You are on page 1of 2

ARALIN 1

TINAWAG AKO NG DIYOS SA AKING PANGALAN


Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Doktrina: Maipaliwanag sa sariling paraan kung bakit tayo tinawag sa pangalan ng Diyos. Moral: Igalang at pahalagaan ang pangalan ng bawat isa. Pagsamba: Mahalin at pasalamatan ang Panginoon Sa Pamamagitan ng pagdarasal Kristiyanong Mensahe: tinawag tayo ng Diyos sa ating Pangalan pagkat mahal nya tayo Salita ng Diyos: Tinawag kita sa 'yong pangalan Ikaw ay Akin magpakailanman Ako ang Panginoon mo at Diyos Tapagligtas mo at Tagatubos Kristiyanong buhay: Title: The story of Creation The tem Commandments Source: Genesis 2: 19-20 Exodus 20:7 Stress: Binigyan ng Diyos Lahat ng mga likha Niya ng Pangalan upang makilala at bawat isa ay may tungkuling pangalagaan ito. Suggested activities: 1. Pagpapakita ng mga ibat ibang larawan ng mga Likha ng Diyos 2. Paggawa ng acrostic ng sariling pangalan. Opening prayer: Panginoong Diyos Niluluwalhati ka namin, sapagkat Ikaw ay banal, ang panginoon, ang kataastaasan, ang Hesukristo. Hinihingi po namin ang pahintulot na Mabigyan Niyo po kami ng Kapatawaran sa aming nga Kasalanan, Ikaw ay aming Pinasasalamatan sa kadahilanang ikaw ang nagbigay sa amin ng aming Mga pangalan. Hinihingi po namanin ang Inyong gabay Naway maibahagi namin ng tama at buong Puso ang Mabuting Balita sa aming Kapwa. Lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ng Iyong Anak sa si Hesus Kasama ng Espiritu Santo Magpasawalanghanggan. Amen PHASE I( HUMAN SITUATION) C: magandang umaga sa Inyo! (sasagot ang mga mag-aaaral bilang tanda ng respeto) Maaari na kayong Magsi-upo. M:Salamat po! C: bago ang lahat, nais naming malaman Ninyo na simula ngayong araw na ito ay kami na ang mga magsisilbing guro niyo sa Catechism na may kinalaman sa asignaturang religion. (pagkatapos ay magpapakilala ang bawat isa, magsisimula sa mga guro, sa mga mag-aaral hanggang sa matapos) PHASE II(BASIC HUMAN DESIRE) C:(tatanungin ni ate o kuya ang isa sa mga mag-aaral kung anong pangalan ng Itinurong kapwa Mag-aaral, pagkatapos ay sasagot ang mag-aaral.Uulitin ito. C: ano sa tingin mo kung bakit____ ang pangalan mo/niya? M: Dahil po Yun ang ibinigay sa kanya. C: nagustuhan mo ba ang iyong/kanyang pangalan? M:opo/hindi po/pangit naman ng pangalan niya/inaasar ang pangalan. C: bakit? M: kasi po ___________________... C: sa tingin niyo tama kaya na inaasar ang kanyang pangalan? M:hindi po! C:Magaling kung ganoon ano ang dapat gawin sa pangalan ng kapwa natin? M: Igalang Po! PHASE III(CHRISTIAN MESSAGE) C: mga adding sino ang nagbigay ng inyong pangalan? M:sila mama/papa C: kung sila mama at papa ang nagbigay sa atin ng pangalan syempre may nagbulong sa kanila ng pangalan na iyon.sino kaya siya? M:si lola po,si lolo po! C: si lola, lolo?hmm..pwede pero hindi sila yun.. M: eh sino? C: hulaan ninyo. M:si God ate! C: tama!si God ang nagbigay ng ating pangalan, dahil?

ARALIN 1

TINAWAG AKO NG DIYOS SA AKING PANGALAN


M: kasi po mahal nya tayo! C: tama!, eh kayo mahal niyo ba si God? M: opo! PHASE IV C: O mga ading lagging tandaan na dapat ang pangalan natin at ng iba ay dapat?... M:igalang! C: bakit tayo may pangalan? M: kasi po mahal tayo ni God C: o ngayon kakanta tayo, marunong ba kayong kumanta? M: opo! C: ganito sundan nya ako ha.. Jesus is a happy Name.. C: o yan ngayon bago tayo magtapos ay magdadasal tayo. Closing prayer: Panginoon pinupurit pinapasalamatan ka namin dahil sa mga bagay bagay na natutunan namin ngayong araw na ito naway ang mga bagay na iyon ay magsilbing inspirasyon sa amin,tulungan Niyo po kaming igalang at mahalin ang pangalan ng bawat likha mo. Lahat ng ito ay hinihingi namin sa pamamagitan ng Iyong Anak sa si Hesus Kasama ng Espiritu Santo Magpasawalanghanggan. Amen

You might also like