You are on page 1of 10

My Love, My Sunrise MAAN BELTRAN Now I know why every time Im with you, Im wishing for the day

to never end. Because my heart wants to be with you every single minute of the day

Siguro Ay Mahal Na Nga Kita CAMILLA Papayagan mo nab a ako ngayong halikan ka? Hindi ka na magwawala?

Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo. Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel, nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcussiksik, liglig, at umaapaw

Dahil sa damage na nagawa ni Mimosa sa kotse ni Amis, puwersahang pinagsilbi siya nito. Hindi lang iyon, mukhang hilig din nitong pag-trip-an siya. Pero kinalaunan, natuklasan niya na mabuting tao si Amis kaya hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito.

At lalo siyang na-in love dito nang alukin siya nito ng isang acting job nang pagtangkaan itong p ikutin ng babaeng nagke-claim na nabuntis nito. Pagkatapos niyon ay nagkatugon ang damdamin niya para dito. Pero ayaw silang tantanan ng pamilya ng babaeng iyon, siniraan siya ng mga ito kay Amis hanggang sa kamuhian siya ng binata

3784

3773

Love According To Via DAWN IGLORIA Ito kasing puso ko, one track lang ang takbo. Doon lang ang focus sa lalaking mahusay kumanta, magaling maggitara, at matinik mambola.

Hiling MARICAR DIZON Every time I look at you I feel so young. I feel energized. I feel so alive. Audra was a geek; her friend Lyka was a fashionable music VJ. Pero sa kabila ng magkasalungat na personalidad nila ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong mga

Biased si Via pagdating sa mga lalaking may bigote tulad ni Arnel. Karamihan kasi sa mga bigotilyong kilala niya ay babaero. Pero boses pa lang ni Arnel ay nakaka-in love na. Walang hindi magugustuhan dito. Feeling tuloyn iya ay mas masuwerte pa siya kaysa kay Ophra at mas maganda pa kaysa kay Angelina Jolie nang mag-propose ito sa kanya. Pero sa kalagitnaan ng kasal nila ay may babaeng dumating. Asawa raw ito ni Arnel!

bata pa sila. Until she fell in love at first sight with a bands vocalist, Chase Lorenzo, who turned out to be Lykas love of my life. Habang lumilipas ang mga araw ay palalim nang palalim ang damdamin nila ni Chase para sa isat isa. Dahil sa espesyal na pagtrato nito sa kanya ay mabilis na napasok nito ang kanyang puso. Pero dahil sa isang pangyayari ay kinailangan niyang mamili sa pagitan nina Lyka at Chase. Nahirapan siyang magdesisyon kaya minabuti niyang mangibang-bansa. Pagbalik niya, anumang pagpapakatatag ang gawin niya ay hindi pa rin niya makayang humarap kina Lyka at Chasena ngayon ay magkasintahan na.

3815

3658

Fixing A Broken Heart MARICAR DIZON Kahit saang simbahan, pakakasalan kita.
Inatasan si Alexanne ng ate niya na maging tagapag-alaga ng pamangkin niya habang wala ito sa bansa at ang asawa nito. Pumayag siya dahil sa tingin niya ay kailangan din niya ng bakasyon. Ang hindi niya inasahan ay may makakasama pala siya sa bahay ng ate niya, si Dylanang kaibigan ng bayaw niya. Wala sanang kaso sa kanya kung hindi lang ito ubod ng suplado. Ngunit ang sabi ng ate niya ay may dahilan daw kung bakit ganoon ito. It seemed like Dylan was on vacation to mend a broken heart. That made her curious. Habang lumilipas ang mga araw ay napapalitan ng mas malalim na damdamin ang curiousity niya rito. Hindi lang iyon dahil sa taglay nitong napakagandang boses tuwing naririnig niya itong kumakanta, magandang pangangatawan, at napakagandang mga mata tuwing nakikita niya itong hindi suot ang salamin nito. May mas malalalim pang dahilan kaya nahulog ang loob niya rito. Ngunit may malalim ding dahilan kung bakit hindi niya ito puwedeng mahalin

My Enigmatic Star MARICAR DIZON When you stopped being all over me, para akong nawalan ng bagay na mahalaga sa akin.

