You are on page 1of 9

Sunday TV Mass June 9, 2013

Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Hunyo 9, 2013, Alas3:15 ng hapon PAMBUNGAD K: Magandang tanghali, mga kapatid. Ang Healing Eucharist, Inc. sa pakikipagtulungan ng SVD SocioCommunications Secretariat at ng ABS-CBN, kasama ang Star Magic, Dreamscape Entertainment Television, Zesto Corporation, Philippine Daily Inquirer, Saint Peter Life Plan and Chapels, Manels, Mint, Bench, Coca-Cola, Review University for Nurses, Reyes Haircutters ay inbitado po para sa pagdiriwang mula sa Market! Market Activity Center para sa mall show ng teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. Ang ating pagdiriwang ay pinamumunahan ni Rev. Fr. Glenn Paul Gomez, S.V.D. at Fr. Gerry M. Orbos, SVD at ang ating koro ang Ateneo Chamber Singers kasama si Maestro Gerald Salonga at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Magsi-tayo po ang lahat para sa pambungad na awit. ENTRANCE SONG: TAMBULI NG PANGINOON Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya kababaan ng kanyang alipin Mapalad ang pangalanko sa lahat ng mga bansa Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay Banal sa lupat langit ang pangalan ng Panginoon

At kinahahabagan niya ang mga sa kanyay may takot At sa lahat ng mga salinlahi ang awa niyay walang hanggan Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. At ipinakita nya ang lakas ng kanyang bisig At ang mga palaloy pinangalat ng Panginoon Ibinulid sa upuan Ang mga makapangyarihan Itinampok, itinaas Ang mga mababang-loob Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. At Kanya namang binusog Ang mga nanga-gugutom Pinaalis, walang dala Ang mayamang mapagmataas (ref.) Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. Inampon nya ang Israel, Na Kanyang aliping hinirang Sa dakila Nyang pagmamahal, At dala ng laking awa Nya Ayon sa ipinangako nya, sa ating mga magulang Kay Abraham at lipi Nya at itoy sa magpakailanman Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. Nagagalak ang Espiritu sa king tagapagligtas. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus) P: B: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo Amen

P: B: P:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo naway sumainyong lahat. At sumaiyo rin. Mga kapatid, ngayon po dito sa Market! Market Activity Center ang ating misa ng pasasalamat para sa mall tour ng teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. Ngayon po ay Linggo, at ipinagbatian ng sa isat isa, Good Afternoon!

P:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen! Papuri sa Diyos sa kaitaasan (Aawitin ang Papuri sa Diyos.) Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos Papuri sa Diyos sa kaitaasan At sa lupa'y kapayapaan At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan N'ya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin ipinagbubunyi Ka namin Pinasasalamatan Ka namin Dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos Papuri sa Diyos sa kaitaasan Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka, Maawa Ka sa amin lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin Mo ang aming kahilingan Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka, maawa Ka sa amin Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos Papuri sa Diyos sa kaitaasan Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon

B: Gloria P:

Paunang Salita (Maaaring basahin ang mga ito o kahalintulad na mga pahayag) Nabunyag at nasaksihan ng mga alagad at ng buong madla ang habag ni Hesus nang kanyang muling buhayin ang nagiisang anak ng babaing balo. Sa lipunan ng mga hudyo, ang mga ulila at balo ay itinuturing na mahina at walang halaga. Sa muling pagbuhay ni Hesus sa anak ng balo, ipinamalas niya na umiiral ang awa at pag-ibig ng Diyos sa kabila ng katayuan ng isang tao sa lipunan. Ibinunyag ni Hesus, sa pamamagitan ng salita at gawa, ang pasya at layunin ng Ama na bigyan ng pisikal at espiritwal na pagkalinga ang mga mahihina at aba. Pagsisisi P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan at humingi tayo ng patawad sa Diyos upang tayo ay maging karapat-dapat sa pagdiriwang ng mga Banal na Misteryong ito. (Tumigil sandali.) Sinugo ka sa mga pusong nagtitika, Panginoon, kaawaan mo kami! Panginoon, kaawaan mo kami! Ikaw ay naparito upang tawagin ang mga makasalanan, Kristo, kaawaan mo kami! Kristo, kaawaan mo kami! Ikaw ay naluklok sa kanan ng Ama upang mamagitan para sa amin, Panginoon, kaawaan mo kami! Panginoon, kaawaan mo kami!

