You are on page 1of 10

1

Department of Social Sciences & Humanities


COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES San Beda College

SILABUS NG KURSO
Ikalawang Semestre, AY 2012-2013 COURSE CODE : COURSE TITLE : COURSE CREDIT : PRE-REQUISITE : FACULTY IN-CHARGE EMAIL ADDRESS Contact # : OFFICE HOURS : HIST 1/HISO 1 KASAYSAYAN NG PILIPINAS 3 Wala : Lorisma V. Ureta : lorisma.urtea@gmail.com 0922-8116591 MWF 1:30-2:30 TTH - 10:30-11:30

PAHAYAG NG BISYON-MISYON: Naninindigan ang Kolehiyo ng San Beda, isang Katolikong institusyon, sa Kristiyanong paghubog ng pamayanang Bedista bilang paglilingkod sa simbahan, bansa at daigdig. Bisyon: Tumatanaw ang San Beda ng isang pamayanang lubos na makatao, ganap na Kristiyano, tunay na Pilipino at may kakayanang makipagtagisan sa pandaigdigang pamayanan. Misyon: Nilalayon ng San Beda na humubog ng mga kasapi tungo sa pananampalataya (fides), kaalaman (scientia), katangian (virtue), at linangin ang Benediktinong pagpapahalaga sa panalangin at paggawa (Ora et Labora) na binubuo ng pag-aaral, pamayanan at pagtataguyod ng kapayapaan.

LARAWAN NG KURSO Ito ay isang pangkalahatang kurso sa Kasaysayang Pilipino na bahagi ng General Education Course para sa lahat ng mag-aaral sa kolehiyong antas. Tumatalakay ito sa mahahalagang pangyayari, mga isyu at suliranin na humubog sa bansang Pilipinas. Binibigyang-diin din nito ang pagkabuo, ng mga institusyon at pagdaloy ng sistemang pang-ekonomiya, pampulitika, panlipunan at pangkultura sa Pilipinas. HANGARIN 1.Ilangkap ang halagahing Benediktino at adhika sa paggawa, panalangin, katatagan, pagpapanibagong-buhay, pagsunod, disiplina, kababaang-loob, pamumuno, kalinisang-loob at pamayanan. 2. Mapalakas ang historikal na kamalayan sa pagsusuri ng mga pangyayari, isyu at suliranin sa lipunan; 3. Mapaunlad ang kritikal, makabayan at makataong pag-iisip, pagpapahalaga, asal at gawi.

4. Makahubog ng mga mamamayang may paninindigan, aktibong lumalahok sa gawaing-bayan at kumikilos para sa pagbabago ng lipunan.

PARTIKULAR NA LAYUNIN Sa katapusan ng semestre, inaasahan para sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. Matutunan ang pangkasaysayang halaga, gamit, lapit, sa pag-aaral ng mga kaganapan; ibat ibang historikal na batis, pananaw, at metodolohiyang pangkasaysayan;

2. Matalunton ang mga pinagmulan ng mga institusyong Pilipino na naging sandigan ng pagkabuo ng bansa at ang mga pwersang nagpapagalaw at nagpapasulong ng kasaysayan;

3. Mapahalagahan at mapatibay ang diwa at perspektibang maka-Pilipino sa panahon ng pamayanang global;

4. Mapatibay ang wastong asal, gawi at linis ng kalooban bilang bahagi ng komunidad at mamamayan ng bansa; 5. Makapagpanukala ng mga paninindigan sa mga isyu at suliraning panlipunan at makisangkot sa mga gawaing nagtataguyod ng panlipunang responsibilidad at kapakanang pambayan na ginagabayan ng mga prinsipyo ng Tao, Bayan at Diyos. 6. Mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng mga papel pangkasaysayan tulad ng tulad ng katitikan, indibidwal na reaksyong papel, maliliit na pananaliksik, at mga mapanlikhang pagtatanghal gamit ang multimidyang lapit at interaktibong paraan ng pag-aaral.