Sa tagal ni Coffee bilang isang showbiz reporter, walang sekretong hindi niya alam tungkol sa mga celebrity. At kung mayroon mang hindi niya alam, gumagawa siya ng paraan upang malaman niya iyon. Ngunit may isang tao na medyo nahihirapan siya--si Ace Ricafort, isang sikat na modelo. Kahit ano ang gawin niya ay wala siyang mapiga tungkol sa mga personal na bagay tungkol dito. Ngunit isang gabi, aksidenteng nalaman niya ang pinakamatinding sekreto nito. Hindi nito itinago ang inis at galit nito sa kanya. At dahil inis din siya sa kasupladuhan nito, ipinangako niya sa sariling aalamin niya ang lahat tungkol sa sekreto nito, pagkatapos ay isusulat niya iyon para malaman ng mga tao. Ngunit tuwing may nalalaman siya tungkol dito ay lalong nabubuhay ang pagnanais niyang makilala pa ito. Hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan: nahulog ang loob niya rito. Bigla siyang natakot. Alam niyang walang kahahantungan iyon. Para kasi kay Ace ay isa lamang siyang makulit at pakialamerang reporter na gusto nitong ipagpag paalis sa buhay nito...

3722

3778

A Decade of Love MARICAR DIZON I dont want you to get over me. I love you. So please, just keep on loving me. Sampung taonganoon na katagal umiibig si Claire sa basketball heartthrob na si Paul Corcuera. Pero sa loob ng mga taong iyon ay malinaw ng ipinahayag nito sa kanya ang disgusto nito sa kanya at sa mga babaeng kagaya niya. Ang gusto raw nito ay isang babaeng tipong Maria Clara. Dahil sa kahibangan niya sa pag-ibig, pinilit niyang baguhin ang sarili para dito. Ang akala niya eepekto ang kanyang ginawa, hindi pala. Sa huli ay luhaan pa rin ang puso niya. She decided to finally give up. Ngunit isang pangyayari at naging daan upang magkasama sila. Kailangan nilang magtulungan para sa kapakanan ng dalawang taong kapwa mahalaga sa kanila. She put aside first her differences with Paul. Tama ba ang desisyon niya? Paano kung sa pagkakalapit nila ay lalong lumalim ang pag-ibig niya rito at manatili siyang hindi makaaahon?

My Little Starling PRINCESS FAYE It felt right to have her in his arms as right as loving her with all of him. Maya hated being manipulated. Hinding-hindi siya papaya sa kasunduan ng namayapang lolo niya at ng kaibigan nitong si Mao Lin na ipakasal siya kay Ren, ang apo ni Mao Lin. Nang hindi pumayang si Mao Lin na huwag nang ituloy ang kasal nila ni Ren, ang binata naman ang kinausap niya para kumbindihing huwag silang magpakasal. Gayon na lang ang tuwa niya nang pumayag itong tulungan siya. Magpapanggap day silang tanggap na nila na ipapakasal sila at nais munang makilala nang mabuti ang isat isa para madelay ang wedding arrangements. Pagkatapos ay bigla na lang itong mawawala isang araw at wala nang magagawa ang kahit na sino. It was a perfect plan. Until she found herself falling in love with him.

3545

3617

To Find You Once Again PRINCESS FAYE I had let you inside my heart and I do not have the means to take you out of there.

At Last, A Love To Last MARICAR DIZON Tinatanong ako ni Mama at Papa kung anong gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?

