You are on page 1of 6

DALUBHASAANG COLUMBAN Lungsod ng Olongapo LICENSURE REVIEW FOR TEACHERS PAGSUSULIT SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangalan______________________________Petsa______________Marka____________ I. Bilugan ang letra ng tamang sagot lamang: 1. Bagay na dapat isaalang-alang upang matamo ang kalinawan sa pagpapahayag. a. diwang ipinapahayag k. kasanayan sa pagbuo ng pahayag b. tamang pagpili ng mga salita d. lahat ng tatlo 2. Kung ang retorika ay nagbibigay ng linaw, bisa at kagandahan sa pahayag, ang balarila naman ay nagdudulot ng _________ sa pahayag. a. kawastuhan k. kaayusan b. kalinawan d. lahat ng tatlo 3. Layunin nito na ipahayag ang paksa ng komposisyon. a. Panimulang Talata k. Talata ng Paglilipat-diwa b. Talatang Ganap d. Talatang Pabuod 4. Inilalagay dito ang mahahalagang isipan o pahayag na nabanggit sa gitna ng Komposisyon. a. Panimulang Talata k. Talata ng Paglilipat-diwa b. Talatang Ganap d. Talatang Pabuod 5. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ng talata at maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa tinatalakay a. payak na pangungusap k. tambalang pangungusap b. hugnayang pangungusap d. paksang pangungusap 6. Isa itong mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. a. retorika k. pagpapahayag b. bagong retorika d. masining na pagpapahayag 7. Sa pamamagitan ng kahingiang ito, natataya ng manunulat kung gaano nauunawaan ng mambabasa ang tekstong binabasa. a. Imbensyon k. Estilo b. Pagsasaayos d. Paghahatid 8. Kahigiang mahalaga sa bawat detalyeng ipinahahayag sa anumang isusulat. a. Estilo k. Memorya b. Imbensyon d. Paghahatid 9. Sa kanya ang retorika ay sining ng panghihikayat na karaniwan ang mga pahayag ay kakikitaan ng mga mabulaklak at madamdaming mga salita. a. Aristotle k. Ruzal b. Socrates d. Jocson 10. Ang Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo ay isang a. Salawikain k. Kasabihan b. Sawikain d. Kawikaan 11. Si Armando ay kaisa-isang anak ni Don Juan. Ang kaisa-isa ay isang a. Pang-uring Pamilang na Palansak k. Pang-uring Pamilang na Panunuran b. Pang-uring Pamilang na Patakda d. Pang-uring Pamilang na Patakaran 12. Maituturing na isang Tulang Pasalaysay ang a. Awit at Kurido b. Epiko k. Balad e. lahat ng nabanggit 13. Ang babaeng manananggol ay humarap sa hukuman. Ang ng ay gumanap ng tungkulin bilang a. Panghalip Pamanggit k. Pang-ukol b. Pang-angkop d. Pantukoy

- 2 -

14. Alin ang maituturing na parirala sa mga sumusunod a. Magandang magdala ng damit. k. Makapaglakbay sa ibang bansa. b. Ang mabuting pangaral ng ina. d. lahat 15. Isang halimbawa ng sugnay ang a. Matalinong bata si Rico. k. Talagang masaya si Eva. b. Kapag gumanda ang panahon. d. Ako ang bahala sa lahat. 16. Ang payak na pangungusap ay may a. isang kayarian k. tatlong kayarian b. dalawang kayarian d. apat 17. Kung dumating ang mga bisita, haharap ako upang kausapin sila ay isang halimbawa ng a. Hugnayang Pangungusap k. Langkapang Hugnayan b. Tambalang Pangungusap d. Langkapang Tambalan 18. Ang mayroon sa amin niyan ay isang halimbawa ng a. Pangungusap na Sambitla b. Pangungusap na Eksistensyal k. Pangungusap na Pahanga d. Pangungusap na Pormularyong Panlipunan 19. Ang mga panlapi ayon s gamit ay may a. apat na uri k. anim na uri b. limang uri d. pitong uri 20. Ang pantig sa bagong balarila ay may a. siyam na uri k. pitong uri b. walong uri d. anim na uri 21. Sa Ang mangurus bago umalis ng bahay. Ang salitang bago ay ginamit bilang ______. a. Pantukoy k. Pang-abay b. Pang-uri d. Pangatnig 22. Ang gamit ng ay kapag sinusundan ng alin mang bahagi ng pananalita maliban sa pandiwa ay ____________. a. pandiwang pantukoy k. pandiwang may banghay b. pandiwang pangawing d. pandiwang walang banghay 23. Naglalarawan ng personal na pangyayari sa araw-araw na buhay ng indibidwal a. Alaala k. Talaarawan b. Jornal d. Autobiograpia 24. Kilalang Komposisyong ekspositori at argumentatix. a. Komposisyon mula sa interbyu b. Pagpapakahulugan k. Sulating Pamamahayag d. Artikulong may human interes e. lahat ng nabanggit 25. Alin ang di-kabilang sa mga karaniwang uri ng pagmamatuwid. a. sapat na patunay at patibay d. simposyum b. pormal na pagtalakay e. porum k. panel discussion 26. Kilalang uri ng pagpapahayag a. Paglalahad d. Paglalarawan b. Pagsasalaysay e. lahat ng nabanggit k. Pangangatwiran 27. Sa paggawa ng pangulong-tudling o editoryal. Kinakahalagang magkaroon ng layuning ________. a. magpaliwanag k. magpahalaga e. manuligsa b. magbigay-puri d. magtanggal g. lahat

