Professional Documents
Culture Documents
MARSO 2013
Page 0
ULAT LILA
MARSO 2013
Page 1
ULAT LILA
MARSO 2013
Chart 1. Rice Production and Imports, 2009-2011 Chart 2. Corn Production and Imports, 2009-2011
Sa kabuuan, hindi nakabangon sa loob ng tatlong taon ang di-balanseng pangangalakal sa agrikultura. Sa loob ng panahong nabanggit, umabot ng negatibong 187.54% ang average balance of trade sa agrikultura. (Tingnan ang Tsart 3) Imbes na ituwid ang pagkakamaling ipinailalim sa GATT-WTO ang pangangalakal ng bansa, mas idiniin pa ng pamahalaang Aquino ang kahalagahan ng pakikipag-partner sa mga pribadong sektor kahit sa usaping pagkain ng bayan.
Source: Bureau of Agricultural Statistics, and source of basic data - NSO, 2012
Sa mga pangunahing kailangang pagkain tulad ng bigas, ang Pilipinas ay isa sa top three importers nito sa buong mundo, kasama ang Indonesia at Nigeria.2 Kung tutuusin, kaya ng Pilipinas ang maging selfsufficient sa bigas dahil ito ay isang agrikultural na bansa. Idineklara pa mismo ng Department of
Page 2
ULAT LILA
MARSO 2013
Agriculture na kayang magprodyus ng 20.04 miliion metric tons (MMT) ng palay at 8.75 MMT ng mais ang Pilipinas kapag nabigyan ng mas malaking badyet sa 2013. 3 Ngunit mahihirapang maisakatuparan ang pagiging rice self-sufficient ng bansa sa dalawang salik: Una, nagbabala ang Asian Development Bank (ADB) na makakaapekto ng malaki sa pagtaas ng presyo ng bigas o price shocks sa pandaigdigang merkado kapag hindi itinuloy ng Pilipinas ang pag-angkat ng bigas, kagaya diumano ng nangyaring krisis pampinansya noong 2007-2008. 4 Hindi tinumbok na ang krisis ay dahil sa palalang monopolyo kapitalismo na nagdulot ng mas matinding kahirapan sa lahat ng dako ng daigdig. Pangalawa, napakaliit ng nilaang suporta para sa agrikultura lalo na nang naluklok sa poder si Aquino. Sa loob ng apat na taon mula 2009 hanggang 2012, hindi man lang tumaas ng 6% ang nakalaan para sa agrikultura. Pinakamababa pa noong 2012 kung saan 2.95% lamang ng kabuuang ginastos na Php1.8T ng gobyerno ang napunta sa agrikultura. (Tingnan Tsart 4)
ULAT LILA
MARSO 2013
Nagkainteres ang pribadong sektor dito dahil kumikita sila sa interes ng pautang. At sinisiguro nilang ang makakasama lamang sa programa ay yung may kapasidad na magbayad. Kahit ang ADB na tagapagtaguyod ng microfinance ay umaming hindi naging epektibo ang programa dahil naobserbahang karamihan sa mga nasa programa ay hindi ang pinakamahirap sa komunidad.6 Para naman sa mahihirap na naging bahagi ng programa, ang perang nahihiram ay nagagamit sa mas batayang pangangailangan kagaya ng pagkain, dagdag gastusin sa pag-aaral ng mga anak o gamot sa maysakit, imbes na maging puhunan sa negosyo o pambili ng gamit sa pagsasaka. At dahil sa liit ng kita nila sa gawaing bukid, hindi nila kayang bayaran lalo nat may interes ito. Dahil dito, lalong nababaon sa utang ang kababaihang magsasaka. Nakita ring hindi naging signipikante o wala ring pagbabago sa kalagayan ng mga nangutang, at hindi rin ito nakatulong para mapabuti ang kanilang panlipunang kondisyon.7 Ayon sa mga nakapanayam ng CWR na kababaihang magsasaka, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng abono at ang atrasadong pamamaraan sa produksyon ay nagdulot ng kaunting produkto at kita. Dahil dito, kumukuha pa sila ng ekstrang gawaing labas sa pagsasaka katulad ng paglalabada at pagiging kasambahay. Sabi pa ng mga nanay, walang signipikanteng pagbabago kahit pa nagkaroon ng ekstensyon ang CARP na tinawag na CARPER.8 Makakatulong ng malaki sa kababaihang magsasaka kung pinaglaanan ng malaking suporta mula sa bulsa ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa malaki pang pangangailangan sa makinarya, sa pananaliksik, at sa post-harvest activity. Sa matagal ng panahon, masyadong maliit ang inilalaang badyet para sa pagpaunlad ng agrikultura. Isa na rito ang paglalaan ng irigasyon sa lupang sakahan. Sa loob ng higit dalawang dekada, mayroon lamang 54% sa kabuuang lupang sinasaka ang may naitayong irigasyon ang gobyerno. May average na paglago ng 0.77% sa loob ng 21 taon ang pambansang sistema ng irigasyon ng lupa. Sa pagpatuloy ng ganitong kakulangan sa irigasyon, magiging mahirap ang makapagprodyus ng sapat-sapat para sa pagkain. (Tingnan Tsart 5)
Page 4
ULAT LILA
MARSO 2013
Page 5
ULAT LILA
MARSO 2013
Lakas Paggawa
Malaki pa rin ang bilang ng kababaihang hindi isinasama sa lakas paggawa. Noong 2012, 50.1% lamang ng kababaihan ang isinama sa lakas paggawa kumpara sa 78.5% na kalalakihan. At bumaba pa ang bilang ng 0.3% ng kababaihan mula noong 2011. (Tingnan Tsart 6)
Kahit pa mas mababa ang unemployment rate ng kababaihan, sa esensya, mas maraming kababaihan pa rin ang walang trabaho dahil hindi sila ibinibilang sa lakas paggawa. Sa tala ng National Statistics Office (NSO), mayroong 21,000 kababaihan ang nawalan ng trabaho mula 2011 hanggang 2012 batay sa sarbey ng BLES. At tumaas pa ito ng higit 2%. (Talahanayan 2)
Talahanayan 2: Number of Unemployed Persons, 2011 and 2012 (in thousands) Nominal Percent Sex 2011 2012
Difference Increase/ decrease
Page 6
ULAT LILA
MARSO 2013
Marami rin sa kababaihang nagtatrabaho ang underemployed o kulang sa 40 oras at naghahanap na madagdagan ang kanilang oras ng paggawa o kayay dagdag na pagkakakitaan. Noong 2011, may 7.2 milyon ang itinuturing na underemployed, o 19.3% ng kabuuang bilang ng may trabahong Pilipino. Sa huling kwarto ng 2012, tumaas pa ito sa 22.7%. Sa bilang na ito, 2.25 milyon ang kababaihan.14 Dagdag pa, ayon sa BLES, halos dalawa sa bawat sampung kababaihang may trabaho ang nasa low paid jobs. Noong 2011, 2.59 milyon o 17.7% ito ng kabuuang employed na kababaihan, mas mataas ng 0.9% puntos mula noong 2010. (Tsart 7)
Kapansin pansin rin ang mas mababang sahod ng kababaihan kaysa sa kalalakihan. Sa mga laborers and unskilled workers kung saan pinakamaraming kababaihang manggagawa, mas mababa ito ng 37%. Sa mga service workers naman, mas mababa ito ng 52%. (Tsart 8)
Page 7
ULAT LILA
MARSO 2013
Source: processed from BLES Gender Statistics on Labor and Employment 2012
Sa itinakdang family living wage ng IBON noong 2011, kinakailangan ng isang pamilya ng P993.00 para matugunan ang mga pang araw araw na pangangailangan ng pamilya. Pero ayon sa NEDA, kailangan lamang ng isang pamilya na may limang miyembro ng P258.96 para hindi maituring na mahirap. Kung ito naman ang susundin, batay sa datos ng BLES, nasa 5.4 milyon pa rin o 37% ng kababaihang may trabaho ang kumikita ng mas mababa sa itinakdang poverty threshold na ito. Kaugnay sa pinag-usapang kagutuman sa mga naunang pahina, karamihan sa pamilya sa mababang saray ay walang sapat na kita para makapag-ipon sa kanilang kakailanganin. Kumbaga, ang buhay nila ay nakabatay na lamang sa araw-araw na kita. Kung titingnan ang Tsart 9, makikita na napakalaki ng puwang ng kita ng pinakamayamang pamilya o yung nasa ika-10 saray (10th decile) sa mababang saray. Kahit ipagsama ang kita ng mga pamilyang nasa una hanggang ikalimang saray (first to fifth income decile) na aabot sa Php7.53milyon sa isang taon, ay hindi pa rin makakaabot sa kita ng ika-10 saray na umaabot ng mahigit Php1.3bilyon. Sa maliit na kita ng tatlong saray (first to third decile), mas malaki ang nagagastos nila kaysa kanilang kita kaya wala silang ipon. Habang ang nasa 10th decile ay nakakaipon pa ng 26.51% ng kanilang kita. Sa napakababang kita ng pamilya lalo na sa una hanggang pangatlong saray, marapat lamang na isakatuparan na ang mahigit isang dekadang panawagan sa Php125 na dagdag sahod sa mga manggagawa. Sa mahabang panahon, walang dagdag sa sahod ng manggagawa habang tumaas ang inflation rate ng may average 4.8% (2006-2012)15 kung saan hinahatak pa pataas ang presyo ng lahat ng batayang bilihin at pamasahe.