Nasa high school pa lamang si Nikki nang makilala niya si Matt. She was the campus princess, he was the campus nerd. Pero hindi naging hadlang iyon para magkalapit ang mga loob nila. Masaya siya kapag kasama niya ito. But everything went sour when she denied him in front of her friends on the night of their Christmas ball. That was the last time she ever saw him. She thought she would never see him again. Pero pagkalipas ng pitong taon, bigla itong dumating uli sa buhay niya. He was now a full-grown man oozing with confidence and appeal. And she realized she wasnt completely over him. Was it all right to believe in second chances?

Hindi inakala ni Gemma na magkakaroon ng katugon ang pagmamahal niya para kay Carlo. Ngunit kailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil alam nilang marami ang hahadlang. Ngunit pagkatapos ng isang gabing pagpapadala nila sa damdamin nila ay nabisto sila ng mga taong pinaglilihiman nila. She was forced to leave his house and his life. Umalis siyang ang tanging dala ay ang buhay na alaala ni Carlo. Darating kaya ang araw na magiging Malaya silang mahalin ang isat isa?

3585

3764

Not Jut Someone To Love

Paano Kung Mahal Na Kita?


HAZE PRADO Girlfriend na kita, boyfriend mo na ako. Hindi pa ba talaga halatang in love ako sa yo? Hindi nakatanggi si Bianca nang pakiusapan siya ng mayari ng pinagtatrabahuhan niyang kompanya na maging tutor ng apo nito. Isa pa ay kailangan ng batang si JB ng atensiyon at pagmamahal. Maayos naman ang lahat sa trabahong iyon kung hindi pumasok sa eksena si Jervis, ang tiyo ng bata. Wala itong ginawa kundi punahin ang bawat kilos niya. Kulang na lang ay sabihin nitong wala itong tiwala sa kanya at sa kakayahan niya. Kaya naman nagulat siya nang bigla siyang ipakilala nito bilang girlfriend sa babaeng humahabol dito. Hindi lang iyon, sweet na sweet ito sa kanya kapag hinihingi ng pagkakataon. Hanggang sa unti-unti na siyang nasasanay sa pagpapanggap nila, kaya nagpasya siyang putulin ang palabas nito. Siguradong magbubunga iyon ng isang bagay na iniiwasan niya: Ang tuluyang mahulog ang loob dito. Alam niyang masasaktan lang siya dahil hindi siya maaaring umasa na matutugunan ang damdaming iyon

LAURICE DEL RIO I do want to invest something. My heart. That is, if you would take it. And I just hope that you would Noon pa mang mga bata sila, naiinggit na si Camz sa half sister niyang si Steph dahil narito na ang lahat. Higit pa niyang kinainggitan ito nang malaman niya na ito ang gusto ng lalaking sa unang pagkakita pa lang niya ay nagpatibok na ng puso niyasi Wax. Kaya tinanggap na niya sa sarili na hanggang sa pangarap na lang siya mamahalin ng binata. Ngunit isang araw ay tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nagsimulang magpakita ng interes sa kanya si Wax. He became impossible to ignore. At ang puso niya na dati nang may lihim na pagtingin dito ay hindi napigilang lalo pang malulong dito. But just when she thought he was already feeling the same way towards her, she discovered a painful truth that shattered her heart into pieces

3630

3730

Starstruck, Lovestruck

Anything But Ordinary


ARIANNE MORALES

ANN MARGARET I dont think Ill ever love anyone else the way that I do with you. Nagsimulang magulo ang mundo ni Eristelle nang aksidenteng mapasubsob siya at mapahalik kay Shinrei Mondragon, ang guwapo ngunit kilalang pasaway sa kanilang campus. Mula noon ay sinundan-sundan na siya nito. May gusto raw siya rito. At ang sabi pa nito ay girlfriend na siya nito dahil nahalikan na niya ito. Ayaw nitong maniwala sa kanya na hindi niya sinadya ang nangyari. Pero wala na siyang magagawamaniwala man ito o hindi dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito. Nagtagumpay si Shinrei; hindi nasayang ang pangungulit nito. Ngunit siya pala ang talunan. Nalaman niyang pinagkatuwaan lang pala siya nito at aliw na aliw lang itong asarin siya. Tama ba namang paglaruan nito ang puso niya?

