natakot naman ang lalaki sa akin at lumingon na lamang sa iba nang magtagpo ang aming mga mata. May humawak sa braso ko at naramdaman kong muli ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Tama na, Abe. Magkahalong gulat at galak ang naramdaman ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Abe? San mo naman nakuha iyan?, pagmamaang-maangan ko. Ngumiti siya at tumuro sa aking dibdib. Napalingon ako sa kanyang tinuturo at tumawa na lamang. Nakasuot nga pala kaming mga waiter ng nametag. Alam mo, nakakatawa ka kahit hindi ka nagpapatawa. Sa katunayan, hiyang-hiya ako sa aking sarili dahil sa nangyari. Ano nga palang trabaho ng mga magulang mo? Gusto ko lang talagang ibahin ang usapan para malimutan na niya ang kahihiyan ko kanina. Seaman ang aking ama. Si Nanay naman ay nagbabantay ng aming payak na tindahan. Pero ngayon, ang tiyahin ko muna ang nagbabantay, nasabi ko na kanina na bagong panganak siya. Labindalawa kaming magkakapatid, may trabaho na lahat ng nauna sa akin. Pang-anim ako sa aming magkakapatid. Nag-aaral naman ang mga nakababata sa akin. Apat ang kapatid kong lalaki at walo namang babae. Napahinto siya, dumadaldal na naman ako, hindi ba? Hindi naman masyado, nakakawili ngang makinig sa iyo, sagot ko. Mukhang nahiya ata siya kayat sumubo siya ng cake at uminom. May boyfriend ka na ba? Nabigla ata siya sa tanong ko dahil naibuga niya sa aking mukha ang kanyang iniinom. Napapikit na lamang ako. Pasensya na talaga, Abe, sabay punas sa aking mukha at buhok. Nagulat naman kasi ako sa tanong mo. Ngumiti na lamang ako. Hindi, ayos lang, ako na magpupunas. Ano na ang sagot mo? Uminom siyang muli. Napansin ko ang pamumulang muli ng kanyang pisngi. Sa totoo lang, wala. Kaibigan mo kamo si RV, di ba? Noong high school kasi, hindi naman sa pagmamayabang ay maraming nanliligaw sa akin. Wala akong natitipuhan sa kanila at isa pa, masyado pa akong bata at wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Ngunit may isang lalaki na lagi kong natatanaw mula sa kalayuan. Madalas siyang mag-isa at nagbabasa ng libro sa ilalim ng isang puno sa gilid ng aming paaralan. Madalas mang nakakunot ang noo niya, bagay naman ito sa kanya. Tuwing nagkakasalubong kami, ni hindi siya lumilingon sa akin. Pakiramdam ko ay galit siya sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit. Lubos na nabagabag ang aking isipan. Isang araw, naglakad-lakad ako upang mamitas ng kasoy. Nakita ko siya sa ilalim ng puno, nagbabasa. Tinanong ko siya kung puwede bang umakyat doon sa punong iyon dahil ito ang pinakamababa at pinakahitik sa

bunga. Tinignan lamang niya ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko talaga alam kung bakit ang laki ng galit ng taong ito sa akin, ngunit isinantabi ko na lamang iyon. Dahil hindi siya sumagot, ipinagpalagay ko na lamang na payag siya. Isa pa, hindi naman sa kanya iyong punong iyon kayat wala namang problema. Nagpakasawa ako sa bunga ng punong iyon. Mabilis kong napuno ang aking supot na dala pati na rin ang aking dalawang bulsa. Pababa na ako ng puno nang marinig kong parang may lumagitik. Pagtingin ko sa inaapakan ko, mukhang mababali na ito. Kinabahan ako, isang kamay lang ang maaari kong gamitin dahil ang isa ay may hawak na supot. At dahil nga nataranta na ako, namalayan ko na lamang na may mga bunga ng kasoy na lumulutang sa gilid ng mukha ko. Saka ko lamang napagtanto na pabaligtad akong nahuhulog mula sa tuktok ng puno. Kayat ginawa ko ang normal na ginagawa kapag nahuhulog ang isang tao, sumigaw na lamang ako. Hinintay ko na lamang na lumagapak ako sa lupa upang matapos na ang aking isang paghihirap at mapalitan ng isa pa. At dumating ang aking pinakahihintay, naramdaman ko ang muling pagtapak sa lupa. Ngunit hindi ito ang inaasahan ko. Parang may nadaganan akong malambot, maliban pa sa kasoy na napirat sa aking bulsa. Sinalo ako nung lalaking nagbabasa sa ilalim ng puno, at mukhang masama ang pagkakabagsak ko sa kanya. Napahiga kaming dalawa. Agad naman siyang tumayo at inalok ang kanyang kamay. Paghawak ko sa kanya, bigla na lamang siyang umungol sa sakit, mukhang napuruhan ata ang kanyang braso. Tumayo na lamang ako mag-isa kahit masakit ang aking katawan. Nilapitan ko siya at tinabihan sa kanyang pagkakaupo. Kinumusta ko ang kanyang braso ngunit hindi siya sumagot. May kalahating oras din kaming nakaupo lamang doon at hindi nagsasalita. Sa katunayan, kahit hindi kami naguusap, hindi ako nabato. Hanggang sa narinig namin ang kanyang ina na tinatawag ang kanyang pangalan. Pinulot niya ang kanyang libro at tumakbo nang hindi man lamang ako nilingon. Sa pagkakataong iyon, umuwi na lamang ako. Utang ko ang buhay ko sa kanya dahil kung hindi niya ako sinalo, marahil ay malala ang aking kalagayan. Magmula noon, hindi na siya maalis sa isipan ko. Nang maglaon, hindi ko na siya nakita ngunit nanatili pa rin siya sa aking mga gunita. Hindi ko man alam dati ngunit iniibig ko na siya magmula noon. Hanggang isang araw, muli kaming nagkita at tulad ng dati, hindi niya ako pinansin. Pero naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso nang magtagpo ang aming mga mata. Si RV ang tinutukoy ko, Abe. Nadurog ang aking puso sa unang pagkakataon. Narealize ko rin, iyon na lamang ang aking nasabi. Kahit na masakit, alam ko sa sarili ko na sila ang para sa isat isa. Biro mo, kahit hindi sila lubusang magkakilala, ang isat isa ang sinisigaw ng kanilang mga puso. Nung pagkakataong iyon, dumating naman ang aking kaibigan na muli na namang namumutla. Nilapitan ko siya at dinala sa mesa ng namumula ring si Mari. Mari, si RV, mahal ka nito. RV, si Mari, mahal ka rin niya. Kung hindi nila kayang umamin sa isat isa, tutulungan ko na lamang sila. Iniwan ko sila at hinayaang makapag-usap habang tinatanaw sila sa kalayuan.

