You are on page 1of 9

Coffee Break

"Hey bro let's grab some coffee." "Maybe later, I don't have enough cash yet bro" "Don't worry bro, it's my teat. I'm already boundery" "Oh really? Well in that case let me just park my traysikel."

Sosyal.

Kapatid
Kung may bagong member ang pamilya nyo, pananakit ba ang isasalubong mo sa kanya? Halimbawang nanganak ang nanay mo, pahihirapan mo ba muna yung baby bago mo sya matanggap bilang kapatid? "Kapatid", hugot sa salitang "patid" na ang ibig sabihin ay "putol". Sa salitang "putol" hugot ang "utol". Ang kapatid ay kaputol. Ang bawat kaputol ay nagsisilbi din bilang kadugtong. Kadugtong na inaasahang magpapatibay sayo. Pero pano kung ang mga kinikilala mong mga kadugtong, kaputol, at kapatid ang mismong PAPATID SA BUHAY MO?

image hugot dito

Tang ina ng mga fraternity. Oo, may ilan ding kabutihan na umuusbong galing sa kanila. Oo, may pakinabang minsan ang pagiging "kabrod". Oo, minsan pader mo ang fraternity na pwedeng sandalan. Pero minsan gumigiba ang pader na dumadagan sa mga nakasandal. Mas maraming paligro kesa pakinabang. At ang ilang kabutihan na umuusbong ay kayang-kaya lunurin ng balde-baldeng dugo na umaagos sa bawat neophyte.

Wala nang pag asa na bumalik pa sa pagiging tunay na kapatiran ang fraternities sa Pilipinas. Maraming magpapanggap at sasabihing "iba kami", pero kung nananakit at nagpapahirap din sila, ano nga ba ang kinaiba nila? Kung proteksyon ang inaalok nila, hindi ba ibig sabihin lang na kaduwagan ang pagpasok dyan? Putang ina wag na nilang gamitin ang salitang "kapatiran". Tawagin na lang nilang "kabodyguardan". Baket mo nga ba kakailanganin ng proteksyon kung wala kang kaaway. Hindi ba ang pagsali sa fraternity pa nga minsan ang dahilan kung baket ka nagkakaron ng kaaway? Nagiging obligado ka na awayin din ang mga kalaban nila sa pataasan ng ihi. At idadawit ka sa rambol dahil para sa kanila yun ang pakikisama.

Hindi lang sa mga frat members lumalagpak ang pagkakamali tuwing may namamatay sa hazing. Kung tutuusin, hindi sila ang may awak ng buhay mo. Ang pagkakamali ay nagmumula sa desisyon ng isang tao na pasukin ang huwad na kapatiran. Kung may nanliligaw sayong fraternity, itanong mo muna sa sarili mo, kailangan mo ba talaga yan sa buhay mo? Kung kapatiran talaga yan, baket kailangan saktan ka bago ka matanggap, at baket kailangan saktan ka kung sakaling gusto mong kumalas? At baket kailangan babuyin ang katawan pati na pagkatao mo? Para ba matutunan mo kung pano din mangbaboy ng mga susunod sayo?

Baket nga ba bago ka hampasin ng paddle sasabihan ka ng "hold your balls"? 'E diba yung sumasali sa fraternity mga wala namang balls?

Epal. Mas Epal. : Safety First

Epal: 'O baket mo ako pinapunta dito? Akala ko ba dadaanan mo na lang ako sa bahay?

Mas Epal: 'E may topak kasi 'tong kotse 'e. Ayusin ko lang tapos alis na tayo.
Epal: Matagal pa ba yan?

Mas Epal: Mga 45 minutes pa siguro. Yosi ka muna dyan. O kaya nood ka muna ng TV
sa loob.

Epal: Naiinip nako 'e. Ano ba kasi yang ginagawa mo?

Mas Epal: Kinakabitan ko lang ng maraming bumpers yung palibot nung kotse.
Epal: Ha? Baket???

Mas Epal: Para medyo safe tayo pag nabangga. Sira kasi yung brake.

Epal: Ah ok... sige kabitan mo na din ng bumpers yung pisngi mo.

Mas Epal: Baket?


Epal: Para mas safe ka pag binangga ko yung muka mo sa pader hayup ka.
Dear Vegetarians
Dear Vegetarians,

Baket ang sama ng tingin nyo sa mga kumakain ng karne. Kayo nga kumakain kayo ng baby na corn at baby carrots. Kumakain kayo ng baby! Kumakain kayo ng baby!!!

Ang buhay ay parang swimming.


Ang buhay ay parang swimming, masaya Ang buhay ay parang swimming, may panganib Ang buhay ay parang swimming, nakakapagod Ang buhay ay parang swimming, lulubog ka kung hindi ka kikilos Ang buhay ay parang swimming, habang tumatagal kumukulubot ka

Ask The Authors: "Ows?" and "Whe?"


Tanong galing kay Teteng: Saan po ba nanggaling ang salitang "Ows?" At paano siya nag-evolve at naging "weh?"

MgaEpal.com: 70's nagsimula yang "Ows?". Galing sa "O' talaga?" na pinaiksi at naging "O'?" at dahil minsan kaugalian na lagyan ng "s" ang dulo ng slang expressions, naging "Ows?". Pinaka appropriate gamitin pag may halong pagkagulat ang disbelief. Example: Gladys: Hiwalay na daw si Nina at Rob?

Karen: Ows?! Di nga?

