You are on page 1of 12

ANG PANANAKOP NG SPAIN

Author Information

First and Last Name: Email Address: Name of School: Division: Municipality/City, Province, Region: Country:

Emmanueliza dela Cruz Dillig dillig.emmanueliza.delacruz@gmail.com University of Saint Louis Cagayan Tuguegarao city, Cagayan, Region 2 Philippines

If your Portfolio is chosen to be uploaded to the Intel Teach to the Future database, do you want your name displayed as the author? Yes No
Unit Overview Unit Plan Title:

Manindigan! Ang pagkatalo ba ay simbolo ng kahinaan?

Curriculum-Framing Questions

Essential Question

Lahat ba ng paninindigan ay kailangang ipaglaban? Bakit kailangan mong maging Malaya? Nakabuti ba ang pananakop ng Spain sa Pilipinas? Naging mahalagang instrumento ba ang kristyanismo sa madaling pagsakop ng Spain sa Pilipinas? Gaano kalawak ang naidulot na pagbabago ng kolonisasyong Spain sa tradisyonal na pamumuhay ng mga Pilipino? Paano tinanggap ng mga Pilipino ang kolonisasyong Spaniards? Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng damdaming makabayan sa panahon ng kolonyalismong Spanish?

Unit Questions

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

Content Questions

Ano ang mga layunin ng Spain sa pananakop? Sino ang unang sumupil sa tangkang pananakop mi Magellan sa bansa? Sino si Magellan? Anu-ano ang mga bayang sinakop ng Spain? Ano ang mga patakarang pampamahalaan ang isinagawa ng mga Spaniards? Ano ang kontribusyon ng Spain sa sistemang pangedukasyon ng Pilipinas? Ano ang mga pagbabagong naidulot ng Espanya sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino? Sinu-sino ang namuno sa mga pag-aalsa laban sa pananakop Bakit nagkaroon ng pag-aalsa? Ano ang mga nagging resulta ng pag-aalsa?

Unit Summary:

Sa yunit na ito, matatalakay ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pananakop ng bansang Espanya. Magkakaroon ng malalimang pag-unawa tungkol sa mga kaganapan mula sa pagtatagumpay na sakupin ang bansa hanggang sa pagsuko sa Pilipinas sa mga British. Ibat-ibang istratehiya ang isinagawa upang magkaroon ng kaaya-ayang pagkatuto. May mga gawaing panggrupo at pangindibidwal upang higit na matutunan ang mga konsepto at upang mabatid ng mga mag-aarla ang mahalagang pangunawang nais ipahayag ng yunit. Gagamit ang guro ng mga ibat-ibang istratehiya sa pagtuturo gamit ang teknolohiya, task card at iba pa. Inaasahang pagkatapos ng yunit ay makagagawa ang mga mag-aaral ng proyekto na makapagpapakita ng kanilang pang-unawa sa mahalagang tanong. Ipamamalas ng mga mag-aaral ang paggamit ng teknolohiya at pagkakaroon ng critical thinking sa paggawa ng isang multimedia presentation. Gagawa ang guro ng kaukulang rubrics upang masukat ng wasto at tama ang mga assessment na isasagawa at proyektong ipapasa.
Subject Area(s): Click box(es) of the subject(s) that your Unit targets

Business Education Engineering Home Economics Language Arts Music School to Career Social Studies Kindergarten Grade 1 -3 Grade 4 - 6 1st Year High School

Drama Foreign Language Industrial Technology Mathematics Physical Education Science Technology 2nd Year High School 3rd Year High School 4th Year High School English as a Second Language

Other: English Other: Filipino Other: Makabayan

Grade Level: Click box(es) of the grade level(s) that your Unit targets

Gifted and Talented Resource Other

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

Targeted 2010 Secondary Education Curriculum Competencies

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamamayan.
Student Objectives/Learning Outcomes:

1. Napaghahambing at napag-sasalungat ang ekspedisyong isinagawa ni Magellan at Legaspi gamit ang venn diagram. 2. Nakagagawa ng concept map upang ipaliwanag ang balangkas ng pamahalaan ng Pilipinas habang nasa ilalim ng Spain. 3. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga programang pangkaunlarang isinagawa ng Espanya gamit ang causal relationship table.

4. Naipaliliwanag ang magiging kalagayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng Spain
sa pamamagitan ng isnag panel discussion. 5. Nakapagpapakita ng cover magazine upang ipakita ang mga kontribusyon ng Spain sa kultura.

