You are on page 1of 1

Habang may buhay

Nais kong mabuhay sa haba ng panahon Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko Ang aking buhay, ang aking buhay Sa 'yo ibibigay. Tangi kong panalangin ay pagsamo mo Kailanma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko Chorus Habang may buhay, habang may buhay Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy Sa 'yo lamang iaalay Ang aking buhay, ang aking buhay Sa 'yo ibibigay. At kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko Repeat chorus Ibig kong malaman mo Hanggang sa dulo ng mundo Ang pangarap ko'y sa 'yo. Habang may buhay, habang may buhay Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy Sa 'yo lamang iaalay Ang aking buhay, ang aking buhay Sa 'yo ibibigay. (2x)

You might also like