You are on page 1of 8

Panambitan Kay Bathala Ritual

December 29, 2012- 3:00 PM @ Balay Aghama, Block 8 Lot 13 Phase F, Brgy.
Francisco Homes Narra, City of San Jose Del Monte, Bulacan, 3023, Philippines.

Pagpapahayag ng Layunin:
1. Ang Panambitan kay Bathala ay ritual pasasalamat sa mga Biyaya na ating
natanggap sa loob ng isang buong Taon.
2. Ito ay ang ritual ng pagunita sa mga karanasan na naganap sa atin sa loob
ng isang buong taon.
3. Ang ritual din ito ay ang pagpaparangal sa ating mga Espiritung Gabay na
syang tumulong sa atin sa mga panahon ng pangangailangan sa loob ng
isang taon.
Pagsasagawa ng Ritual:

Maaring isagawa ang panimula ng ritual sa pamamagitan ng paglilinis ng
kapaligiran at pagtatayo ng altar o dambana.
Maghanda ng asin at Tubig na kakatawan sa Elemento ng Lupa at Tubig.
Posporo at Incense Stick sa Elemento ng Apoy at Hangin.
Kung walang Asin at Tubig, maaring Gamitin ang Lana ng Nyog/ Langis ng Nyog na
sisimbolo sa Lupa at Tubig.
Sa pagsisimula ng Ritual, paghaluin ang asin at tubig na magiging holy water na
ipangwiwisik sa sarili at sa kapaligiran. At magpahid ng langis sa nuo, kamay, at
talampakan at sabihin ang dahilan kung bakit nyo kailangan ng kalinisan.
Hal:
Sa pamamagitan ng Lupa at Tubig, nililinis ko ang aking sarili mula sa_______.
Mangyayari at magaganap. Basbasan Nawa! ipasa ang langis sa katabi hanggang
ang lahat ng kasama ay matapos sa paglilinis.
Sindihan ang insenso. At maaring sabihin: sa Pamamagitan ng Apoy at Hangin, sa
masamyong halimuyak na sumasaimpapawid, ang dalangin koy dingin at kami ay
pagpalain. ( matapos nito ay maari bumigkas ng kahilingan). Ipasa sa kasama
hangat ang lahat ay matapos.
At bigkasin:
Mula sa Lupa tayo ay nilikha
Katawan ay inanyuan
Na magkaroon ng Buto at Laman
Mula sa Tubig
Dugo ay dumaloy
Buhay ay pinasigla
Katawan ay nagkamalay.
Apoy ang nagpaningas nitong damdamin at kaluluwa,
Nagbibigay liwanag sa ating buhay upang tayo ay makadama.
Hangin na ating hininga,
buhat sa dakilang kapangyarihan na sa atin ay lumikha,
Ipinagkaloob sa atin upang maging gabay sa pamumuhay
At palagiang maalala na sa kanya ay magpugay.
Ang Bilog ay Bukas na at ritual ay ganap ng magsisimula.!




Umikot sa Bilog saw along sulok ng sansinukuban at Magpugay:
1. Silangan
2. Timog Silangan
3. Timog
4. Timog Kanluran
5. Kanluran
6. Hilagang Kanluran
7. Hilaga
8. Hilagang Silangan
9. Kailaliman
10. Kaitaasan
11. At Kaibabawan