Page 8
ULAT LILA
MARSO 2013
Chart 9. Total Annual Family & Expenditure, by Income Decile, Philippines, 2009
(values in million Php)
Chart 10. Total Percentage Distribution of Female OFW, by Place of Work, April to Sept, 2007 2011
Page 9
ULAT LILA
MARSO 2013
Napakabulnerable ng sitwasyon ng mga nagtatrabahong kababaihan sa lugar na nabanggit dahil karamihan sa kanila ay napupunta sa mga trabahong nag-iisa at pribado bilang kasambahay at manggagawa sa pabrika. Sa mga kababaihang lumalabas ng bansa noong 2010, 72.83% ang service worker kung saan nabibilang ang kasambahay o domestic helper. Sinundan ito ng mga manggagawa na umabot sa 12.40%. Samantala, mayroon 9.35% ang nakukuha sa professional work at 0.31% lamang ang nasa managerial position. [Tingnan ang Tsart 11]
Chart 11. Deployed Female Land-based workers (New Hires) by Major Occupation, 2010
Malaking bilang sa mga migranteng kababaihan ay yaong nasa produktibong edad, 25 34 taong gulang na aabot sa 52.9% noong 2010 at 51.4% noong 2011. Interesante ding tingnan ang tumataas na bilang ng kabataan, edad 15 24 taong gulang ang pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho. [tingnan angTsart 12] Sila ang mas bulnerable sa pang-aabuso at mas mababang pasahod. Sila rin ang may tendensyang maging kimi sa mga abusadong employer.
Patuloy ang pagpadala sa ibang bansa ng mga manggagawang Pilipino dahil malaki ang naidadagdag ng remitans nila para sa ekonomya ng bansa. Sa taong 2012, nakapagpadala ang migranteng manggagawa ng US$21.391B (Php868.260B) sa bansa, may pagtaas ng 6.3% sa naibigay noong 2011.17 Ang kanilang remitans ay nakadagdag ng 8.5% sa kita ng bansa. Inaasahan din ng Bangko Sentral na makakabigay ng 5% dagdag ang mga OFW ngayong 2013.18 Center for Womens Resources Page 10
ULAT LILA
MARSO 2013
Inaasahan nang malaki ng gobyerno ang remitans para sa paglago ng ekonomya pero ito ay isang mabuway na sandigan dahil nakadepende ito sa pangangailangan ng kumukuhang bansa o receiving country. Kaya nga kung titingnan ang Tsart 13, may pagbaba ng 4.49% ang napaalis noong 2009 mula sa taong 2008. Ito ang panahon kung saan pumutok na ang pandaigdigang krisis pampinansya sa mga kapitalistang bansa na siya ring kumukuha ng mga migranteng Pilipino. Sa pagpasok ni Aquino, muling pinataas nito ng 5.63% ang pagpaluwas ng migrante para makaambag sa ekonomya.
Chart 13. Total Number of Deployed OFW, April Sept, 2007-2011 (in 000)
KABALINTUNAAN NG PAGBIBIGAY-SERBISYO
Sa kulturang Pilipino, ang serbisyo ay kusang-loob, kagyat, at de-kalidad na ibinibigay sa kapwa. Pero ngayon sa panahon ni Aquino ay tangan-tangan ang PPP, negosyo ang pagseserbisyo. Malaki ang tubo ng negosyante sa serbisyong kalusugan, edukasyon, pabahay, at yutilidad dahil ang mga ito ay batayang pangangailangan ng mamamayan. Sa kabilang banda, sinasabi ng pamahalaang Aquino na mabibigay ng pribadong sektor ang de-kalidad na serbisyo sa mamamayan kaysa sa bangkaroteng gobyero.
1. Pribatisasyon ng kalusugan
Lumiliit pa lalo ang ang kontribusyon ng gobyerno dahil sa tuluyang pagbenta ng serbisyong kalusugan sa pribadong sektor. Sa kabuuan, 3% lamang ng ating Gross Domestic Product (GDP) ang nakalaan para sa kalusugan sa bansa na di hamak na mas maliit sa itinakdang 5% na pamantayan na panukala ng World Health Organization (WHO). Ang pambansang badyet sa kalusugan na PhP 53.8 bilyon o PhP 0.62 kada araw bawat Pilipino ay kulang na kulang; ito ay malayo sa pamantayan ng pambansang alokasyong dapat inilalaan ng gobyerno. Ang halagang ito ay 16% lamang ng PhP 333.9 bilyong badyet na inilalaan para sa pagbabayad sa utang panlabas. Kaya habang tumatagal, malaking bulto ng gastusin para sa kalusugan ay galing sa bulsa ng bawat pamilya, kung saan umabot Center for Womens Resources Page 11
ULAT LILA
MARSO 2013
na ito sa 52.7% kumpara sa nilalabas ng gobyerno na 26.5%. Kahit ang ipinagmamalaking serbisyo ng gobyerno na National Health Insurance Program, isang programa sa ilalim ng gobyernong korporasyong Philhealth, ay napakaliit lang ang kontribusyon. Aabot lang ito sa 8.9%. Resulta ng piskal na debolusyon sa gobyerno, mas malaki ang inilaan ng local government na 15.3% kaysa sa national government na mayroon lamang 11.2%, kung saan ang serbisyong kalusugan sa kanayunan ay nakadepende sa pagkakaroon ng pondo ng local na pamahalaan. Dahil relatibong atrasado sa lokal, naging problematic ang ginawang decentralized na paggastos lalo nat sentralisado naman ang mga mauunlad na kagamitan sa urban at national. (Tingnan ang Talahanayan 3)
Talahanayan 3. Distribution of Health Expenditure by Source of Funds, 2007-2010 Source of Funds 2007 2008 2009 2010 GOVERNMENT 27.5 24.8 25.9 26.5 National Government 12.2 12.1 10.8 11.2 Local Government 15.4 12.7 15.1 15.3 SOCIAL INSURANCE 7.4 7.1 8.1 8.9 National Health Insurance Program 7.4 7.1 8.1 8.9
Employees' Compensation2 PRIVATE SOURCES Private Out-of-Pocket Private Insurance Health Maintenance Organizations Private Establishments Private Schools REST OF THE WORLD Grants ALL SOURCES 0 64.7 55 1.6 4.9 2.2 1 0.3 0.3 100 0 66.9 56.7 1.7 5.2 2.3 1 1.2 1.2 100 0 63.7 53.2 1.8 5.4 2.3 1 2.2 2.2 100 0 62.9 52.7 1.7 5.4 2.1 1 1.7 1.7 100
Para mas lalong mapabilis ang pagbebenta ng pampublikong ospital, ipinanukala ang House Bill 6069 o An Act Creating National Government Hospital Corporations at ang katapat nito sa senado na Senate Bill 3130 o National Government Hospital Corporate Restructuring Act. Kapag naisabatas ang mga ito, may 26 pampublikong ospital ang maisasapribatisa. Mas lalong hindi magiging abot-kaya ng mga mahihirap na pamilya ang pagpapagamot.
