You are on page 1of 6

Gloria Macapagal Arroyo

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.

Mga Programa
-paglikha ng milyong trabaho -health insurance -livelihood program -out-of-school youth -Electronic Procurement System (EPS) -Presidential Anti-Graft Commission -Agricultural and Fisheries Modernization (AFMA) -KALAHI Program (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan) -Tindahan ni Gloria Labandera Rolling Stores -Road Roro Terminal System (RRTS)

Corazon C. Aquino
Si Mara Corazn Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara Corazn Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933-Agosto 1, 2009) na lalong mas kilala sa palayaw na Coryay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kaunaunahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986-Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Mga Programa
-PCGG -Freedom Constitution -CARP -Crisis Intervention Center for Women -Executive Order No. 56 (DSWD) -Free Public Secondary Education Act of 1986 -National Reconciliation and Development Program -UNIDO

Joseph Ejercito Estrada


Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1], ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo. Bilang isang aktor at direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Bilang pulitiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcossa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year.

Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Mga Programa

nag-akda ng mga batas ukol sa mga proyektong pang - irigasyon at ng ukol sa pangangalaga at pagpaparami ng kalabaw. Bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng RP-EU noong 1991 Isa sa tatlong Pinakamahusay na senador ng taon "Magasing Philippine Free Press(1989) Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (1992) Tagapangulo, Komisyonado ng Pangulo Laban sa Krimen (PACC) Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc (MOWELFUND) Gobernador, Akademyang Pampelikola ng Pilipinas (FAP) Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa pilipinas (PMPPA) Tagapagtatag ng pangulo ERAP parsa sa mahirap foundation, police ang fire trust fund at philippinas drug abuse resistance eduction, inc (PHILDARE) pangulo ng reblika ng pilipinas (mayo 11, 1998) o pamumuno ay naligalig ng lumulubhang mga krisis at pagbalikos sa kanyang paraan ng pamamahala o Sumiklab ang digmaan sa mindanao (Marso 21, 200) nang kanyang ideklara ang lubos na opensiba laban sa maro islamic liberation front(MILF) o kauna- unahang pangulo ng isinakda dahil sa pagmamalabis sa tungkulin (Nobyembre 13, 2000) nakaraan ibunyag ni Gob. Luiz Singson (Iiocos Sur) ang kanyang pakakasangkot sa ilang ilegal ng gawain o Isinakdal sa paratang na panunuhol, pagmamalabis sa tungkulin pagtataksil sa pagtitiwala ng taungbayan at masisising paglaban sa konstitusyon

Sapilitan pinaalis sa tungkulin bunga ng pagkabigo ng paglilitis sa kanya; pag - urong ng suporta ng AFP at PNP lansakang pagbibitiw sa tungkulin ng miyembro ng gabinete at mahahalagang opisyal; at ang tagumpay ng Rebolusyon Lakas Sambayan (EDSA II) Inaresto at ipiniit noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso

Fidel V. Ramos
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawang Pangulong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas

patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Mga Programa

ng pagkapangulo ng Fidel V. Ramos spanned para sa anim na taon mula sa Hunyo 30, 1992 sa 30 Hunyo 1998. Sa panahon ng kaniyang pagluklok sa kapangyarihan, Fidel Ramos ay ang pinakalumang tao na maging Presidente ng Pilipinas na nasa edad na 64. Siya rin ang unang Protestanteng Pangulo ng bansa at ang tanging Filipino officer sa kasaysayan upang magkaroon ng klase tuwing ranggo sa Philippine militar mula sa Ikalawang tinyente saCommander-in-Chief . Ang ilang mga unang taon ng kanyang pangangasiwa (1992-1995) ay characterized sa pamamagitan ng pang-ekonomiya boom , teknolohiko development ,pampulitika katatagan at mahusay na paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa mamamayan. Sa panahon ng kanyang oras, siya advocated platform partido bilang balangkas at agenda para sa pamamahala. Tulad ng sa kanyang kaso, siya ay ang unang Kristiyano makademokrasiya ihahalal sa bansa, ang pagiging ang founder ng Lakas-CMD (Christian-Muslim Democrats Party). Siya ay ang isa sa mga pinaka maimpluwensyang lider at ang mga hindi opisyal na tagapagsalita ng liberal na demokrasya sa Asya.

You might also like