You are on page 1of 2

May 3, 2010 Bob Construction # 42 St Dylan Drive, Utah City, Utah G.

Robert Bates May-ari at Developer Property Development Bates Construction Company # 2334 St Carlos St, New York City, NY Dr G. Bates, Tapos na namin ngayon ang pagpasok ng mga huling bahagi ng konstruksiyon at kami ay tapos na paglagay ng isemento ang lahat ng mga sahig. Gayundin, ang mga bintana ay mga kasalukuyang installed sa pagiging. Lahat ng mga elektrikal at pagtutubero aspeto ng istraktura ay nainstall at rechecked para sa mga pagkakamali at kasiraan. Ang litrato ng lahat ng mga kuwarto at mga hagdan ay kasama sa ibaba ang mga sulat. Kami ay kasalukuyang sa schedule dahil tayo pa rin may isang buwan kaliwa upang matapos painting at install ng wallpaper. Gumagalang Yours, Liza Masters Pangkalahatang Project Head

Mga Uri ng Pagsulat Maraming uri ang pagsulat. Mauuri ito ayon sa ibat ibang pangangailangan ng mgatao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa oisyu. Maaari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook o kayay magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mgamambabasa.Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao.

Akademik Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademik mula sa antas primaryahanggang sa doktoradong pag-aaral.Ang akademik na pagsulat ay maaaring kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tisis o disertasyon.Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antasat kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Teknikal Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib atsikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ngmanunulat mismo.Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyonsa isang komplikadong suliranin .Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya saisang partikular na paksa tulad ng science o technology Samakatwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa. Journalistic Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mgamamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdangkaraniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipik na kurso para rito, ang AB Journalism, bagamat bahagi rin ito ng pag-aaral ng ibangkurso tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino .May mga pagkakataon ding ino-offer ang uri ng pagsulat na ito bilang isang elektibsa mga paaralang panghayskul Reperensyal Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pangreperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat attinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal.

You might also like