You are on page 1of 1

Erica Ritz M.

Train Reaction to Republic Act 1425, also known as Rizal Law Ginawa ko ang reaksyong to matapos ang klase naming sa Pilosopiya na matindi ang pagkalihis sa Rizal. At sa klaseng ito, inilantad ng aming propersor anf ayon sa kaniyay pagtatraidor ni Rizal sa ating bayan. Kung tatanuning mo siguro ako patukoy sa batas na ito bago ang naturang klase naming iba siguro ang magiging pahayag ko. Tila sa summer na ito, mayroon kaming klase na nagtuturo ng magandang parte ni Rizal, at sa kabila naman ay ang masamang parte nito. Dahil dito, ito ang mga konklusyon ko para sa naturang R.A. 1425, na mas kilala bilang Rizal Law: Una, nakasaad dito na WHEREAS, today, more than any other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died; Isang bagay na higit kong pinaniniwalaan. Sa anomang panahon, dapat alalahanin ng bawat Pilipino na ang Pilipinas ay isang bans na dapat ay Malaya, na kahit ano man ang mangyari, dapat mapangalagaan natin ang kalayaan natin tulad pagtangol at paprotekta na ginawa ng nauna sa atin. Pangalawa, WHEREAS, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character; Nararapat lamang na alalahanin nating ang mga bagay na nagdulot o nagpasimula ng kalayaan natin bilang isang bansa. Ang mga likha ni Rizal, partikular na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang sinasabing mga libro na kinatakutan ng mga Espanyol. Ang mga naturang libro na ito ang sinasabing nagbigay anyo sa ating nasyon, ngunit naniniwala ako na bago pa man ito, mayroon na tayong national character. Bilang isang nayon, bagamat ay hiwahiwalay, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon na tayong sariling wika at mga titik. May kakayahan na tayong makipagkalakal sa ibang bansa. Iyan ay ang sa aking palagay. Pangatlo, WHEREAS, the life, works and writing of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused;

You might also like