ULAT LILA
MARSO 2013
pinatamis na kontraktwalisasyon dahil isang taon lang ang kontrata kayat matapos ang isang taon ay wala na namang trabaho ang mga nars. Ang programang Doctors-to-the-Barrios (DTTB) na nasa ika-18 taon nang implementasyon. Batay sa DoH, mula noong 1993 ay mayroon nang 28 batches na may 553 doktor ang nagsilbi sa 390 malalayong munisipalidad sa 16 rehiyon ng bansa. Ipinagmamalaki ng DoH na sa pagtatapos ng taong 2012 ay wala nang doctorless na munisipalidad.19 Ngunit maging ang mga doktor ay ginigipit ng gobyerno. Noong 2011, maraming doktor sa kanayunan ang hindi nabigyan ng kanilang hazard pay. May isang kaso pa kung saan ang isang DTTB na nabigyan ng hazard pay ay inatasang isauli ang natanggap nyang PhP 17,000 000 dahil umano ito ay labis o dahil sya ay overpaid, ayon sa Commission on Audit (CoA). Kayat bagamat marami nang naipadalang doktor sa kanayunan, marami ang hindi nakakapanatili dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno. Sa Talahanayan 4, ikinumpara ang katha at katotohanan ng kalagayan sa kalusugan. Makikita dito na ang mga deklarasyon ni Aquino ay taliwas o kulang sa pangkalahatang nangyayari sa isyung pangkalusugan.
Talahanayan 4. Katha at Katotohanan Hinggil sa Kalusugan Ang Sabi ni P-noy sa Kanyang SONA 2012 Ang Tunay na Kalagayan, ayon sa Progresibong Sektor Pangkalusugan 1,672,977 na kananayan ang Ang 1,672,977 na kananayan ay bumubuo nakakapagpa-regular na tsek-ap lamang ng 25% ng kabuuang mga nagbubuntis (NDHS 2008) 1,672,814 na mga bata ang Ang mga nabakunahang bata ay 70% lamang nabakunahan laban sa diarrhea, polio, ng kabuuang bilang para sa edad 0-2 taong measles, at iba pang mga sakit gulang (NDHS 2008); 85% ng mga Filipino ay myembro ng Hanggang ngayon, mayorya ng PhilHealth Philhealth; may karagdagang 23.31 claims ay sa anyo ng reimbursement, at milyong Pilipino ang may akses sa mga umaabot lamang sa 30% ng kabuuang gastusin benepisyo at serbisyo ng PhilHealth sa ospital o total hospitalization cost. 5.2 milyong pinakamahihirap na Ang No Balance Billing ng Philhealth kabahayang natukoy ng National (halimbawang maipatupad) ay aplikable Household Targeting System ay lamang sa 5.2 milyong pamilyang naka-enrol sa magbebenepisyo na sa mga libreng ilalim ng PhilHealths Indigency Program programa ng PhilHealth. Dahil sa No (pinakamahirap na 20% ng populasyon). Ang Balance Billing Policy ng DoH, ang natitirang 60% ng populasyon na umaasa sa paggamot sa dengue, pneumonia, public health care system (batay sa datos ng asthma, cataractsgayundin ang DoH) at iba pang mga kaso ay sisingilin at ang paggamot sa mga catastrophic mamamayan ang papasan sa pagtataas ng diseases tulad ng breast cancer, gastusin sa pangangalagang pangkalusugan prostate cancer, at acute leukemia dulot ng pagtatanggal o phaseout ng charity ay maaaring makuha ng libre ng beds, at ng pribatisasyon ng pampublikong pinakamahihirap nating kababayan. ospital. Ang PhilHealth ay walang silbi sa mga erya na walang ospital at/o walang PhilHealthaccredited na ospital.
Pinaghalawan: 2012 SONA speech at Alliance of Health Workers (AHW)
Page 13
ULAT LILA
MARSO 2013
Pagkontrol ng populasyon
Sa usaping kalusugan ng kababaihan, napakalimitado ng pagtingin ng gobyerno. Nakapokus ito sa pagkontrol sa populasyon bilang solusyon hindi lamang sa problemang kalusugan ng kababaihan kundi pati na rin sa pangkalahatang problema ng kahirapan. Nakakawing kasi ito sa balangkas ng mga international funding institutions (IFIs) katulad ng IMF-WB at ADB. Kaya sa kapapasang Reproductive Health Law o RA 10354, naiplastar dito kung paano maisakatuparan ang pagkontrol ng populasyon. Tinutuntungan ng gobyerno ang pagdami diumano ng unwanted pregnancies na siyang dahilan ng paglobo ng populasyon. Idinadahilan din na karamihan sa mga ito ay mahihirap at walang akses sa contraceptives na siyang nagiging dahilan ng maraming nanay ang namamatay sa panganganak. Ang ganitong pananaw ay ipinagtibay ng isang 2009 joint report ng Guttmacher Institute at ng University of the Philippines Population Institute na may pamagat na Meeting Womens Contraceptive Needs in the Philippines, kung saan sinasabing 35% ng kababaihang mahihirap na may edad na 15 hanggang 49 ay kabilang sa 53% na hindi natutugunan ang pangangailangan sa kontrasepsyon (unmet need for contraception) kaya raw nagkakaroon sila ng mas maraming anak kaysa sa kanilang ninanais. At ayon din sa ulat, kung wala raw contraceptives, may dagdag na 3,500 kaso ng pagkamatay ng ina kada taon. 20 Ano ang kakulangan sa ganitong pagtingin? Una, napaka-myopic ang pananaw kung ang binibigay na salik sa mataas na mortality rate ng mga nanay ay pagiging unplanned or unmet need for contraception. Kaya may 12 nanay na namamatay araw-araw ay dahil sa wala silang akses sa isang dekalidad na serbisyo, may kakulangan sa ospital at medical practitioners sa mga lugar, at wala silang pera para makapunta pa sa ospital. Batay sa pag-aaral ng CWR sa siyam na pampublikong ospital sa NCR at mga hilot sa Central Luzon, maraming kababaihan ang mas pinipili ang hilot at manganak sa bahay dahil sa kulang sa badyet, mas personal na pangangalaga ng mga hilot, at malayo ang kanilang lugar sa mga ospital. Pangalawa, na mahigpit na kaugnay sa unang nabanggit, hindi prayoridad ng gobyerno ang magbigay serbisyo sa kalusugan kundi gawin itong negosyo. Kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya ang paglalaan para sa kalusugan ng gobyerno, makikitang pumapangatlo ito sa mga bansang maliit ang porsyentong nilalaan para sa kalusugan. (Tingnan ang Tsart 14)
Page 14
ULAT LILA
MARSO 2013
Source: UNESCAP
Pero kahit nagbigay puwang na sa pribadong sektor para sa serbisyong kalusugan, hindi pa rin nakitaan ng signipikanteng paglaki sa mga mga pasilidad para sa mga pasyente. Ayon mismo sa rekord ng Department of Health, mayroon lamang 10 kama kada 10,000 pasyente noong 2002, lumiit kumpara noong 1980 na 18 kama kada 10,000 pasyente. (Tingnan ang Talahanayan 5) Lalo nang binigyang puwang ang pribadong sektor na magnegosyo sa serbisyong pangkalusugan, mas hindi makakayanan ng kababaihang mahirap ang magpagamot.