Ang "Whe?" naman, hindi yan galing sa "Ows?".Late 80's to early 90's kung kailan madalas marinig sa mga tagalog comedy movies ang expression na "Nye!" nauso yan. Pinahaba at ginamit ng mga tao ang "Nyeee" para ipang bara sa mga corny jokes, at yon ang nag-evolve at naging "Wheee". Na naging "Whe?" pag ginagamit para ipang bara kung gustong iparamdam o magpanggap na hindi naniniwala ang isang tao sa sinasabi ng kausap nya. Example: Arman: Ako lang mag-isa gumawa ng project ko. Walang tumulong saken 'no! Paula: Whe? Di nga?

Akala lang ng mga studyante ngayon na sila ang nagpauso ng "Ows?" at "Whe?", pero kung tutuusin laspag na yan. Ang bago ngayon ay "Broccoli na may toothpaste?" Example: Sandy: Badtrip! May long test daw bukas sabi ni ma'am! Elbert: Broccoli na may toothpaste? Di nga?

Ask The Authors: Territorial Dispute


Tanong galing kay watusi: Bakit po may inaagaw na teritoriyo ang china sa Pilipinas, kahit na malaking bansa na ang China?

MgaEpal.com: Hindi basta-bastang mga "teritoryo" o islands ang inaagaw ng China, at hindi lang sila ang gustong umangkin sa mga yan. Mayaman sa mineral, oil deposit, at marine life ang Spratly islands at Scarborough Shoal kaya yan pinag-aagawa. Hindi namin alam kung ba't ka nagtataka na kahit malaking bansa ang China, nakiki-agaw pa sila. Hindi ba mas normal yon kesa kung mas maliit sila sa Pilipinas? Mas malakas kasi ang loob nila dahil malaki nga sila. Kung maliit ang China, sa tingin mo ba ganyan parin ang tapang umapila kahit mali sila? Kung mas malaki ang Pilipinas sa China matagal nang napasaatin ang karapatdapat na maging atin. Parang ganito lang yan... kanino ka mas maglalaks loob makipag-agawan ng candy, kay baby James, o kay Dwight Howard?

Binyag ng Bagyo
Tuwing may bagyo sa Pilipinas, madami ang nagiging biktima ng kakulangan sa paghahanda. Pero sino ba ang may kasalanan? Tayo bang mga mamamayan dahil tamad tayo maging ready ALL THE TIME? Hinde, dahil sa loob ng isang taon mga 20 hanggang 25 lang na bagyo ang dumadalaw sa Pilipinas. Stressful naman kung araw-araw mong poproblemahin kung babagyo ba. Ang paranoid naman ng dating kung every year 365 days ka magiging laging handa. Aba 'e tinalo mo pa ang boy scout. So kasalanan ba ng media dahil kulang sila sa pagbibigay ng warning? Hindi rin. Kung mapapansin mo, sobrang excited ng media pag may typhoon na dadating dahil easy story yan. Laman pahina agad sa dyaryo. Pangpuno agad yan sa air time ng news on TV. Instant celebrity ang mga bagyo pag pumasok sila sa Pilipinas, kaya hindi natin pwedeng sabihin na nagkukulang ang media sa pagbibigay ng awareness. So kasalanan ba ng PAGASA? Oo, nagkukulang sa paghahanda ang mga Pilipino tuwing may typhoon dahil sa binibigay na pangalan ng PAGASA sa mga bagyo.

Pano mo seseryosohin ang bagyo kung ang pangalan nya "Tisoy"? Sinong matatakot kay typhoon "Jolina"? Nung dumating si bagyong "Pepeng" at nagdulot ng malawakang damage na nagkakahalaga ng 27.3 billion pesos, nabwisit lang ang mga tao sa "mabasang Pepeng malaki". Mag-aalala ka ba sa bagyong "Egay"? Si "Ondoy", iisipin mo bang siga yung bagyong yon? May bagyong "Zeny" pa na katatakutan mo lang kung takot ka sa mga tita.

Eto pa ang ilan sa mga bagyong bininyagan ng PAGASA:

"Inaasahang wawalisin ng malakas na hangin ang tapat ng mga bahay sa metro manila. Malalabahan ng malalim na baha ang mga bahay sa may Sampaloc area. Mauuna ang mga puting bahay bago ang dekolor. Siguraduhing subaybayan ang pagkilos ni bagyong Inday, may posibilidad na gapangin sya ni mister."

Nakaalis na ng Pilipinas si bagyong Hannah, ngunit nandyan parin ang panganib na bumalik ito. Napag-alaman na si bagyong Hannah at bagyong Miley ay iisa.

Ayon sa PAGASA, nakita na si bagyong Waldo.

Nasa signal number 1 pa lang, pero siguraduhin maghanda para sa mas masamang sumpong ng panahon. Inaasahang makakaistorbo ng tulog ang mga kulog na dala ni bagyong Butchoy. Pinapayuhan ang mga mamamayan na wag mang-gigil at wag masyadong pansinin ang panahon dahil baka mausog.

Sa dami ng pwedeng gamitin na pangalan, baket hindi na lang yung mga nakaka-alarma para mas maramdaman ng mga tao ang threat. Tulad ng bagyong "Manyak" o kaya bagyong "Adik". O kaya mga bruskong pangalan para katakutan talaga, gaya ng bagyong "Totoy Diablo", bagyong "Nardong Timbog",

bagyong "Boy Taga", bagyong "Bertong Latigo". Kung gusto naman nilang mag-evacuate ang mga tao, bigyan nila ng pangalan na iiwasan ng lahat. Tulad ng bagyong "Kulangot", bagyong "Sore Eyes", o kaya bagyong "Flying Ipis". Kung emergency at mabilisan na evacuation ang kailangan, gamitan nila ng pangalan na siguradong magtatakbuhan palayo ang lahat, tulad ng bagyong "Utang".

You might also like