You are on page 1of 7

Answers to FAQs: L.A.N.I.

Scholarship Program

TAGUIG CITY L.A.N.I. (Lifeline Assistance for Neighbours In-need) Scholarship Program

SAGOT SA KADALASANG MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA LANI SCHOLARSHIP PROGRAM (updated September 15, 2012)

Tanong 1: Sinu-sino ang pwedeng maging LANI Scholar? Sagot 1: Lahat, basta pasok sa apat na pangunahing kwalipikasyong nakalista sa ibaba (basic qualification criteria) at iba pang kwalipikasyon depende sa klase ng iskolarship na aaplayan: 1: Residente ng Taguig ng hindi bababa sa isang taon 2. May mabuting pag-uugali 3. Determinadong makatapos ng kurso o makapasa sa bar/board exam 4. Nangangakong mamahalin at paglilingkuran ang Taguig City sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga youth development activities, pagsisikap na makapagtrabaho o mangalakal sa Taguig kung kaya na, at pagtulong sa ibang mga estudyante mula sa Taguig na makatapos din at abutin ang kanilang mga pangarap.

Siyempre, dapat qualified sa isa sa ibat-ibang klase ng LANI scholarship, at magpapasa ng Application Form at mga karampatang dokumento sa loob ng itinakdang panahon.

Tanong 2: Paano maging LANI Scholar? Sagot 2: Madali lang. Sagutan ng maayos at kumpleto ang LANI Scholarship Application Form at isumite ito, kasama ang lahat ng mga dokumentong kailangan, sa Taguig City

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

Scholarship Office o sa mga tauhan ng Taguig City Barangay Affairs Office na nakadeploy sa mga Barangay Hall.

Tanong 3: Maraming klase ang LANI Scholarship? Anu-ano ang mga ito at anuano ang pagkakaiba? Sagot 3: Tama. Sa kagustuhan ng ating Mayor na madami ang makinabang sa iskolarship dahil sa paniniwala niya na ang pagtutok sa edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ng mga Taguigeno at ng buong siyudad, ay madaming klase ng iskolarship na pwedeng pagpiihan, basta pasok sa apat na basic qualification criteria.

Una dito ang Basic Scholarship/Financial Assistance . Ito ang pinakapayak at bukas sa lahat ng Taguigeno na nagtapos sa pampublikong High School sa Tagui g at nagenrol o mag-eenroll sa kolehiyo o tech-voc o Certificate Course . Pinalawig ito sa School Year 2012-2013 para makasama na ang mga Taguigeno na nagtapos sa mga pampublikong High School sa mga lugar na malapit sa Taguig kagaya ng Pateros, Pasig, Makati, Pasay, Paranaque at Muntinlupa. Ang mga Basic Scholars ay bibigyan ng P5,000 per school year. Ang scholarship na ito ang tinutukoy ng ipinamigay na voucher noong graduation sa mga public high schools sa Taguig.

Pangalawa ang Full Scholarship na bukas naman sa mga nagsipagtapos na Top 10 ng kahit aling public high school sa Taguig. Ang Full Scholars ay bibigyan ng P40,000 per school year at kung matataas ang grado nila at ang semestral average nila ay 1.75 o mas mataas pa o kapareho nito, ay mabibigyan sila ng merit incentive na aabot sa P10,000.00 per school year.

Pangatlo ang State Universities and Colleges and Local Colleges and Universities (SUC & LCU) Scholarship. Ito naman ay bukas sa mga nag-aaral o mag-aaral sa mga SUCs at LCUs, katulad ng EARIST, PNU, PUP, TUP, Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA), RTU, Marikina Polytechnic University, UMAK, at iba pang LCU. Ang mga sckolars dito ay bibigyan ng P5,000.00 per school year. At kung sila ay nagtapos mula sa public high school ng Taguig, ay pwede rin nilang isabay na aplayan ang Basic Scholarship para sila ay makakatanggap ng kabuuang P10,000.00 per school year. Itong SUC/LCU Scholarship plus Basic Scholarship lamang ang dalawang iskolarship na pwedeng pagsamahin at pagsabayin.

Pang-apat ang Premier/Specialized Schools Scholarship na bukas naman sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at mga CHED Centers of Excellence (Table 2). Panglima ang Scholarship for Priority Courses & Skills Training. Ang dalawang

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

scholarship na ito ay kaparehas din ng matatanggap ng Full Scholars. Kung ang isang applikante ay nagtapos ng Top Ten at nag-aaral sa UP, sa Premier Scholarship siya ilalagay.

