You are on page 1of 7

"ASO'T PUSA" ( EROL & ZAM) **lancer** "PROLOGUE" Papasok sa St.

Paul Elementary school si Erol, mga walong taon pa lang siya. Medyo badtrip siya ng umagang yon, kasi di na naman siya maihahatid ni mang Julio, dahil uunahin nitong ihatid ang mommy niya, maaga namang umalis ang daddy niya. malapit lang naman ang school nila kaya't madalas siyang paglakarin ng mga to, nasa loob sila ng bagong subdivision. Hanggat bata pa daw siya ay masanay na. kaya't wala sa loob na tinadyakan niya ang isang lata sa daan ng ubod lakas, inilabas na niya lahat ng inis dito. sakto namang palabas ng bahay si Zamantha ang bago niyang kapit bahay na wala yatang namana sa ina kundi ang pagiging matalak nito sa idad na anim na taon. "nakupoO" impit na sambit ni Erol ng makita niyang tinamaan ng malakas sa puwet si Zam. di niya malaman kung tatakbo ulet pabalik sa bahay nila ng makitang biglang humarap ang batang di yata pinagkalooban ng bait sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito at parang biglang nagbago ang anyo sa paningin niya. arraayy! sigaw na malakas ni Zam, at mabilis nitong tiningnan ang bagay na malakas na tumama sa kanyang puwitan. at nakita niya ang lumang lata na nakabagsak sa kanyang likuran. Kaya't nag angat siya ng tingin upang alamin kung sinong impakto ang nagpalipad nito at sinadya yatang patamaan siya. Nanlilisik ang matang tiningnan ang batang biglang namutla di kalayuan sa kanya, kilala niya ang batang ito, ito ang batang nag trip sa kanya ng nakaraang araw ng lumipat sila sa bagong biling bahay ng kanyang papa't mama. Wala yatang matinong gagawin ito sa kanya, mukhang di siya titigilan nito. Biglang kinuyom ni Zam ang kanyang kamay, at sumugod sa kinalalagyan ni

Erol.. "Patay na, palapit na si kutong lupa" bulong ni Erol sa sarili, humanda si Erol sa paglapit ni Zam, pag lapit nito sa kanya ay inundayan siya ng suntok na kala mo boksingero ito, Mabilis naman itong niyakap ni Erol, at kunwa'y hahalikan ngunit sa di sinasadya dahil sa pagpupumiglas ni Zam ay bumagsak silang magkayakap at nasa ibabaw niya si "Zam kung kaya't sumigaw si Erol ng "Rappeeeeeee". upang lalong asarin ito. Dahil sa pagkabigla ni Zam ay di siya kagad nakagalaw. Saka naman sinamantala ni Erol ang pagkakataon, mabilis na bumangon ito at kumaripas ng takbo. Tuwang tuwa si Erol ng maasar niya ang batang siga. "nanlalaki naman ang butas ng ilong ni Zam sa galit sa Batang hanggang ngayon ay di pa niya alam ang pangalan ngunit mukhang magiging mortal na niyang kaaway.. wala na siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin, Dahil mabilis na itong nakalayo sa kanya... <<<<<lancer>>>>>>

ASO'T PUSA (EROL & ZAM) PART 1 BY: lancer ... Kagigising pa lang ni Zam, ng makitang ayos na lahat ang gamit nila. Naalala nga pala niya na kinausap siya kagabi ng mama niya na lilipat na raw sila ng bagong bahay.. "O! gising ka na pala anak" wika ni Aling Lily sa anak, "Maligo ka na ron at ng makapag ayos ka na". Mabilis namang sumunod si Zam sa ina, may patalon talon pa siya papuntang banyo, excited na siyang lumipat ng bahay. Pagpasok sa banyo ay sinimulan niya kagad maligo habang kumakanta ng pinagsama sama niyang salita (self version) "tayo na maligo" para laging preskoo... i boogie mo" i boogiee moooh" i kembot mo, ikembot mooh... i- telepon mo itelepon mooh oooohhhh hoh hoh... Atungal ni Zam habang sinasabayan ng sayaw kaya't napatakip naman sa tenga ang papa niyang si mang Leo. "O, pakinggan mo ang anak mong pinaglihi sa batingaw" natatawang sabi nito sa asawa. "Hamo na" kumakanta lang yung bata, excited na kasi" nakangiti namang sabi ni aling Lily sa asawa.

