You are on page 1of 1

Katangian at patnubay sa pagbasa 1. Ang gawaing pagbasa ay nagtataglay ng mga mahahalagang patnubay.

At ito ay ang mga:

a. Tukuyin ang teksto at ang paksa nito, Kung may kaugnayan ito sa iyon pangangailangan. b. Alamin ang tiyak na layunin ng tekstong babasahin gayon din ang katauhan ng may akda c. Gawin ang tamang paraanm upang maunawaan at masuring mabuti ang mga kaalaman o konseptong babasahin, katulad ng: Gumamit ng diksyonaryo para sa mga salitang hindi lubos na maunawaan ang kahulugan. Itala ang mga mahahalagang impormasyon. Ihanda ang sarili para sa gagawing pagbasa, huwag pagtuunan ng pansin ang mga bagay na makasasagabal dito. Isaalang alang ang mga akademikong kasanayan sa pagbasa. Gawing bahagi ng pang araw-araw ng buhay ang pagbasa.

2. Narito naman ang mga katangian ng pagbasa : a. Ang pagbasa ay isang interaktibong Gawain ng paghahatid at pagtanggap ng komprehensibong uri ng komunikasyong kinasasakutang ng dalawang magkaugnay na pamamaraan (two-way process) ang manunulat at ang mambabasa. b. Ito ay ginagamitan ng isip,damdamin,at ng dati ng kaalaman upang ganap at mabisang maunawaan ang ipinahahayag ng manunulat. c. Ginagamitan din ito ng tamang pag-unawa o pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit ng may-akda,kasama rin dito ang pagbibigay interpretasyon o imahinasyon sa biswal na inihahayag sa pagbasa.

You might also like