You are on page 1of 1

Gusto kong maging Masaya...

kahit nagtitinda sa sidewalk... kahit iniimpound ang aking pedicab... kahit bulok ang aking paaralan... kahit mabaho ang estero... kahit yapak lang ang paraan sa pagbiyahe... kahit pagpag ...lang ang kinakain... kahit sirang tarpulin ang hinihigaan... kahit sa ulan lang may pagkakataong maligo... kahit nagpapayaman lang ang mga pulitiko... kahit hindi ko maunawaan ang awayan sa senado... kahit nagpapasikat lang ang mga kongresman... kahit puri ko ang inilalako... kahit ako'y musmos na naglalaro sa putik at basura... kahit ako'y matandang naghihintay na lang na lumisan... kahit pinandidirihan ng mga mayayamang sosyal... kahit ako'y maralitang taga-lungsod... Wala ba akong karapatang lumigaya o maging masaya sa buhay? Sana, ito na nga ang pagkakataon... para sa tunay na pagbabago. Huwag nyo na pong palampasin. Ito na ang panahon natin. Umaasa, Ang Manilenyo NOTE: Ang prose na ito ay nilikha ni Derek Constantino bilang isang blog sa www.derekpc.blogspot.com at itoy muling inilathala sa Facebook Group na Derek Constantino for Councilor 4th District of Manila. Layunin lamang ng may-akda na ibahagi ang sitwasyon ng nakararaming maralitang Manileo sa pamamagitan nito, at hindi upang ituring ito na isang gawaing pang-literatura.

You might also like