You are on page 1of 6

Noong haiskul pa ako sa baytang na Ikatlong taon may isang lalaki akung nakilala na naging kaklase at naging matalik

ko siyang kaibigan, parate kaming nag-uusap at parate din kaming nagsasama kahit saan. Ang pangalan ng lalaking iyon ay Bryan at ako naman si Rain. Ito ang Storya ng aming pagiibigan. Ilang buwan ko pa lang siyang nakilala nahulog na agad ang loob ko sa kanya dahil ang bait-bait niya at mapagmahal pa, pero sa kasawiang palad di ko yun pinagtapat. Lahat ng sikreto niya alam ko, pero may isang sikreto na ako lang ang hindi niya mapagsabihan, ang sabi niya nahihiya raw siya pero lumipas ang ilang linggo pinagtapat rin niya ito, at ito ang mga eksina: "Rain, Ano kasi eh, ano." "Ha? ano ba yun Bry?" "Ready na akong sabihin yung sikreto ko." "Sige, makikinig ako. kinakabahan ka ah?" "May gusto ako." "Kanino?" Kinabahan ako, alam kong hindi ako yon. "Kay.Carla." "Talaga? Ligawan mo! Bagay kaaaaaaaaaayo" sinabi ko yan sa kanya kahit na masakit sa akung kaluoban. Si Carla ay isa rin sa mga matalik naming kaibigan at kaklase. Gusto kung sabihin kay Bryan na may gusto ako sa kanya pero satuwing sasabihin ko to iba naman ang lumalabas sa bibig ko. Si Carla, maganda, may pagkamaarte, maiinitin ang ulo, pero mabait. Miss yan, Miss sa lahat, Pageant girl din. Si Bryan, Over achiever, gwapo, at mabait kaya nga bagay sila. Simula noon, araw-araw na siyang nagkukuwento sa akin, araw-araw rin akung gumagawa ng paraan para magkatuluyan sila, kahit masakit, noong naging fourth year na kami, kinausap ko si Bryan, kung ano na talaga ang kalagayan nila ni Carla. "Ayaw niya sakin." "Torpe mo kasi eh." "Nahihiya nga ako." "Kung puwede lang na ako ang manligaw para sayo gagawin ko, kaya lang hindi puwede." "Sana, puwede nalang" Hanggang noong nasa baytang ika-4 na taon na kami, si Carla parin ang nasa isip ni Bryan, kahit ayaw ni Clara sa kanya pinagsisiksikan parin niya ang sarili niya, kahit nasasaktan na siya at pinagtutulakan na siya ni Clara papalayo

lumalapit parin siya upang alukin si Carla ng kanyang pag-ibig, at ito naman ako nagtatangatangahan, nasasaktan at walang lakas na loob upang sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka mahal. Kaya ito parin ako sinusuportahan at tinutulogan ko parin siya sa kanyang manliligaw kay Carla kahit masakit man. Isang araw may tinanong siya sa akin: "Anu ba ang dapat kung gawin Rain para sagutin ako ni Carla?" Sabi ni Bryan sa tunong paawa. "Bigyan mo kaya siya ng bulaklak at chocolate at tiyak nakikiligin yon?" Sabi ko sa tunong panghihikayat. "Ginawa ko na yun pero di parin umubra, binaliwala parin niya ung nadarama ko. " "Haranahin mo kaya siya?" "Wag na baka kasi mapahiya ako." "Humanap ka na lang ng iba ung taong mamahalin ka talaga." Nasagi sa isip ko na ako na sana iyon. Hindi siya umimik tinitigan niya lang ako na para bang may malalim na iniisip at tumingin siya sa himpapawid na para bang nagmumunimuni. Ilang buwan ang lumikas graduation day na namin, ang saya-saya puros congratulations ang naririnig naming at walang sawang pasasalamat naman ang sinasabi ko. Kakatapos lang ng graduation at naging 1st honorable mention ako. Si Bryan naman ay naging valedictorian, ang talino talaga niya ano? Kaya mahal na mahal ko siya kahit tanga siya pagdating sa pagibig. Habang si Carla naman ang aming salutatorian. Nandito kami ngayon sa bahay namin para magdiwang. Inimbita ko ung lahat ng kaklase ko. Habang naghihintay kay Bryan at iba ko pang mga kaklase pumunta muna ako sa terce upang sariwain ang mga masasayang panahun na lumikas, at doon sa terce naghunihuni ako hanggang nakita ko si Bryan na may dalang bulaklak, akala ko para sa akin yun pero noong nakita kung sinalubong ni Bryan si Carla at binigay ang bulaklak; ito naman ay tinggap ni Carla, labis akung nasaktan at nagdalamhati sa nakita ko. Pero pinili ko paring manahimuk at tinitigan ko lang sila na para bang binabasa ko ang bawat buka ng kanilang labi nila, kahit na naririnig ko naman ang usapan nila, at ito ang aking napuna sa kanilang malalimang usapan: "Mahal kita Carla" wika ni Bryan Ang tugon naman ni Carla ay "ayaw ko na saiyo at wag kanang umasa pa na sasagutin kita dahil may kasintahan na ako. Kaya humanap ka na lang ng babaeng mamahalin ka, wag na lang ako. Pasinsiya na talaga." At dahil sa sinabi ni Carla walang imik na tumakbo si Bryan at umiiyak, doon ko lang siyang nakitang umiyak at labis akung nasugatan kaya agad-agad akung bumaba at hinabol ko si Bryan, doon nakita ko kung gaano ka sakit ang nararamdaman niya kung anung kirut ang dulot nito. Kaya inaliiw ko siya, pinatawa at pinasaya inanyayahan ko siyang pumunta sa Bay Walk at doon nagusap kami ng masinsinan. "Bry anu ng yari?" Wala talaga eh, ayaw niya talaga sa akin, ilang buwan na ako nanliligaw sa kanya pero wala parin." Umiiyak siya.