BALANGKAS NG KURSO
Layuni n ng Kurso TAGAL

PAKSA ORYENTASYON Ang Kasalukuyang Sitwasyon ng Pilipinas: mga isyu at suliranin sa Lipunang Pilipino; Gamit, halaga at lapit ng disiplina ng kasaysayan; Nilalaman ng Kurso; Mga Pangangailangan sa kurso, patakaran, batayan

GAWAIN

INAASAHANG MAKAMIT
Magkaroon ng pangkalahatang tanaw sa mga kaganapan sa bansa Matukoy ang mga isyu at suliraning kinakaharap ng bayan Matangkilik ang kurso bilang isang paraan ng pagunawa sa sitwasyon ng bayan Magkaisa sa laman, pangangailangan,

Linggo 1 3 oras

Talakayan

ng pagmamarka.

1&6

Linggo 2 3 oras

HISTORYOGRAPIYA Ang kasaysayan ng kasaysayan sa Pilipinas; Mga Salik sa KasaysayanPook, Panahon at Kultura Mga Pangkasaysayan Peryodisasyon Lektura at Talakayan

patakaran , pamamaraan sa klase at batayan ng pagmamarka -Malaman ang pagunlad ng pagtuturo at pagsusulat ng kasaysayan; Maunawaan ang magkakaibang pananaw at pamamaraan sa kasaysayan; -Malantad sa mga batis primarya, sekundarya, tradisyunal, pasalita at kagamitang pangkasaysayan;

Basahin: Boquiren, Rowena, Batis et.al Kasaysayan ng Pilipinas at mga Institusyong Filipino (Up Press, 2003)Kab. 1: Ang Pook , Panhon at Kultura sa Kasaysayn ng Pilipinas, pp. 1-17 at Kab. 2 pp. 19-22 Lektura Talakayan

2&6

Linggo 3&4 6 oras

ANG EBOLUSYONG PANGKULTURA Panahong paleolitiko, Neolitiko at Metal Ang Pagtatao sa Pilipinas Ang Kulturang Austronesyano

-Malaman ang Panoorin: Stone Age in ebolusyong kultural ng mga Pilipino; the Philippines

Lektura at Talakayan Panoorin: Austronesian video o Palawan: A Bridge to Many Worlds Pagbisita sa Pambansang Museo Lektura at Talakayan Maikling pagsusulit

-Makilala ang lahing pinagmulan ng mga Pilipino at ang kulturang Austronesyano bilang batayan ng Kapilipinuhan.

ANG MGA SINAUNANG PAMAYANANG PILIPINO HANGGANG MGA SULTANATONG MUSLIM -Ang Ili-Bayan-Banwa -Mahahalagang papel sa lipunan: Datu, Babaylan, Mandirigma at Panday -Pamumunong Pulitikal, sistema ng pamamahala -Buhay Pang-ekonomiya -Mga Uring Panlipunan

Mapalalim ang kaalaman sa sinaunang kulturang Pilipino; Mapalalim ang prekolonyal na batas at pamahalaan ng mga Pilipino; -Magagap ang mga relasyong panlipunan

-Kulturang Austronesyano -Anituismo at Babaylan -Papel ng Kababaihan - Kampong/Bayang Moro -Islam -Sultanatong Muslim - Pagsasanib ng Relihiyon at Pulitika; Papel ng Sultan -Batas Shariah -Ruma Bichara -Uring Panlipunan -Papel ng Kababaihan -Kulturang Muslim 2&6 Linggo 5 3 oras PAGBABAGONG-ANYO NG BAYAN: PAGBUBUO NG LIPUNANG KOLONYAL 1565-1898 -Pagpasok ng Kolonyalismong Espanyol at pagtatatag ng Bayang Indio -Kolonyal na Pamahalaan -Mga Patakaran Institusyong ekonomiya at PangLakadIntramuros Lektura at Talakayan

ng mga Pilipino sa sinaunang pamayanan; -Maipakita ang papel ng kababaihan sa lipunan laluna sa pamamahala;

--Masapul ang pagbabagong-anyo ng bayan sa panahong ito. -Masuri ang bagong burukrasyang kolonyal na itinatag ng mga Kastila; -Malagom ang epekto ng kapangyarihang kolonyal sa mga Pilipino; - Maanalisa ang galaw ng mga uring panlipunan; -Mahusgahan ang epekto ng kolonyal na paghahari sa kababaihan.

