You are on page 1of 2

Bambang Los Baos Homeowners Association Incorporated (BALHAI) Purok 6B Bambang Los Baos Laguna

Ginoong at Ginang J. Casus, Kami po mga naninirahan dito sa Purok 6B Bambang Los Baos na nasa gitna nang inyong lupang nasabi, sa pangunguna nang aming pamunuan nang aming asosayon ay taos pusong nagpapaabot nang pagbati at paggalang sa inyong pamilya. Sumulat po kami upang ipaabot sa inyo ang aming suliranin, at pangamba, sa aming kalagayan dito sa lupang kinatitirikan nang aming mga tahanan, at ang iba sa amin ay dina makatulog sa pangambang kami ay mapaalis sa oras na itoy maipagbili po ninyo sa ibang tao. Nagpapasalamat po kami sa inyo at nais ninyong ipagbili sa amin ang lupang kinatitirikan nang aming mga tahanan sa pamamagitan nang programa nang (Social Housing Finance Corporation) SHFC nang ating gobyerno, natutuwa po kami, at gusto rin namin na manatili sa lugar na ito sapagkat napamahal na rin sa amin ang lugar na ito, at dito na rin lumaki ang aming mga anak, at dito na rin kami nagkaapo, at kami na rin nagsaayos, nagpaganda nang lugar na ito. Sa kasalukuyan ay nasa proseso na ang aming asosasyon upang ito ay malegal, subalit nangangamba kami sa mabagal na action nang ahensya nang ating gobyerno tulad nang (HLURB) hanggang ngayon ay di pa naibibigay sa amin ang Certification upang makausap sa mga requirement nang ating usapin. At sa sukat naman nang aming area ay natapos naman nang aming engineer subalit wala pa rin pirma at approval dahil po sa kulang pa rin ang bayad namin sa kanila. Sapagkat ang katotohanan po ay talagang hirap ang karamihan sa amin sa pagbabayad nang bayarin sa aming mga requirement, at bukod dito may mga kasama kami dito na hindi pa rin kumikilala sa inyong pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan nang aming mga tahanan, kung kaya ito po ang mga problema para tumagal at sagabal sa approval nang Social Housing Finance Corporation sa usapin dito sa aming lugar. Kaya kami pong mga lumagda dito sa sulat ay humihingi po sa inyo nang pang-unawa at habag, sapagkat talagang nahihirapan po kami sa aming kalagayan dahil sa karamihan sa amin ay mga wlang trabaho. Handa naman po kami sumunod kung ano ang mas makakabuti sa amin para sa ating usapin sa legal na paraan. At sana po maipaabot po ninyo sa amin ang inyong saloobin sa pamamagitan po nang isang liham. Gumagalang at nagpapasalamat

Santiago D. Frades BALHAI

You might also like