You are on page 1of 2

Three years later... Happy? tanong ni Gabriel habang nagkakape sa isang tahimik na cafe na overlooking sa river Sienne.

Magkatabi silang nakaupo habang kontentong umiinom ng kape. Basta kasama kita, kahit saan mo pa ako dalhin masaya ako. Hinawakan ni Carmina ang kamay ni Gabriel at hinalikan ito. Hindi pa rin nagbabago ang Paris. Sinabi ni Carmina habang nakatingin sa paligid nila. Mukha nga! uminom ng kape si Gabriel at inilapa sa mesa ang bayad sa ininom nila. Halika na, ang dami ko pang gustong maalala ulit sa lugar na to. Inabot ni Gabriel ang kamay niya kay Carmina at ngumiti. Kahit ilang taon ang dumaan, tila hindi yata tatanda ang asawa niya. Anong nginingiti mo diyan? tanong ni Carmina habang hinawakan ang kamay ni Gabriel. May dumi ba ako sa mukha? kukunin na sana ni Carmina ang salamin sa bag niya ng pinigilan siya ni Gabriel. Wag ka ngang mapraning. Walang dumi ang mukha mo. Natatawang sabi ni Gabriel. Binuksan niya ang pinto at pinauna si Carmina na lumabas. Eh bat ka nakangiti kanina? tanong ni Carmina habang hinawakan ulit ang kamay ni Gabriel habang naglalakad. Wala lang... Sa ganda ng ngiti mo kanina , imposibleng wala lang. Kasi din naman, Cara.. tumigil sila sa paglalakad at biglang hinalikan ni Gabriel si Carmina sa noo. Ang ganda ng asawa ko. Nambola ka pa! palarong hinampas si Carmina ang balikat ni Gabriel. Alam mo namang mahal kita , hindi ba? At alam mo ring mahal kita, kaya lang medyo tinitingnan na tayo ng mga tao dito. Tumingin sila sa paligid at ma y mga tao nga na medyo hindi na maitago ang pagtitig sa kanilang dalawa. Saan mo gustong pumunta, Cara? Gusto kong puntahan....napakagat ng labi si Carmina habang nag-iisip. Sa totoo lang, kahit naman saan siya dalhin ni Gabriel ay sasama at sasaya naman talaga si Carmina. Kahit nga Pilipinas lang ang pinapasyalan nila ay abot langit na ang kasiyahan niya. Nung unang punta nila dito halos hindi mo makikita na hindi mag-kasama ang mag-asawa. Mula sa mga museo hanggang sa mga shopping spree papunta sa mga dinner dates nila sa may Sienne ay makikita mo na talagang mahal na mahal nila ang isat-isa. Pangalawang trip na nila ito sa Paris. Gustong-gusto nila dito dahil wala silang iniintinding trabaho. Mula pag-gising sa umaga hanggang sa pag-tulog sa gabi, nasa isat-isa lang ang atensyon nila. Pero isang lugar lang ang nais puntahan ngayon ni Carmina at ibinulong niya ito kay Gabriel na may kasamang kagat sa tenga nito. Tumawa si Gabriel at hindi niya napigilan ang sarili niya at hinalikan nito si Carmina sa labi at walang paki-alam kung sino man ang nakatingin sa kanila. Paris naman 'to, diba? "Sigurado ka, Cara?" "Super." at ngumiti si Carmina. Ngumiti si Gabriel at masaya silang pumunta sa tinutuluyan nilang hotel. Nasa Concorde Opera Paris sila at ang feeling ni Carmina ay parang nasa isang palasyo sila. Nung unang nakita niya ang hotel na ito, halos hindi siya makapaniwala sa ganda at pagka-elegante ng lugar at ang isa pa, napakalapit ng hotel na ito sa mga lugar na madalas puntahan ng mga turista. Umakyat sila sa kwarto nila. Kung si Carmina ang tatanungin parang condo unit ang kwarto nila dahil sa loob nito ay may tatlong bedroom, may mini kitchen at may balcony pa na over-looking sa Paris at napakaganda ng view lalo na kung gabi. Pumasok sila sa isang bedroom. Nagkatinginan silang mag-asawa at ngumiti sa isa't-isa. Matagal din silang naghintay na magkaroon ulit ng anak simula nung makunan si Carmina. Ganun paman ay hindi sila nawalan ng pag-asa at pagkatapos ng paghihintay, dumating na nga siya. Lumapit sila sa kama at masayang pinagmasdan ang natutulog nilang anak habang tahimik naman na lumabas ang yaya nito. Niyakap ni Gabriel si Carmina. "Thank you for giving me a beautiful son." sabi ni Gabriel habang pinagmamasdan si Alexis. Alexis Gabriel Salazar. Two years old na ang anak nila at sigurado si Gabriel na dito sa Paris nila nabuo ang anak nila. Nakakatakot ang siyam na buwan na iyon para kay Gabriel at hinding-hindi niya makakalimutan iyon. Halos araw-araw ay nagdarasal siya sa Diyos na walang masamang mangyari sa mag-ina niya at narinig nga iyon ng ipinanganak si Alex na healthy at ganun din ang mama niya.

Tumingin sa kanya si Carmina at hinalikan ang kanyang labi. "Thank you for loving me, Gabriel." "You deserve it and more, Cara. Nasabi ko na ba ngayong araw na mahal kita?" "Hmmm...hindi pa." "I love you, Cara. I love you so much and I will definitely love you more tomorrow than I do now." "I love you, too." Tumingin sandali si Carmina kay Alex bago kay Gabriel. "May surprise ako, para sa'yo." "Magugustuhan ko ba 'to, Cara?"

You might also like