Buuuuuurrrp!

Napatingin kaming lahat kay Denise at sabay-sabay na nagtawanan. Badtrip ka naman Insan, sinisira mo yung moment e, pang-aasar ko sa kanya. Sorry, di ko napigilan. Tama ka, ang sarap nga ng luto dito, sabi niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya sabay lingon kay Kuya Abe at nagsabing, Anong nangyari pagkatapos ng aminan Kuya Abe? Naglabasan na nga ng naramdaman habang ako roon ay nasasaktan. Iniwan ko sila at tumungo sa labas upang magpahangin

Hindi na sila dumaan pa sa stage ng pagliligawan. Ilang taon din nilang inantay ang isat isa, hindi na dapat sayangin pa ang panahon sa ligaw-ligaw na yan. Naging masaya ang kanilang pagsasama, nagkaroon ng anak at namuhay nang matiwasay. The end.

Sandali lang, nasaan na ang tungkol sa sign sa labas na No Motorcylces Allowed Inside the Restaurant sa kuwento?, pagtataka ko. O, buti pinaalala mo. Ganito kasi yun, pagpapatuloy muli ni Kuya Abe.

Hindi alam ni RV kung ano ang nararamdaman ko para kay Mari. Matagal na panahon kong tiniis at pinilit kalimutan ang damdamin ko para sa kanya. Nakapagtapos sa kolehiyo si Mari at nooy nagtatrabaho malapit din doon sa restaurant. Madalas siyang kumain doon kayat tuwing may pagkakataon ay sinasamahan ko siya. Naisip ko, kasintahan siya ng kaibigan ko, marapat lamang na maging kaibigan ko rin siya. Nagkamali ako. Dahil sa madalas naming pag-uusap, mas nahulog ang loob ko sa kanya. Kayat isang araw, hindi ko na natiis. Kinausap ko na si RV. Pare, in love ako kay Mari. Pero huwag kang mag-alala, hindi ko siya aagawin sa iyo. Nakatadhana kayo para sa isat isa. Lalayo muna ako, naisip kong panahon na para makipag-ayos ako sa aking mga magulang. Ingatan mo siya, pare, dahil espesyal siyang babae. Mamaya na ang alis ko, kayat bilang pasasalamat ko sa lahat ng ginawa mo sa akin at bilang tanda ng ating pagkakaibigan, ibibigay ko na sa iyo ang motor ko, pinagpraktisan ko pa ang sinabi kong iyon. Hindi ko akalaing ganun ako kamanhid. Araw-araw kailangan mong makita kami ni Mari na magkasama, sagot ni RV.

Ganyan talaga ang buhay. May mga bagay talaga na hindi nakatadhana para sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin ay matiyagang mag-antay at umasang malapit nang dumating ang panahon mo. Ingat ka, pare, at niyakap ako ng aking kaibigan.

