You are on page 1of 3

NAZARENO SCULPTOR Edited Narrative Script: AUDIO (Sculptor interview ) 0:11-0:19 Ako si Narciso Maglati.

Akoy 67 anyos na 0:24-0:41 Noong araw kasi, mula noong 1960s, nag-trabaho na ako sa Talyeres Maximo Vicente. Sa Hidalgo din iyon. 13:42-13:50 Noong napaalis kami sa Maximo, kinupkop naman kami ng isa sa mga Nakpil. 13:12-13:20 Tinangkilik kami ng mga pamilya Nakpil. 12:02-12:40 Noong araw, doon ako sa taas (ng karosa), nasa taas din ako, nakikihalo. Nanglilingkod din ako. Yung mga [pumapayong? Di ko sure], naghahagis ng tuwalya, at saka yung Yung kasing, ibang tao kasi,basta ba maka-kuwan sila, kahit na ba masira yung ano hindi na nila iniisip yun, eh. Kasi pag nagkaroon ng diperensya dito kaagad nila itinatakbo. 3:44-3:48 Noong 80s pa yun, eh 4:43-4:51 panahon pa ni ano iyon, ni Monsignor Abreon (not sure sa spelling), siya yung pinaka parish priest dyan. 4:58-5:21 Pinadala dito sa amin sa Bahay Nakpil yung mismong imahe, nirepair namin. Tapos sabi ko sa kanya, hindi na kasi pwedeng i-prusisyon, mamaya ma-disgrasya pa alam mo naman yung prusisyon. 5:23-5:28 Kaya nga iminungkahi ko sa kanya na ganun na ang gawin, magkaroon ng replica. 5:29-5:50 Kaya yung nasa baba na yun, ang original dun yung katawan. Yun naming nasa taas, original dun yung ulo. Pero yung katawan na yun, bago na yun. Kaya pinagpalit ko lang. 8:20-8:26 Mga dalawang buwan lahatlahat, pati damit. (gaano katagal inabot) 6:10-6:17 Nagtaka yung mga tao, bakit daw naging dalawa yung Nazareno? 6:36-6:50 Kayayun ang ipinamalita ng mga [di ko maintindihan yung word]. VIDEO

Nasanay na ang mga tao nun. 7:06-7:41 Siguro talagang ginabayan tayo ng Nazareno. Talaga sigurong kagustuhan niya yun. Kaya ngayon, pagpalit ng pari, marami nang ipinagawa Kung saan-saang bayan na niya pinagbibigay yung ano [mga replica]. Marami sa kanya ang humihingi, na bayan-bayan. Kaya dumami ang Nazareno sa ngayon. 8:13-8:16Siguro mga sampu na din, malalaki. (replica na nagawa niya) 9:49-10:05 Lima, lima (katao ang gumagawa). Pati yung painting, buhok. Saka yung naggagawa ng korona. 11:19-32 Noong bago pa lang ako dito sa Manila, akala ko hanggang simba lang ako, eh. Hindi ko akalain na magkakaroon din pala ako ng parte sa Kanya. 16:12-16:27 Wala ka nang ibang inaano [hinhangad] noon kundi makilala ka. Nanggaling ako sa probinsya. Syempre diyan ka nagsisimba. 11:37-11:57 Parang hindi ka makapaniwala na isang pangkaraniwang tao ka lang, nagsisimba, tapos yun pala ay magkakaroon ka rin ng parte sa ano Kumbaga naging kasangkapan ka rin. 10:39-11:05 Masaya ka, iba yung pakiramdam mo na marami talagang tao na nagbabago pag ano Biro mo sa gawa lang ng isang tao, maraming nakukwan na, yung ugali nila, nababago ba. 18:15-18:25 Sabi nila mahirap daw humiling diyan (sa Nazareno), pero pag pinagbigyan ka raw, sobra-sobra. 18:36-18:50 Pero ako, ang hiling ko naman sa Kanya, yung hindi naman sa yaman, or ano Yun bang, bigyan ako parati ng lakas, ganun. Kaya siguro yung nangyari sa aking aksidente 19:00-19:04 Nabangga yung sasakyan namin. Mag-aanak ako ng kasal. 19:15-19:24 Fifty-fifty ako noon, eh. Dalawa ang patay sa kasama ko, eh. Siguro isa nang ano iyon Sabi siguro

marami pa akong, marami pa akong ano dito sa mundo na 19:48-19:54 Kaya siguro hindi pa ako kinukuha, marami pa akong misyon. 20:54-21:00 Bigyan lang ako palagi ng lakas, okay na sa akin iyon.

You might also like