Ang 11 direksyon ay kumakatawan sa 11 lagusan o butas sa katawan ng tao.
2 butas sa mata, 2 sa ilong, 2 sa tainga, 1 sa bibig, 1 sa pusod, 1 sa ari ng lalaki, 1
sa puwit ( at kung sa babae naman ay 1 sa labasan ng ihi ng babae at isa sa
labasan ng bata).
Matapos magpugay sa 11 direksyon, Maaring tawagin at parangalan ang mga
Ninuno.
Hal:
Ako si, Rolando Gomez Comon, Ang Apu Adman Aghama, ay sinasamo ko at
pinaparangalan ang aking mga ninuno, Ang dakilang Ninuno ng aking Lahi, ang
angkan ng mga Gomez, at angkan ng mga Comon. Basbasan Nawa!
Lahat ng kasama sa ritual bago man o matagal na ay sasamo at magpaparangal sa
kanilang mga Ninuno.
Maaring magbigay ng isang Awit o kanta, bago tawagin ang mga Dios at Diosa.
O di kaya ay Kantahin na may sayawan ang Panambitan kay Bathala.
Dakilang Bathala!
Bathalang Dakila.
Dinggin Mo ang Pagsamo
Panawagan koy pakinggan
Ang Panambitan ng Anak mong Pinagpalang Hirang.
O Dakilang Bathala! Bathalang Dakila
O Dakilang Bathala! Dakila Dakila!
O Dakilang Bathala! Bathala o Bathala!
O Dakilang Bathala! Bathalang Dakila!
Ahoy!!!
Sa Pagsayaw awit maari po kayong mag alay ng bulaklak, barya, kendi o anuman
na isasayaw at iikot sa bilog bago magsimula ang maikling aralan. Sa inyong
pagsayaw at awit ay parangalan nyo ang personal deities na winork out ng bawat
isa at ang Patron ng bawat group.
Sa Munting Aralin sa loob ng ritual,maaring pagusapan ang Tungkol kay Bathala.
Sino ba si Bathala? Winork mo na ba sya sa buhay mo bilang Pagano? Ano ang
Kahalagahan ni Bathala sa ating mga Pagano kahit na di tayo tumatawag sa
kanya?
Para sa ating mga Pilipino, Kinikilala sya Bilang Supreme Deity ng mga
Katagalugan. Sya ay tinaguriang Hari ng mga Engkanto at Diwata. Sya din ang
kinikilala bilang manlilikha. Pero aside sa mga Myths and Legends na naisulat at
matatagpuan sa Internet, sino ba si Bathala?
Noong Earthdance 2010, naipakilala si Bathala sa pamamagitan ng Paggamit ng
Baybay panulat bilang:
O:'
BaThaLa
At ang naitalakay at naipakilala sa kalahatan na ang Bathala ay kumakatawan sa
Babae at Lalake sa Pamamagitan ng Baybay sulat na O = Ba (Babae) at ' = La
(lalake). Kung ito an gating pagbabasehan, ang 2 simbulo sulat sa simula at
wakas, ang Babae at lalake. Na syang pumapaloob sa mga nilikha ni Bathala. Ang
Babae at Lalake.
Ngunit kung susuriin nating mainam, ang Salitang Bathala ay binubuo ng 4 na
simbulo sulat.
O OO O = Ba ( babae)
: :: : = ta ( ?)
= ha (?)
' '' ' = La (Lalaki)
Malinaw sa atin na ang titik sulat na Ba ay kumakatawan sa Babae, at La sa lalake.
Ano naman ngayon, ang ibig sabihin sa mga simbulo/ Titik na pumapagitna sa
babae at lalaki?
Ang kadalasan nagaganap sa panulat baybay, Pa gating isinulat ang salitang
BATHALA, itinatanggal sa pagsulat ang mga titik na may kudlit tulad ng ( : ) ta- sa
Bathala. Kung tatangalin ang Ta sa Bathala. Ito ay mababasa bilang Ba-ha-la
O
O' O' O' O' , kung bibigyang pakahulugan na ang ha ang syang pumapagitna
sa babae at lalaki. Ano ngayon ang ibig sabihin ng ( ) ha?
Ang Babae at Lalaki ay mga nilalang na nilikha ng Dakilang Bathala. Upang maging
ganap ang kanilang pagkakalikha, sila ay binigyan ng Buhay. Ang ( ) o Ha na
pumapagitna sa kanila ay ang Hininga ng Buhay at Hangin. Sumakatuwid, ang Ba-
ha-la ay kabuuan ng Babae at Lalaki na may Buhay.
