You are on page 1of 8

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

ANG MGA PAGDIRIWANG NG PILIPINAS HUNDRED ISLANDS TRIATHLON

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig. Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo. Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon. Pista ng Itim na Nazareno

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade. Ang mga deboto ng Itim na

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

Ati-atihan festival Ang Ati-Atihan Festival ay isang kapistahan na gaganapin sa taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo Nio (Sanggol ni Jesus), concluding sa ikatlong Linggo, sa isla at bayan ng Kalibo, Aklan sa Pilipinas. Ati-Atihan nangangahulugan "na tulad ng aetas" o "naniniwala Ati sa." Aetas ang mga pangunahing settlers sa isla ayon sa kasaysayan ng aklat. Sila masyadong pinakamaagang settlers ng Panay Island kung saan ang lalawigan ng Aklan. Ang piyesta ay binubuo ng panlipi sayaw, musika, sinamahan ng katutubong costume at armas, at parada sa kahabaan ng kalye. Kristiyano, at hindi-Kristiyano obserbahan ang araw na ito na may mga relihiyon processions. Ito ay ang ina ng lahat ng Philippine Festival dahil sa Sinulog Festival ng Cebu at Dinagyang ng Iloilo adaptations ng Kalibo Ati-Atihan Festival.

MASSKARA FESTIVAL Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Kinikilala ang MassKara bilang isa sa pinakamalaki at pinakamagarbong piyesta sa bansa. Kinakatawan na rin ng MassKara ang Pilipinas sa iba't ibang malalaking selebrasyon sa Asya, tulad ng Chinggay Festival sa Singapore, Lunar Festival sa Hongkong, International Tourism Festival of Shanghai sa Tsina at sa Midosuji Fetival Parade of Osaka sa Japan. Nakamit ng MassKara ang unang gantimpala sa Midosuji Festival para sa kategoryang kinabibilangan ng mga banyagang bansa. Bahagi ng pagdiriwang ang ilang mga kompetisyon sa pagsasayaw sa kalsada, kung saan lahat ng kalahok ay nakasuot ng makukulay na maskara at

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

magagarbong pananamit. Kasama rin sa pagdiriwang ang patimpalak para sa pinakamagagandang binibini mula sa lungsod, ang MassKara Queen. Mayroon ring mga karnabal, mga kompetisyong pampalakasan at mga konsyerto.

Ang Talon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan. Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894. Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).

Ang Bahurang Tubbataha, Hapilang Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mgakural o batong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef National Marine Park). Naging nominado ito para

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

sa pagiging "bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."

Ang Corregidor ay isang islang nakapuwesto sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa puwesto nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod ng Manila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging ang pagbasak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay isang mahalagang makasaysayang lugar at puntahan ng mga turista. Ito ay pinangagasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito.

Ang Bayan ng Bangui ay isang ika4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Iloco s Norte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 14,327 katao sa 3,055 na kabahayan. Sa bayan ng Bangui matatagpuan ang pinakaunang windmill farm na gumagawa ng kuryente sa bansa.

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

I tinuturing pinakamalaking moske o bahay dalanginan ng mga Muslim sa bansa ang Grand Mosque na pinondohan ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at pamahalaan ng Pilipinas. tinatayang nagkakahalaga ng P2 bilyon, magiging sentro na rin ito ng turismo sa lungsod Cotabato. Tanaw ang makintab na mga gold-plated dome ng moske maging sa mga taong naglalayag sa Moro Gulf mula sa silangan, at mga paparating na sakay ng eroplano sa Awang Airport sa katimugang bahagi ng lugar. Kayang mag-accommodate sa loob ng moske ng hanggang 800 lalaki na mananampalataya at 400 kababaihan. Magsisilbi rin itong community centre sa rehiyonAng

San Juanico Bridge ay ang pinakamahabang tulay ng Pilipinas, na may habang 2km. Tinatawid nito ang San Juanico Strait, na tumutulay sa isla ng Samar at Leyte. Kilala din itong Marcos Bridge, sinasabi na ito raw ay regalo at "Testimonya ng Pag-ibig" ng Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa Unang Ginang, Imelda na taga Leyte.

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

Dinudugtong nito ang syudad ng Tacloban sa bahagi ng Leyte at bayan ng Sta. Rita sa bahagi naman ng Samar. Meron itong magagandang tanawin lalo na ang San Juanico Strait na may libo-libong whirl pools at maliliit na isla.

Ang SM Mall of Asia (MOA) ay isang pamilihang mall na pag-aari ng SM Prime Holdings, ang pinakamalaki developer at nagmamay-ari ng mga mall sa Pilipinas. Ang SM Mall of Asia ay ang ikalawang pinakamalaking pamilihang mall sa Pilipinas at ang ikatlong [1] (Sanggunian Sampung Pinakamalaking mga Pamilihang Mall ng Forbes) pinakamalaking pamilihang mall sa buong mundo. Ang SM Mall of Asia ay may lawak ng 42 hektarya at may kabuuang lawak ng sahig na mahigit-kumulang na 390,193 metro kuwadrado (4.2 million square feet)[2] at 407,101 metro kuwadrado ng kabuuang laki. Ang mall ay makikita sa Lungsod Look saLungsod ng Pasay, Pilipinas na malapit lang sa Pangunahing Business Park ng SM, ang Look ng Maynila sa dulong timoig-silangan ng Abenida Epifanio de los Santos o EDSA Ang mall ay tumatanggap nga 200,000 tao araw-araw.

Ang taal volcano ay makikita sa Batangas (hindi sa Cavite). Ito ay hindi lang may isang "crater". Ito ay may naitalang 33 pagsabog sa kanyang kasaysayan. Ang pinakang malakas na pagsabog nito ay noong 1754 na umabot ng mahigit 200 na araw.

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

Mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas sa pangangalaga ng mga yamang-pandagat sa mundo. Sa katunayan, bahagi ang bansa sa tinatawag na Coral Triangle isang bahagi ng dagat na may saganang likas na yaman sa daigdig. Ang yaman ng dagat sa Pilipinas ay hindi matatawaran. Sa katunayan, sikat sa buong mundo lalo pa sa mga maninisid angTubbataha Reef. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa pusod ng Dagat Sulu . Ito ay tahanan ng pinakamagandang korales sa buong mundo. Matatagpuan dito ang halos 300 uri ng korales at 500 uri ng mga isda. Dahil sa kagandahan ng lugar, naging nominado ito sa Seven Natural Wonders of the World kamakailan.

Ang Guimaras ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kilala ang lalawigan sa mangga na pangunahin nitong produktong na iniluluwas pa sa ibang bansa. Jordan ang kabisera ng lalawigan.

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE-BASIC EDUCATION EPARTMENT, ILIGAN CITY

MATTHEW ARVIN L. AMORES


HEKASI 4

Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) (Ingles: Cultural Center of the Philippines) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas. Ito ay naglalangkap ng mga pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga paglilingkod [1] na tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig. Ang mga pinakamahusay na artista mula sa mga iba't ibang panig ng bansa at ng daigdig ay binibigyan ng karangalan habang nagtatanghal sa mga tanghalan at galerya ng CCP, kung saan nabibighani ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon mula itinatag ito. [2][3][4] Matatagpuan ito sa lungsod ng Maynila at ayon naman sa ibang mga websayt, ito ay nasa lungsod ng Pasay.

You might also like