-Mga Repormang pangekonomiya at pang-edukasyon sa ika-19 na dantaon -Pagbaba ng Papel ng kababaihan REAKSYON NG BAYAN SA KOLONYALISMO Pagtanggap ng mga Akulturadong Pilpino; Paglaban ng mga Nabinyagan Sa mga paglaban: -Mga Pag-aalsa mula ika-16 hanggang 19 na Dantaon -Kilusang Sekularisasyon; GOMBURZA -Kilusang Propaganda 1880s-La Liga Filipina -Ang Himagsikang Pilipino1896 atang pagkabuo ng Bayan - Katipunan at Himagsikang 1896 hanggang sa paglulunsad ng -Lakbay-Aral sa Cavite Revolution Shine Lektura at Talakayan

2,4 &6

Linggo 6&7 6 oras

- Maklasipika ang ibat ibang reaksyon sa kolonyal na paghahari sa sumusunod: pagtanggap, paglaban, pagtanggi; - Mapalawak ang pagunawa sa kilusang elit at kilusang masa sa panahong ito; - Mapahalagahan ang pagpupunyagi ng mga Pilipino para sa kalayaan, kasarinlan, katarungan at kaginhawahan; - Matalunton ang kamalayang konstitusyunal ng mga Pilipino.

Malayang Republika ng Filipinas 1899; Konggreso ng Malolos at konstitusyong 1898 Ang Pagsilang ng Simbahang Pilipino/Aglipayano

Pagtanggi ng Bayang Moro at Bayang Igorot 2,4 &6 Linggo 8 3 oras ANG PAGTATANGGOL SA BANSA LABAN SA PANGHIHIMASOK NG KOLONYALISMONG AMERIKANO 1898-1946 Motibo ng Pananakop Digmaang Pil-US Epekto ng Pananakop (pulitika, ekonomiya, kultural, panlipunan, relasyong panlabas, militar) Mga Misyong Pangkalayaan Kaligaligang panlipunan: sa hanay ng magsasaka, manggagawa, mga makabayan Mungkahing panoorin: In Our Image, Vol 1: Colonial Days (VHS, 55 min.) Pagtalakay habang pinapanood o Talakayan pagkatapos manood
-Maipag-iba ang konsepto ng insureksyon sa gera; -Mapahalagahan ang digmang mapagpalaya ng sambayanan; -Mabakas ang pagsisimula ng mga institusyong pulitikal sa bansa; -Maunawaan ang konsepto ng nasyonestado; -Mahusgahan ang epekto ng imperyalistang pananakop sa bansa; -Makita ang galaw ng ibat ibang pwersang pampulitika sa bansa at kung paano ito naging salik sa pagdaloy ng kasaysayan.

2&6

Linggo 9 Aug611 Linggo 10 3 oras

PAGSUSULIT SA GITNANG SEMESTRE ANG PAMAHALAANG KOMONWELT AT 1935-1941


-Maintindihan ang proseso ng Pilipinisasyon mula sa panahon ng direktang pananakop ng mga Amerikano tungo sa mga Pilipino Elit; -Mailarawan ang buhay ng mga Pilipino sa sa sinasabing peacetime -Mabigyang-pansin ang kaligaligang nangyayari sa hanay ng magsasaka at manggagawa. -Mapahalagahan ang karapatang bumoto ng kababaihan

Panlipunang Hustisya Konstitusyong 1935 Wikang Filipino Kaligaligang pangmagsasaka at pangmanggagawa Pagtalakay Karapatang Bumoto ng habang Kababaihan at mga pinapanood suprahista o talakayan pagkatapos panoorin

Mungkahing panoorin: In Our Image, Vol 2: Showcase of Democracy at (VHS 118)

