You are on page 1of 1

Paasa 101: Pangakong Napako by Yebba Calucin Naniniwala ka pa bas a mga taong nangangako? Ako, hindi na.

Sa dinami-daming taong nangako sa akin, kadalasan napapako ang mga pangako nila. Pero marami pa rin ang naniniwala sa mga pangako, kahit ilang beses na itong napako, at hindi ko rin naman sila masisi. Nandiyan kasi yung unay kukunin ang iyong tiwala, ibibigay sa iyo yng oras, kalinga at kung anu-ano pa upang makuha ang iyong loob. Minsay pagkakagastusan ka pa talaga. Kukumustahin ka paminsan-minsan, hanggang sa dumalas-dalas na ito. Ipapadama ng taong yun kung gaano ka kahalaga sa kanya. Siguro pa ngay lalabas pa kayo para manood ng sine, para kumain sa isang magarang kainan o kaya kwek-kwek at isaw sa kanto, o kaya maglaro sa arcade hanggang sa magkasawaan kayo. Kadalasan siya pa ang may sagot sa gastos niyo. Pero di ka naman talaga dun nadala --- sa ika ngay financial investment niya sa iyo. Mas matimbang pa rin ang emotional attachment na itinanim niya sa iyo. Kung minsay makasama mo lang siya maglakad-lakad sa sidewalk ay ayos na. Nandoon din yung kilig factor na ihahatid ka pa niya sa sakayan o kaya sa bahay mo mismo kahit disoras ng gabi at tatawagan ka pa niya para lang masigurong nakauwi ka ng matiwasay. At mas kikiligin ka pa lalo sa kanya kapag nalaman mong di siya tulad ng karamihang nagmamadali at padalos-dalos sa mga bagay-bagay. Na sa tinagal-tagal mong pag-hintay sa inyong unang matamis na halik, ang ibibigay niya ay ang init ng kanyang yakap at kalinga ng kanyang paghalik sa iyong noo. Ang kasunod niyan ay paniniwalain ka niyang pareho kayo ng mda idelohiya at pananaw sa buhay. Bigla-bigla na lang ay pareho na kayo ng paboritong kulay, pagkain, pelikula at kung anu-ano pang magsasabing compatible nga talaga kayo at na siya ay ang soul mate mo. Pagkatapos non ay ilalatag niya na sa iyo yung mga plano niya sa hinaharap na kasama ka. Mangangako siyang paliligayahin ka, aalagaan ka at sasabihin niya sayong nandito siya ngayon hindi upang makipaglokohan pero para manatili habambuhay. At ngayong nakuha niya na angiyong loob, at kung minsay pati utang na loob, ikay gagamitin lamang para sa sariling kapakanan at bigla ka na lang iiwan sa kawalan. Ang kanyang mga pangako ay napako, mga plano ay naglaho, at mga plataporma ay nawala. Parang mga politiko lang natin dito sa Pilipinas. Matapos kang suyin, paibigin, pangakuan ng mg magagandang kinabukasan, kapag sila na ay maihalal sa pwestong nais nila, ay itsapuwera ka na. Kaya mag-ingat at mas maging mapanuri ngayong campaign period dahil paiibigin ka talaga ng kandidato ngayon. Habang palapit nang palapit ang eleksyon, panay ang pagpaparamdam ng mga ito. Pupunuin ang paligid mo ng mga mukha at bolerong tagline nila. Gagawin nila ang lahat makuha lamang ang iyong boto, at matapos ng eleksyon ay hindi rin matutupad ang kalsada, feeding prorgram, laban sa korapsyon, mas magandang edukasyon at kung anu-ano pang pangako. Matapos mong ibigay sa kanila ang ninanais nilang boto, ang isusukli sa iyo ay kakapiranggot na serbisyo, mumunting alaala ng mga campaign materials tulad ng poster, sticker at t-shirt, at saka unti-unting mababasag ang inaasam-asam na pangarap na maginhawang buhay. Ito ay isa sa mga masasakit na katotohanan na halos nararanasan ng lahat. Ngunit, di ko pa nga rin talaga masisisi ang mga nahuhulog sa patibong ito. Nagtiwalat nagmahal ka lang, walang mali doon. Manlolokot paasa lang siya, mali yun.

You might also like