You are on page 1of 2

Script (Papasok si Juana, buntis.) Juana: Teka, parang masakit yata ang tiyan ko... Sandali, a--aray. Aray!

JUAN! JUAN! (nasa labas pa si Juan) Juan: Mahal, sandali lang-Juana: JUAN BALTAZAR, MAY PASANDALI-SANDALI KA PA DIYAN! MANGANGANAK NA AKO!!!! Juan: ANO?! (agarang papasok si Juan) Baka naman ika'y nagbibiro lamang sapagkat Abril 1 ngayon. (exagerate ABRIL 1) Juana: MUKHA BA AKONG NAGBIBIRO SA'YO?! At hindi Abril 1 ngayon! Ados, ados ng Abril ngayon! Juan: Ganoon ba? Halina't pumunta sa-- sa... Sino bang pwedeng malapitan dito sa Bulacan (exagerate Bulacan)? Juana: Talaga bang itatanong mo sa akin iyan? (lalabas ang dalawa tapos may maririnig na iyak ng baby) (papasok ang mga bata, kasama na si Baltazar, maglalaro) Bata: Felipe, Concha, maglaro tayo! Felipe at Concha: Sige ba! Isali din natin si Nicolasa. Nicolasa, halina't magdayo dito! Nicolasa: Eh, paano si Kiko? Bata: Sino iyon? Nicolasa (o kahit na sinong kapatid): Ah, siya ang bago naming kapatid. Kiko, lumapit ka nga dito! (lalapit) Magpakilala ka nga sa bago nating kapitbahay. Francisco: Magandang umaga po. Ako po si Baltazar, Francisco Baltazar. Pero kilala din ako sa pangalang Kiko. Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa tahanan nina Juana dela Cruz at Juan Baltazar. Mahilig akong magmasid sa paligid lalo na sa kalikasan-- (dirediretsyo. walang hingahan) Nicolasa: Uy! Sinabi ko magpakilala, hindi ikwento ang buong talambuhay mo! Pasensya na, masyado kasing mahilig magsalita... (papasok ang isang espanyol na may akay na Pilipinong na nagpupumiglas) Pilipino: Parang awa niyo na po! Ang mga anak ko--

Espanyol: Manahimik (o kahit na anong Spanish word... you get the point)! Ilang buwan ka nang hindi nakakapagbayad ng buwis! Pilipino: Ngunit, kakabigay ko pa lang noong--\ Espanyol: MANAHIMIK! (hahampasin) (magtatago ang mga ibang bata ngunit si Francisco ay mananatili at titignan ang mga nangyayari. malungkot, tako, galit) (may maririnig na kampana ng simbahan. aayusin ng espanyol ang sarili at itutulak paalis ang Pilipino) Espanyol: Mga bata, panahon na upang malaman ang Wika ng Diyos! Magsisimula ng ang klase! Ayon sa wika ng Diyos, bawal manakit ng ibang tao. Kaya dapat igalang niyo ang mga espanyol (blah blah blah)

You might also like