6. Naipaliliwanag gamit ang data retrieval chart ang mga naganap na pag-aalsa.
Procedures:

UNANG ARAW A. FIVE-MINUTE PAPER 1. Papangkatin ang klase na may limang miyembro bawat pangkat. 2. Gagamit ang bawat grupo ng isang sagutang papel.

3. Magbabahagi ng ideya ang nawat miyembro sa loob ng tatlong minute na sumasagot


sa tanong na: ANO ANG GINAMPANANG PAPEL NG MGA SPANIARDS SA KASAYSAYAN?

4. Pag-iisahin at isusulat ang mga ideya sa loob ng dalawang minuto


5. Magkakaroon ng tagapagsalita ang bawat grupo upang ibahagi ang mga kaganapan sa kanilang pangkat 6. Pag-uugnayin ng guro ang mga ideya sa yunit na pag-aaralan B. REFLECTIVE MULTIMEDIA PRESENTATION 1. Tatalakayin ng guro ang proyektong gagawin ng mga mag-aaral pagkatapos ng yunit. 2. Ibabahagi ng guro ang rubric sa pagbibigay ng kaukulang grado C.GALLERY WALK 1. Magdidikit ng mga larawan ang guro sa mga dingding ng silid-aralan 2. Ang mga larawan ay nagpapakita ng mga pananakop na isinagawa ng mga Spaniards sa ibat-ibang bansa 3. Papangkatin ang klase sa limang grupo 4. Bibigyan ang bawat grupo ng pagkakataon upang tignan ang mga larawan sa loob ng tatlumpung segundo 5. Pagkatapos ay babalik sila sa kanilang mga upuan at magsusulat ng isang salita
INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

upang ilarawan ang lahat ng larawan 6. Ipaliliwanag ng isang miyembro kung bakit iyon ang napiling salita PANGALAWANG ARAW D. VIDEO ANALYSIS 1. Magpapakita ang guro ng mga video clips (LAPU-LAPU) tungkol sa pananakop ng Spain. 2. Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang nais ipahayag ng mga ito 3. Iuugnay ng guro ang mga pananaw at opinion ng mga mag-aaral sa mahalagang tanong: ANG PAGKATALO BA AY SIMBOLO NG KAHINAAN? E. VENN DIAGRAMMING 1. Tatalakayin ng guro ang simula at layunin ng pananakop ng mga Spaniards, ang ekspedisyon ni Magellan at Legaspi at ang pagtatagumpay na sakupin ang Pilipinas gamit ang PowerPoint presentation. 2. Ipagpapatuloy ang talakayan sa simula ng pananakop 3. Papangkatin ang klase at bawat pangkat ay mabibigyan ng worksheet: paghambingin at pagsalungatin ang ekspedisyon ni Magellan at Legaspi IKA-TATLONG ARAW F.WORD HUNTING AND HUMAN CONCEPT MAPPING 1. Magbibigay ang guro ng gawain bago umpisahan ang talakayan sa patakaran ng Spain sa pamahalaan (word hunt)

2. Ang mga mahahanap na salita ang siyang bibigyang kahulugan sa talakayan


3. Papangkatin ang klase pagkatapos at bibigyan ang mga pangkat ng mga ginupit na papel. 4. Ididikit ang mga ito sa katawan at bubuo ang bawat pangkat ng human concept map ng balangkas ng pamahalaang kolonyal ng Pilipinas.

5. Ibabahagi kung bakit ganoon ang ayos ng concept map.


6. Magkakaroon ng pagsusulit IKA-APAT NA RAW F. POST IT POLL 1. Tatalakayin ng guro ang mga programang pangkaunlaran ng Spain 2. Papangkatin ang klase at bawat pangkat ay bibigyan ng ginupit na papel na may ibatibang kulay 3. Magdidikit ng larawan ang guro sa pisara 4. Ibibigay ng guro ang tanong at sa kanyang hudyat ay mag-uunahan ang mga magaaral na idikit ang sagot sa ilalim ng mga larawan
INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

5. Pagkatapos nito ay bibigyan ang bawat pangkat ng worksheet: aalamin ng mga magaaral ang sanhi at bunga ng mga programang pangkaunlaran na isinagawa ng Spain. G.MAGAZINE COVERS

1. Mabilisang ipaliliwanag ng guro ang overview ng susunod na talakayan sa mga 2.


3. 4. 5. pagbabago sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino Papangkatin ang klase pagkatapos nito at bibigyan ng kaniya-kaniyang paksa ang bawat pangkat: EDUKASYON, RELIHIYON, PANITIKAN, SINING, LIBANGAN AT IBA PA. Gagawa ang bawat pangkat ng magazine cover na nagpapakita ng highlight ng mga paksang ito. Maaaring ipagpatuloy ng mga mag-aaral ang gawain sa labas ng paaralan at ipapasa kinabukasan. Babanggitin ng guro na magkakaroon ng pagsusulit kinabukasan.