Ano pa bang kailangan kong gawin upang makita mong mahal kita? Kinailangan ni Sabrina na magpakasal sa isang estranghero para mas mapadali ang pagtatrabaho niya sa Japan. Nagpirmahan sila ng kontrata na babayaran niya ito buwan-buwan kapalit ng paggamit niya ng apelyido nito sa loob ng dalawang taon, pagkatapos ay maghihiwalay na sila ng landas. Kahit nahihirapan, kayod-kalabaw siya sa pagtatrabaho. Ngunit biglang nagkaroon ng twist ang routine ng buhay niya nang sumulpot ang kanyang asawa sakay ng mamahaling kotse, nagde demand na ipawalang-bisa niya ang kasal. Ang higit na nakakagulat, hindi ang mukha ng Takeshi Matsuda na pinakasalan niya ang nakita niya. But he was Takeshi Matsuda, all right. Naghuhumiyaw iyon sa mga ebidensiyang hawak nito. Nagbanta itong kakasuhan siya nito kung hindi niya aayusin ang gusot na iyon, lalo at nagbabadyang masira ang reputasyon nito. Ngunit dahil wala siyang kakayahang gawin iyon, napilitan siyang magtrabaho sa poder nito at sundin ang lahat ng gusto nito. Pero kung inaasahan nitong katulad siya ng mga babaeng nagkakandarapa rito, nagkakamali ito. Ang kaso, ang puso niya ang nagkandarapa rito at nanganganib na tuluyang mahulog dito.

3573

3666

My Girl BELLE FELIZ Mamahalin mo rin ako, maniwala ka.

Finding Love Unexpectedly DAWN IGLORIA Youve been weaving magic in my life since the day I met you.

Hindi naging maganda ang pagkakakilala ni TQ kay Bianca sa unang pagtatagpo nila. Talagang nainis si TQ sa babaeng bukod sa mukhang lalaki ay mapagsamantala pa. Ang akala pa naman niya ay mabuting tao ito dahil tinulungan siya nito nang maaksidente siya sa daan. Iyon pala ay hihingi ito ng pera kapalit ng pagtulong nito. Mukhang pera, aniya rito. Talaga, tugon naman nito. Ngunit nang naglaon ay nakilala niya nang husto ang tunay na pagkatao nito. Habang lumilipas ang mga araw ay lalong gumaganda ito sa paningin niya. Masaya siya kapag kasama niya ito. Napatunayan niyang hindi naman pala ito mapagsamantalang tao. Isa pala itong responsable, masipag, at mapagmahal na ate sa mga kapatid nito. Isa rin itong mabuting kaibigan. Ito na rin siguro ang pinakamatatag na babaeng nakilala niya. Unti-unting nahulog ang loob niya rito. Nang hulog na hulog na siya ay nagawa niyang masabi na gusto niya ito. `Tol, tibo ako, hindi mo alam `yon? Ang saklap ng kapalaran niya.

May kasunduan si Malou at ang kaibigan niyang si Harry bago ito namatay na gagamitin niya ang sperm na inilagak nito sa sperm bank. Puwede niyang hindi sundin ang death wish nito kung makakahanap siya ng matinong boyfriend sa loob ng anim na buwan pagkawala nito. Ang kaso ay minamalas yata siya dahil mailap ang lalaking nakalaan sa kanya. Kaya tinupad na lang niya ang pangako sa kaibigan. Walang problema roon. She desperately wanted a baby. Ngunit bigla niyang nakilala si Odie. Pinatunayan nito sa kanya ang sarili. Ipinadama nito sa kanya ang pagmamahal na matagal nang naging mailap sa kanya. She was walking on cloud nineisang bagay na hindi na niya inaasahang mangyayari pa sa kanya sa piling ng isang lalaki. Pero kailangan na niyang ipagtapat dito ang lahat. Kung tatanggapin pa rin siya nito pagkatapos niyon ay ito lang ang makapagsasabi.