Talahanayan 5. Number and bed capacity of government and private hospitals, Philippines, 1980 - 2002
Year 1980 1985 1990 1995 2000 2002 Number of Hospitals Total Gov't Private 1,607 413 1,194 1,814 624 1,190 1,733 598 1,135 1,700 589 1,111 1,712 623 1,089 1,738 661 1,077 Total 81,796 89,508 87,133 80,800 81,016 85,166 Bed Capacity Gov't 39,445 48,395 49,273 43,229 42,385 45,395 Private 42,351 41,113 37,860 37,571 38,632 39,771 Bed per 10,000 pop 18.2 15.5 14.0 11.8 10.6 10.7
Dagdag pa, nakitang mas kapaki-pakinabang para sa mga negosyante ang pagkontrol ng pagbubuntis ng kababaihang manggagawa. Sa Family Welfare and Business Productivity Summit noong ika-15 ng Nobyembre 2012 kung saan dumalo ang mga malalaking negosyante sa bansa na karamihan sa kawani nila ay kababaihan, nakita nilang nakatipid sila ng Php20 milyon dahil sa paghimok nilang gumamit ng contraceptive method ang kanilang mga manggagawa.21 Nakatipid sila sa pagbayad ng medical insurance at pagkuha ng bagong kawani. Ang summit na ito ay dinaluhan ng Philippine Chamber of Center for Womens Resources Page 15
ULAT LILA
MARSO 2013
Commerce and Industry (PCCI), Employment Confederation of the Philippines (Ecop), Makati Business Club (MBC), Management Association of the Philippines (MAP), Philippine Business for Social Progress (PBSP), at ilan pang mga negosyante at ahensya.22 Nakatabing sa konseptong corporate social responsibility, binigyan ng malaking papel ang pribadong sektor sa ilalim ng PPP para sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagbandila kung anong produkto ang dapat bilhin ng kanilang mga empleyado sa pagkontrol na manganak o di kaya namay sila mismo ang nagbebenta ng mga contraceptive methods na ito. Nangunguna ang USAID sa pamamagitan ng PRISM (Private Sector Mobilization for Family Health Project) sa pagbibigay puwang sa pribadong sektor para maging susing grupo sa pagkontrol ng kalusugan ng kababaihan. Isinasakatuparan na ang pamamahagi ng contraceptive method sa 78 probinsya sa bansa, kung saan ang pokus ay sa lugar sa kanayunan na malaki ang populasyon.23 Masyadong interesado ang US sa pagkontrol ng populasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang mahihirap pero mayaman sa rekursong bansa. Nabanggit na sa nakaraang Ulat Lila 2012 na isa sa dahilan ng pagaalala ng US sa pagdami ng tao sa mga mahihirap na bansa ay ang mas malaking bilang ng mga mag aalsa laban sa US lalo nat pinagkukuhanan nila ito ng mga hilaw na materyales.24
Talahanayan 6. Pondo sa Kalusugan, PhP 40 bilyon o US $ 1 bilyon Mga Dapat Pinaglalaanan ng Pondo sa Kalusugan Pondo para sa operational expenses ng mga pampublikong ospital upang patuloy na makapagbigay ng libreng serbisyo Isang taon makatarungang sahod ng 10,000 nars ng programang RNHeals Alokasyon para sa infant and child care services tulad ng vaccination at immunization 30,000 Karagdagang de-kalidad na hospital beds Hazard pay sa taong 2012 para sa mga 29,000 manggagawang pangkalusugan sa buong bansa Pagtatayo ng karagdagang 4,000 health centers sa mga liblib na baryo Rehabilitasyon sa mga nasirang health facilities dahil sa bagyong Pablo sa Mindanao Pre-natal, post natal at ante-natal care para sa mga kababaihang buntis na biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao Alokasyon para sa pagsugpo o pagkontrol ng mga sakit tulad ng TB, malaria, tetanus, polio, atbp Dagdag sahod, pagbabalik sa makatarungang meal allowance, at paglikha ng mga kakulangan sa mangagawang pagkalusugan kasama na ang mga doktor, nars, atbp. TOTAL
Tinatayang Halaga PhP 20 bilyon PhP 3 bilyon PhP 3 bilyon PhP1 bilyon PhP 232 milyon PhP2 bilyon PhP500 milyon PhP268 milyon PhP5 bilyon PhP 5 bilyon
PhP40 bilyon
Page 16
ULAT LILA
MARSO 2013
Kaya, ang mortality rate ng mga nanay ay mababawasan at hindi magiging problema ang paglaki ng populasyon kung ang balangkas ng gobyerno ay hindi nakakawing sa pagtugon sa interes ng iilan. Kailangan nating matuto sa karanasan ng mga bansang malaya at hindi sunod-sunuran sa dikta ng dayuhan na naging malusog ang mamamayan dahil sa ito ang naging prayoridad ng kanilang gobyerno. Kailangan ang libre, angkop, at agarang pagbibigay serbisyo sa komprehensibong kalusugan ng kababaihan mula pagkabata hanggang sa pagtanda para masiguro ang malusog na pamayanan.
