You are on page 1of 1

CAKE POPS

Nakasasawa at nakatutuyo na ba ang mga cupcakes na walang palaman na lagi niyong binabaon? Tara, atin nating gawin itong mas makulay na may bagong itsura at higit sa lahat mas malinamnam na lasa. Sundan lang ang mga paraan at tiyak makakamit ninyo ang cake pops na para sa inyo. Mga Sangkap: -cupcakes (walang palaman) -frosting -chocolate -kendi Mga Paraan:

Una, ihanda ang mga ingridyents. Siguraduhing malinis din ang inyong mga kamay. Pangalawa, simulang pinuhin ang mga cupcakes at ilagay ito sa malinis na bowl. Dagdagan ng frosting ang mga cupacakes upang madaling hanguin ang mga ito. Bumuo ng mga bilog na ayon sa nais na laki, mula sa cupcakes. Patigasin muna ang mga ito sa freezer sa loob ng 40 minuto. Kapag matigas na, balutan ito ng natunaw na tsokolate. Pang-huli, dekorasyonan ito sa nais gamit ang ibat ibang kendi tulad ng marshmallow at sprinkles.

You might also like