3684

3716

The Royalls Pleasure DREAM GRACE I want to marry you so bad because youre the only one I trust with all my scars, my secrets, and my lies.

Cupids Trick GYPSY ESGUERRA I wont fall for anyone else. Sigurado ako doon. Because I was always and have always been in love with you. College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pagibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na itong sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa nitong tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto nito! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana! Para hindi na lang siya masaktan, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila. Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang itong sumulpot sa gabi ng birthday niya, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes. She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya nito?

Hindi pa man personal na nakikilala ni Kim si Royall ay marami na siyang naririnig tungkol dito. Kalahati yata ng female population ng kanilang opisina ay humaling na humaling sa kaguwapuhan nito. And she was no exception nang makaharap na niya ito. Pero sino ba siya para pangarapin ang isang tulad nito?Napakaordinaryo niyang babae at mahiyain pa. Batid niyang pakikipagkaibigan lang ang pakay nito sa pakikipaglapit nito sa kanya. Isa pa, mabilis pa yata sa pagkurap ng mata ang pagpapalit nito ng nobya. Kaso, anuman ang pigil niya, umusbong pa rin ang damdamin niya rito. Paanoy ngiti pa lang nito ay sumisirko na ang puso niya.

3715

3482

Tell Me You Love Me Something About Love NOELLE ARROYO NICKA GRACIA In the middle of silence, I heard the fast beating of my heart. I just knew right that moment I laid my eyes on you, I was never the same again. Nakipag-break kay Digna ang boyfriend niya dahil ayon dito ay hindi naman talaga nila mahal ang isat isa sa tunay na kahulugan niyon. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ang alam niya ay mahal niya ito. Hanggang makuha ng boss niya na si Exie ang atensiyon niya. Bumibilis ang pintig ng puso niya tuwing tinititigan siya nito. Daig pa niya ang nadaiti sa live wire kapag nagkakadaiti ang mga balat nila. Para ding ginamitan ng Mighty Bond ang mga mata niya na tila forever na niyang gustong mapagkit ang kanyang tingin sa guwapong mukha nito. Mga bagay iyon na kailanman ay hindi niya naramdaman sa ex-boyfriend niya. Right there and then, naintindihan niya ang nais ipunto ng kanyang dating nobyo. Marahil, ngayon pa nga lang siya nagmamahal kay Exie. Pero mabibigo pa yata ang kanyang puso na nagmamahal sa unang pagkakataon. Dahil may ibang babae sa buhay nito. I did not plan for this. For me to fall for you. Ang plano , pagkatapos ng lahat I will let you go Pero ngayon, alam ko nang hindi ko magagawa iyon It was the best thing that ever happened to me. Nakilala ni Yzee ang napakaguwapo at napakakisig na may-ari ng isla kung saan nakatira ang tiyo at tiya niya. Sa kabila ng mga katangiang iyon ni Andro ay may kapintasan ito. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang humanga si Yzee sa lalaki. Kaya nang kailanganin ni Andro ang kanyang tulong ay pinagbigyan niya ito. Nagpakasal siya rito nang kailanganin nito ang isang asawa para sa isang importanteng business transaction sa mga banyaga. Pero sa sandaling pagpapanggap ay nahulog siya rito. At tila ganoon din ito sa kanya. Kung kailan masayang-masaya na siya sa nadiskubreng pag-ibig, saka niya naunawaang isa lang siyang maliit na pain sa isang sistema ng mga mayayamang negosyante at laro ng isang makapangyarihang pamilya. Hindi naging tapat si Andro sa kanya sa lahat ng bagay. At kahit mahal pa rin niya ito, kahit nauunawaan niya ang sitwasyon nito, kinailangan pa rin niyang lumayo para masiguro niya ang katatagan ng kanilang mga puso

3660

3450

You might also like