Ang pang-anim ay ang Leaders and Educators Advancement and Development (LEAD) Scholarship Program. Ito ay para naman sa mga post-graduate students na mga kawani ng gobyerno o mga guro na may outstanding performance rating at naglilingkod sa Taguig. Kabilang na dito ang mga guro ng mga pribadong paaralan sa Taguig na makakatanggap ng kalahati nang mga nasa public schools. Ang mga LEAD Scholars ay pwedeng makakuha ng hanggang P60,000.00 per school year, depende sa kung ilang units sila naka-enroll. At sa mga nagthethesis na nasa kanilang huling semestre ay pwede pa silang mag-apply at kung maqualify ay bibigyan ng thesis o dissertation allowance na P40,000.00.

At ang pangpito ay ang Review Assistance Program for Bar and Board Examinations na para naman sa mga kukuha ng bar o board exams. Ang matatanggap ng scholars dito ay minsanang bigay na P10,000.00 para sa first-time takers o P5,000.00 para sa mga re-takers na hindi nag-apply noong unang beses nilang kumuha na pagsusulit.

Tanong 4: Anu-ano naman ang mga dokumentong kelangang isumite? Sagot 4: Maliban sa Scholarship application Form na dapat ay maayos at kompletong nasagutan at may kasamang 2x2 ID Picture, kailangan din ng Certificate of Good Moral Character, at ilan pang dokumento na nasa Table 1 ng Scholarship Briefer, depende sa scholarship na inaaplayan.

Tanong 5: Kelan pwedeng magpasa ng application at kelan makukuha ang scholarship benefit? Sagot 5: Ang lahat ng magpapasa mula September 17 hanggang October 19, 2012 ay makakasama sa Batch 1 na ibibigay ang scholarship benefits sa Nobyembre. Ang magpapasa mula October 22 hanggang November 29, 2012 ay isasama sa Batch 2 na huling batch para sa first semester, at ang benepisyo ay maibibigay sa Pebrero.

Tanong 6: Sa huling bahagi pa ng October pa po ang enrollment ng anak ko. Paano yan, masyadong maaga ang deadline ninyo na October 19?

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

Sagot 6: Huwag po kayong mag-alala. Pang Batch 1 lang po yung unang deadline na yun. Pwede pa rin pong magpasa hanggang November 29, 2012 para makasama sa Batch 2 na panghuling batch para sa pangalawang semester. Ipasa lamang po agad kapag kompleto na dahil First in, First Out po ang pag-aasikaso sa pagproposeso at hindi tatanggapin ang hindi kompleto ang dokumento.

Tanong 7: Saan pwedeng kumuha ng LANI Scholarship Application Form? Sagot 7: Pwedeng kumuha ng Application Form at karagdagang inpormasyon sa Taguig City Scholarship Office, at pwede ring mag-download at magprint mula sa http://www.taguig.gov.ph/. Pwede ring ipakopya ang Application Form kung meron kang kakilala na nakakuha na. Siguraduhin lang na ito na yung bagong form na ibinibigay. May Revised Application Form para sa 2nd Semester sa lahat ng klase ng iskolarship.

Tanong 8: Meron bang grado at minimum units na dapat ingatan ang mga LANI Scholar? Sagot 8: Siyempre naman. Isa sa basic criteria ay dapat determinadong makatapos ang mga mag-aaply sa Scholarship Program, at ang determinasyong ito ay nakikita sa grado. Dapat ingatan ng LANI Scholar na ang grade average niya ay hindi bababa sa 2.5, wala siyang 5.0, dropped, unremoved 4, o incomplete, o mga kaparehas nito. Dapat din na hindi bumaba sa 15 units per semester o kapareha nito ang i-enroll ng iskolar.

Tanong 9: Ako ay nagtapos mula sa public high school na nasa labas ng Taguig dahil mas malapit ito sa bahay namin. Pwede rin ba akong makasama sa scholarship kasi pasok naman ako sa apat na basic qualification criteria? Sagot 9: Magandang balita. Pwede na ngayon dahil sa amendment na nilagdaan ni Mayor para palawigin pa ang mga pwedeng makapasok sa iskolarship.

Tanong 10: Ang anak ko ay nagtapos mula sa pribadong paaralan noong high school. Pwede rin ba siyang makasama sa scholarship kasi pasok naman siya sa apat na basic qualification criteria? Sagot 10: Pwede siyempre, basta magqualify siya sa SUC & LCU Scholarship, Premier and Specialized Scholarship, or Scholarship for Priority Courses & Skills Training.

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

Tanong 11: 3rd year na ako at ngayon ko lang nalaman iyan, pwede rin ba akong mag-apply? Sagot 11: Oo naman, basta qualified ka. Ang mga katulad mo ang tinatawag na continuing students sa LANI Scholarship Program Briefer. Kaya dapat, hindi bumaba sa 15 units ang na-enroll mo noong nakaraang semester at ang average mo last semester ay hindi bababa sa 2.5, at wala kang 5.0, 4.0, dropped, unremoved o incomplete noong nakaraang semester.

