You are on page 1of 3

Motu Proprio: Kusang Paglingon sa Pinanggalingan Kasabay ng pagtaas ng baha sa Hagonoy, ang pagtaas din ng pananampalataya ng mga taong

naninirahan dito. Hindi sa halamang gamot kinukuha ng mga taga-Hagonoy ang lakas nila, kundi sa Po ong kanilang sinasampalataya. Simbuyo, pagbabalik-tanaw Sabi sa mga kwento, isang halamang gamot ang pinagkuhanan ng pangalang hagonoy. Ga yunpaman, hindi lingid sa kaalaman ko kung gaanong karelihiyoso ang mga kababaya n kong taga Hagonoy. Sa katunayan labing pito sa dalawapu t anim na barangay dito ay ipangalan sa mga santo. Hindi man ako doon lumaki, sadyang naramdaman ko nama n ang turo ng Simbahang Katoliko rito sapagkat parehong taga-Hagonoy ang aking m ga magulang. Ang aking ama ay taga-San Sebastian (malimit nilang tawaging Bayan) at ang aking ina naman ay tubong Sta. Elena. Doon po sa Bayan Si Apo Ana. Apo ang tawag sa nakatatanda sa Hagonoy. Madalas ito ang ta wag kapag lolo o lola ka na. Pero si Apo Ana, siya ang ina ni Birheng Maria na i na ni Kristo. Si Apo Ana ang una kong kinilalang Santa. Sa Dambana niya ako bini nyagan, kinumpilan at dito rin ikinasal ang aking ama t ina. Sino ba naming hindi makakakilala sa kanya kung ikaw ay taga-Hagonoy. Pagbaba mo pa lang ng dyip sa Bayan, ang Simbahan na nya ang unang babati sa yo. Sa tagal na ng panahong nakat ayo ang simbahan nito, marami ng unos itong pinagdaaanan. Naritong binaha, lumi ndol at inulan ito. Gayunpaman, nananatili pa ring matatag ang dambana ni Apo An a. Sa katunayan nga, tuwing Biyernes Santo naging parte na ng aming Mahal n a Araw ang sumama sa prusisyon bilang pakikiisa sa pagdadalamhati sa kamamatayan ni Kristo. Mula sa Bayan, lumalakad kami paikot ng tatlong barangay hanggang m ailagak ang labi ni Kristo sa Kapilya ni San Sebastian. Dagdag pa rito, may sen akulo rin na itinatanghal tuwing Mahal na Araw. Inaabangan naming magpipinsan a ng pagtatanghal nito kahit abutin pa kami ng madaling araw. Hindi rin mawawala a ng pagpepenitensya ng mga taong malalalim ang pananampalataya. May nagpapasan n g krus at may naghahampas-dugo. Kwento sa akin ng aking ama, miyembro ang kanyan g tiyo sa Samahang Puti kung tawagin. Sila ang samahang nagpapasan ng krus na na kasuot ng telang puti mula ulo hanggang paa. Nakayapak silang naglalakad sa kai nitan ng araw mula Miyerkules Santo hanggang umaga ng Biyernes Santo. Mas nakakamanghang malaman na nakalagak sa Simbahan ni Apo Ana ang ilan sa kanyang mga labi na mula pa Basilica ng Sainte-Anne-de-Beaupr , ang internasy onal na dambana sa Quebec , Canada at ang mga labi ng St. Joaquin. Dahil nga sa lakas ng pananampalataya ng mga taga Hagonoy kay Apo Ana, ipinangalan ang priba dong paaralan sa tabi nito na dating St. Anne s Academy, ngayon ay St. Mary s Acade my. Marami sa aking mga pinsan ay dito nag-elementarya. Karamihan rin ng inil ilibing sa may tabing sementeryo ni Apo Ana ay sa simbahan na rin nya binabasbas an bago ito tuluyang ilagak sa himlayan. Paano ko ba naman malilimutan ang musik ong minsan ay sinabayan ko ng indak. Sa tuwing may lamay ng patay, madalas ko na dadatanan ang mga musikong ito. Kabalintunaan sa mga nakasanayan na nating malul ungkot na tugtog ang musikang kanilang inihahandog. Moderno at masasayang himig ang kanilang pinapapatugtog. Ika nila pampabawas din daw ito sa dalamhating dina damdam ng maganak na namatayan. Madalas pa, may mga tagisan ng kakatwang kwento kapag may lamay. Sabi ng matatanda, komedya raw ang tawag dito. Komedya dahil katatawanan ito hindi tulad nung araw na ang intindi sa komedya ay may belyako a t belyaka; o kaya naman ay may hari at reyna na nagtatagisan ng talino. At paano ko ba naman malilimutan ang mga pagkaing aking kinalakihan. D ito ko natikman ang pinakamasarap na atchara. Atchara ang tawag sa ginayat na p apaya at karot na hinaluan ng pasas, suka at asukal. Malimit na gumagawa nito an g aking lola. Madalas din kami noong magagahan ng labay-kape. Eto ang tawag sa kan ing sinabawan ng kape at ulam na daing. Hinahanap-hanap ko pa rin ang ganitong m ga pagkain. Sa modernong panahon, nakikisabay na rin sa pagindayog ng kultura ang Ba rangay ng San Sebastian. Dahil tinaguriang Bayan, mas modernisado at sibilisado na ang mga taong nandirito.Gayunpaman, hindi nila malilimutan ang relihiyong k anilang nakalakihan.

