You are on page 1of 2

Damong-maria

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Damong-maria (Artemisia)

Artemisia abronatum

Kauriang pang-agham

Kaharian:

Plantae

Dibisyon:

Magnoliophyta

Klase:

Magnoliopsida

Orden:

Asterales

Pamilya:

Asteraceae

Tribo:

Anthemideae

Sari:

Artemisia
L., 1753

Type species

Artemisia vulgaris L.

Mga uri

Tingnan ang teksto.


Tungkol ito sa halaman, para sa diyosang Griyego tingnan ang Artemis. Ang damong maria[1] (binabaybay ding damong-maria[1], damong marya [1], at damongmarya[1]), artemisya[1] o Artemisia[1] (Ingles:wormwood[1], mugwort[1], sagebrush[1], sagewort) ay isang malaki at malawak na sari ng mga halamang may mga uring nabibilang sa pagitan ng 200 hanggang 400 mga uri, na kinabibilangan ng pamilya ng mga krisantemo[2] o butonsilyo[2] (Asteraceae, daisy sa Ingles). Binubuo ito ng mga matitipuno at malulusog na mga damong-gamot at mga palumpong na kilala dahil sa kanilang mga langis na bolatil (madaling sumingaw). Tumutubo sila sa mga pook na may katamtamang klima sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero, karaniwang nasa tuyo at di-gaanong tuyong mga lugar. Nalulukuban ng mga puting buhok ang mga tila-eletsong mga dahon ng mga damong-maria. May ilang mga botanistang naghahati ng sari sa ilan pang sari (henero), ngunit hindi binibigyang katibayan ng pagsusuring pang-DNA (Watson et al. 2002) ang pagpapanatili ng mga saring Crossostephium,Filifolium, Neopallasia, Seriphidium, at Sphaeromeria. Ngunit mayroon namang tatlong ibang nakahiwalay ngunit nakapailalim na mga sari (angStilnolepis, Elachanthemum, at Kaschgaria) na napapanatili sa gayong pagkakahati sa pamamagitan ng ebidensiyang ito. Ginagamit ang mga uri ng Artemisia bilang pagkain ng mga larba ng ilang bilang mga ulyabid na Lepidoptera.

You might also like