You are on page 1of 5

SCENE 2 Ang Pagbabalik ni Ibarra TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...

ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa. CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali. DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanmay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra? CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Seor Tinyente. TINYENTE: Maligayang pagdating. Naway mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama. CRISOSTOMO: Maraming salamat po. UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan! Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina. VICTORINA: Wala ka bang mga mata? TINYENTE: Mayroon po, Seora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok. Sa hapagkaianan. LARUJA: Seor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, anong pinakamahalagang bagay ang nakita nyo? CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito. DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang batay alam iyan. CRISOSTOMO: Nagpapasalamat akot palagay ang loob ng dating kura sa akin. Naway ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa Espaa at Pilipinas! TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara. IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin. Nakaalis na nga si Ibarra. PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa! ********* Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siyay naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. TINYENTE: Seor Ibarra. CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako. TINYENTE: Mag-ingat kayo, Seor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin? TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan. CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayoy nagkakamali lamang? TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso. CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?

TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siyay nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata Flashback: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata. BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha! BATA 2: Hindi bat hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha! KOLEKTOR: Tigilan nyo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Anong sabi nyo? Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at itoy natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan. KOLEKTOR: Ikaw, anong sabi mo?! BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at itoy nawalan ng balanse. RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata. End of flashback. TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil ditoy hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... End of Scene.

SCENE 3 Pagdalaw ni Ibarra kay Maria Clara MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya? Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siyay sinalubong ni Tiya Isabel. CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel. TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho. CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara? TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali. Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara. TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito. MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya. TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya? MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya. Lumabas si Maria Clara. CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. Nagtungo silang dalawa sa Asotea. MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo. CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?

CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan. MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako. CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo. CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung akoy magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko. MARIA CLARA: Sandali. Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo. MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko. Lumakad na si Ibarra. MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. End of Scene. SCENE 4 Araw ng mga Patay May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo. LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya? LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan. LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay! Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay. CRISOSTOMO: Nasaan ba? ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito. CRISOSTOMO: Dito ba? ALALAY: Ngunithindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko. Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong. ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito? LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon. ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon? LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura. CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?! LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik. CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! LALAKI 2: Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya itinapon ko na lamang ito sa ilog. CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito. CRISOSTOMO: Anong ginawa mo sa aking ama? SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa CRISOSTOMO: Anong wala? SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sayo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso. Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo. End of Scene. SCENE 5 Pagkabaliw ni Sisa Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin. BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. Naupo silang dalawa sa may sulok.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? BASILIO: Dalawang piso, bakit ba? CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Dibat tatlumput dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan. CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuyaKapag nalaman to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. Wag kang mawalan ng-Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang SakristanMayor. SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampanaAt ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo! CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw. SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid. BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan nyo na po Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa itoy hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at itoy ikinaladkad pababa ng hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako! BASILIO: Crispin Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana. End of Scene. ************ Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak. SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain... Biglang dumating ang lasing na si Pedro. PEDRO: May makakain ba? SISA: Mayroon. PEDRO: Nasaan?! Bilisan mot nagugutom na ako! SISA: Ahh- Oo. Narito na. Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain. SISA: Wala nang natira? Ngunit paanong mga anak mo? PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?! SISA: Wala. Wala PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon? SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa. SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin? PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! At umalis na nga si Pedro. SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit. Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio. BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! SISA: Basilio! Anak ko! Anonng nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya? BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw. SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa? BASILIO: Inay SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, hetoheto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay. SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama. BASILIO: Dumating si Itay? SISA: Oo. BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba? SISA: Basilio! BASILIO: Patawad po, Inay. Isinara ni Sisa ang pinto at siyay napabuntong-hininga. SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko? ********* Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung ganon, ikaw ang ina ng magnanakaw? Abay matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindihindi magnanakaw ang mga anak ko. KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw? SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin! SISA: Seor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak! SISA: Seor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Seor. Parang awa nyo na, wag nyo po akong ikulong Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel. GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian yan ng kura! Pakawalan nyo siya at wag nyo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin nyo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sayo! Ha! Ha! Ha!

Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano to? Damit ni Basilio? DugoBakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa. End of Scene. SCENE 6 Picnic sa Tabing-ilog Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra? MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong kami ni Ibarra? KAIBIGAN 2: Hindi bat kararating lamang niya? MARIA CLARA: Oosa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy Hindi katagalan MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo. IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko? MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo Sa palaisdaan ELIAS: Seorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta? MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba? ELIAS: Naku hindi po, seorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon. MARIA CLARA: Ano iyon? ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po. MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala. IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon? ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko Isang buwaya!!! MARIA CLARA: May buwaya! ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan! MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya! IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. MARIA CLARA: Ibarra! Makalipas ang ilang sandali. MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila! ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Seor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo. KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka! End of Scene. SCENE 7 Piyesta sa San Diego Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.

DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, abay akalain mong sino kung umasta! MARIA CLARA: Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: ...tama lamang na siyay pinarusahan na mamatay sa kulungan at-Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit wag na wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo. IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano nyo nasabing siyay alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusapalang-alang man lamang sa akin, wag mong saktan si Padre Damaso. Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita nyo na kung may dugo ba talagang dumadaloy sa mga ugat ng taong iyan! Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara. SCENE 8 Ang Dalawang Donya Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaa kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doa Consolacion. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman yan! Ang papangit naman ng dumadaan! VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At anong sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Bumaba si Doa Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes. CONSOLACION: Anong sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo? VICTORINA: Hindi kita uurungan! Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan. CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot! Nagtungo ang mag-asawang de Espadaa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na yon?! TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?

VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao! SCENE 9 Ang Pagkakasakit ni Maria Clara Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaa kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara. TIYAGO: O Doa Victorina, kayo pala. Tuloy kayo. VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel. TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo VICTORINA: Ahh oo-ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares. TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho. TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio. Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara. TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam? MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor. ALFONSO: Doa Victorina, siya po ba si Maria Clara? VICTORINA: Oo, Alfonso. ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya. Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso. TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso. DAMASO: Nasaan na siya? TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso. DAMASO: Maria Clara! MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo. DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad. MARIA CLARA: Opo. DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna. MARIA CLARA: Opo, padre. Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala. VICTORINA: Padre Damaso. DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo? VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw. DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos? ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre. DAMASO: Anong saya kot sa wakas ay nakita na kita, iho. ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala. VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre. DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho. SCENE 10 Ang Pagkamatay ni Elias Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Seor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Anong ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Seor.

IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saaniyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nagempake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino yan? SARHENTO: Kamiy mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. ****** Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo? IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sayo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sayo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso... IBARRA: Paano MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Seor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila. IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. Tumalon si Elias at sa tuwing siyay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. ****** Nagkitang muli sina Basilio at Sisa. BASILIO: Inay! SISA: Sino ka?

BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak nyo! SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anakhindi kita kilala. Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila. BASILIO: Inay, wag po kayong matakot sa akin. Inay! SISA: Basilio? BASILIO: Opo inay, ako nga po. SISA: Anak ko Biglang nawalan ng malay si Sisa. BASILIO: Inay! Inay! Bakit nyo po ako iniwan, Inay. Inay! ELIAS: Iho BASILIO: Sino po kayo? ELIAS: Anong gusto mong gawin sa inay mo? BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera. ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? BASILIO: Opo, ginoo. ELIAS: Mamamatay akonghindi masisilayanang pagsikat ng araw...sa aking bayan. Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay... End of Scene.

You might also like