You are on page 1of 2

Patrick James L.

Urcia

Grade VI-1

Malay
Tumuturo dito ang Malayo at Melayu. Para sa ibang gamit, tingnan ang.Malay (Paglilinaw). Ang mga ay isang pangkat etnikong Awstronesyo mula sa Timog Silangan Asya na pangunahing matatagpuan sa Bruney, Indonisya at Malasya[1][2]Bagaman isang menorya ngayon sa Singgapur, sila rin ang kinikilalang mga katutubo ng Lungsod-Estado.[3] May higit-kumulang 300 milyon ang bilang ng mga Malay. Malay ang lingua franca ng mga Malay, bagaman sa iba't ibang yugto ng kanilang kasaysayan ay natuto rin sila ng Portuges, Olandes at Inggles. Maliban sa mga wikang nabanggit, nagsasalita rin ng sari-sarili nilang mga lokal na wika ang mga Malay, na nabibilang sa pamilyang Awstronesyo. Ang Arabe naman ang mga wikang liturhiko ng mga Malay.

Kasaysayan
Ayon sa kasaysayan ng Jambi, ang salitang Melayu ay mula sa isang ilog na may pangalang Sungai Melayu malapit sa Sungai Batang Hari ng kasalukuyang bayan ng Muara Jambi, lalawigangJambi ng Sumatra, Indonesia. Ang nagpundar ng Malacca Parameswara ay isang prinsipe ng Palembang na pag-aari ng isang bansang tinatawag na Melayu noong siglo 7. Malinaw na itinala ito ni Yi Jing (635-713) sa kanyang talaarawang aklat na mayroong bansang may pangalang Ma-LaYu. Ayon sa mga arkeolohikong pananaliksik ng Jambi, maraming mga kasangkapan pangarkitektura noong sinaunang Melayu ang natagpuan kasama ang mga ebidensya nito. Sa matandang wikang Tamil ng India, 'Kanlurang Bundok' ang ibig sabihin ng Malaya Ang salitang Malay ay direktong hiniram mula sa Inggles; ang katawagang Malay sa Inggles ay siya namang nagmula sa salitang Olandes na Maleir na nagmula naman sa na Melayu ng salitang Malay. Sa Kastila naman, malayo ang ginagamit na katawagan. Ayon sa isang hinuang popular, ang salitang Melayu ay nangangahulugan ng "dumayo" o "lumayo," na maaring pakahulugan sa mapaglakbay na lipi sa rehiyong ito.

You might also like