2&6

Linggo

PANGHIHIMASOK NG

Lektura at

-Maunawaan ang sanhi

11 3 oras

MILITARISMONG HAPONES 1941-1946

Talakayan

Panoorin: Motibo ng gyera; Legacy of Epekto ng gyera sa lahat ng Heroes aspeto (ekonomiya, pultika, panlipunan) Ang HUKBALAHAP Comfort Women

ng digmaan at magkaroon ng paninindigan laban sa gyerang mapanakop at militarisasyon -Mapahalagahan ang karapatang pantao laluna ang pagkatao ng kababaihan Mas malalim na pagpapahalaga sa kabayanihang Filipino

2&6

Linggo 12 3 oras

ANG PAGBUBUO NG BANSANG NEOKOLONYAL AT ANG LIDERATONG ROXAS HANGGANG MARCOS, 1946-1972 Kalagayan ng Pulitika Mga di-pantay na tratado Kalagayan ng Industriyalisasyon at reporma sa lupa Pangungutang sa IMF-WB at epekto ng pangungutang Mga Kilusang Panlipunan Kababaihan sa Pagbubuo ng Bansa

Masuri ang ibat ibang pamahalaan ng Pilipinas at maunwaan kung ano ang neokolonyalismo; Maintindihan ang mga konsepto ng demokrasyang liberal, neo-kolonyalismo, hayag at patagong panghihimasok. Maanalisa ang padron ng problemang panlipunan tulad ng suliraning agraryo, semi-kolonyal na ekonomiya, kurakutan at katiwalian, pagbaba ng etika at moralidad Maunawaan ang mga kilusang panlipunan

2,4,5 &6

Linggo 13 & 14 6 oras

KRISIS AT PAMBANSANG LIGALIG: Ang Panahon ng Batas Militar hanggang Kapangyarihang Bayan 1972-1986 Konstitusyong 1973 Ang Bagong Lipunan Militarisasyon Paglabag sa Karapatang Pantao Krisis Pang-ekonomiya Malubhang Paghihikahos Cronyism Mga Kilusang Masa

Panoorin: Batas Militar Mamulat sa motibo, batayan ng Video Lektura at Talakayan

imposisyon, brutalidad at pinsala ng Martial Law; Manindigan para sa karapatang pantao at pagpapahalaga sa katarungang panlipunan, demokrasya, sa kalayaang sibil at demokratiko Maunawaan ang pagkakaiba ng demokrasyang liberal, diktadura, at demokrasyang bayan, demokrasyang elit Maunawaan ang ibat ibang diskurso sa

4,5&6

Linggo 15-17

ANG KASALUKUYANG I-witness PAMBANSANG video

9 oras

SITWASYON NG PILIPINAS, 1986-2012 EDSA 1, 2 & 3 Konstitusyong 1987 Ang Pamahalaang Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo at PNoy National Territory Panatag Shoal at UNCLOS National Patrimony Dominasyon ng Multinational Corporations , JPEPA, ChaCha Social Justice land reform (CARP, CARPER), isyu ng sahod at benepisyo Bill of Rights extrajudicial killings, freedom of information, freedom of the press, desaparecidos. Branches of Government Impeachment Trial Public Accountability corruption issues, election fraud, Ombudsman, Constitituional Commission Womens Rights - RH Bill, Violence Against Women Education K+12 Curriculum Mga Katutubo isyu ng ancestral domain, militarization, population & development PAGLALAGOM Pinal na Pagsusulit

documentary o Probe documentary -PCGG Lektura at Talakayan

kapangyarihang bayan Magkaroon ng kritikal na pagsusuri sa kasalukuyang pambansang sitwasyon, isyu at suliraning hinaharap ng mga Pilipino; Maanalisa ang implikasyon ng patakarang globalisasyon Malagom ang antas ng development ng Pilipinas. Makapagbigay ng pananinindigan sa mga kaganapan sa bansa bilang mulat na Pilipino.

