You are on page 1of 2

Mga Regulasyon at Probisyon ng Kampanya para sa Pagwawasto

Ang lahat ng kumpanya, indibiduwal at manggagawa mula sa ibang bansa ay hinihiling na iwasto kaagad ang mga paglabag sa mga pahintulot para sa paninirahan at mga regulasyon sa paggawa bago matapos ang palugit sa 24/8/1434H alinsunod sa 3/7/2013G. Ang mga may kaugnayan na ahensiya ay sisimulan ang mga kampanya para sa inspeksiyon at ilalapat ang mga regulasyon sa mga lumalabag, na kapwa mga employer at mga manggagawa mula sa ibang bansa sa pagtatapos ng palugit.

Mga Regulasyon ng Kampanya para sa Pagwawasto:


Ang lahat ng manggagawa mula sa ibang bansa na lumalabag sa pahintulot para sa paninirahan at mga regulasyon sa paggawa na ninanais iwasto ang kanilang estado at manatili para magtrabaho sa Kaharian ng Saudi Araiba ay hindi kasama sa mga parusa at multa na kaugnay sa kanilang mga paglabag, maliban para sa mga singil, para sa nangyaring mga paglabag bago ang 25/05/1434H alinsunod sa 06/04/2013G. Sa kaso ng huling paglabas sa bansa sa panahon ng pagwawasto, ang mga manggagawa mula sa ibang bansa ay hindi pagbabayarin ng mga singil sa pahintulot para sa paninirahan, pahintulot para magtrabaho, mga parusa at multa kaugnay ng mga paglabag sa mga nakaraang panahon, kasama ang pagtatala ng mga fingerprint ng mga kailanman hindi ipinarehistro ang kanilang mga fingerprint para sa pag-update ng data. Hindi pipigilan ng pamamaraan na ito ang manggagawa mula sa ibang bansa na makabalik muli sa Saudi Arabia kung siya ay makakakuha ng bagong visa para makapasok. Ang pamamaraan na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng Passports Directorate (Pangasiwaan para sa mga Pasaporte).

Ang panahon ng pagwawasto ay hindi kinasasangkutan ng mga ilegal na pumasok sa Saudi Arabia nang walang pahintulot.
Ang mga manggagawa mula sa ibang bansa na hindi pumasok sa kanilang trabaho (laban sa kung para kanino isinumite ang mga abiso para sa pagtakas) o para sa mga tao na ang mga pahintulot para sa paninirahan at pahintulot para magtrabaho ay natapos na, maaari nilang iwasto ang kanilang estado alinman sa: pamamagitan ng pagbalik sa trabaho para sa kasalukuyang employer, o ilipat ang kanilang mga serbisyo sa isa pang employer, nang hindi nangangailangan ng pag-apruba ng kasalukuyang employer. Anumang mga hindi pagkakasundo sa mga personal na karapatan sa pagitan ng mga manggagawa at ng mga kasalukuyang employer ay aayusin sa pamamagitan ng may kakayahang mga awtoridad sa hukuman, na isinasaalang-alang ang mga sumusunod: Ang paglipat ng serbisyo sa mga kumpanya ng pribadong sektor na mayroong kabuuang bilang na 10 manggagawa at mahigit pa ay hindi pupunta pababa sa ilalim ng green class. Hindi dapat hihigit sa 4 na manggagawa mula ibang bansa ang ililipat sa mga napakaliit na kumpanyang nasa green na mayroong kabuuang bilang na 9 na manggagawa o mas kaunti, at ang kumuha ng kahit isang empleyado na taga-Saudi, ang employer man mismo o isa pang taga-Saudi sa pinakamababang sahod na 3,000 Saudi Riyal, sa kondisyon na ang kabuuang bilang ng mga manggagawa sa iisang kumpanya ay hindi lalampas sa 9 na manggagawa pagkatapos ng paglipat. Ang pamamaraan na ito ay dapat isagawa sa pamamagitan ng mga tanggapan sa paggawa.
Ang mga lokal na manggagawa na hindi pumasok sa trabaho (laban sa kung para kanino isinumite ang mga abiso para sa pagtakas) o mga tao na ang mga pahintulot para sa paninirahan at pahintulot para magtrabaho ay natapos na, ay pinahihintulutang iwasto ang kanilang estado, alinman sa: bumalik sa trabaho sa kasalukuyang employer kung pareho silang sasang-ayon, o ilipat ang kanilang serbisyo sa isa pang employer bilang mga lokal na manggagawa. Ang pamamaraan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Passports Directorate (Pangasiwaan para sa mga Pasaporte), o ang paglipat ng kanilang mga serbisyo sa mga pribadong kumpanya nang hindi nangangailangan ng pahintulot ng kasalukuyang employer. Ang pamamaraan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga tanggapan sa paggawa. Para makumpleto ang paglipat ng mga serbisyo, kinakailangan ang mga sumusunod: Ang kabuuang bilang ng mga lokal na manggagawa sa iisang pamilya ay hindi dapat lalampas sa 4 na lokal na manggagawa pagkatapos ng proseso ng paglipat. Ang paglipat ng serbisyo ng lokal na manggagawa sa mga kumpanya ng pribadong sektor na mayroong kabuuang bilang na 10 manggagawa at mahigit pa ay hindi dapat pumunta pababa sa ilalim ng green class. Hindi dapat hihigit sa 4 na manggagawa mula ibang bansa ang ililipat sa mga napakaliit na kumpanyang nasa green na mayroong kabuuang bilang na 9 na manggagawa o mas kaunti, at ang kumuha ng kahit isang empleyado na taga-Saudi, ang employer man mismo o isa pang taga-Saudi sa pinakamababang sahod na 3,000 Saudi Riyal, sa kondisyon na ang kabuuang bilang ng mga manggagawa sa iisang kumpanya ay hindi lalampas sa 9 na manggagawa pagkatapos ng paglipat.
Ang mga taong pumunta para sa Hajj o Umrah at ilegal na nanatili sa Kaharian bago ang 28/06/1429H, alinsunod sa 3/7/2008G ay pinahihintulutan iwasto ang kanilang estado bilang manggagawa sa sambahayan na may mga kanya-kanyang sponsor. Ang pamamaraan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Passports Directorate (Pangasiwaan para sa mga Pasaporte), o bilang mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya. Ang pamamaraan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan muna ng Passports Directorate (Pangasiwaan para sa mga Pasaporte) para itala ang data ng manggagawa mula sa ibang bansa, pagkatapos pupunta ito sa mga tanggapan sa paggawa para aprubahan ang pagiging karapat-dapat ng kumpanya alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon: Ang pamamaraan na ito ay hindi dapat humantong sa pagtaas ng kabuuang bilang ng lokal na manggagawa sa iisang pamilya sa 4 na lokal na manggagawa pagkatapos ng pagwawasto. Ang pamamaraan na ito ay hindi dapat humantong sa pagbagsak ng mga kumpanya na may kabuuang bilang na 10 manggagawa at mahigit pa sa ilalim ng green class. Ang pamamaraan na ito ay hindi dapat humantong sa paglipat ng mahigit sa 4 na manggagawa mula sa ibang bansa sa napakaliit na mga kumpanyang nasa green na mayroong kabuuang bilang na 9 na manggagawa o mas kaunti, at ang kumuha ng kahit isang empleyadong taga-Saudi, ang employer man mismo o ibang taga-Saudi sa pinakamababang sahod na 3,000 Saudi Riyal, sa kondisyon na ang kabuuang bilang ng mga manggagawa sa iisang kumpanya ay hindi lalampas sa 9 na manggagawa pagkatapos ng paglipat.