"kunsabagay, nagmana sayo yan, kaya ganyan", iiling iling na sabi ni mang Leo sa asawa. "Heh! tumigil ka nga, natatawang singhal ni aling Liliy sa asawa. Maya maya lang ay biglang napalingon sa banyo ang mag asawa ng biglang may kumalabog sa banyo. 'KA-BLAGGGG'

"katahimikan" kasunod ang mahabang iyak ni zam.. Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!! Atungal nito kaya't sabay na napatakbo ang mag asawa. "Anong nangyari sayo? sabay na tanong ng mag asawa sa anak.. "Nadulas po ako", humihikbing sagot nito. pinigil ni Mang Leo ang matawa, nahulaan na niya ang ginagawa ng anak, Bumibira siguro ito ng sayaw habang pasigaw na nakanta. "Tapusin mo na nga yang paliligo mo Zam at ng makapagbihis ka na" utos ni Aling Liliy sa anak, na di napigilang sumilay ang ngiti sa labi. at umalis na ang mag asawa na pinipigil matawa sa kalokohan ng kanilang anak. Mabilis namang sumunod si Zam sa ina. Pagkatapos niyang maligo ay kinuha niya ang damit na isusuot niya. Isang puruntong at t-shirt ang kinuha niya, na mabilis namang tinutulan ng ina.. "Ano ka ba namang bata ka, bakit parang lalaki kang magbihis? eto ang isuot mo, di ka makikipaglaro lang sa tapat ng bahay. alalahanin mo aalis na tayo ngayon at lilipat ng bahay. At inabot nito kay Zam ang isang dilaw na damit na may tali pa sa bewang na pinaka belt niya. Nanlaki ang mata ni Zam, di siya sanay mag suot ng bestida. "Mama" ayoko nito! tanggi ni Zam sa ina. "Isuot mo na yan Zam", sagot naman ng ama niya na nakikinig lang pala sa kanilang mag ina. Nakasimangot na napilitang isuot ni Zam ang bestidang dilaw, at tinaling pa ribbon ng ina sa likod niya ang nag sisilbing belt nito. "Ayan" ang ganda na ng anak ko, pumapalakpak pang pang uuto ni aling Liliy sa anak. Humarap siya sa salamin dahil medyo malaki sa kanya ang damit pakiramdam niya ay naging buntot niya ang nakalawit na tali sa likuran. Aangal pa sana siya, ngunit nagsimula ng maghakot ng gamit ang ama't ina sa sasakyan. kaya't napilitan na siyang sumunod sa mga ito. Medyo mahaba rin ang biyahe. Halos ipit na ipit na si Zam ng mga gamit na dala dala nila. pagdating nila sa bagong bahay na nabili ng papa niya ay hangang-hanga si Zam, sinuwerte kasi ang papa niya sa trabaho ng ma promote ito bilang asistant manager sa Bangko. Di pa tapos ang bakod ng bahay kaya't may mga materyales pang nagkalat sa harapan ng bahay,

