You are on page 1of 2

Ang rabis ay isang nakamamatay na sakit na nagmumula sa kagat o pagdila ng isang hayop na may rabis.

Bawat dapuan ng rabis ay 100% namamatay

DAPAT GAWIN SA ASONG NANGANGAGAT 1. Itali o ikulong ang aso para maobserbahan sa loob ng isa hanggang 14 na araw. 2. Iwasan na sadyang patayin ang aso gaya ng pagbaril, pagpalo sa ulo o anumang pamamaraan. 3. Kung mamamatay ang aso sa loob ng 14 n araw, putulin ang ulo at ilagay sa plastik na walang tagas at lagyan ng yelo. Dalhin agad sa laboratoryo. 4. Sumangguni sa beterinaryo upang maliwanagan sa iba pang bagay ukol sa rabis. 5. Dalhin ang ulo sa alinman sa mga sumususunod na Tanggapan upang ipasuri ang utak ng aso: a. Rabies Diagnostic Laboratory Philippine Animal Health Center Bureau of Animal Industry Visayas Ave., Diliman, Quezon City b. Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) Department of Agriculture Lipa City (para sa Rehiyon IV) c. Research Institute for Tropical Medicine Department of Health Alabang, Muntinlupa City

d. SLH Animal Diagnostic Laboratory San Lazaro Hospital Manila DAPAT GAWIN SA TAONG NAKAGAT NG ASO O ANUMANG HAYOP NA MAAARING MAY RABIS Paduguin ang sugat na sanhi ng kagat; Hugasan agad ng tubig at sabon ang sugat at pahiran ng alcohol, tinctura de yudo o anumang gamut pangsugat; Magpakonsulta sa doctor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center; ANG WASTONG PAG-AALAGA NG ASO

Ang rabis ay laganap sa buong Pilipinas. Naitala na ang insidente ng rabis sa tao ay isa sa pinakamataas sa buong daigdig. Ayon sa talaan ng WHO , ang kaso sa tao ay umaabot sa 340-450 bawat isang milyong tao. Sa Pilipinas may 300-400 Pilipino ang namamatay sa rabis taun-taon. Kapag ang isang tao ay nagpakita na ng mga palatandaan ng rabis, wala ng lunas upang ito ay gumaling pa. Ang rabis ay tiyak na nakamamatay.

MGA SINTOMAS NG ASONG MAY RABIS Biglaang pagiging mabangis o mabagsik Nangangagat kahit anong bagay Tumatakbo nang walang direksiyon Pagbubula ng bibig dahil sa labis na paglalaway Nahihirapan sa pagkain o pag-inom ng tubig Hindi mapakali, pagtatae, atbp.

Pabakunahan ang alagang aso laban sa rabis. Bigyan ng sapat at tamang pagkain ang alagang aso. Itali at huwag hayaang gumala sa labas ng inyong bahay o bakuran ang alagang aso. Siguraduhing malinis at maayos ang kanyang kulungan. Bumisita sa beterinaryo kung kinakailangan

ASO AY ALAGAAN
Reproduced By:

UPANG RABIS AY MAIWASAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION IV-B (MiMaRoPa)

You might also like