You are on page 1of 1

Kandidatong May Prinsipyo, Suportado Ko

Pahayag ng Suporta para sa mga Kandidato bilang Senador sa Halalan sa Mayo 13, 2013

Kami ay samahan ng mga organisasyon at mga indibidwal mula sa ibat ibang sektor na nagsulong na magkaroon ng isang batas para sa reproductive health. Naniniwala kami sa kahalagahan ng isang patakarang: (1) magbibigay ng proteksyon sa kalusugan at buhay ng mga ina at ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo at impormasyong pang-reproductive health; (2) maisakatuparan ang karapatan ng bawat magulang na pagpasyahan ang bilang at agwat ng panganganak; at (3) mabigyan ang mga kabataan ng edukasyong pangreproductive health. Ang RA 10354 o Reproductive Health Act of 2012 ay bunga ng mahigit isang dekadang pagsusumikap at pakikibaka. Isa ito sa maraming dahilan kung bakit kami ay nanatiling matatag na protektahan at ipagtanggol ang batas na ito hanggang ito ay lubusang maipatupad. Ang panawagang Purple Vote ay inilunsad namin upang hikayatin ang mga Pilipinong botante na iboto ang mga kandidatong maninindigan para sa matiwasay at makabuluhang pagpapatupad ng RH Law. Ang Purple Vote ay gumamit ng mapanuring pamantayan sa pagpili ng kandidato. Kami ay naniniwala na ang isang kandidatong nararapat sa Purple Vote ay: (1) buo ang paniniwala sa RH Law, (2) may maayos at matibay na paninindigan sa mga usaping panlipunan, at (3) naglilingkod nang may integridad. Matapos ang mga konsultasyon at masusing pag-aaral, kami mula sa Purple for RH Movement ay nagpasya na manawagan sa bawat botanteng Pilipino na ihalal ang mga sumusunod na senatorial candidates sa darating na eleksyon: 1. Hontiveros, Risa 5. Cayetano, Alan 2. Angara, Sonny 6. Aquino, Bam 3. Poe, Grace 7. Escudero, Chiz 4. Legarda, Loren Naniniwala kami na titiyakin ng mga kandidatong ito ang pagsasakatuparan ng RH law katulad ng kanilang pangunguna sa pagsulong ng interes at kabutihan ng mga mamamayan. Kung kaya, kami ay nanawagan sa mga nakakaraming Pilipino na sumusuporta at naniniwala sa RH Law, na sa Mayo 13, iboto natin ang mga kandidatong ito.

You might also like