naghakot ang mga magulang ni Zam ng kanilang gamit papasok sa loob, habang tinatamad siyang napaupo sa gather sa harapan ng bahay nila. di niya namalayang nakalas na pala ang pagkakaribbon ng damit niya dahil sa pagkaka ipit niya sa mga gamit sa loob ng sasakyan. Napatingin siya sa batang padaan sa tapat ng bahay nila, ngumiti ito sa kanya, lumabas ang dimple ng bata, lumapit ito sa kanya at nag tanong. "Kayo ba ang lilipat jan? tanong ng bata, tiningnan lang ni Zam ang batang lalake at inirapan. "Panget" bulong pa niya. at di na pinansin ito, tinuon niya ang tingin sa mga magulang. Natawa naman ang batang lalake sa ginawi ni Zam, "Aba? "masungit ang kutong lupa" wika ng bata. kung kaya't nakaisip ito ng kalokohan ng mapansing nakalawit ang tali ng damit ni Zam. dahil di nakatingin si Zam ay mabilis nitong naibuhol ang tali ng damit ni Zam sa butas ng semento. Naramdaman ni Zam na parang nahihila ang damit niya kaya't bigla sana siyang tatayo pero nahila ulet siya paupo. Nilingon niya ang batang kanina'y bumati sa kanya, ngunit papasok na ito sa kabilang bahay at nakakalokong nginitian pa siya habang sumasayaw ng urong sulong gaya ng chacha... Nanggigigil si Zam ngunit wala siyang nagawa, kaya't umiyak na lang siya ng malakas... Waaaaaaaaahhhhh! Napalabas ang mag asawang Lily at Leo... "Bakit anak? nag aalalang tanong ng mag asawa. Ngunit nakapasok na sa katabing bahay ang batang lalake ng muling lingunin ito ni Zam. "Ano ka ba namang bata ka? bakit tinali mo ang damit mo jan? tanong ni aling Lily sa anak. "Puro kalokohan ka talaga", iiling iling namang sabi ni mang Leo sa humihikbing anak... to be continued....

ASO'T PUSA (EROL & ZAM) PART 1 BY: lancer ... Kagigising pa lang ni Zam, ng makitang ayos na lahat ang gamit nila. Naalala nga pala niya na kinausap siya kagabi ng mama niya na lilipat na raw sila ng bagong bahay.. "O! gising ka na pala anak" wika ni Aling Lily sa anak, "Maligo ka na ron at ng makapag ayos ka na". Mabilis namang sumunod si Zam sa ina, may patalon talon pa siya papuntang banyo, excited na siyang lumipat ng bahay. Pagpasok sa banyo ay sinimulan niya kagad maligo habang kumakanta ng pinagsama sama niyang salita (self version) "tayo na maligo" para laging preskoo... i boogie mo" i boogiee moooh" i kembot mo, ikembot mooh... i- telepon mo itelepon mooh oooohhhh hoh hoh... Atungal ni Zam habang sinasabayan ng sayaw kaya't napatakip naman sa tenga ang papa niyang si mang Leo. "O, pakinggan mo ang anak mong pinaglihi sa batingaw" natatawang sabi nito sa asawa. "Hamo na" kumakanta lang yung bata, excited na kasi" nakangiti namang sabi ni aling Lily sa asawa. "kunsabagay, nagmana sayo yan, kaya ganyan", iiling iling na sabi ni mang Leo sa asawa. "Heh! tumigil ka nga, natatawang singhal ni aling Liliy sa asawa. Maya maya lang ay biglang napalingon sa banyo ang mag asawa ng biglang may kumalabog sa banyo. 'KA-BLAGGGG'

"katahimikan" kasunod ang mahabang iyak ni zam.. Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!! Atungal nito kaya't sabay na napatakbo ang mag asawa. "Anong nangyari sayo? sabay na tanong ng mag asawa sa anak.. "Nadulas po ako", humihikbing sagot nito. pinigil ni Mang Leo ang matawa, nahulaan na niya