2. Negosyo sa Pabahay
May tinatayang 30 milyong maralitang taga-lungsod [2010]. Malaking bahagi sa kanila ay makikita sa mga relocation sites, tenement houses, komunidad sa paligid ng mga empresa at engklabo, entreswelo, paupahang maliliit, at mga katulad nito. Matatagpuan din ang mga konsentrasyon nila sa mga tabingriles, tambakan, estero, pampublikong mga lupain at sa iba pang tinatawag ng gobyerno na eryang iskwater o informal settlers o yung nakatira sa mga lugar na inaari ng ibang tao. Tuwing eleksyon kagaya ngayong 2013, sila ang bida sa mga pulitiko dahil sa laki ng kanilang botong madadala. Bida rin ang mga maralita pagdating sa pagkalap ng pondo at utang. Sa parte ng gobyerno, ibinabandera ng pamahalaang Aquino ang pagprayoridad sa kanila kaya nga nakakakuha ito ng pautang mula sa sa World Bank, Cities Alliance, Japan, at UN-Habitat para diumanoy masagutan ang 3.6 milyong backlog sa pabahay ng pamahalaan.25 Sa Metro Manila pa lamang, mayroon ng 600,000 pamilyang maralita na nabubuhay sa Php46 kada araw lamang. Karamihan sa mga pamilyang ito ay nakaranas na idemolis at inililipat-lipat sa mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal, sa Calauan, Laguna at sa San Miguel, Bulacan.26 Ginawang dahilan ng gobyernong Aquino na nasa danger zone diumano ang mga tinitirhan at kailangan lamang iligtas sa sakuna lalo nat typhoon-prone ang Pilipinas. Pero ang iniaalok na alternatibo ay malayo sa mga pinagkakakitaan ng mga tao sa araw-araw. Bukod sa malayo sa trabaho, ang mga lugar na inililipat ang mga tao ay wala ring ilaw at tubig.27 Ayon sa nakapanayam ng CWR tungkol sa isyung pabahay, ang mga ibang nagtiyaga na tumira sa ganoong sitwasyon ang nagsikap na ipaunlad ang lugar. At kapag marami na uli ang nasa lugar at kaayaaya ng tirhan, mayroon na namang tao na magsasabing pagaari nila ang lupa at pilit na naman silang pinalilikas sa marahas na paraan.28 Sa nakitang determinasyon ng mga maralita na ipaglaban ang kanilang karapatan sa paninirahan, nakita ng negosyante na mas gamitin ngayon ang pamamaraang popular din sa maralita ang on-site redevelopment o in-city relocation na payo ni Prof. Bernardo Villegas ng University of the Asia and the Pacific.29 Kinokonsidera ito ni Noynoy Aquino na
Page 17
ULAT LILA
MARSO 2013
ipatupad sa pamamagitan ng ugnayan ng HUDCC (Housing and Urban Development Coordinating Council) at ng asosasyon ng mga housing developers. Sa symbiotic arrangement na ito, nagkaroon ng plano na magtayo ng 1,750 medium-rise residential buildings MRBs) sa minimum, para mabigay sa 20,000 maralitang pamilya.30 Ipinagmalaki rin ni Aquino ang imbestment na Php169.4 milyong kontrata sa mga negosyante para sa Iloilo Resettlement Project para ipagpagawa ng 1,000 bahay.31 Ang pagpatayo ng mga low-cost housing na dinesenyo para diumano sa mga maralita ay isinasama sa imprastraktura at imbestment na tinitingnang nagpalaki ng GDP ng bansa. At dahil panahon ng eleksyon, pansamantalang ititigil ang demolisyon lalo na sa mga mataong komunidad. Magiging bida ang maralitang komunidad sa mga kandidato para makuha ang kanilang boto. Kaya sa ngayon, isang malaking hamon para sa maralitang pamilya kung paano nila ipaglalaban ang kanilang karapatan. Ginigisa sila sa sariling mantika dahil ang kanilang panawagan ang siyang ginagamit na sangkalan ngayon ng gobyerno para pagkakitaan.
Page 18
ULAT LILA
MARSO 2013
Napakababa ng nagtatapos dahil sa 27.84% lamang ang pampublikong kolehiyo o unibersidad at patuloy pang isinasapribatiba ang mga ito. Ang mga SUCs naman ay tinaasan ang tuition, kagaya halimbawa ng sa UP kung saan sa mga bagong nakapasa, Php1,500 kada yunit na ang babayaran. Kung tutuusin, ang tuition ng UP ay katulad na rin ng mga ilang pribadong unibersidad. Pagkatapos pang magsunog ng kilay, napakalimitado ng oportunidad para makapaghanap ng trabaho. Ang payo pa ni Secretary Baldoz ng DOLE, wag mamili sa papasukan. Sinabi rin ng NSCB Board Secretary-General Jose Ramon Albert na isa sa bawat limang walang trabaho ay nakapagtapos ng kolehiyo.33 Ayon pa kay Albert, tumaas ng 20.2% ang walang trabaho nitong 2011, mula sa 19.5% ng 2010. Pero ang nakikita pa niyang dahilan ay ang pagiging mapili ng mapapasukan dahil karamihan diumano sa walang trabaho ay nakapagtapos ng medical courses, craft and industrial designs, engineering at architecture.34 Hindi nakitang ang pangunahing salik sa walang mapasukan ang mga nakapagtapos na ito ay dahil kulang o walang puwang na mabigyang oportunidad na mapaunlad ang kakayahan ng bawat mamamayan, sampu na ng kababaihan. Sa programang PPP ni Pnoy, ang mga trabahong bukas lalo na sa kababaihan ay iyong tinataguriang vulnerable, informal, low-skilled, non-regular. Kung tutuusin, mas hinihimok ng pamahalaan ang mga kabataan na magtrabaho kaagad bilang low-skilled worker na siyang karamihang nakukuhang trabaho sa labas ng bansa. Dahil nga sa nakikipagkumpetensya ang Pilipinas sa cheap labor sa Bangladesh, Indonesia, Sri Lanka at umaasa ng kita mula sa remitans ng OFW, kampante na itong makapagtapos ng mga taong hanggang elementarya o hayskul lamang. Ito ang konsepto ng K-12 na puwede nang magtrabaho sa hayskul. Sa ganitong pamamaraan, mas magiging malaki ang gap ng mahirap at mayaman dahil sa ang makakapagtapos na lamang ng kurso ay ang maykaya.
ULAT LILA
MARSO 2013
Batay sa pag-aaral ng CWR, ang CCT ay ginagamit bilang pantakip sa lumalalang kagutuman ng maralitang kababaihan at pagmantini ng tradisyunal na pagkilala sa kababaihan. Nagagamit din ito para sa mga pulitikal na layunin. Pantakip dahil may hinahabol na layunin ang gobyerno na sa 2015 ay mabawasan ang mahihirap at magkaroon ng malulusog na mga bata. Ito ang takda ng MDG sa lahat ng member states ng UN. Isa ang CCT na pamamaraan para maipatupad ito sa pamamagitan ng Php1400 dole-out kada mahirap na pamilya. Nagmamantini lamang ang CCT ang tradisyunal na papel ng kababaihan bilang pangunahing tagapangalaga sa anak at pamilya. Bilang benepisyaryo ng P1400, siya ay inaasahang maging pangunahing taong responsable na magsisigurong nag-aaral ang kanyang anak at mapa-check up ng regular sa klinika. Bukod pa rito, isa sa mga kondisyon ng 4Ps ay ang regular na pagdalo sa mga pulong kada linggo. Ang magliban sa mga kundisyong ito ay magreresulta ng bawas sa makukuha o masahol pa, walang makukuha sa araw ng bigayan. Ngayong panahon ng eleksyon, maraming pulitiko na ang pumapapel sa iskedyul ng bigayan ng pera sa CCT. Batay sa data gathering ng CWR, may lugar sa Bikol kung saan ang nagbibigay ng cash sa mga nanay ay ang manugang ng mayor kung saan ang asawa ay kandidato rin. Nagagamit din ito sa pagpigil sa partisipasyon ng kababaihan sa iba pang aktibidad lalo na pag ito ay protesta o meeting ng lokal na organisasyon. Nangyari ang pagpigil na ito sa Timog Katagalugan, Visayas, at Mindanao. May mga naitala ring kaso sa Basilan kung saan, ang mga sundalo pa ang sumasama sa mga kababaihan para magkubra ng cash grant. Sa Bondoc Peninsula, nakitaan rin ng presensya ng militar sa lugar kung saan nagdi-distribute ng cash grant. Sa mga nakapanayam ng CWR na mga benepisyaryo ng CCT, 77% sa kanila ang nagsabing hindi ito magiging solusyon sa kanilang kahirapan. Ayon pa sa kanila mas gugustuhin nila kung ang ibinigay na programa ay pangkabuhayan o scholarship sa kanilang mga anak na nag-aaral. Ang kahilingan ng mga 77% na nanay na magkaroon ng matatag na programa kagaya ng kabuhayan ay malayong masasagot. Dahil sa ang buong programa ng CCT ay utang mula sa IMF at ADB, mas magiging prayoridad ng gobyernong Aquino ang magbayad dito kagaya ng dati nitong gawi.
