You are on page 1of 3

Proyekto Sa Pilipino

Ipinasa ni: Jewel C. Guilot Ipapasa kay: Mrs. Elizabeth P. Quinto

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito. Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak. Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

You might also like