You are on page 1of 2

TALAKAYAN Ang sumusunod ay ang pagtalakay ng masusi sa mga natuklasan ng mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral.

Dito matatagpuan ang obhektbong paglalahad ng natuklasan ayon sa kronolohikal na pamamaraan. Nang tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang dati nilang kurso, sampu (10) sa kanila ay galing sa Business Administration, pumapangalawa dito ang Accountancy na may bilang na siyam (9). Samantala, ang kursong Civil Engineering ay mayroong limang (5) magaaral. Ang HRM naman ay may bilang na dalawang (2) mag-aaral. Ang Architecture ay may bilang na dalawang (2) mag-aaral at ang kursong Tourism at Computer Science ay may tigiisang (2) mag-aaral. Ayon sa pag-aaral pinaka madami ang galing sa Business Administration. Ipinapakita lamang nito na malawak ang sakop ng mga irregular na mag-aaral at hindi ito sa iisang kurso lamang. Samantala, mula sa tatlumpung (30) kalahok sa pag-aaral, labing anim (16) na magaaral ang nagsabing nagpalit sila ng kurso kaya sila irregular, anim (6) ang sumagot na bumagsak sa major subject dating kurso, anim (6) naman ang nagsabi na kalahok na nagtransfer, isa (1) na kalahok ang nagsabi na nahinto sa pag-aaral at isa (1) rin ang nagsabi ng nag-advance ng mga ibang asignatura kaya naging irregular na mag-aaral. Base sa mga nakalap na datos, mhihinuhang maraming mga dahilan ang mga irregular na mag-aaral kung bakit sila ay nasa kasalukuyang kalagayan.

Noong tinanong ang mga mag-aaral tkung ano ang epekto ng pagiging irregular sa kanila, tatlumpung (30) kalahok ang nagsabing naapektuhan ang kanilang pag-aaral, apat (4)na kalahok ang nagsabi na walang epekto, limang (5) kalahok ang nagsabi na nahihirapan makisama sa iba, labing dalawa (12) na mag-aaral ang sumagot na oras at panahon, dalawa (2) na kalahok ang nagsabi na kawalan ng interes sa mga asignatura, tatlo (3) naman ang nagsabi na nahihirapan sa mga asignatura at apat (4) ang nagsabi na maraming nagiging kaibigan. Mapapansing iba-iba ang epekto ng pagiging irregular sa isang indibidwal at ito ay maaaring maging positibo o negatibo.

At nang tanungin ang mga kalahok kung paano nila maiiwasan ang pagiging irregular muli , siyam (9) na kalahok ang nagsabi na mag-aaral ng mabuti, anim (6) naman ang sumagot sa kalahok ang nagsabi na magsusumikap, limang (5) kalahok ang nagsabi na walang dapat gawin, isa (1) naman na kalahok ang nagsabi na hindi na mag-aadvance ng mga asignatura para maging regular na mag-aaral, apat (4) naman na mag-aaral ang nagsabi na sila ay kukuha ng special class at magsummer class sa darating na bakasyon, limang (5) kalahok ang sumagot na mag-aadvance ng mga asignatura sa susunod napasukan upang maging regular na magaaral. Ipinapakita ng bahaging ito na layon din ng mga irregular na mag-aaral na wakasan ang pagiging irregular upang maging isa na ring normal na mag-aaral. Ipanapakita rin ng bahaging ito na maraming mga paraan upang maiwasan ang pagiging irregular. Ngunit ang mga nabanggit ay mga solusyon sa problema at hindi pang-agap sa problemang kaakibat ng pagiging irregular.

You might also like