Page 20
ULAT LILA
MARSO 2013
Chart 16_. Common Price Increase of Gasoline and Diesel, 1999-2013 (in peso per liter)
Mabigat sa bulsa ng consumer katulad ng kababaihan ang walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis dahil nagreresulta ito ng pagtaas din ng presyo ng mga batayang bilihin at pagtaas ng pamasahe. Kaya naman, wala ring kapaguran sa pagtutol at protesta ang mamamayan sampu ng kababaihan. Dahil dito, napuwersang magbuo ang gobyernong Aquino ng isang komite, ang Independent Oil Price Review Committee (IOPRC), noong Abril 2012 para diumano mag-aaral ng pricing at kita ng mga oil companies. Ayon sa IOPRC, walang overpricing sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay IOPRC committee head Benjamin Diokno, "the Oil Deregulation Laws goal of increasing competition, and thus fair price, is being achieved." Aniya, sumasabay lamang diumano ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado. Dagdag pa, nagkataon lamang na nagsasabay-sabay at magkakapareho ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo. Sa binitawang salitang ito ng IOPRC, ipinakita kung paano ang pagyakap sa neoliberal na patakaran ay nagreresulta sa pagiging palaasa sa kung ano ang dikta ng pandaigdigang merkado. Ipinakita rin kung kaninong interes ang nasusunod at pinapanigan ng pamahalaang Aquino kapag nagkakaroon na ng kontradiksyon sa pagitan ng kompanya at ng Pilipinong konsyumer.
Page 21
ULAT LILA
MARSO 2013
* VAT Inclusive ** formerly Solane, Shellane Source: processed from DOE Oil Monitor
Sa walang tigil na pagtaas ng presyo nito, direkta itong nakakaapekto sa badyet ng pamilya kaya maraming mga nanay na ang napipilitang magpalit ng gamit sa pagluluto. Ayon sa NSO, mula 2003 hanggang 2009, tumaas bahagi ng mga kabahayan na gumagamit ng uling at paggatong habang bumaba naman ang bahagi ng gumagamit ng LPG.35
Page 22
ULAT LILA
MARSO 2013
Talahanayan 8. Proposed Fare Hike in MRT/ LRT Line Bilang ng Current Fare Pasahero
MRT (Taft Avenue in Pasay City to North Avenue in Quezon City) LRT Line 1 (Baclaran in Pasay City to Roosevelt in Quezon City) LRT Line 2 (Recto in Manila to Santolan in Pasig City) 600,000 500,000 350,000 Minimum - 10.00 maximum - 15.00 Minimum - 12.00 maximum - 20.00 Minimum - 12.00 maximum - 15.00
10 kilos regular milled rice @ P30.00 per kilo 20 pcs. lata ng sardinas @ P15.00 per piece 60 pcs. itlog @ P5.00 per piece 2 kilos galunggong @ P120.00 per kilo
Page 23
ULAT LILA
MARSO 2013
Kung matutuloy ito, sa MRT halimbawa, sa minimum, kakailangangnin maglabas ng dagdag na P300 ang isang pasahero sa isang buwan kung regular siyang sumasakay sa MRT. Para sa mga 69% na pasaherong kumikita ng mababa sa P10,000, napakalaking kabawasan ito sa pang araw araw na badyet. Kung tutuusin, ang P300.00 kada buwan na dagdag sa pamasahe ay katumbas na halimbawa ng sampung kilong bigas. (Box 2)
Pribadong kuryente
Isa na ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo. Sa 44 na bansa nakasama sa sarbey ng International Energy Consultants (IEC), particular ang power rates ng MERALCO, pang-siyam ito sa pinakamahal ang singil sa buong mundo. Nangunguna naman ito kung sa Southeast Asia.36 Paliwanag ng IEC, ang mga karatig bansa ng Pilipinas katulad ng Thailand, Indonesia, Malaysia, Korea at Taiwan ay may average tariffs o power rates na higit na mababa sa rates ng MERALCO dahil sa hanggang 50% subsidyo ng pamahalaan ng mga bansang ito sa kanilang mga consumer. Sa mas palawak na pag-iral ng pribatisasyon sa kuryente, sobra-sobra ang singil sa mga konsyumer. Kung titingnan ang Talahanayan 7, sa buong Pilipinas, may 31.38% na mataas ang rate increase ng pribadong kumpanya kumpara sa mga nasa ilalim ng kooperatiba. Kung ihihimay sa bawat rehiyon ang rate increase ng pribadong kumpanya kumpara sa kooperatiba, ang pinakamataas ay Luzon (13.85%), sumunod ang Visayas (12.54%), at huli ang Mindanao (6.87%).
Talahanayan 7. Tariff Rates of Electric Cooperatives and Private Distribution Utilities, March 20120 and 2012 Electric Cooperatives Private Distribution Utilities Rate Rate Grid Mar-10 Mar-12 Increase Mar-10 Mar-12 Increase Luzon 8.954 10.3206 15.26% 8.0465 10.3885 29.11% Visayas 8.6913 10.0412 15.53% 6.8179 8.7316 28.07% Mindanao 7.1071 7.7072 8.44% 5.8864 6.7878 15.31% Philippines 8.2508 9.3563 13.40% 6.9169 10.0145 44.78%
Source: DOE, 18th and 20th EPIRA Status Report
Ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente ay dumadaan sa tatlong mahahalagang sangkap, ang generation, transmission at distribution. Sa generation nalilikha ang kuryente. Pangunahing lumilikha ng kuryente ang NPC at kasunod ang mga power producers. Mula sa mga power plants ay kailangan itong itransmit sa pamamagitan ng mga transmission lines. Para naman makarating sa indibidwal na kabahayan, opisina, pabrika at iba pa, kinakailangan ang isang distribution utility.
Page 24
ULAT LILA
MARSO 2013
Sa Pilipinas, dahil sa pagpapatupad ng pribatisasyon, hawak ng iilang malalaking negosyo ang tatlong sangkap na ito. Halimbawa, sa generation, 55% nito ang kinokontrol ng San Miguel Corporation, First Gen at ng Aboitiz Company. Ang transmission naman ay monopolyado ng Transco na pagmamay-ari ni Henry Sy. Habang ang distribution ay hawak ng ilang malalaking private distribution utilities (PDUs) katulad ng MERALCO sa Metro Manila at Aboitiz sa Mindanao. (Talahanayan 9)
Talahanayan 9. Ownership in Generation, Transmission and Distribution Generation Transmission Distribution Meralco (45 % MPI, 27% SMC, 6% Lopez)
San Miguel Corporation (20%) First Gen/ Lopez (17%) Aboitiz (15%) Henry Sy, Jr, China Grid, and the Calaca Group Aboitiz (Davao Light and Power, VECO, Cotabato Light and Power Company, San Fernando Electric Light & Power Co. Inc., Subic EC, Mactan EC., Balamban EC)
Kaya itong naglalakihang kumpanya ang kumikita dahil naipapasa nila sa konsyumer ang gastos para sa ibang bayarin. Katulad halimbawa sa sample ng isang Meralco Bill na ipinapakita sa Talahanayan 8. Ang mga item kagaya ng system loss, subsidies, government taxes, at universal charges na umabot sa Php239.80 o 18% sa bill ay isinasama para bayaran ng konsyumer. Para sa mga nanay, mabigat ang dagdag-bayad na ito lalo nat puwede na itong pambili ng pagkain.