Bumalik nga ako sa aking mga magulang, nagtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng sariling restaurant. Ilang taon ko ring hindi nakita ang aking mga kaibigan hanggang isang araw, may tila pamilyar na mukha akong natanaw habang nagbibilang ng pera sa aking opisina. Mari, ikaw ba iyan? paninigurado ko. Abe, hindi ko inaasahan ito. At mukhang asensado ka na sa buhay, ang pormal ng iyong kasuotan. Ano ka dito? Manager or something? sagot niya. Hindi ka nagkamali. Tinulungan ako ng pamilya ko na magtayo ng sariling negosyo, kaya heto ako, maayos na ang kalagayan. Asan nga pala si RV? Matagal na kaming hindi nagkikita. Nang banggitin ko ang pangalang RV, napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nagkaroon kami ng isang malaking away. Hindi ko na babanggitin kung ano ang dahilan ngunit naging sanhi ito para kamiy maghiwalay dalawang linggo na ang nakararaan, maluha-luha niyang pagsasalaysay. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo, pero sa totoo lang, nagtatatalon ang puso ko sa galak. Pero pinatikim lamang pala ako ng kaligayahan ng tadhana. May pamilyar na tunog akong naririnig mula sa di kalayuan, at papalapit na ito sa aming kinaroroonan. Napalingon kaming lahat sa pintuan at doon ngay papalapit ang isang motor, ang aking motor. Broooom, broooom, bruuuum, nagderederecho ito sa loob ng resto at huminto sa tapat namin ni Mari. Si RV iyon. Mari, alam kong nagkamali ako, pero nagkamali ka rin naman. Pero dahil mahal kita, kakalimutan ko na lang kung ano man iyon. Wala akong pakialam kahit ilang beses mo pa akong awayin, sigawan o saktan, basta huwag mo lang akong iiwan. Naging mahirap ang nakaraang dalawang linggo para sa akin, kayat napagtanto ko na mas magiging mahirap pa ang susunod na mga taon kung hindi kita kapiling. Pinuntahan kita sa bahay niyo ngunit wala ka, dito ka raw tumungo kayat hindi na ako nagsayang pa ng oras. At nang makita kita sa kalayuan, gustong-gusto ko lang na hagkan ka kaya heto ako, pinagtitinginan ng mga tao dahil ipinasok ko ang motorsiklo sa loob ng isang resto. Iniisip siguro nila na nababaliw ako, pero tama naman sila, nababaliw nga ako sa iyo. Kaya naman kahit hindi ako handa at bigla ko lamang naisipan ito, hindi na ako magaatubili pa, Mari, sabay baba sa motorsiklo, kinuha ang bilog na naghahawak sa mga

susi at lumuhod sa harapan niya, Puwede mo bang lunasan ang pagkabaliw ko sa iyo sa pamamagitan ng pagpayag na maging asawa ko? Napaluha na lamang si Mari at niyakap nila ang isat isa. Makalipas ang ilang saglit, lumapit ako kay RV at kahit ako ay nagulat sa ginawa ko, sinuntok siya sa mukha. Nabigla siya, maging ang lahat ng tao na nakakita nito. Pare, bakit mo naman pinasok ang motor sa loob? Nasisiraan ka na ba ng bait? pagalit kong sabi. Ngumiti na lamang siya at sumagot, Wala namang nakalagay o nakasulat na bawal ang motorsiklo sa loob. Saka heto nga pala, pare, at inabot niya sa akin ang isang susing nangingitim na sa luma, sinasauli ko na ito. Alam kong miss mo na siya. Ang motor ay bagay sa mga malalayang tao. Ngayon ay handa na akong magpaalipin sa babaeng aking iniirog. Hindi nga siya nagkakamali, miss na miss ko na ang lumang motor na iyon kahit katunog ng isang hinihikang matanda ang nilalabas na tunog ng kanyang tambutso. Ipinasok ko ang susi, sumipa at muling nilasap ang kalayaang hatid ng motorsiklong ito. Magmula rin noon, pinagawa ko ang signage na No Motorcycles Allowed Inside the Restaurant para wala nang gagong uulit pa sa ginawa ni RV. Sapat na ang isang baliw na magpapasok ng motor sa resto na ito, ayaw ko nang madagdagan pa ang ganoong insidente.

Wow, just, wow, si Denise iyon. Ang galing! Naalala ko tuloy yung kuwento ni Mom tungkol sa key ring na binigay raw ni Papa sa kanya noon. Saan na nga pala sina RV at Mari? Nagkikita pa ba kayo? pag-uusisa ko. Hindi na ako magtataka na pamilyar sa iyo ang kuwento. Nagkikita pa ba kami ka mo? Sabihin na lang nating nakatingin ako sa kanila ngayon, sabi ni Kuya Abe nang nakangiti habang nakatingin sa aming likuran.

Kliiing, klang, kliiiiingk, tunog muli ng wind chime nang magbukas ang pintuan kayat napalingon na lamang kami sa tinitingnan ng matanda. Uy, sila Mom at Papa paparating, sabi ko. Lumapit ang aking mga magulang at umupo sa aming mesa. Kamusta na RV, Mari? at binigyan ako ni Kuya Abe ng isang makahulugang tingin.

You might also like