"Kaya mo pa. Ligawan mo ulit." "May iba na siya. Ayaw niya raw sa akin. masasaktan lang daw ako. Ang sabi niya pa, bakit ba daw na nagpapatulong ako sayo. Hindi ko ba raw kaya ang sarili ko? Nahihiya na ako Rain, Nasasaaktan." "Bry naman, bakit ngayon mo pa naiisipang sumuko? Mag iisang taon na oh." Sumigaw siya. "Yun na nga Rain eh! Mag iisang taon na!" Nagtinginan yung mga tao. "Bry, kalma lang." "Sana Rain, sinabi ko nalang ang totoo sayo." "Ha? Ano Bry?" "Rain, ikaw talaga yun eh, ikaw yung intensyon ko kung bakit ako nagpalipat ako sa section niyo. ikaw yung inaasahan kong mafafall sakin. ikaw yun eh. bakit kasi na fall ako kay Carla." Umiiyak na siya. "Bry? Okay lang yan, Dapat hindi mo yun ginawa para sa akin. Nafall ka kay Carla, kasi na fall ka, puso mo yan eh." Umiiyak na rin ako noon. "Hindi, ang bobo ko. ang tanga ko isang taon akung nangligaw sa kanya. Na balewala ko yung damdamin ko na dapat para saiyo. Minahal kita eh. noong una kitang nakita sa school, noong una kang nagtanong sa akin kung saan yung room niyo.,bakit kay Carla nagpatuloy?" "Bry, tama na, nasasaktan ako eh. Mahal kasi kita. Tama na bry, tama na." "Ma, Mahal? Mahal mo ako Rain?" "'Oo, Noon, hanggang ngayon." "Bakit hindi nalang tayo Rain?" Hindi ako nakasagot. Ito na yun eh, yung inaantay ko. ito na yun. "Rain." "Ayaw ko." iba ang lumabas sa bibig ko. iba. "Rain? Bakit? mahal mo ako diba?" "Oo, pero ayaw kong maging panakip butas Bry, gusto ko ako yung mamahalin mo hindi dahil dito. Sorry Bry, aalis na ako." Tumayo ako. Tumakbo. umiiyak ako noon.

Pumunta ako sa bahay namin, na tumatakbo pumunta sa kwarto ko at doon tinuloy ko ang aking pagiiyak buong hapon ako nagkulong doon. Hanggang kumatok si nanay at pumasok, umupo siya sa tabi ko. "Anak? Ano ang ngyari? Anu ang problema mo? Nakita ko kanina tumatakbo ka, umiiyak." "Wala ito ma, ok lang ako." "Alam ko meroon anak, wag kang magsisinungaling, maghapon ka nagkukulong sa kwarto ah at magsasabi kang wala kang problema? Anak naman, ina mo ako kaya dapat mung sabihin sa akin kung anu yun. " "Ma? Ang sakit pala ng nagpakiramdam ng pagiging broken hearted. Ang kirut sa puso para bang sinisira niya ito." "Alam ko kung anung nararamdaman mo anak, naranasan ko din yon noong ako'y kaedad mo lang." Patuloy lang ako sa pagiyak. "Wag kanang umiyak anak lilipas din yan." At doon hinaplos-haplos ni nanay ang buhok ko hanggang hindi ko na Malayan nakatulog na ako. Paggising ko sa umaga na alala ko ang lahat lahat, ang sakit parin, ang hapdi-hapdi ng naramdaman ko pero sabi ko sa sarili ko dapat aku maging matatag at marami pang lalaki diyan. Simula noon, wala na akong nabalitaan kay Bryan, tatlong taon na din noong nangyari yun. Alumni na namin bukas, na sabi ko sa sarili ko na labin dalawang taon na ang dumaan mula noong first year haiskol ako. At nasagi sa aking isipan kung sino-sino na kaya ang may mga asawa? natatawa ako pag naiisip ko yun.. "Rain nasaan kana? Late kana ah?" Tumawag si Cris sa akin, isa sa mga kaibigan ko noong Highschool. "Malapit na ako,duty ko kasi ngayon." "Sige. Aantayin kita sa gate." "Sa paradahan nalang. Dala ko ang kotse ko." "Naku, ikaw talaga, sige na nga." "Thank you Cris." Dumating na ako, nakita ko si Cris. bumaba na ako at nakipagbeso-beso sakanya. "Raaaaaaaaaaaaain!! ikaw ba yan?! sigaw ni Carla. "Oo naman, Ganda parin natin ah! ilan na boyfriend mo miss?" Tumawa sya.