- 3 -

28.Binubuo ng pangangatwiran ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksang pinagkakaisahang talakayin. a. Pagtatalo o Debate k. Batutian b. Balagtasan d. walang sagot 29. Munting salaysay na hinango sa tunay na buhay ng isang taong mag nagawa sa bayan. a. Alamat k. Sanaysay b. Anekdota d. Salaysay 30. Mga pangyayaring hinango sa buhay na maaaring nangyari, mangyayari o kahit kailan di-mangyayari. a. Kasaysayn k. Pabula b. Maikling Kuwento d. Parabula 31. Ang mga mahuhusay na mag-aaral ay hinangaan ko. Ang mahuhusay ay isang a. Pang-uring Panlarawan k. Pang-abay na Pamaraan b. Pang-uring Pamilang d. Pang-abay na Panunuran 32. Maibibilang na pandiwang walang banghay sa mga salita ang a. mayroon b. may k. ay d. lahat ng nabanggit 33. Ang pag-aaral ng mahalagang tunog sa Balarila ay a. Morpolohiya k. Ponolohiya b. Sintaks d. wala sa tatlo 34. Dito sa Zambales isinilang si Pangulong Ramon Magsaysay. Ang dito ay isang a. Panghalip Pamatlig k. Pang-abay na Panlunan b. Pang-abay na Panulad d. Panghalip na Panaklaw 35. Maituturing na tulang liriko sa mga uri ng tula ang a. Awit at Kurido b. Soneto k. Epiko d. Dalitsuyo 36. Akdang Non-Fiction ang a. Talambuhay b. Nobela k. Balita d. Maikling Kuwento 37. Sa pangungusap magagamit na pantukoy pansimuno ang a. hinggil kay b. ng mga d. ang mga d. ukol kina 38. Ang pangangalan ay maaaring gumanap ng tungkulin sa pangungusap bilang a. Kaganapang pansimuno d. Panawag b. Pamuno sa simuno e. lahat ng nabanggit k. Simuno 39. Maituturing na akdang Fiction ang a. Kasaysayan b. Talambuhay k. Maikling Kuwento d. lahat 40. Sinong pumatay kay Magellan? Ang sino ay isang a. Pang-abay na Pananong k. Panghalip Panaklaw b. Pangngalang Panuring d. walang sagot 41. Ang Lumuha man ng bato ay isang a. Salawikain k. Idyomatiko b. Tayutay d. Kasabihan 42. Ang tapsilog ay mula sa tapa + sinangag + itlog ay isang halimbawa ng _______ sa pormasyon ng mga salita a. Paglikha ng mga salita k. Tambalang salita b. Paghahalo d. Panghihiram ng mga salita 43. Alin ang mula sa pormasyong pagpapaikli a. munti sa salitang muntinlupa k. kano sa salitang amerikano b. syano sa salitang probinsyano d. lahat ng tatlo 44. Ang pangangalan ay simbolong pasalitang tumutukoy sa ngalan ng _______. a. bagay k. hayop e. lahat b. pangyayari d. tao 45. Kakakain lang namin ng tanghalian. Ang salitang kakakain ay pandiwa sa aspektong a. Perpektibo k. Kontemplatibo b. Imperpektibo d. Perpektibong Katatapos