P: B: P: B: P: B:

Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. ng diyos Ama, Amen. Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos Papuri sa Diyos sa kaitaasan. Pambungad na Panalangin P: Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, sa iyo nagmumula ang tanang kabutihan. Pagbigyan mo ang aming mga kahilingan na sa iyong patnubay ang iyong mga kinalulugdan ay aming mapagisipan at sa iyong pagakay ang mga ito ay aming magampanan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. Magsiupo po ang lahat.

inyong igaganti sa babaing nagpatuloy sa akin? Makaitlo niyang hiningahan ang bata kasunod ang ganitong dalangin: Panginoon, aking Diyos, hinihiling ko po na mangyaring ibalik ninyo ang buhay ng batang ito. Dininig ng Panginoon ang dalangin ni Elias at nabuhay ang bata. Inakay siya ni Elias at ibinalik sa kanyang ina. Wika niya, Narito ang anak mo, buhay na siya. At ganito ang naitugon ng babae: Ngayon ko napatunayan na kayo nga ay lingkod ng Diyos, at pawang katotohanan ang sinabi ninyo sa ngalan ng Panginoon. Ang Salita ng Diyos. B: Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (Slm 29) T: Poong sa akiy nagligtas, ang dangal moy aking galak.

B:

Pangunahing Tagapagbasa:

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Unang Pagbasa [1 Hari 17:17-24] (Umupo) Sa pamamagitan ni Elias, ibinunyag ng Diyos ang kanyang sarili hindi bilang isang mapaghiganti at malupit na Diyos na kumikitil ng buhay ng mga mahihina at makasalanan bagkus isang mapagmahal na Ama na nagbibigay at nagpapanumbalik ng buhay. Tagapagbasa: Pagbasa mula sa unang aklat ng Mga Hari. NOONG mga araw na iyon, nagkasakit ang anak ng balo. Lumubha ang sakit ng bata hanggang sa itoy mamatay. Kayat sinabi ng babae kay Elias: Anong ikinagagalit ninyo sa akin, lingkod ng Diyos? Naparito ba kayo upang akoy sumbatan sa aking mga kasalanan at patayin ang aking anak? Akin na ang bata, wika ni Elias. At kinuha niya ang bata, ipinanhik sa itaas, sa silid na kanyang tinutuluyan. Inilagay niya ang bata sa kanyang higaan at dumalangin: Panginoon, aking Diyos, ganito po ba ang

1. O Panginoon ko, sa iyong ginawa, kitay pinupurit akoy iniligtas, kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwat magalak. Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay; ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. (T) 2. Purihin ang Panginoon, Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang. Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal, ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan! Hindi nagtatagal yaong kanyang galit, at ang kabutihan niyay walang wakas. Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak. (T) 3. Kayat akoy dinggin, ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan. Mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan. Nadama koy galak nang iyong hubarin

ang aking panluksa. Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa. (T) Ikalawang Pagbasa (Gal 1:11-19) Ang pagtawag ni Pablo ay nagmula sa Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ni Hesus. Samakatuwid, ang kanyang pagpapahayag ay kasing halaga ng mga turo at pagpapahayag ng iba pang mga apostol.

Tagapagbasa: Magsitayo po ang lahat bilang pagbibigay galang sa mabuting balita ng Panginoon. (Aawitin ang Aleluya.) Aleluya [Lc 7:16] (Tumayo) AleluuYa Aleluuya, ikaw Panginoon, Ang syang daan, Ang buhay at ang katotohanan, ALELUYA! B: Aleluya! Aleluya! Narito at dumating na isang dakilang propeta sugo ng Diyos sa bayan nya. Aleluya! Aleluya! Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, Huwag kang tumangis. Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, Binata, bumangon ka! Naupo ito at nagsalita; at siyay ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at silay nagpuri sa Diyos. Sabi nila, Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan! At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

Tagapagbasa: Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia.


IBIG KONG malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesukristo ang nagpahayag nito sa akin. Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na itoy wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno. Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako as Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang apostol liban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. B: Ang Salita ng Diyos. Salamat sa Diyos.

