You are on page 1of 2

Kung nababasa niyo to, marahil ay namatay na ko. Unang una sa lahat, dahil wala na ko, umiyak kayo.

Lahat na lang ng namatay, gusto masaya ang pagkamatay. Ayoko nga. Gusto ko malungkot kayong lahat. Dapat pag nakita niyo katawan ko, iiyak kayo. HAHA. Pero sige pag nakaiyak na kayo isang beses, pwede na ulit mag-smile. Hoy mame dade, lagay niyo yung rule na yun sa entrance ng lamay ko. Unang una sa lahat, magththank you muna ko. Maraming maraming salamat sa mga magulang ko, kasi kung wala sila, wala ako. Kung wala ako, hindi awesome ang mundo. Mame Dade thank you kasi binuo niyo ko, kahit wala ako sa plano niyo. HAHA. Hindi niyo naman pinagsisihan diba? HEHEHEHE. Thank you kasi alam kong todo trabaho kayo para sa pamilya natin. Mame salamat sa pagttyaga niyo sakin nung baby ako, tsaka sorry po kung makulit ako nung bata pati mga pagtakas ko ng bahay. Dade thank you sa pag-ttrabaho mo ng walang humpay, kahit alam kong wala ka ng tulog, tuloy ka pa rin, mapakain lang kami. Maraming maraming salamat sa inyo kasi binigay niyo lahat sa akin ng gusto ko, kahit hindi na ko humihiling, binibili niyo pa rin ako. Napakaswerte ko po na kayo ang naging magulang ko, kayo po talaga ang best na parents sa mundo promise! Hindi ko pinangarap ang ibang magulang ni minsan! Salamat po! Thank you sa ate ko. Marahil ngayon, magkasama na kami at ginagawang awesome ang langit. Ate, ikaw ang best na ate sa lahat. Napakasarap mong kasama, ikaw ang bestfriend ko sa lahat. Gusto ko yung lagi mo kong kinikiss sa cheeks ng sobrang dami. Tapos yung mga kwentuhan natin sa gabi. Ate, masaya na ko siguro ngayon kasi kasama na kita at si Lord. Thank you sa kuya ko na the best. Kuya, sayang kasi hindi man lamang tayo naging close. Gustong gusto kita maging kaclose nung bata pa lang ako kaso naubusan yata tayo ng time pero gusto ko malaman mo na ikaw ang best na kuya sa mundo. Namiss ko yung nagcocomputer pa tayo sa computershop para lang makapaglaro ng games. Salamat kuya sa memories. Thank you sa huling babaeng minahal ko, Ayesha. Ikaw ang minahal ko sa lahat ng babaeng nakarelasyon ko. Dati di ako naniniwala sa pag-ibig promise! Akala ko ang pag-ibig, sa movies lang. Basta si Ayesha, crush ko lang yan nung highschool. Tapos nung college na kami, mas tumindi pag ka crush ko dyan, kaso may boyfriend. HUHU. Kaya abangers ako dyan sa babae na yan. Pinangako ko sa sarili ko nun, Ayesha, magbreak lang talaga kayo ng boyfriend mo, seseryosohin kita!. At iyun nga, nagbreak at sila at syempre, ang inyong lingkod, ay nakipagbestfriends at patuloy sa pag-iibigan. Ayesha, thank you. Thank you sa memories. Dahil sayo, naniwala ako sa pag-ibig. Mahal kita. Kung sa ngayon, di pa tayo mag-asawa, pwede ka magmahal ng iba after a year. Pero pag mag-asawa na tayo, bawal ka na magmahal ng iba. HAHAHA. Asikasuhin mo na lamang ang mga anak natin. Muah. I love you. Sa aking mga kaibigan ko! SINONG MALUNGKOT NGAYON? HAHAHAHA. Joke lang guys. Mahal ko kayo. Sa college friends ko, magpagalingan kayo pag architects na kayo ha? Pataasan kayo buildings haha dapat masundot pwet ko dito sa langit ng tuktok ng building niyo hahaha. Sa high school friends, thank you! Kasi kahit nag college na tayo, close pa rin tayo. As in close! Sa mga naging bestfriends ko, Joel, Rad. Thank you sa memories mga pare, kahit medyo nagkahiwalay hiwalay na tayo, maganda memories natin kasi di ako naging alone nung highschool dahil sa inyo. Kay Jerome at Ronie, salamat mga pare kase sama sama tayo lagi sa college. Kahit napipikon na Ronie sa mga pang-aasar natin haha. Salamat kasi magkakasama tayo sa hirap at ginhawa sa architecture.

Sa mga kaaway ko at mga galit sakin, huwag na kayo magalit sakin. Sorry na. Magpa-victory party na kayo haha. Pero salamat din sa inyo kasi, kung wala kayo, di aayos ang buhay ko. Patawarin niyo na ko ha? Enjoy the party guys. At sa inyong mga pumunta sa lamay ko, thank you sa inyo. Sa mga nagnakaw ng candy at pumapak ng kape, thank you. Sa mga nagkalat ng buto ng kalabasa at natuyuan ng labi sa cornick kakakain, thank you. Sa mga sinamahan ang pamilya ko sa pagpupuyat, thank you. Sa mga nabigatan na nagbuhat ng kabaong ko sa libingan , thank you at sorry, nagdiet naman ako. At sa lahat, gusto ko lang sabihin sa inyo na, kasama ko na ate ko at nagpaparty kami dito ngayon sa langit. Kaya pagkalibing niyo sakin, wag niyo na ko alalahanin. Wala na akong pake sa inyo. Problemahin niyo na buhay niyo. Maraming Salamat ulit! Mahal na mahal ko kayong lahat!

Ang inyong lingkod, Gilbert Javier

You might also like