- 4

46. Ang aspektong Kontemplatibo ay katumbas ng __________. a. Pangkasalukuyan k. Pangnagdaan b. Panghinaharap d. walang sagot 47. Nag-igib ng tubig ang bata. Ang pandiwa sa pangungusap ay nasa ________. a. Pokus sa Tagaganap o Aktor k. Pokus sa Layon b. Pokus sa Tagatanggap d. Pokus sa Ganapan 48. Nilakbay ng mga bata ang Lungsod ng Tagaytay. Ang pandiwa ay nasa ______. a. Pokus sa Ganapan k. Pokus sa Sanhi b. Pokus sa Direksyon d. Pokus sa Gamit 49.Ang kataga, salita o lipon ng mga salita ay nagiging pang-abay kapag nagbigay turing sa __________. a. pang-uri k. kapwa pang-abay b. pandiwa d. lahat ng tatlo 50. Napakahalaga po ang pinag-aralan ng tao. Ang po ay isang _________. a. pang-abay na pamanahon k. pang-abay na panuring b. pang-abay na panunuran d. pang-abay na pamitagan II. Bilugan ang salitang magkasingkahulugan: 1. namumusikit 2. kembot 3. makita 4. aklasan 5. narinig 6. pabrika 7. kapitalista 8. putukan 9. anas 10. sira-sira nababalot taas mapaglagusan pagtitipon napagsino gusali dayuhan awayan bulong lumang-luma naaaninag imbay mapaghintayan welga nakilala pagawaan pinuno batuhan impit giray-giray natatanglawan galaw mapagdaanan programa makita bodega namumuhunan barilan hiyaw pawid na pawid

III. Salungguhitan ang tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag: 1. Ang inay ay ( may , mayroong ) sariling hanapbuhay. 2. Si Aling Rosa ay ( ooperahan , ooperahin ) sa puso. 3. Aral ( ng , nang ) aral si Bella kaya nakapasa sa klase. 4. ( Pahiran , Pahirin ) mo ay luha sa kanyang mga mata. 5. Sila ay dapat ( magbangon , bumangon ) nang maaga para di-maantala sa klase. 6. ( Iwan , Iwanan ) natin siya ng makakain sa lamesa. 7. Kumasya ang aparador sa ( pinto , pintuan ) natin.

- 5

8. Nadulas ang bata sa ( hagdan , hagdanan ). 9. ( Walisin , Walisan ) ang kwartong tutulugan ng mga bata. 10. (Subukan , Subukin ) natin ang kagalingan niya sa klase. 11. Sa Sabado ay ( may , mayroon ) darating na tagamasid. 12. ( Ooperahan , Ooperahin ) sa Saint Jude ang pasyente bukas. 13. Malimit ( daw , raw ) lumiban ang bata sa klase. 14. Mahirap ( pahiran , pahirin ) ng langis ang likod ng maysakit. 15. Gustong ( magbangon , bumangon ) ng isang samahan sa ating lugar. 16. Nagmilgro ( daw , raw ) ang santa sa Manaoag. 17. Kaya natin siyang ( iwan , iwanan ) sa lalong madaling panahon. 18. Sumandal sa ( pinto , pintuan ) si Aling Rita. 19. ( Walisan , Walisin ) ang mga tuyong dahon sa hardin. 20. Malinaw ang tubig ( doon , roon ) sa balon. 21. Nandayuhan ( rito , dito ) ang mga Kastila. 22. Mahapdi ( daw , raw ) ang mga mata ng bata. 23. Kailangan ng tatay na ( subukan , subukin ) ang nag-aaral na anak. 24. ( May , Mayroon ) tayong pulong mamayang hapon. 25. Dahan-dahang umakyat sa ( hagdan , hagdanan ) ang mga matatanda. 26. Marami ( dine , rine ) ang mga mayayaman. 27. Parang ( may , mayroon ) mga hindi sumang-ayon sa nanalo. 28. ( Alisin , Alisan ) ng mga sanga ng punongkahoy. 29. Nais ( kong , kung ) dalawin ang tatay sa bayan. 30. Lumiban ang guro namin dahil siya ay ( maysakit , may-sakit , may sakit ).

Ihinanda ni: Gng. Concepcion S. Quinto Filipino Prof.

ANSWER KEY LICENSURE REVIEW FOR TEACHERS I.

1. d 2. a 3. a 4. d 5. d 6. b 7. d 8. k 9. a 10. a II.

11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20.

k d b d b d k b d a

21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30.

k b k e a e g b b

31. 32. 33. 34. 35. 36. 37. 38. 39. 40.

a d b a b a k e k a

41. 42. 43. 44. 45. 46. 47. 48. 49. 50.

b b d e d d a k a d

1. naaaninag natatanglawan 2. imbay galaw 4. aklasan welga 5. napagsino nakilala

6. pabrika pagawaan 7. kapitalista namumuhunan 9. anas bulong 10. sira-sira giray-giray

3. mapaglagusan mapagdaanan 8. putukan barilan

III. 1. may 2. ooperahin 3. nang 4. Pahirin 5. bumangon 6. Iwanan 7. pintuan 8. hagdan 9. Walisan 10. Subukin 11. may 12. Ooperahan 13. daw 14. pahiran 15. magbangon 16. raw 17. iwan 18. pinto 19. Walisin 20. doon 21. dito 22. raw 23. subukan 24. Mayroon 25. hagdanan 26. rine 27. may 28. Alisan 29. kong 30. may sakit

You might also like