You are on page 1of 3

Stem Cell

Maraming Pilipino ang nagdurusa dahil samga ibat-ibang sakit tulad Parkinsons disease, diyabetis, nagtatagal na sakit sa puso, malala nang sakit sa bato, sakit sa atay, at kanser. Mga sakit na noong una ay inakala nating imposible ng magamot o malunasan. Hanggang nitong kamakailan lamang, naniniwala na ang ilang mananaliksik na posibleng malunasan ang mga ito. Bakit? Sapagkat noong 1998, natuklasan ng mga siyentipiko ang isang paraan para maparami ang mga selula na tinatawag na mga humanstem cell. Ang mga stem cell na ito ay maaaring lumaki para maging kauri ng halos anuman sa mahigit na dalawang daang ibat ibang uri ng mga selula sa katawan ng tao. Ang mga stem cell ay maaari pa ngang maging mga selula ng dugo, at diumanoy maaari pa ngang mawalan ng silbi ang mga bangko ng dugo dahil dito. Sa katunayan, maraming taon nang ginagamit ng mga doktor ang mga stem cell para gamutin ang partikular na mga sakit sa dugo. Karaniwang nasasangkot sa mga paraan ng paggamot na ito ang paglilipat ng utak ng buto, na may napakaraming stem cell na nakagagawa ng dugo, subalit mas pinipili ng mga doktor na kumuha ng mga stem cellmula sa dumadaloy na dugo. Dahil sa inaasahang mapapalitan ng mga paraan ng paggamot sa pamamagitan ng mga stem cell ang malulusog at bagong mga himaymay, karaniwang tinagurian ito na regenerative medicine (paraan ng paggamot para mapalitan ang napinsalang mga selula). Gayunman, lubhang kontrobersiyal ang ilang aspekto ng bagong siyensiyang ito. Ipinapalagay ng maraming tao, kasali na ang marami-raming siyentipiko, na ang paggamit ng mga stem cell ng taolalo na yaong mga kinukuha mula sa mga binhi o di-pa-naisisilang na sanggolay nagpapakita ng kawalang-pitagan sa kabanalan ng buhay ng tao. Marami rin ang nababahala sa ganitong paraan ng panlunas. Ang pangunahing ikinababahala ay na kinakailangang kumitil ng binhi ng tao sa proseso ng pagkuha ng mga embryonic stem cell. Gaya ng paliwanag ng National Academy of Sciences, pinagkakaitan [nito] ang binhi ng tao na lumaki pa at maging ganap na tao. Para sa mga naniniwala na ang buhay ng tao ay nagsisimula sa panahon ng paglilihi, nilalabag ng pananaliksik sa ESC [embryonic stem cell] ang mga prinsipyo na nagbabawal sa pagkitil ng buhay ng tao at paggamit ng buhay ng tao bilang isang paraan para maisakatuparan ang ibang layunin, gaano man karangal ang layuning iyan.

Saan kumukuha ang mga laboratoryo ng mga binhi ng tao na pinagkukunan ng mgastem cell? Karaniwan nang mula sa mga klinikang nagsasagawa ng in vitro fertilization,kung saan nagbibigay ang mga babae ng selulang itlog para sa in vitro fertilization.Karaniwan nang pinagyeyelo o itinatapon ang natirang mga binhi ng tao. Isang klinika sa India ang nagtatapon ng mahigit na 1,000 binhi ng tao taun-taon. Sinasabi ng ulat na Stem Cells and the Future of the Regenerative Medicine: Dahil sa limitadong kaalaman hinggil sa siyensiyang ito, baka asahan ng ilan na tiyak na magiging laganap na ang paggamit ng bagong paraan ng paggamot na ito. Ang totoo, bagung-bago pa lamang ang pananaliksik hinggil sa stem cell, at napakarami pang hindi nalalaman na nagiging balakid para magkatotoo ang bagong mga paraan ng paggamot na kinukuha mula sa alinman sa adult o embryonic stem cell. Maliwanag, mas maraming tanong kaysa sa sagot. Inihahanda [pa nga ng ilang siyentipiko] ang kanilang mga sarili sa matitinding reaksiyon kung sakaling hindi magkatotoo ang mga paraan ng paggamot, ang sabi ng ulat ng New York Times.

Sa unti-unting pag-unlad ng pamamaraan na ito, nakapagdulot na ito ng ingay sa ilang personalidad, hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa iba pang panig ng mundo gaya na lamang nila Madonna, Sharon Stone at Halle Berry na sumugal sa ganitong uri ng paggamot. Kaya naman hindi nagpapahuli ang mga Pilipino, kamakailan lamang, ang dating pangulong si Josesph Estrada ay tahasang inamin sa media na maging siya ay sumubok nito, para sa kanyang nananakit na mga tuhod at katarata, na isinagawa sa Germany, kung saan ay nag-infused ang mga doctor ng sariwang stem cells mula sa hindi pa naisisilang na tupa sa kanyang katawan. Idinagdag pa ni Estrada na unti-unting nabawasan ang pananakit ng kanyang tuhod at tila mas naging maganda ang kanyang balat. Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay umamin na siya ay sumubok din sa stem cell procedure ngunit isinagawa lamang ito rito sa bansa, aniya ang mga eksperto ang dumayo rito upang isailalim si Enrile sa stem cell transplant. Ayon sa kaniya, nagbigay ito sa kanya ng pagpapanumbalik ng kalidad ng kanyang mga organs tulad ng paningin, pandinig, puso, baga, bato. Ilan pa sa mga personalidad na sumubok ay sina Lorna Tolentino, Lolit Solis at Ricky Reyes na pare-parehong umamin sa magandang dinulot ng nasabing treatment.

Kahit na isaisantabi pa ang siyensiya hinggil sa stem cell, napakarami nang pagsulong ang nagawa ng medisina sa maraming larangan nitong nakalipas na mga dekada. Ngunit gaya ng ating nakita, nagbangon ng masasalimuot na usapin sa moral at etika ang ilan sa mga pagsulong na ito. Kaya saan tayo makababaling para sa mapananaligang patnubay hinggil sa mga bagay na iyon? Isa pa, habang nagiging masalimuot at magastos ang pananaliksik, malimit na nakikita iyan sa laki ng halaga ng pagpapagamot at mga gamot. Tinataya na ng ilang siyentipiko na baka magkahalaga nang daan-daan libong dolyar sa bawat pasyente ang pagpapagamot sa pamamagitan ng mga stem cell. Subalit, ngayon pa nga lamang ay nahihirapan nang bayaran ng milyun-milyong tao ang tumataas na gastusin sa pagpapagamot at mga premium sa seguro. Sino ba talaga ang makikinabang kung sakali at kapag isinagawa na sa mga ospital ang makabagong panggagamot na ito sa pamamagitan ng stem cell? Panahon lamang ang makapagsasabi.

You might also like