You are on page 1of 3

HE is offline 12/28/2012 22 Comments Very very very short story, may naalala lang me kaya sinulat ko ito! HOHOHO!

Sor ry, maka-yahoo messenger (ym) ako, waley ako skype ee! Makalumang tao! XD "He is Offline" written by HaveYouSeenThisGirL (Denny) From www.haveyouseenthisgirlstories.com Malungkot na masaya si Blanche na kachat niya ang ex-boyfriend niya sa ym. Yes, ex-boyfriend niya. Matagal din na naging sila pero bigla bigla silang nagbreak, maraming dahilan ng break up nila. Pero ang pinagsimulan lang talaga nun ay yung maliliit na away at misunderstanding na napabayaan ng dahil sa pride ng bawat i sa kaya ayun lumaki ng lumaki hanggang sa naging dahilan ng tuluyang paghihiwala y nila. Ilang months na rin naman ang nakakaraan simula ng magbreak sila, dahil nasa iis ang barkada lang sila ay napilitan silang maging kahit "magkaibigan" man lang. Ang panget kasing tignan na iniiwasan nila ang isa't isa kung nasa iisang barkad ahan lang sila. Di naman sila nahirapan gawin yun, bumalik sila sa pagiging magk aibigan at parehas nilang kinalimutan ang nakaraan. Pero kunwari lang yun, para kay Blanche hindi pa rin niya malilimutan si Harry. Nagagawa man niyang ngumiti sa harap nito at makipagkulitan dito na parang isang kaibigan ay pagkatalikod niya sa kanyang ex ay bumaba ang mga nakangiti niyang labi at sumisikip ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman. Namimiss niya ang ex niya kahit pa araw araw niya itong nakikita at nakakausap. Namimiss niya ang "n akaraan", namimiss niya ang pagmamahal nito. Akala ng lahat nakamove on na sila parehas pero si Harry lang yun, siya hindi pa . Hanggang ngayon mahal niya pa ang ex niya. ***YM CONVERSATION: BlancheArches: Uy panget, nakagawa ka ng assignment? thisguyHarry: Assignment? May assignment pala tayo? XD BlancheArches: LOL. Baliw, oo kaya, naku. Di ka talaga maasahan! XD thisguyHarry: Sorry naman dude! Pakopya na lang ako sayo pag nakagawa ka na! hah a! XD BlancheArches: Bleh! Ayoko nga! :P thisguyHarry: Damooooot! BlancheArches: XD Puro "XD", puro smiley kahit hindi naman siya nakangiti. Laking pasasalamat ni B lanche na may "computer screen" na humaharang sa kanila upang hindi makita ng ex niya ang tunay na nararamdaman niya sa mga oras na yun. Laking pasasalamat niya sa mga "smiley" na madaling nagtatago ng tunay niyang nararamdaman.

thisguyHarry: sige na nga offline na ako gagawa na muna ako assignment! damot mo eh! >_< BlancheArches: Hahaha! dapat lang! Sige bye! thisguyHarry: Kbye! thisguyHarry is now offline...

Pagkatapos nun parang baliw na tinitigan ni Blanche ang screen... ang mga kataga ng "thisguyHarry is now offline" ay paulit ulit niyang binabasa... "Kelan ba magiging 'thisguyHarry is now offline in my heart'? Mag-offline ka na kasi sa puso ko, nahihirapan akong magmove on..." nasabi na lang niya sa sarili niya habang nakatitig pa rin sa screen. BlancheArches: Mahal na mahal pa rin kita Harry. Namimiss kita, sobra. Sana tayo na lang ulit, sana... Mahal pa rin kasi kita talaga eh. :'( Tinype niya yung mga iyon sa ym, lagi niyang ginagawa yun sa tuwing nago-offline si Harry kasi pag offline ito saka niya lang naipapakita at nasasabi ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Alam pa rin naman niya ang password ng ym ng ex niya na hindi pa rin binabago nito kaya pagkatapos niyang itype ang lahat ng iyo n, bubuksan niya na lang ulit agad ang ym ng ex-boyfriend upang idelete lahat ng "offline messages" para hindi nito makita. Ganun palagi ang gawain niya, alam n iyang mukha siyang baliw sa pinaggagagawa niya pero talagang mahal niya pa ang e x niya. BlancheArches: Mahal kita. BlancheArches: Mahal pa rin talaga kita. BlancheArches: Tayo na lang ulit... Flood lang siya ng flood sa conversation box nila sa ym ng ex niya na noo'y offl ine na. BlancheArches: Namimiss na kasi kita... thisguyHarry: Ako din, miss na miss na kita. thisguyHarry: Ako din, mahal pa din kita. thisguyHarry: Tayo na lang ulit? Sorry, mahal pa talaga kita. Hindi siya makapaniwala... akala niya offline ito pero bigla itong nakapagreply sa kanya at sa lahat ng tinype niya. Nahuli siya nito. Halos manlaki ang mga mat a niya sa pagkabigla. thisguyHarry: Hindi ako naka-offline, naka-invisible lang ako. thisguyHarry: Blanche... kalimutan na natin yung mga misunderstanding natin... a ko na yung nagsosorry sa mga naging away natin dati... please... balikan mo ako? Tayo na lang ulit. thisguyHarry: Kahit ligawan pa kitang muli, ayos lang sakin basta bigyan mo ako ng second chance. Mahal pa din kasi kita.

thisguyHarry is now online... - See more at: http://www.haveyouseenthisgirlstories.com/6/post/2012/12/he-is-of fline.html#sthash.dkWJccTx.NrLRKZPG.dpuf

You might also like