You are on page 1of 1

di ang taksil na pitasa yama't bulaang karangalan. Sa aba ng mga bayang Hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig.

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkaka-isang magbibiga ng dimahahapay na lakas na kailangan sa pagsasangalang ng matuwid Sa aba ng mga bayang Hindi pinamumuhayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak ng pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagaw ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan sa kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukod bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay nakapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Oh! Sino ang nakakapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? Ang pagkaka-isa na siya niyang kauna unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na't nag-iibigan ang lalong nalalabing hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y ang ganito, ay di matataos ng mga pusong Hindi nakadarama ng tunay na pagibig. At upang makapagkilalang magaling na pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito mapagnanakaw mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung silang nakikitang inaapi ng iba. Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pang-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di mabatang kapaitan. Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang alala. Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upang magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamaysa kapighatian at pagkaapi na kanyang mga kapatid. Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitin sa mga hirap ng Tao na inaakalang walang katapusa. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pagibig sa kapwa at ang tinatawag na bayanng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Mrs. Marvilyn Mixto Mary Clarisse Clado III-1

You might also like