Kung gagamitin naman natin ang Bathala na may Kudlit. Ito ay magiging Ba-ta-la o
O : ' O : ' O : ' O : ' .
Makikita na ang Ba o O ay maisasalarawan sa dibdib ng isang babae. At ang La o '
sa ari ng lalaki. Ang Ta o : ay maaring ipakahulugan na tila saklay o tungkod na
umaalalay sa bawat babae at lalaki nabubuhay sa mundo.
Kung ating pagsasamahin ang lahat ng baybay titik sulat sa salitang BATHALA ay
ito:
O O O O = babae
: : : : = saklay/ tungkod/ alalay
= hininga/ hangin/ buhay
' ' ' ' = lalaki
Maaari din natin Makita sa bawat titik baybay na pumapagitna sa babae at lalaki
ang salitang Ta-Ha o : na maaring mangahulugan na= Babae+taha(k)+lalake
na ang tahakin ng bawat babae ay ang makasama ang lalaki.
At maari din na BATA+ HALA= na ang bawat babae at lalaki ay pamamahalaan ng
mga Bata. Kung kaya ang buhay natin sa ngayon ng bawat lalaki at babae na
nilikha ay ang lumikha din ng mga Bata.
Kung titignan din ang titik baybay ng salitang BATHALA, ito ay kumakatawan sa
mga Kasarian ng mga taong nilikha ni Bathala.
O OO O babae
: :: : babae/lalaki
lalaki/babae
' '' ' lalaki
Sa buhay nating mga Pilipinong Pagano, ng tayo ay mamulat sa
pananampalatayang ito makailang ulit na rin tayong kumilala sa ibat ibang mga
Dios at Diosa sa ibat ibang Pangalan. Una nating nakamulatan ay ang Kristong
ipinapangaral ng mga Kristyano, ganun din si Maria at ilang mga Santong Katoliko.
Ganun din sa mga Dayuhang Dios, tulad nila Gaia, Tiamat, Hekate, Venus, Quan
Yin, Laksmi, at iba pa. Tumatawag din tayo sa mga Diwata Tulad ni Mayari,
Kabunyian, Lumawig, Inang Laon, Magbabaya, at iba pa.
Sa pagsakop sa ating bansa ng mga Kastila, tanging si Bathala lamang ang kinilala
at pinanatili ng mga dayuhang mananakop sa mga kasulatan at maging ang mga
Prayleng KAstila ay kinilala si Bathala bilang katumbas ng Dakilang Lumikha.
Bilang isang Aghama, si Bathala sa Buhay ko, ay ang kalipunan ng mga Dios at
Diosa na pinaglingkuran ko at nakatrabaho sa buhay ko bilang isang Pagano. Sa
aking altar ay matatagpuan ang ibat-ibang larawan at ukit ng mga Diosa at Dios na
aking napaglingkuran. At ang kalipunan na iyon ay sinasamo ko bilang Dakilang
Kapangyarihan, kung kaya naisulat ko ang panalangin:
Luwalhati at Parangal sa Dakilang Kapangyarihan na Lumikha sa Atin at sa Buong
Sansinukuban!
Bilang isang Pagano, tayo ay tinaguriang Polytheist o tumatawag sa ibat ibang
Pangalan ng Dios. Ngunit bilang isang mananampalataya, paano natin
mabibigyang kahulgan ang salitang Faithfulness, kung sa ating buhay ay may ibat-
ibang Dios tayong tinatawagan at sinasangunian?
Ito ang magiging pagbubulay ng bawat isa. Paano mo masasabing faithful ka sa
Dios mo, at ganun din sa mga ka-relasyon mo sa iyong buhay.
Para sa akin, OK lang ang tumawag sa ibat-ibang pangalan ng Dios at Diosa. Ang
Bawat Dios at Diosa na aking tinatawagan ay ang : o ta na saklay at
umaalalay sa buhay natin. Ang bawat Dios at Diosa na aking tinatawagan ay
kumakatawan sa aking pagkatao bilang isang Lalaking Babae/ Babaing Lalaki. Kung
kayat sa pamamagitan ni Bathala, Buo ang aking Pagkatao. At Ako/ Tayo ang
Katawan ng Bathala sa buhay na ito. Basbasan Nawa!
Isagawa ang pagpapasalamat sa bawat mga Dios at Diosa na ating Tinawag.
MAgpasalamat sa mga Ninuno.
Magpasalamat sa 11 direkson.
Isara ang Bilog.
Magdiwang.
BASBASAN NAWA!

You might also like