You are on page 1of 1

Anti-bullying' lusot na sa Kamara Ni Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated September 22, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Upang matugunan ang tumataas na insidente ng mga pananakot at pagbabanta mula sa mga nangbu-bully sa kanilang mga ka-eskwela sa mga paaralan, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anti-bullying act. Sa pinagsamang panukala sa ilalim ng House Bill 5248 nina Ako Bicol party list Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr at Christopher Co, layunin nito na magbigay ng kaalaman sa mga estudyante at mga magulang kung ano ang epekto ng pangbu-bully at kung paano ito maiiwasan at matutugunan. Ang mga insidente umano ng pangbu-bully o iba pang uri ng harassment ng mga estudyante sa kanilang mga kaklase ay isa sa dahilan ng pagkabahala sa maraming paaralan sa bansa. Sa ibang bansa ay nagbubunsod din ito sa mga estudyante para magpakamatay upang matakasan ang pangbu-bully ng kanilang mga kaklase. Sa ilalim din ng panukala, inaatasan ang mga school officials na magbigay ng mekanismo upang matugunan ang pananakot kabilang dito ang pagsusumbong sa mga law enforcement agencies at pagbibigay ng karampatang disciplinary administrative action at pagbibigay-alam sa mga magulang o guardians ng mga nangbu-bully. Kailangan din isama ng Department of Education sa kanilang training programs courses na magtuturo sa mga school administrators, teachers at employees kung paano maiwawasan at hahawakan ang mga insidente ng pangbu-bully. Karapatan ng naaabusong estudyante isasama sa curriculum ng DepEd Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated February 20, 2011 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa curriculum ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng pangangalaga sa karapatang-pantao kasunod ng ulat na maraming mag-aaral ang dumaranas ng pang-aabuso tulad ng pananakit, pagsasalita ng masama, gayundin ng pang-aabusong sekswal. Ayon kay DepEd Undersecretary for plans and programs Yolanda Quijano, layunin ng plano na maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng mga estudyante. Natukoy ang mataas na insidente ng ibat ibang uri ng pang-aabuso sa mga mag-aaral sa National Capital Region (NCR), Regions IV-A (Calabarzon), III (Central Luzon), V (Bicol Region), VI (Western Visayas), VIII (Eastern Visayas), at Cordillera Administrative Region (CAR). Karamihan sa mga naaabuso ay mga mag-aaral na walang magulang at nakikitira lang sa mga kamaganak. Aminado rin si Quijano na may mga kaso rin kung saan mismong mga guro ang sangkot sa pang-aabuso sa mga mag-aaral.

You might also like