You are on page 1of 2

LEGASPI, ANGELITA M.

BSCA-III

Kung si Rizal ay hindi nag-aral sa Espanya, ano kaya ang kanyang naging kapalaran?

Umalis si Rizal sa bansa noong May 3, 1882 patungong Espanya. Pumunta siya doon upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, lalong pagbutihin ang kanyang karunungan at kagalingan sa larangan ng sining at lalo pang hasain ang kanyang mga talento para sa mas ikabubuti ng kanyang serbisyo o paglilingkod sa ating bansa. Sa kanyang pananatili doon ay kasama niya ang isang lihim na misyon. Isang misyon na kinakailangan niyang gampanan para sa bayan. Ito ay ang misyon na obserbahan at pag-aralan mabuti ang pamumuhay, pulitika at gawain sa Espanya. Sa mga panahon na iyon ay nasa ilalim tayo ng mga Espanyol kung saan ay ang mga ito ay hayagang tinutuligsa ang ating gobyerno at ang mga batas at pamamalakad nito. Sumali si Rizal sa mga propaganda upang tulungan ang ibang kapwa natin Pilipino sa paglaban sa mga Espanyol na ito sa ating bansa.

Mas pinili niyang lumaban gamit ang kanyang karunungan kaysa gamit ang baril o anumang sandata. Ayon nga sa kanya, On this battlefield, man has no better weapon than his intelligence, no other force but his heart. Sharpen, perfect, polish then your mind and fortify and educate your heart. Napakalaking bagay ang nagawa ni Rizal upang tayoy maging isa. Isang naging malaking bahagi ng ating pambansang bayani, ang kanyang pagiging isang manunulat at alagad ng sining. Sa pamamagitan ng kanyang talento sa sining ay naiparating niya sa bawat tao ang totoong kalagayan ng ating lahi at ang kanyang pananaw At masasabi kong walang ni isang Pilipino ang hindi siya kilala dahil siya tumatak sa isip at puso ng mga bawat Pilipino dahil sa kanyang nagawang dakilang kabayanihan para sa ating bayang sinilangan.

At nang dahil sa pagtuligsa ni Rizal sa mga dayuhang Espanyol, ito ang naging daan upang maisulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inialay niya ang nobelang ito para sa ating bayan. Malinaw na inilahad ni Rizal sa kanyang dedikasyon ang kanyang hangarin sa

pagsulat ng nobelang ito na mailahad ng mabuti ang sakit ng ating lipunan at humanap ng lunas dito. Ang pagkalimbag ng nobela ito ang naging tampulan ng atensyon ng mga panahong iyon.

Hindi kaila na tunay ang pagmamahal niya sa ating lahi dahil sa pinili niyang pamamaraan. Hindi lamang katotohanan ang binigyan niya ng halaga kasama na dito ang pagkapantay pantay at ang kalayaan.

Nasa puso ni Rizal ang paglaban at pagtulong para sa ating bayan, walang duda na isa siyang bayani sa puso at sa gawa. Kaya kung iisipin na kung hindi man siya nakapag aral sa Espanya, andiyan pa din ang kanyang taglay na katalinuhan. Nakaguhit na sa kanyang kapalaran na siyay isang bayani. Kaya sa aking palagay, nakapag aral man siya o hindi sa Espanya, iyon at iyon pa din ang kanyang magiging kapalaran, isang dakilang bayani ng ating bayang sinilangan.

You might also like