Talahanayan 8. Actual Meralco Bill, Nov 19 Dec 19, 2012 BILL SUBGROUP SUBTOTAL PERCENTAGE Generation 677.97 51.5% Transmission 105.66 8.0% System Loss 76.60 5.8% Distribution (Meralco) 293.92 22.3% Subsidies 17.65 1.3% Government taxes 130.96 9.9% Universal charges 14.61 1.1% Other charges 0.00 0.0% Total 1,317.35 100.0%
Pribadong tubig
Bilang ang bansa ay pulo-pulo, maraming mapagkukunan ng tubig na libre ang Pilipinas. Ngunit simula nang naibigay ng gobyerno sa mga kumpanya tulad ng Manila Water at Maynilad ang konsesyon sa serbisyong patubig, naging isang mamahaling kalakal na ito. Simula nang isapribado ang serbisyong patubig sa Metro Manila at ilang karatig na bayan, tumataas ang singil nito mula 15% hanggang 21% kada taon. Sa tatlong taon na naluklok sa pagkapresidente si Aquino, tumaas ng 8% ang singil sa tubig ng Maynilad habang 9% naman ang taas sa Manila Water. (Talahanayan 9) Center for Womens Resources Page 25
ULAT LILA
MARSO 2013
Talahanayan 9. Water Tariffs of Manila Water and Maynilad, 1997-2013 Year Manila Water Maynilad 1997 2.32 4.96 1998 2.32 4.96 1999 2.61 5.8 2000 2.76 6.13 2001 4.22 10.79 2002 4.51 11.39 2003 10.06 11.39 2004 10.4 11.39 2005 13.95 19.72 2006 14.94 21.12 2007 14.94 21.12 2008 19.64 23.05 2009 21.91 27.24 2010 23.08 28.29 2011 25.11 30.34 2012 27.44 32.92 Increase 1082.76% 563.71%
from 1997 to 2012 Annual Rate Increase from 1997 to 2012
20.81% 15.42% Matingkad ngayon ang panawagan sa pag-aalaga ng kapaligiran. May ordinansya sa mga sentrong lugar na bawal ng gumamit ng plastic at kailangang magdala ng bag kapag namili. Isa itong kahanga-hangang hakbang. Kaya lamang, may catch doon. Kapag walang dalang bag, mapipilitan kang bumili ng Php2.00 na plastic o Php 35.00 eco bag. Ito diumano ay para madisiplina ang mamimili na magdala ng recyclable bag. Sa mga nanay na siyang pangunahing bumibili para sa pagkain ng pamilya, nagiging kabawasan ang Php2.00 man o Php35.00 sa badyet. At kung susuriing mabuti, para nga ba ito sa pangangalaga ng kapaligiran o isa pa rin itong pagkakakitaan? Sa 100 katao na papasok sa grocery sa isang araw na bibili ng Php2.00 na plastic, may kita ang may-ari ng Php6,000 sa loob ng isang buwan. At kung may mabentahan namang 50 katao para bumili ng eco-bag na Php35.00, may kita ang may-ari ng Php52,000 sa isang buwan. Nakuha pa nitong bayaran ang gastos rin ng bili ng may-ari ng plastic bag at pagpagawa ng eco-bag. Ang ganitong pagresponde sa problema ng kapaligiran at kalikasan ay hindi angkop na sagot para sa pangmatagalang solusyon; lalo na ang agresibong pagbenta ng kagubatan at kabundukan sa mga naglalakihang dayuhang kumpanya. Ayon sa Center for Environmental Concerns, mayroong 1,136,959 ektarya ng lupa ang pinahintulutan ng gobyerno sa pagmimina at 1,422,190 ektarya naman para sa pagtotroso. May inaprubahang 785 mining
Page 26
ULAT LILA
MARSO 2013
agreements noong Marso 2011 at pinabilis ng 38% ang coal production na umabot na sa 3.6 million metric tons.38 Ang walang patumanggang pagbenta ng kabundukan, kagubatan, at ilang pang kayamanang likas sa bansa ay nagdulot ng tuloy-tuloy na sakuna sa bawat sulok ng Pilipinas. Ang pinakahuli ay ang matinding bagyo sa Mindanao na napakabihirang makaranas ng bagyo. Nagdulot ito ng Php8.5 bilyong pagkasira sa pananim at kabuhayan at umabot ng halos 1,500 ang namatay. Ang pinakabagong sakuna ay ang pagkasira ng Tubbataha Reef dulot ng pagsagasa ng USS Guardian minesweeper. Ang Tubbataha ay tinaguriang world heritage site at isa sa 2% naiiwang coral reef na hindi nanganganib. Pero dahil sa pagsadsad ng minesweeper, umabot na sa 4,000 sq.m ang nasira dito. Ayon sa mga environmental experts, aabot ng 250 taon bago maibalik ang nasirang coral. Sa 1,500 fish species at iba pang hayop-dagat ang nabubuhay sa Tubbataha, nakapagbibigay ito ng kabuhayan sa mangingisda at pagkain sa mamamayan. Kaya, malaking kawalan ang pagkasira ng Tubbataha. Malaking katanungan ang presensya ng USS minesweeper na nabulahaw sa Tubbataha Reef. Habang nililimbag itong sulatin, wala pa ring naririnig na paliwanag mula sa gobyernong US kung ano ang pakay nila sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Para sa mga nagmamalasakit na mamamayan at kahit na rin sa ibang senador, ang pangyayari ay manipestasyon ng kung gaano kalawak ang saklaw ng puwedeng puntahan at panghimasukan ng US dahil sa mga kasunduang tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Page 27
ULAT LILA
MARSO 2013
May US special-operations task force na sumusuporta sa mga sundalong Pilipino para diumanoy masupil ang Abu Sayyaf at iba pang Muslim extremist groups sa Mindanao.39 Nag-usap sina Gen. Martin Dempsey (ang Chairman of the Joint Chiefs of Staff) at Philippine Defense Secretary Leon Panetta tungkol sa implementasyon sa bansa ng bagong national security strategy ng US sa Asya. Siniguro ni Panetta na tutulong ng malaki ang Pilipinas para sa programang ito ng US at kapalit nito ay ang pagbibigay ng US$30 milyon pondo sa militar, halos triple ng US$11.9 na binigay ng US noong 2011. 40 Ang perang ito ang siya ring ilalaan para sa mga dadagsang daan-daang Marines na pupunta sa Pilipinas sa mga susunod na taon. Muli, kailangang maging mapagbantay ng kababaihan sa mga posibleng pang-aabusong maganap sa pagdagsa ng mga sundalong Amerikano. Napatunayan na ng kasaysayan na sa gitna ng giyerat panghihimasok, ang kababaihan at bata ang siyang maraming bilang na biktima ng karahasan.