Tanong 12: Sa TCU ako nag-aaral. Sabi nila hindi daw pwedeng mag-apply ang mga taga-TCU. Totoo po ba yun at kung oo ay bakit? Sagot 12: Pwede ang mga first year students ng TCU. Ang mga estudyante ng TCU ay scholar na ng Taguig City Government dahil ito ang nagbabayad ng mga gastusin ng paaralan, kung kaya naman, ang mga estudyante ay walang binabayaran na tuition fee. At sapagkat sila ay iskolar na ng City Government kaya hindi na sila mabigyan ng scholarship na iba MALIBAN lamang sa mga incoming freshmen o mga nasa unang taon sa kolehiyo, sa TCU. Ito ay sa dahilang gusto ng pamahalaang lungsod na maengganyo ang mga nagtapos sa high school na mag-college.

Tanong 13: Nakatanggap na ako ng scholarship benefit noong nakaraang semester, hindi ba automatic na bibigyan din ulit ako ngayon? Sagot 13: Hindi. Kelangan mong mag-renew at magsumite ng Application Form, Certificate of Good Moral Character, at authenticated copy of grades para sa nakaraang taon sa mga basic at SUC & LCU Scholars at para sa nakaraang semester sa ibang scholarships.

Tanong 14: LANI Scholar po ako pero paano kung pinagbuti ko nga pero may bagsak pa din po ako? Sagot 14: Sa unang beses na hindi makamit ang minimum grade requirement, malalagay sa Probation ang iskolar at mabibigyan pa din ng benepisyo. Bibigyan siya ng isang semester para makabawi at kung hindi pa rin ay masususpend o mate-terminate siya. Kaya, pwede ka pa ring mag-apply pero pagbutihin mo na ngayong semestre para maalis ka na sa probation sa susunod.

Tanong 15: May age limit po ba? Sagot 15: Wala. Basta qualified.

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

Tanong 16: Nakatanggap ako ng voucher noong graduation, hindi ba automatic na pwede itong ipalit ng P5,000.00? Sagot 16: Hindi. Kung babasahin mo iyong nakasulat sa voucher, malinaw doon ang mga pwedeng tumanggap ng P5,000.00 at malinaw na kailangang magsumite ng scholarship application form at ibang requirements. Nakasaad din doon na kung pasok sa may mas mataas na benepisyo na iskolarship ang estudyante ay yung mas mataas na iskolarship ang tatanggapin niya.

Tanong 17: Sa TCU ako mag-aaral sa pasukan, at alam ko na local college ito. Pwede bang applayan ko ang Basic at SCU/LCU Scholarship para makakuha ako ng P10,000.00 sa school year na ito? Sagot 17: Magandang tanong ito. Ang sagot ay: hindi. Ang pondo ng TCU ay galing sa Taguig City Government, kaya lahat ng nag-aaral dito ay Taguig Iskolar. Ang ibang LCU kagaya ng UMAK, University of Pasay at iba pa ay pinopondohan ng local na pamahalaan kung saan ito naroroon, at sila ay may sinisingil na tuition fee. Sa TCU, walang tuition fee na sinisingil kaya full scholar kayo ng Pamahalaang Lungsod.

Ganun pa man, maaring mag-apply ng basic scholarship ang mga freshmen ng TCU kung qualified sila dito dahil gusto nating hikayatin ang lahat ng high school graduate na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Tanong 18: Naka-enroll po ako bilang Grade 11 sa Senior High o Middle School ng UMAK. Pwede po ba akong mag-apply? Sagot 18: Espesyal ang kaso ng mga Taguigeno na piniling mag-grade 11 sa UMAK dahil nakatapos na sila sa high school pero pinili nilang pumasok sa Senior High School o Middle School na kung tutuusin ay high school pa din ang kategorya, mas mataas na antas nga lamang. Isa sila sa pilot ng K+12 Program n gating pamahalaan. Ang mga estudyante natin na piniling gawin ito ay bibigyan ng Basic Scholarship/Financial Assistance na P5,000/year.

Tanong 19: Naka-enroll po ako bilang Grade 11 sa Senior High o Middle School ng UMAK. Nagtapos po ako noong Marso sa isa sa mga public high schools sa Taguig. Pwede ko po bang applayan ang Basic at SUC/LCU Scholarship? Sagot 18: Hindi. Espesyal ang kaso ng mga Taguigeno na piniling mag-grade 11 sa UMAK, isang LCU o local college/university na naunang nagpatupad sa programang K+12 bilang Basic Scholarship/Financial Assistance.

Answers to FAQs: L.A.N.I. Scholarship Program

Tanong 20: Paano po kong qualified ako sa Premier Scholarship at Basic Scholarship at SUC/LCU Scholarship, pwede ko po ba lahat ito ma-avail? Sagot 20: Ay, hindi po. Except for Basic Scholarship at SUC/LCU Scholarship na pwedeng magsama, isang scholarship lamang ang pwedeng makuha ng isang aplikante at yung mas mataas na iskolarship ang mananaig.

You might also like