Mabuting Balita (Lc 7:11-17) P: B: P: B:

B:

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

L:

Ang mga maysakit, katulad ng anak ng balo, naway makadama ng mapagpagaling na kamay ni Hesus. Manalangin tayo: (T) Ang mga tapat na yumao naway muling ibangon sa kaganapan ng buhay sa presensya ng Diyos. Manalangin tayo: (T) Para sa birthday ni Mary Sunshine Soeng Ongpauco, Sixto Boy Roa, US-based journalist Ruben Nepales, Michellen Espiritu Suarez, Pamela Pacis, Vanessa Pastor, Ramon F. Lopez, Grace Pascua Urata, Elmer Villanueva, William Piravalasamy, at Ronian Poe, Sea Wind president Boy Jarantilla, Lita Carlos and San Miguel Corporation chairman Eduardo Danding Cojuangco, Caruso Ristorante co-owner Dario Gardini, Letty Syquia, Allure columnist Michelle Dayrit-Soliven, Margot Fragante, Amalie Azanza, Carrie Bautista, Senator Miriam DefensorSantiago and Margot Rodriguez, para sa wedding anniversary ni Donita Rose at Eric Villarama at ni Joe and Marvic Concepcion, manalangin tayo: (T) Ama naming Diyos, gabayan mo kami upang aming mahipo ang mga may pusong wasak at matulungan silang madama ang iyong Anak na dumito sa amin. Hinihiling naming ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen. Manatili pong naka-tayo habang ang mga regalo ay nailagay sa altar.

L:

L:

Panalangin ng Bayan P: Gumawa ng mga himala si Hesus upang ipakita ang kanyang banal na habag at kapangyarihan. Puno ng pagkamangha sa ganitong mga kahanga-hangang bagay manalangin tayo sa Ama na nagsugo sa ating tagapagligtas. Diyos ng Buhay, dinggin mo ang aming panalangin. Sa pamamagitan ng paggabay at tulong ng mga pastol ng Simbahan naway maipakita ang pag-ibig at kalinga ng Diyos sa sambayanan. Manalangin tayo: (T) Ang gobyerno naway maging daan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa katangi-tanging pagkalinga at pagtulong na kanilang ibinabahagi sa mga dukha at mga maysakit. Manalangin tayo: (T) Yaong mga nagdusa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay naway muling sumampalataya sa buhay sa tulong ng Diyos. Manalangin tayo: (T) P:

T: L:

B: T:

L:

Pagdiriwang ng Huling Hapunan Paghahanda ng Mga Alay OFFETORY SONG: ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN Katulad ng mga butil na tinitipon, upang maging tinapay na nagbibigay-buhay. Kami naway matipon din at maging bayan mong giliw. Koro:

L:

Iisang Panginoon, iisang Katawan, Isang bayan, isang lahing sa yoy nagpupugay. (Ulitin) Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak: sino mang uminom nito: may buhay na walang hanggan. Kami naway maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (Koro) P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man! Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kalian man! Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan. Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. Ama naming Lumikha, tunghayan mo at kalugdan ang paglilingkod na aming ginagampanan upang ang aming inihahain ay iyong marapatin at ang aming pagibig ay iyong pag-alabin sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan.

Prepasyo at Pagbubunyi P: Ama naming makapangyarihan tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Lubhang nabagbag ang kanyang loob sa pagkakamali ng tao sa sansinukob, kayat minabuti niyang siyay ipanganak ng Birheng bukod mong pinagpala sa babaing lahat. Sa labi ng imbing kamatayan kami ay inagaw ng namatay mong Anak. Sa pagkabuhay niya, kamiy kanyang binuhay upang kaugnayan namin sa iyoy huwag magwakas. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan: (Awitin ang Santo.) Santo Santo, santo, santo, Panginoong Diyos na makapangyarihan! Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan! Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat Pangunahing Tagapagbasa: Magsiluhod po ang lahat. P: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan. Kayat sa pamamagitan ng iyong Espiritu, gawin mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa amiy maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo. Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog, hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin ninyo itong lahat at kanin: Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.