IKA-LIMANG ARAW H.DATA RETRIEVAL CHART 1. Magkakaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral 2. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga isinagawang pagtutol ng mga Pilipino sa mga mananakop 3. Gagawa ang bawat pangkat ng data retrieval chart upang ibuod ang mga pag-aalSA I.POWERPOINT PRESENTATION 1. Tatalakayin ng guro ang ibat-ibang hamon mula sa mga dayuhan sa mga Spaniards at ang pananalakay ng mga American

2. Tatanungin ng guro ang mahalagang tanong: ANG PAGKATALO BA AY SIMBOLO


NG KAHINAAN? J. NUMBERED HEADS TOGETHER/FLAGS UP 1. Pagkatapos talakayin ang yunit ay magkakaroon ng madaliang pagbabalik tanaw sa mga napag-aralan 2. Papangkatin ang klase na may tiglimang miyembro 3. Bibigyan ang bawat pangkat ng tig-isang flag na magkakaiba ang kulay 4. Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng kaukulang bilang mula isa hanggang lima 5. Magtatanong ang guro ng mga tungkol sa mga natalakay at magtatawag ng numero na siyang sasagot 6. Paunahan ang mga ito sa pagtaas ng flag at ang mauuna ang siyang may layang sumagot IKA-ANIM NA ARAW

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

K. MULTIMEDIA PRESENTATION 1. Pagkatapos talakayin ang buong yunit ay mapapangkat ang klase na may tiglimang miyembro bawat pangkat 2. Gagawan ng buod ng mga mag-aaral ang mga pagbabagong hatid ng kolonyalismong Spanish sa pamahalaan, pangkabuhayan at kultura IKA-PITONG ARAW L.POSTER MAKING 1. Papangkatin ang klase sa limang grupo 2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng tig-isang bondpaper 3. Sila ay guguhit ng poster upang ipakita ang naging gamit ng krus o kristyanismo sa pananakop IKA-WALONG ARAW M. CREATIVE PERFORMANCES 1. Ang klase ay mapapangkat na may tiglimang miyembro 2. Bawat pangkat ay magtatanghal ng dula, sayaw, awit, sabayang bigkas, malikhaing sining o anupamang may kaugnayan sa mga impluwensya ng mga Spaniards. 3. Ang bawat pagganap ay hindi lalampas sa tatlong minuto. IKA-SYAM NA ARAW N.BALAGTASAN 1. Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo: mga lalaki at mga babae 2. Sila ay magsusulat ng sanaysay para sa balagtasan 3. Magtatagisan sila ng pahayag tungkol sa naging kalagayan nila noong panahon ng mga Spaniards. 4. Ang pagtatanghal ay hindi lalampas sa limang minuto. IKA-SAMPUNG ARAW O.PAGBIBIGAY KATWIRAN 1. Papangkatin ang klase 2. Magkakaroon ng brainstorming upang malaman ang mga impluwensyang Spanish na dapat itigil at ipagpatuloy sa kasalukuyan 3. Ipapahayag ng mga mag-aaral ang kasagutan at kanilang bibigyang katwiran ito. P. REFLECTIVE JOURNAL

1. Sasagutin ng mga mag-aaral ang worksheet na may kaugnayan sa pagkabigo ng mga


Pilipino na makamtan ang minimithing kalayaan.
INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

Ano ang nangyari?

Ano ang nararamdaman ko para dito?

Ano ang natutunan ko?

2. Tatanungin ng guro ang mahalagang tanong: ANG PAGKATALO BA AY SIMBOLO NG KAHINAAN? IKALABIN-ISANG ARAW

1. Ang mga mag-aaral ay magbabalik tanaw sa kanilang buhay


2. Mga gabay na tanong: Ano ang mga pagkabigong iyong napagdaanan? Ano ang/ ang mga dahilan ng pagkabigongiyon? Ano ang hatid nitong pagbabago sa iyong buhay?