ang ginagawa ng anak, Bumibira siguro ito ng sayaw habang pasigaw na nakanta. "Tapusin mo na nga yang paliligo mo Zam at ng makapagbihis ka na" utos ni Aling Liliy sa anak, na di napigilang sumilay ang ngiti sa labi. at umalis na ang mag asawa na pinipigil matawa sa kalokohan ng kanilang anak. Mabilis namang sumunod si Zam sa ina. Pagkatapos niyang maligo ay kinuha niya ang damit na isusuot niya. Isang puruntong at t-shirt ang kinuha niya, na mabilis namang tinutulan ng ina.. "Ano ka ba namang bata ka, bakit parang lalaki kang magbihis? eto ang isuot mo, di ka makikipaglaro lang sa tapat ng bahay. alalahanin mo aalis na tayo ngayon at lilipat ng bahay. At inabot nito kay Zam ang isang dilaw na damit na may tali pa sa bewang na pinaka belt niya. Nanlaki ang mata ni Zam, di siya sanay mag suot ng bestida. "Mama" ayoko nito! tanggi ni Zam sa ina. "Isuot mo na yan Zam", sagot naman ng ama niya na nakikinig lang pala sa kanilang mag ina. Nakasimangot na napilitang isuot ni Zam ang bestidang dilaw, at tinaling pa ribbon ng ina sa likod niya ang nag sisilbing belt nito. "Ayan" ang ganda na ng anak ko, pumapalakpak pang pang uuto ni aling Liliy sa anak. Humarap siya sa salamin dahil medyo malaki sa kanya ang damit pakiramdam niya ay naging buntot niya ang nakalawit na tali sa likuran. Aangal pa sana siya, ngunit nagsimula ng maghakot ng gamit ang ama't ina sa sasakyan. kaya't napilitan na siyang sumunod sa mga ito. Medyo mahaba rin ang biyahe. Halos ipit na ipit na si Zam ng mga gamit na dala dala nila. pagdating nila sa bagong bahay na nabili ng papa niya ay hangang-hanga si Zam, sinuwerte kasi ang papa niya sa trabaho ng ma promote ito bilang asistant manager sa Bangko. Di pa tapos ang bakod ng bahay kaya't may mga materyales pang nagkalat sa harapan ng bahay, naghakot ang mga magulang ni Zam ng kanilang gamit papasok sa loob, habang tinatamad siyang napaupo sa gather sa harapan ng bahay nila. di niya namalayang nakalas na pala ang pagkakaribbon ng damit niya dahil sa pagkaka ipit niya sa mga gamit sa loob ng sasakyan. Napatingin siya sa batang padaan sa tapat ng bahay nila, ngumiti ito sa kanya, lumabas ang dimple ng bata, lumapit ito sa kanya at nag tanong. "Kayo ba ang lilipat jan? tanong ng bata, tiningnan lang ni Zam ang batang lalake at inirapan. "Panget" bulong pa niya. at di na pinansin ito, tinuon niya ang tingin sa mga magulang. Natawa naman ang batang lalake sa ginawi ni Zam, "Aba? "masungit ang kutong lupa" wika ng bata. kung kaya't nakaisip ito ng kalokohan ng mapansing nakalawit ang tali ng damit ni Zam. dahil di nakatingin si Zam ay mabilis nitong naibuhol ang tali ng damit ni Zam sa butas ng semento. Naramdaman ni Zam na parang nahihila ang damit niya kaya't bigla sana siyang tatayo pero nahila ulet siya paupo. Nilingon niya ang batang kanina'y bumati sa kanya, ngunit papasok na ito

sa kabilang bahay at nakakalokong nginitian pa siya habang sumasayaw ng urong sulong gaya ng chacha... Nanggigigil si Zam ngunit wala siyang nagawa, kaya't umiyak na lang siya ng malakas... Waaaaaaaaahhhhh! Napalabas ang mag asawang Lily at Leo... "Bakit anak? nag aalalang tanong ng mag asawa. Ngunit nakapasok na sa katabing bahay ang batang lalake ng muling lingunin ito ni Zam. "Ano ka ba namang bata ka? bakit tinali mo ang damit mo jan? tanong ni aling Lily sa anak. "Puro kalokohan ka talaga", iiling iling namang sabi ni mang Leo sa humihikbing anak... to be continued....

You might also like