B: P:

B: P: B:

Panalangin ukol sa mga Alay P:

B: P: B: P: B: P: B:

Prepasyo (Karaniwan II)

Gayon din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. Mystery of Faith P: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya. (Magsisitayo ang lahat at aawitin ang Sa Krus Mo at Pagkabuhay.) Sa krus mo at pagkabuhay, Kamiy natubos mong tunay, Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman. Intercessions Pari: Ama ginagawa namin ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak, kayat iniaalay namin sa iyo ang tinapay na nagbibigaybuhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kamiy nagpapasalamat dahil kamiy iyong minarapat na tumayo sa harap upang maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni Francisco na aming Papa at ni Luis Antonio na aming Arsobispo at ng tanang kaparian. Alalahanin mo rin ang mga kapatid na nahimlay nang may pag-asang silay muling mabubuhay, gayon din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na P:

Ina ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo, sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo. Dakilang Amen Pari: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya, ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen, Amen, Amen, Amen Aleuya! Purihin ang Diyos, Purihin ang Diyos Aleluya! Amen, Amen, Amen, Amen Aleuya! Ang Pakikinabang Panalangin ng Panginoon P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipayahag natin nang lakas-loob: (Aawitin ang Ama Namin.) Ama Namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo Dito sa lupa para nang sa langit Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa arawaraw At patawarin mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahin-tulot sa tukso At iadya mo kami sa lahat ng masama. Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Sapagkat sa'yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman! Pagbibigayan ng Kapayapaan P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. At sumaiyo rin! Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isat isa. (Pagkatapos ng pagbati ng kapayapaan, hahatiin ng Pari ang ostiya habang sinasabi: Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan. (Aawitin ang Kordero ng Diyos.) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo, Maawa Ka sa amin. Kordero ng Diyos, maawa ka. Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo, Maawa Ka sa amin. Kordero ng Diyos, maawa ka. Kordero ng Diyos na nag-aalis Ng mga kasalanan ng mundo, Ipagkaloob Mo sa amin Ang kapayapaan. (Magsisiluhod ang lahat.) Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod)

P:

Narito si Kristo, ang Panginoon ng Buhay at Tagapagligtas. Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad tayong mga tumatanggap sa kanya. B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. P: May the body and blood of Christ bring us to everlasting life. Pangunahing Tagapagbasa: Amen. Communion Song Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo) P: Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming mapagmahal, ang pagganap sa iyong pagbibigaykagalingan ay pumawi nawa sa aming mga nagawang pagsuway at magdulot nawa ng iyong mga kinalulugdan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

B: P: B: P:

Paghahati-Hati sa Tinapay at Pagsasalo B:

Bago po tayong magtapos, inayahan kami po sa pagdiriwang ng Ika-115 taong Araw ng Kalayaan 2013, ang temang ito ay Ambagan Tungo sa Malawakang Kaunlaran. Pinamumunahan ng kagalang-galang Pangulong Benigno S. Aquino III, Pangalawang-Pangulong Jejomar C. Binay, Pangulo ng Senado Jinggoy Ejercito-Estrada, Punong Ministro ng Korte Suprema Maria Lordes P.A. Sereno, para sa simultaneous flagraising ceremony ay magaganap sa Bonifacio Monument, Rizal Park, Aguinaldo Shrine, Pamintuan Shrine at sa lahat ng mga gusali sa buong Pilipinas. Ang pagdiriwang ito ay magaganap sa ganap na alas-siyete ng umaga, Miyerkules, Hunyo 12, 2013. At binabati naming ng advance happy 115th Independence Day sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Demokrasya! Huling limang gabi na ng Ina, Kapatid, Anak, bukas, Lunes, Hunyo 10 hanggang Biyernes, Hunyo 14, wag kalimutan panoorin ang programang para sa huling pagtatanghal dito lang sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

PAGTATAPOS P: B: P: Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin. Magsiyuko tayo samantalang iginagawad ang pagpapala. (Tumahimik) Ama naming mapagpala, ipagtanggol mo at basbasan ang mga kaanib ng iyong angkan. Ipagkaloob mo ang kalusugan ng buong katauhan, ang walang pag-iimbot na pagmamahalan at ang walang maliw na katapatan sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak () at Espiritu Santo ay manaog nawa at mamalagi sa inyo magpasawalang hanggan. Amen. Tapos na ang Misa. Humayo kayot ibahagi sa inyong kapwa ang mga kabutihang tinanggap ninyo kay Kristo. Salamat sa Diyos.

Pagbabasbas

B: P: B: P: B:

Pangwakas

You might also like