TAKDANG ARALIN: 1. Ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng interview sheet 2. Gagamitin nila ito upang kapanayamin ang isang matagumpay na tao sa kahit anong larangan 3. Mga gabay na tanong: Ano ang mga napagdaanan mong pagkabigo sa iyong buhay bago mo narating ang iyong kinaroroonan. Bakit ka nabigo? Paano nakatulong ang pagkabigong ito sa pagnanais mong makabangon? Maituturing mo bang mahina ka kung ikaw ay nabigo?

IKALABIN-DALAWANG ARAW 1. Magkakaroon ng maikling talakayan tungko sa ginawang panayam. 2. Ipoproseso ng guro ang mga karanasan at ang aral na matututunan mula sa pagkabigo. 3. Magkakaroon ng pagsusulit para sa buog yunit pagkatapos ng talakayan at mga gawain. 4. Papangkatin ng guro ang klase at ibibigay ang takdang aralin: Ang paggawa ng isang skrip na sumasagot sa tanong na ANO ANG MAGIGING KALAGAYAN NG PILIPINAS KUNG HINDI ITO SINAKOP NG SPAIN 5. Babanggitin ng guro ang mga paghahandang gagawin ng mga mag-aaral para sa panel discussion.

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

IKALABIN-TATLONG ARAW

1. Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng panahon upang maghanda para sa


magaganap na panel discussion. 2. Pagkatapos nito ay babanggitin niya ang rubrik. 3. Magsisimula ang presentasyon 4. Ang nalalabing oras ay gugugulin ng guro upang banggitin ang proyekto g mga magaaral para say unit. PROYEKTO REFLECTIVE MULTIMEDIA PRESENTATION 1. Bawat mag-aaral ay gagawa ng kanya-kanyang multimedia presentation 2. Ang multimedia ay naglalaman ng karanasan ng tatlong tao: mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol, ang kinapanayam, at ang sarili 3. Ipahahayag gamit ang teksto, larawan, music o video ang pagkabigong naranasan ng bawat isa, paano nila nalampasan ito at kung paano nito binago ang pananaw ng tatlo 4. Ang presentasyon ay hindi lalampas sa 4 minuto at hindi hihigit 15 slides

RUBRIK NILALAMAN-30 ORGANISASYON- 20 PAGKAMALIKHAIN-10 PROPS/KASUOTAN- 10

1. Pagkatapos talakayin ang proyekto ay igugrupo na ang mga mag-aaral 2. Kanilang paplanuhin ang gagawing proyekto at ibibigay ang kaniya-kaniyang gawain 3. Aalamin ng guro ang mga plano ng bawat grupo at magbibigay ng mungkahi IKALABIN-APAT NA ARAW 1. Ipapaalam ng guro ang rubric sa pag-iiskor ng kanilang gawa. 2. Gugugulin ng mga mag-aaral ang buong oras sa pagbuo ng isang multimedia presentation. 3. Ang guro ay mananatiling facilitator lamang sa buong oras. Bago matapos ang oras ay aalamin ng guro ang natapos ng mga mag-aaral. IKALABIN-LIMANG ARAW

1. Uumpisahan ng presentasyon ang klase.


2. Kapag tapos na ang lahat ay magkakaroon ng feedbacking tungkol sa ginawang presentasyon.
INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

3. Magkakaroon din ng PEER ASSESSMENT upang higit na matukoy at maibigay ang nararapat na iskor para sa grupo 4. Pagkatapos nito ay ibibigay ng guro ang ilang mahalagang aral na matututunan sa buong yunit ngunit pwede din naming tanungin nya ito sa mga mag-aaral.

Approximate Time Needed:

Labin-limang araw ( labin-limang oras)

Prerequisite Skills:

Sa yunit na ito kakailanganin ng mga mag-aaral ang kanilang critical thinking skills sa pagsagot sa mga tanong, husay sa pagdidisenyo, pagkamalikhain at kasanayan sa teknolohiya.