Sa Kariktan ni Sta.Elena Si Sta. Elena, maganda, mala-porsenang kutis, marangya, reyna at isang ina. Siya ang natatanging ina ni Constantino. Sino ba naman ang hindi makakakil ala sa Reyna ng Santacruzan? Si Reyna Elena na naging panata ang paghanap sa k rus na pinagpakuan ni Kristo. Isinantabi ni Reyna Elena ang titulo niya, nagpak umbaba at nagpakaaba upang mapakita ang kanyang pananampalataya kay Kristo. Bata pa lamang ako, alam ko na ang kwento kung paano naging parokya ang simbahan ni Sta.Elena. Dating sa kapilya lamang ng Sagrada makikita ang imahen ni Sta. Elena noong panahon ng mga Hapon. Dahil sa giyera, sinunog ng mga Hapon es ang kapilya. Natupok ang buong kapilya ngunit naiwang buo ang imahe ni Sta. E lena. Simula noon, itinuring na naghihimala ang poon. Dinala ang imahe sa baran gay Sta. Elena at hanggang sa ngayon ay maraming debotong dumarayo sa parokya ni to. Dahil nga tuwing Mayo nating ipnagdiriwang ang Santacruzan, tuwing Mayo 4 din ang kapistahan nito. Ang kakaiba pa rito, dalawang beses sa isang taon ipa gdiriwang ang kapistahan ni Sta.Elena pistang maliit tuwing Agosto 18 at pistang m alaki tuwing Mayo 4. Ngunit ang aming pamilya ay nakasanayan ng umuwi tuwing May o 4. Itinutiring na isang malaking selebrasyon ang kapistahang ito para sa mga t aga rito. Ang iba pa nga ay hindi pumapasok sa trabaho. Parang pasko, ika nga ni la. Maliit man ang barangay, madalas mang bahain, hindi pa rin ito hadlang par a ituloy ang pagdiriwang. Mahaba ang pagdiriwang. Magsisimula sa paglalagay ng banderitas, sa pagk akaroon ng lingguhan na patimpalak at sa despiras ng piyesta ay inaabangang papu tok bilang pagsalubong. Sa mismo araw ng pagdiriwang, lahat ay masaya, maingay a t hindi nakakalimutang dumalaw kay Sta. Elena. Pagdating sa simbahan, ang imahe ni Sta. Elena ang siyang bibida. May mahabang pila para makalapit sa poon at mak apagpahid ng panyo. Matapos ang misa sa hapon, maguumpisa na ang prusisyon. Sabi ng iba, parang Nazareno dahil talagang ito ay dinarayo. Manu-manong binbuhat an g Sta.Elena. Nakasuot Siya ng pinakamagara niyang bestida; pinakamakinang niyan g diyamante at pinakamarangya niyang korona. Kaakit-akit ang kanyang ganda. Maam o ang kanyang mukha. Sa iba, Siya ay maghihimala. Sa liit ng barangay, inaabot n g halos pitong oras ang paglibot dito dahil sa dami ng debotong sumusunod sa ka nya. Kahit ako mismo ay sumasama sa kanya. Sabi ko kasi sa sarili ko, minsan lan g naman ito. Bukod pa rito, buhay na buhay pa rin sa Barangay Sta. Elena ang pagkakar oon ng orasyon. Sa tuwing papatak ang alas sais ng gabi, lahat ng bata ay dapat magmano sa mas nakatatanda sa kanila, kamag-anak man o hindi. Respeto ika nga. N apagusapan na ang respeto, Kaka ang tawag sa nakatatandang kapatid ditto. Uso pa rin ang tawagang inang at amang sa nanay at tatay. Dito ko rin unang natikman ang pangat. Dahil ilog ang likod bahay ang ak ing lolo at lola, madalas na pangat ang kanilang ulam. Isdang maliliit ito na ni lagyan ng mantika, asin, kamatis at kalamansi. Sabaw pa lang naman ulam na. Lalo na kapag sinabayan mopa ito ng sinangag na maraming bawang. Sadyang rural pa ri n ang pamumuhay doon, doon nga ako nakakita ng tapayan na pinagiimbakan ng suka na mula sa sasa. Dahil ito ang hanapbuhay ng aking lolo. Bukod pa diyan, dito ko rin unang natikman ang pinakamasarap na burong hipon at isda. Masarap itong saw sawan ng pritong isda. Sa Sta.Elena, dito ko natutunan ang payak na pamumuhay. Maagang gumigisi ng ang mga tao. Sa pagtilaok ng manok, sa pglangoy ng mga isda sa ilog, doon mo makikita na ang pananampalataya ay hindi namimili ng estado sa buhay. Nasa ruro k ka man o hindi, sa mata ng Diyoss, tayo ay pantay pantay. Bilang Hinuha Malaki ang naging impluwensiya ng kultura, tradisyon at pananampalataya ng Hagonoy sa akin. Kaya nga siguro sa murang edad ay pinili kong pumasok at ma g-aral sa seminaryo. Sa lakas at sa tatag ng paniniwala ko at ng aking pamily a sa Poon, eto ang naging sandigan ko. Kailanman, hindi mawawala ang anumang at ing nakasanayan. Maging ito man ay relihiyon, ritwal, tradisyon, reputasyon, put ahe o pagkain; ito atinpa ring babalik balikan. Ito ay parte na ng aspetong sosy

o, ekonomika, politika at etika bilang miyembro ng komunidad at bilang tao. Sa huli, wala ka rin naming kapupuntahan, kundi ka kusang lilingon sa iy ong pinanggalingan. Sa salitang Latin, motu proprio o "sa kanyang pagkukusa o simbuyo."

You might also like