"May asawa na ako Rain, kabatch natin." Tumawa siya. Si Bryan siguro, nagkatuluyan pala sila. Hindi man lang ako inimbita ng walang hiya. Hindi ko maiitatanggi, mahal ko parin siya. "Hindi mo man lang ako inimbita." "Hindi ka kamo nagpakita.nawalan tayo ng communication eh. sayang, may sanggol na pala kami, halika." iginiya niya ako sa isang table, nakita ko doon si Bryan, may hawak na Baby, sa tansiya ko mag 6 or 7 month na ata ung sanggol. "Baby ko oh, cute noh?" Kinuha niya kay Bryan ang bata. Nakatingin lang sakin si Bryan, halatang nabigla. "Oo, kamukha mo, kamukha mo rin Bryan." Ngumiti ako kay Bryan. "Hindi ako ang father niyan. si Jason." "Ikaw talaga Rain, nakakahiya naman kay Bryan." "Sorry ha, pupuntahan ko muna sila Cris." Tatlong oras na, sobrang saya ko, nakipagkwentuhan ako saka nila, sumayaw, kumain. nakakamiss. hanggang sa inannounce na ng emcee na patapos na ang gabi, ang party, kanina pa ako nagpaalam sa mga friends ko, si Cris at Dheena na lang ang kasama ko, Tatayo na sana kami para umalis, nagpapahatid kasi sila, Biglang may sinabi ang Emcee, important announcement daw yon. "Ano kaya yun?" sibi ni Dheena "Nakoo, anu ba yan, parang highschool lang." Buwelta ni Cris. "Si Bryan yan diba?" "Mag aanunsiyo siguro ng kasal." Nagkatawanan kami, Hindi kasi alam ng dalawa yung totoo eh. "Magandang Gabi sa Lahat! may mahalaga lang akong sasabihin.Ito ang pagkakataon para masabi ko ang katutuhanan May mahal ako." Nagsigawan ang mga tao. Tumingin si Bryan sa akin at sa akin lang siya nakatingin. "Hindi ko lang alam kung tatanggapin niya ba ako. Tatlong taon din bago kami nagkita ulit, nahuli na nga yata ako. Mahal ko pala siya, simula noong highschool palang kami, it took me almost 10 years bago ko narealize, siya pala yung mahal ko, siya pala yun. Hindi yung ibang tao, sa kanya pala ako inlove. Ngayon, hindi na ako yung Torpe, Hindi na ako yung duwag, yung laging sumusulpot na parang kabute, hindi na ako yung seatmate mo, hindi na ako yung bestfriend mo, hindi na ako yung lalakeng laging nagsasabi sayo ng problema, Ako na yung lalakeng tatayo para lang sayo, ang haba din ng oras na kinailangan ko para masabi sayo to, sorry, napakalate ko na. Dito ko pa sinabi sa alumni natin. Mahal kasi talaga kita, sobra, tagos na nga eh, butas na puso ko dahil sa mga pana ni kupido. Rain, mahal kita." Lahat ng tao snagtinginan sakin. Nabigla talaga ako noon. sobra.

"Rain,ikaw talaga yung mahal ko, napakagago ko pala. mahal kita. sobra." umiyak isya, bumaba sya, lumapit sakin. niyakap nya ako. nakatayo lang ako, parang tuod. umayos siya, lumuhod. "Rain, Will you marry me?" Lahat ng tao, nabigla talaga, ito na! mahal ko ang mokong na to, pero" "Sorry, may nakatakda na akong pakasalan.." "Ra-Rai-Rain?" "Oo, Kaharap ko nga sya ngayon eh. nakaluhod." Ngumiti ako. tumawa siya. nagsigawan ang mga tao. "Yes Bryan, matagal-tagal rin. Mahal din kita." At ito ang Love story ng buhay ko, Salamat sa pagbasa, sauulitin.

You might also like