You are on page 1of 2

Pano mo nga ba malalaman kung in love ka na? Ano ba talaga ang love?

Maraming mga taong hindi pa rin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng sali tang ito. Nasa diksyunaryo na nga ang ibig sabihin patuloy pa rin nating hinahan ap ang kahulugan. Patuloy pa rin ang ating pagtatanong. Lumaki ako sa mga kasagu tang love is blind , love hurts , at love makes the world go round . Mga walang kwentang sagot sa mga walang kwentang autograph books na pinagkakaabalahan natin noong na sa elementarya pa tayo. Walang kwenta. Dahil pagtanda mo, magtataka ka pa rin.. P agmamahal ba ito? Sabi nila, umiibig na daw ang isang tao kapag nararanasan niya ang mga symptoms na ito: Symptom#1: Pag-iisip Pagkagising sa umaga, ang mga daliri mo ba ay dumidiretso agad sa kinalalagyan n g iyong cellphone imbes na sa minumutang mga mata? Nalulungkot ka ba kung wala a ng pangalan nya sa kinarami-rami ng mga nagsilipanang mga GM? Kung oo, pwes, OO. Siya nga ang laman ng iyong isipan. At madalas, dahil siya ang unang tumakbo sa isip mo, siya rin ang pinakahuli. Nakakasawa na minsan, at mismong ikaw na ang gumagawa ng paraan para siya ay tuluyang mawala. Pinipilit mong kontrolin, pero ayaw pa rin. Maaring Pagmamahal ito, ngunit hindi rin kaya obsessed ka lang? Symptom#2: Pagkabalisa Ang mga taong nakakaranas nito ay parang sinapian at bigla na lang nawawala sa s arili. Para bang may kung anong drugs silang nalalanghap kapag nasa paligid na n ila ang taong kani-kanina lang ay tumatambay sa kanilang isipan. Pati pagkabog n g dibdib nagiging abnormal. Daig pa nila ang nakatungga ng isang pitsel ng energ y drink at kape. Kung nararanasan mo ito, marahil ang mga mata mo rin ay nagigin g camera lens, at siya, tanging siya lang, ang nasa foreground ng scenery na pin i-picture-an mo. Ngunit, hindi naman sapat na rason ang kaba para masabing mahal mo ang isang tao hindi ba? Symptom#3: Pagkakilig Ikaw ba ay napapangiti na lang sa kawalan sa kung anong dahilan ay hindi mo alam ? Kapag may narinig kang love song, bigla mo na lang ba syang maaalala? Ikaw ba ay may nararamdamang masayang pagkakilabot sa tuwing naaalala mo ang moments nin yo nang kayo ay magkasama? O di kaya ay natutuwa sa isang kalabit ng alaalang gi nawa niya? Sabi nila, kinikilig ka na daw kapag ganoon. Siguro. Ngunit hindi nam an ibig sabihin nito mahal mo na yung tao. Maaaring umiibig ka nga, ngunit hindi sa tao, kundi sa isang alaala. Symptom#4: Pagseselos Kadalasan makikita sa mga pelikula na ang pagseselos ang nagiging turning point ng taong umiibig. Kapag may kirot daw siyang naramdaman sa tuwing nakikita nya a ng kanyang crush na masaya sa piling ng iba ay pag-ibig na raw yon. Nagseselos k a na raw kapag nasasaktan ka sa rasong hindi ka niya masyado pinapansin, sa raso ng iba ang kanyang gusto, at sa rasong gusto mong magustuhan ka rin nya sa pareh ong paraan. Sa tingin ko, baka selfish ka lang. Tulad ng isang batang ayaw magin g kalaro ng ibang bata ang kanyang kalaro sa kadahilanang takot siya na baka mas gusto ng kaibigan niya ang ibang bata na maging kalaro. Hindi kaya ipinagdadamo t mo lang ang kaniyang kaligayahan? Symptom#5: Panaginip Ito ay may koneksyon sa Symptom#1. Kung nangyayari sa iyo ang unang simtomas, na titiyak ko na mararanasan mo din ito, mapapanaginipan mo ang taong iyong iniibig o , sa kaso ng mga taong denial, crush. Tila isa itong beer na ininom mo at pagkat apos mong malasing ay magkakahangover ka. Pwede rin itong hangover stage dahil h indi mo basta basta maalis ang isipan mo sa taong ito. Minsan pa nga ay para kan g tanga na matutulog ulit sa pagbabakasakaling mapanaginipan mo ulit siya. Tulad ng aking sinabi, hindi kaya adik ka lang talaga sa taong iyan? Marami pang mga simtomas ang pwedeng makakapagsabi kung in love ka nga talaga. P ero lahat ba ito ay tama? Sa huli tatanungin mo pa rin ang sarili mo nang paulit ulit ulit ulit hanggang sa ikaw ay mabaliw at magsawa na sa mga katagang, in lov e na ba ako? May mga taong nagsasabi na pag mahal mo na nga ang isang tao ay kaya mong gawin ang lahat alang-alang sa ikaliligaya at ikabubuti nito. Gagawin mo a ng lahat para sa kanya kahit na gano kasakit ang pagdaraanan mo. Gagawin mo ang lahat lahat hanggang umabot ka na sa punto na nagiging dependent na siya sa iyo.

Sa huli, mapapaisip ka na lang kung ano bang meron sa kanya na iyong ikinabulag . Kung ano bang mahikang meron siya at, sa pamamagitan ng kanyang simpleng pagka wala, ay kaya niyang patigilin ang pag-ikot ng iyong mundo. Hay Pagmamahal. Tama nga ang sabi ng autograph books. Love is blind. Love hurts. Love makes the worl d go round. Hindi ko sinasabing yun na at yun lang ang base ng Pagmamahal. Alam ko namang wa lang kahit sinong tao ang makakasabi kung ano ba talaga ang love hangga t hindi ni ya ito nararamdaman. Iba-iba ang mga tao sa mundo, at sila ay may iba t ibang pana naw ng kung ano ba talaga ang Pagmamahal. Ikaw? Para sayo, ano ba talaga ang lov e?

http://crescentstaaaar.tumblr.com/post/40577740499/happy-birthday-bestfriend-3

http://crescentstaaaar.tumblr.com/tagged/diary.

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/7285222/2000+NISSAN+FRONTI ER+ALL+POWER+PICKUP+4X2+DIESEL+-MT?referralKeywords=dmax&event=Search+Ranking,Po sition,12-16,236#imageGallery

http://www.facebook.com/photo.php?v=512651048787266&set=vb.100001271250146&type= 2&theater

You might also like