Dapat pahintulutan ang mga kumpanya na baguhin ang mga propesyon ng kanilang mga manggagawa mula sa ibang bansa, anuman ang class ng kumpanya at mga gawain nito sa tinukoy na panahon para iwasto ang estado alinsunod sa mga may kaugnayan na regulasyon, sa pamamagitan ng mga elektronikong serbisyo ng Ministry of Labor (Ministeryo ng Paggawa).

Ang mga propesyon ng mga manggagawa mula sa ibang bansa (lokal at hindi lokal) ay maaaring baguhin nang walang mga singil sa panahon ng pagwawasto. Ang pagkakataon ay bukas para makinabang sa pagwawasto ng estado ng manggagawa mula sa ibang bansa para sa lahat ng nasyonalidad, nang walang hindi isasama, sa pinahihintulutang panahon para sa pagwawasto. Sa panahon ng pagwawasto, ang mga kumpanya ay dapat pahintulutan na lumampas sa mga porsiyento ng mga nasyonalidad na nasa istraktura ng bawat kumpanya, para mapangasiwaan ang pagwawasto at para isama ang bilang ng mga manggagawang nais iwasto ang kanilang estado, ngunit hindi kasama ang mga aplikasyon para sa pangangalap ng mga manggagawa.

Mga pangkalahatang probisyon:


1. Ang pagkuha sa trabaho, pagdadala at pagprotekta sa lumalabag na manggagawa mula sa ibang bansa ay isang paglabag na hahantong sa pagkakabilanggo para sa hanggang dalawang taon, gayundin ang mga pinansyal na multa na hanggang 100,000 Riyal para sa bawat paglabag. Ang parusa ay mumultiplikahin ng malaking bilang ng mga lumalabag. 2. Ang paglabag sa pagkaantala ng manggagawa mula sa ibang bansa na umalis ng bansa ay hahantong sa parusa ng pagkakabilanggo at mga pinansyal na multa. 3. Para mapatunayan na walang paghahabol sa mga personal na karapatan, ang bagong employer, kung kanino inilipat ang mga serbisyo ng manggagawa, nang walang pahintulot mula sa dating employer, sa panahon ng pagwawasto, ay ipinapangakong hindi magkakaloob sa manggagawa ng huling paglabas sa bansa o ng mga visa para sa paglabas at muling pagpasok para sa 3 buwan mula sa petsa ng paglipat ng serbisyo. Kung pinahintulutang umalis ng bagong employer ang manggagawa sa panahon na ito, siya ang magiging responsable para sa lahat ng legal na obligasyon sa ngalan ng manggagawa. 4. Ang mga lokal na manggagawa para sa pangangasiwa ay pinahihintulutang ilipat ang kanilang mga serbisyo sa mga kumpanya ng pribadong sektor nang may pahintulot ng kasalukuyang employer. Ang pamamaraan na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga tanggapan sa paggawa, alinsunod sa mga regulasyon na nasa item Bilang 5 ng kampanya para sa mga regulasyon sa pagwawasto. 5. Ang employer ay dapat maging responsable na panatilihing may bisa ang pahintulot ng manggagawa mula sa ibang bansa para sa pagtatrabaho at paninirahan sa panahon ng pananatili ng manggagawa sa Saudi Arabia, at ang anumang pagkakaroon ng may kinikilingan ay dapat pahintulutan ang manggagawa na wakasan ang ugnayan ayon sa kontrata sa pagitan niya at ng employer, at pahihintulutan siyang ilipat ang mga serbisyong nito sa isa pang employer nang walang pahintulot ng kasalukuyang employer. Ang mga regulasyon na ito ay mananatiling naaangkop kahit pagkatapos ng pagwawakas ng panahon ng pagwawasto. 6. Ang pagkabigo ng employer na ibigay ang mga dokumento ng manggagawa mula sa ibang bansa, ay hindi dapat pigilan ang paglipat ng kanyang mga serbisyo. 7. Wala dapat gawin na paglilipat ng mga serbisyo ng mga manggagawa na sakop ng panahon ng pagwawasto sa bagong kumpanya na itinatag pagkatapos ng petsa ng pagsisimula ng panahon ng pagwawasto sa 25/05/1434H alinsunod sa 06/04/2013G. 8. Ang estado ng mga manggagawa mula sa ibang bansa (paglilipat ng serbisyo, pagpapalit ng propesyon, atbp.) ay madaling maiwawasto sa pamamagitan ng mga elektronikong serbisyo ng Ministry of Labor (Ministeryo ng Paggawa) kung inaktiba ng kumpanya ang pangalawang antas ng mga elektronikong serbisyo. Para aktibahin ang pangalawang antas ng mga elektronikong serbisyo, maaari mong bisitahin ang pinakamalapit na tanggapan sa paggawa para makuha mo ang iyong sariling password ng kumpanya. 9. Ang manggagawa mula sa ibang bansa na nagtatrabaho sa isang kumpanya na pagmamay-ari ng isang banyagang mamumuhunan ay maaaring ilipat ang kanyang serbisyo o kumuha ng huling paglabas sa bansa nang walang pahintulot ng employer, kung umalis ang banyagang mamumuhunan sa Kaharian ng Saudi Arabia nang walang legal na kinatawan o awtorisadong tao para pamahalaan ang kumpanya.
(*) Ang mga propesyon ng mga manggagawa mula sa ibang bansa ay maaaring palitan ng anumang propesyon, maliban sa mga limitado para sa mga taga-Saudi, alinsunod sa pangangailangan ng employer, at batay sa kanyang mga kwalipikasyon at mga may kaugnayan na regulasyon. Ang employer dapat ang maging responsable para patunayan ang mga kakayahan at kwalipikasyon ng manggagawa habang pinapalitan ang kanyang propesyon. Ang mga propesyon ay madaling mapapalitan nang elektroniko, sa pamamagitan ng website ng Ministeryo. Kailangan pumunta ng mga manggagawa sa tanggapan sa paggawa para palitan ang mga propesyon na nangangailangan ng mga propesyonal na katibayan (tulad ng mga medikal at pang-inhinyerong propesyon), na nagsasabi na ang mga propesyon na limitado sa mga taga-Saudi ay: 1-Nakatataas na Administrador para sa Human Resources, 2Tagapamahala ng mga Tauhan, 3 Tagapamahala ng trabaho at manggagawa, 4 Tagapamahala ng mga ugnayan ng tauhan, 5- opisiyal para sa tauhan, 6- Klerk ng tauhan, 7-Klerk para sa pangangalap ng manggagawa, 8- Klerk para sa mga ugnayan ng tauhan, 9-Klerk para sa attendance, 10- Pangkalahatang resepsyonistang klerk, 11- Resepsyonistang klerk sa hotel, 12- Resepsyonistang klerk para sa mga pasyente, 13- Klerk para sa mga paghahabol, 14- Kahera, 15- Guwardiya, 16- Government relations expeditor (Tagapamahala sa proseso ng mga ugnayan sa pamahalaan), 17- Gumagawa o nag-aayos ng susi, 18- Taga-clear sa customs, 19- Mga manggagawang babae sa mga pambabaeng tindahan.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Interior (Ministeryo para sa pambansang seguridad, imigrasyon at customs) www.moi.gov.sa o ang website ng Ministry of Labor (Minsteryo ng Paggawa) www.mol.gov.sa, o tawagan ang Customer Service Center (Sentro para sa Serbisyo sa Customer) sa 920001173

You might also like