Materials and Resources Required For Unit

Technology Hardware: (Click boxes of all equipment needed) Camera Laser Disk Computer(s) Printer Digital Camera Projection System DVD Player Scanner Internet Connection Television

VCR Video Camera Video Conferencing Equipment. Other:

Technology Software: (Click boxes of all software needed.) Database/Spreadsheet Multimedia Web Page Development E-mail Software Image Processing Word Processing Encyclopedia on CD-ROM

Web Browser Desktop Publishing Other:

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

Agoncillo, Teodoro. Ang Pilipinas at ang mga Pilipino: Noon at Ngayon. R.P Garcia Publishing Co. Inc.: Quezon Avenue, Quezon City. 1980 Agoncillo, Teodoro. History of the Filipino People 8th edition. Garotech Publishing: Commonwealth, Quezon City. 1990 Antonio, Eleanor et al. KAYAMANAN I ( Kasaysayan ng Pilipinas) Binagong Edisyon. Rex Printing Company Inc.: Sampaloc, Manila. 2010 Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Panay, Avenue, Quezon City. 1975 Corpuz, O.D. The Roots of the Filipino Nation Volume 1. UP Press Printery Division: Diliman, Quezon City. 2005 Craig, Austin. The Filipinos Fight for Freedom. Oriental Commercial Co. Inc. 1993 Halili, Maria Christine. Philippine History. Rex Printing Company Inc.: Sampaloc, Manila. 2004 Ongsotto, Rebecca. The Study of the Philippine History. Rex Printing Company Inc.: Sampaloc, Manila. 2005 Rogers, Lester. Story of Nations. Holt, Rhinehart and Winston, Inc.: United States of America. 1960 Zaide, Sonia .The Philippines: A Unique Nation. All-Nations Publishing Co., Inc.:Cubao, Quezon City. 2006 Supplies: Chalk, mga papel, mga larawan

Printed Materials:

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

10

Osang Olermo. Pananakop ng mga Espaol. http://www.scribd.com/doc/20275600/Pananakop-ng-mga-Espanol. Date Retrieved: May 6, 2012 BUREAU OF SECONDARY EDUCATION-Department of Education. Ang Kolonisasyon ng Pilipinas. http://www.bse.portal.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan /AP%20I/MODYUL%206%20ANG%20KOLONISASYON%20NG%20PILIPINAS.pdf. Date Retrieved: May 6, 2012 Internet Resources: Victoria University of Wellington students. Philippines timeline. http://www.philippines-timeline.com/spanish.htm. Date Retrieved: May 6, 2012 Philippine History - Spanish Colonization. http://www.philippinecountry.com/philippine_history/spanish_colonization.html. Date Retrieved: May 6, 2012 The Impact of Spanish Rule in the Philippines. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Homepage99/impacts_of_ spanish_rule_in_the_p.htm. Date Retrieved: May 6, 2012
Accommodations for Differentiated Instruction

Resource Student:

Bibigyan ng sapat na panahon upang tapusin ang mga gawain. Bibigyan ng panahong makigrupo sa mga gawaing pang-isahan. Bibigyan ng kaukulang oras upang magtanong sa mga bagay na hindi maintindihan (PEER TEACHING, COUNSELING) Paggawa ng gawaing mag-isa upang mahasa ang kanilang kakayahan ng hindi dumidepende sa iba. Sila ang magiging lider sa mga pangkatang Gawain upang matulungan ang mga hindi masyadong nakakasunod.

Gifted Student:

Masusukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda. Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagpapamalas ng pang-unawa sa pamamagitan ng paggawa ng human concept map upang ipaliwanag ang balangkas ng pamahalaan noong panahon ng mga Spaniards, nakapagguguhit ng poster upang ipakita ang naging gamit ng krus sa pananakop, nakapagtatanghal ng isa sa mga ambag ng mga Spaniards sa larangan ng sining, nakapagbibigay ng katwiran sa mga dapat at di dapat ipagpatuloy na impluwensya ng mga Spaniards Student Assessment: sa kasalukuyan at makapagsusulat ng mga kabiguang naranasan sa buhay. Sa yunit na ito, ang mag mag-aaral ay inaasahan ding makagagawa ng sanaysay upang kritikal na masuri ang magiging kalagayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng mga Espanyol. Ang sanaysay ay kanilang ipapahayag sa pamagitan ng isang panel discussion kung saan ang mga mag-aaral ay magiging tagapagsalita ng mga ibat-ibang pangkat ng tao sa lipunan: guro, pulitiko, businessman at pari. Ibibigay nila ang kaniya-kaniyang panig tungkol sa isyu.
INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

11

key Word Search:

Spanish, Pilipino, Spain, pag-aalsa, pananakop, pagkabigo, kalayaan, krus, tabako, galleon

INTEL TEACH TO THE FUTURE with support from Microsoft 2000 Intel Corporation. All Rights Reserved

12

You might also like