Pananagutan ng estado
Malaki ang pananagutan ng estado sa anumang karahasang nararanasan ng kababaihan at bata sa lipunan. Ito ang inaasahang magsiguro ng ligtas at katiwa-tiwalang kapiligiran lalo na sa kababaihan at bata. Ang kondisyon ng isang lipunan ay repleksyon ng kung anong uri ng estado ang namamahala. Ang isang marahas na lipunan ay mayroong marahas na pamahahala. Ang Oplan Bayanihan ay repleksyon kung gaano karahas ang estado. Isa itong counter-insurgency program para masupil ang pulitikal na kalaban ng pamahalaan na ngayon ay tanging NPA na lamang ang tinutumbok pagkatapos na nagkaroon ng peace pact sa Moro Islamic Liberation Front. Isa rin itong proteksyon para sa mga dayuhang interesado sa likas-yaman ng bansa at para mapatupad ang PPP sa kanayunan. Sa pag-iral ng Oplan Bayanihan, maraming kababaihan ang nakaranas ng karahasan. May 15 ang pinatay noong 2012. Maraming pamilya ang sapilitang lumikas dahil sa tindi ng operasyong militar. Batay sa rekord ng Karapatan, isang human rights organization, may 30,259 na biktima na ang puwersadong lumikas sa huling kwarto lamang ng taong 2012. Pinatay ang katutubong si Juvy Capion ng Mindanao at ang maralitang taga-lungsod na si Marilou Valle ng Tondo dahil sa pareho silang tumutol sa pag-iral ng PPP sa kanilang lugar. Sina Evelyn Legaspi, Pastora Latagan, Helen Gloria, Agnes Mesina, at Carla Bautista ay sinampahan ng gawa-gawang kaso para lamang mapigil sila sa pag-oorganisa ng mahihirap na mamamayan at komunidad. Hindi ligtas ang bata sa operasyong militar sa kanayunan. May 12 pinatay sa taong 2012. Naulat din ng Childrens Rehabilitation Center na ginagawa silang giya para sa operasyon. Ang iba naman ay inaakusahang batang NPA kaya ikinukulong. Simula nang umupo si Aquino sa poder noong 2010, may 16 bata na ang nakulong at inakusahang NPA. Natitigil din ang pag-aaral ng mga bata sa kanayunan dahil nagiging baraks ito ng mga military o di kaya namay pinaghihinalaan itong balwarte ng NPA, kagaya ng Center for Womens Resources Page 28
ULAT LILA
MARSO 2013
nangyari sa eskwelahan ng katutubo, ang ALCADEV sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Mahaba at humahaba ang listahan ng karahasan laban sa kababaihan at bata. Ang kultura ng militarismo at panunupil ay nakaukit sa lipunang marahas na kung saan ipinapakita ang lakas sa pamamagitan ng pananakit sa kababaihan at bata. Napapairal ang konserbatibong kaisipan na ang babae at bata ay ekstensyon at kasangkapan lamang ng awtoridad - sa pamilya man ito o sa lipunan.
Sa halip na nagtatanggol sa kababaihan at bata, ilang kaso ng panggagahasa ang naiulat kung saan ang perpetrator ay mula sa hanay ng military, pulisya o CAFGU. Sa pagmomonitor ng CWR sa mga pahayagan, nakapagtala ito ng 12 ibat-ibang kaso ng panggagahasa noong taong 2012 na ang mga perpetrators ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. (Talahanayan 10)
Talahanayan 10. Rape Cases Perpetrated by Military, 2012 Incident Place Date of the Age of Victim Incident Rape Mankayan, February Two 16 year-old Benguet 2012 teen-agers Rape Calayan, November Cagayan 15, 2012
Center for Womens Resources
Alleged Perpetrator Capt. Danilo Lalin of the 86th IB (Lagawe, Ifugao) PO2 Danilo Makiraya, PNP Regional Headquarters Support Page 29
ULAT LILA
MARSO 2013
Rape/Sex ual Assault Rape Rape Child rape Rape (of daughter) Rape
La Hacienda, Alicia Town Toril, Davao City San Fernando, Pampanga Cotabato City Cotabato City San Fernando, La Union
15 years old
Group PFC Lionel Christian Sala, Philippine Armys Engineering Support Batallion SPO1 Adonis Imbestro, PNP Toril Police Station, Davao City PO1 Omar Harold Cortez Corporal Richard Advincula Soldier of the Phil. Army 6th ID S/Insp. Jessie Quisada
Daughter July 2012 Female Detainee at Pugo Police Station, San Fernando, La Union 21 years old/textmate of Quinito eyeball
March 2012
Military Personnel Corporal Gilbert Quinito/Army soldiers of the 9th Infantry Batallion
Page 30
ULAT LILA
MARSO 2013
1 2
www.mb.com.ph, Philippine Public-Private Partnership Readiness, 21 August 2012 Ramon Clarete, Enhancing ASEANs Resiliency to Extreme on Rice Price Volatility, Asian Development Bank, August 2012 3 Cai Ordinario, Philippines goal not to import rice may harm world market: ADB, Rappler, 30 August 2012 4 Clarete, Loc. Cit. 5 National Statistics Office, Gender Factsheet, March 2009 6 Asian Development Bank, Impact of Microfinance on Rural Households in the Philippines, September 2007 7 Ibid. 8 Refer to CWRs research paper on women and CARP to CARPER 9 2012 Global Hunger Index, IFPRI, ConcernWorldwide, Welthrengarhilfe and Green Scenery, October 2012 10 Romulo Virola, Refinements on the official poverty estimation methodology and the sources of differences of the official poverty statistics and the NHTS-PR estimates, Meeting of the Cabinet Cluster on Human Development and Poverty Reduction, NSCB, 1 December 2011 11 Ibid. 12 as of March 2011 13 IBON Features, Latest poverty measure: excluding the poor from the poverty count, reposted in bulatlat.com, 07 August 2012 14 http://www.manilatimes.net/index.php/business/top-business-news/36124-underemployment-still-a-majorproblem-neda 15 National Statistics Office, February 2013 16 Tingnan ang Ulat Lila factsheet 2012 and 2013 17 Prinz Magtulis, $21.391B for 2012: OFW inflows hit new high, The Philippine Star, 16 February 2013 18 Ibid. 19 Finally, a doctor in every Philippine town, http://ph.news.yahoo.com/finally-doctor-every-philippine-town074005919.html, 10 Nobyembre 2012. 20 Challenge: Maternal Mortality, http://www.philstar.com:8080/business/2013/02/15/908884/challengematernal-mortality, 15 Pebrero 2013. 21 Ana P. Santos, Family Planning makes good business sense, Rappler.com, 17 November 2012 22 Ibid. 23 www.prism2.ph 24 See ULAT LILA March 2012 edition, wherein it cited NSSM 200 or the Kissinger Report 25 www.gmanetwork.com, Binay: HUDCC-World Bank housing strategy to help informal settlers, 9, October 2012; www.citiesalliance.org 26 Charles Buban, Informal settlers can be responsible allies, Philippine Daily Inquirer, 21 July 2012 27 Maricar Cinco, Houses for informal settlers cost P2.8M each, Inquirer Southern Luzon, 29 October 2012 28 CWR and GWP Housing Consultation with the Urban Poor Communities, 17 July 2010 29 Buban, loc. cit. 30 Ibid. 31 Aurea Calica, Govt ready to give informal settlers new homes, The Philippine Star, 07 December 2012 32 Jose Rafael Cesar Atencio, DepEd welcomes 21.49M students for 2012-2013 school opening, Philippine Information Agency, 04 June 2012 33 Kim Arvin Patria, Got a college degree? No guarantee you'll land a job, says NSCB, Yahoo! Southeast Asia Newsroom, 14 January 2013 34 Ibid. 35 NSO Household Energy Survey 36 Businessworld. PHILIPPINE POWER COSTS RANKED 9TH MOST EXPENSIVE. AUGUST 16, 2012 37 Dr. Giovanni Tapang, Study session on Energy and Public Utilities, All-Leaders Meeting, Gabriela, 28 January 2013 38 Feedback, Center for Environmental Concerns, April June 2011 39 http://thehill.com/blogs/defcon-hill/operations/231257-philippines-re-opens-military-bases-to-us-forces 40 Ibid.
Page 31