Linggo 18

MGA PANGANGAILANGAN SA KURSO


1. Partisipasyon 2. Maikli at Mahabang Pagsusulit 3. Reaksyong Papel: sa mga artikulo 4. Katitikan 5. Pangkatang Pananaliksik 6. Pag-uulat pampangkat 7. Video dokumentaryo sa Lakbay-Aral

SISTEMA SA PAGMAMARKA
Kalagitnaang Grado: Pagsusulit sa Gitnang Semestre: Katayuan sa Klase : 30% _____ 100% 40% 60% Pinal na Grado: Kalagitnaang Pagsusulit : Katapusang Pagsusulit Katayuan sa Klase : 50% _____ 100% 20% :

Komputasyong ng Grado:

8 Mga Mag-aaral sa Una at Ikalawang Taon: 0-based; Ikatlo at Ikaapat na Taon: 50-based. Passing Percentage: 1st & 2nd Year- 60% (3.0); 3rd&4th Yr- 75%(3.0) MGA SANGGUNIAN Aklat Agoncillo, Teodoro. History of the Filipino People. Lungsod Quezon: Garotech Publishing, 1990. Boquiren, Rowena-Reyes, Gripaldo, Eden et al. Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. Lungsod Quezon: UP Press, 2003 Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Lungsod Quezon: Foundation for Nationalist Studies, 1997. Isinalin sa Pilipino nina Antonio, Lamberto E. at Ariel Dim Borlongan. Filipinas: Ang Bagong Lumipas-I. _____. The Continuing Past. Lungsod Quezon: Foundation for Nationalist Studies, 1978. Isinalin sa Pilipino ni Borlongan, Ariel. Ang Bagong Lumipas II 1940-1965, 1996. Corpuz, Onofre D. Roots of the Filipino Nation. Philippines: Prentice Hall, 1989 (2 bolyum). KASAYSAYAN: The Story of the Filipino People. Hongkong: Readers Digest, 1998 (10 bolyum). Salazar, Zeus. Ang Bagong Kasaysayan Series. Lungsod Quezon: UP Diliman, 1999-2008. Tan, Samuel K. A History of the Philippines. Lungsod Quezon: UP Diliman, 1987. Veneracion, Jaime. Agos ng Dugong Kayumanggi. Lungsod Quezon: Abiva Publishing, 1997. Kimuell-Gabriel,, Nancy. Filipino Womens Diaspora: Causes, Costs and Challenges. Batis Center for Women, 1995

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

Africa, Sonny and Rosario Bella Guzman. From Crisis to Crisis: The Philippines Amidst Global Financial and Economic Turmoil. IBON Special Release. Vol. 31, Nos. 23 & 24. December 15 & 31, 2008. Global Recession, Local Crisis. IBON Education for Development. Vol. 7, No. 6. November-December 2008. Kimuell-Gabriel, Nancy. OFW ss ibang Lupalop: Ang Hanabpuhay sa Harap ng Kisis ng Ekonomiyang Pandaigdig. Papel na binasa sa kumperensya ng BAKAS, Don Bosco Technical School, Makati, Abril 2009. OFWs, Remittances and Philippine Underdevelopment. IBON Facts and Figures. Special Release, Vo. 31, Nos. 9 & 10, 15 & 31. May 2008. Quintos, Paul L. The Global Financial Crisis and its Implications for Workers of the Philippines. Ecumenical Institute for Labor Education and Research, Study Commission No. 5. June 19, 2008.
MGA SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

www.philippinehistory.ph www.interaksyon.com http://www.kasaysayan1.com/ www.inquirer.net http://en.wikipedia.org/wiki/Philippines http://pinas.dlsu.edu.ph/history/history.html

SISTEMA NG PAGGAGRADO:

Grade Point

Equivalence

Description

1.00 1.25 1.50 1.75 2.00 2.25 2.50 2.75 3.00 5.00

97-100 92-96 87-91 82-86 77-81 72-76 68-71 64-67 60-63 Below 60

Excellent Superior Very Good Above Average Good Very Satisfactory Satisfactory Fair Passed Failed

Inihanda ni: LORISMA V. URETA, MA

Inirekomenda ni:

NANCY KIMUELL-GABRIEL, PhD Tagapangulo ng Departamento

10

Binigyang-pansin:

FEDELIZ S. TUY, Ed.D Katuwang ng Pangalawang Dekano

Sinang-ayunan:

CHRISTIAN BRYAN S. BUSTAMANTE, PhD Pangalawang Dekano

You might also like