You are on page 1of 1

LIHIM NA PAGTANGI by Liezel Chavez, 1996 Ngiti mo'y di ko pansin Nang una kang makilala Ni malamyos mong tinig

Sa aki'y walang halaga. Hindi ko namalayang Sa paglipas ng araw Ang Bibliya mong tangan Ang sa aki'y pupukaw. Itong pihikan kong puso Ay lihim na humanga Dahil sa 'yong mga turo At mabubuting gawa. Tuhod ko'y nanlalambot Sa tuwing kaharap ka, Ulo ko'y nakayukod Kahit nagtatanong ka. Nais kong ipadama Nais kong salitain O kaya'y isigaw Itong aking damdamin. Ngunit hindi ko kayang Gawin ang lahat ng 'to. Pagkat lubhang mahirap Abutin ang 'sang tulad mo. Salamat na lang sa Kanya At ika'y nakilala Salamat din sa iyo At sa iyong Bibliya.

You might also like